Share

CHAPTER 5

GABRIEL

      Nasa billiard room sila ng hotel na tinutuluyan ni Marco. Hawak niya ang cue stick, at pinagmasdan niyang mabuti ang mga bola kung saan niya ito ipapasok. Nakapameywang siya habang pinagmamasdan niya ang mga ito.

      To find the target, he positions himself behind the line of aim. He walks behind the cue ball, maintaining his eye on the contact spot he wants to strike, and prepares to shoot. Nakangisi siya, at akma na sana niyang itira ng may biglang yumakap mula sa kanyang likuran kaya napatigil siya. Napatingin siya sa kanyang likuran. 

“Isabella!”

     Umaaliwalas ang mukha niya nang makita niya ito. Umalis ito sa pagkakayakap sa kanya, at umayos na siya nang tayo. Bigla na lamang siyang hinalikan sa kanyang mga labi kaya napangiti siya sa ginawa nito. Isabella will always be Isabella.

"What a hot view!" natatawang komento ni Marco, at sumipol ito.

    Natawa na lamang siya sa kalokohan nito. Bumaling siya kay Isabella, at tinitigan niya ito nang mabuti. What a sexy human being in front of him. Maiksi ang kasuotan nitong red dress, at may slit pa sa gilid ng hita. Nakapagtataka lang na nandito ito sa England, kung may gaganapin itong photoshoot sa Paris.

"What are you doing here, Isabella?"

 " I miss you already, that's why I came here, babe."

  She clung to his neck, and gave him a seductive look. As their eyes locked, her face moved closer to his, and their lips were about to kiss when someone intervened. 

 “Get a room, guys! Gagawin ninyo pang motel itong hotel na ito.”

    Natatawang humiwalay sa kanya si Isabella. Pinameywangan nito si Marco, at tinaasan ng kilay.

“Sabihin mo, nagseselos ka lang dahil wala kang kasamang babae.”

“Me?” Natatawang tinuro nito ang sarili, at nagmamayabang na pinagpag nito ang damit. “Si Marco Hermano, mawawalan ng babae? Oh common! That will never happen to me.”

   Umingos si Isabella sa sinabi nito, at umirap dito. Humarap na si Isabella sa kanya.

“Why don’t you come with me, Gabriel? I-enjoy natin ang araw na ito na magkasama.”

“Yeah, sure. Bakit—” 

      Napahinto siya sa pagsasalita ng tumungog ang kanyang cellphone. Kinuha niya mula sa loob ng coat niya ang cellphone, at tiningnan kung sino ang tumawag sa kanya. Kumunot ang noo niya nang makita niya ang pangalan ng assistant ni Lolo na si George. Bakit kaya ito tumawag sa kanya?

     Pinindot niya ang accept, at tinapat sa kanyang tainga ang cellphone niya.

“Hello? Napatawag ka, George?”

[Sir, tumawag po ako sa inyo upang ipagbigay alam na darating ngayon sa England ang private jet ni Don Hernard.]

      Palihim siyang napamura sa sinabi nito.

“Agad-agad? Bakit hindi man lang ako binigyan ng ilang araw para magpaalam sa mga kakilala ko o sa mga staff ko rito sa England? Bakit private jet pa ni Lolo ang gagamitin? Akala ko ba ay i-email niya sa akin ang plane ticket?”

   He knew he was f-ck up. He was asked by his grandfather Hernand Donovan to manage Hacienda Gabriela. Because of this, Gabriel knew that he would have to stay in Ilocos for a while.

     Bakit ba niya nakalimutan ang sinabi ni Lolo? 

[Isa lang ang gusto ni Don na hindi ka na aatras sa alok niya na mamahala sa hacienda. Naisip ng Lolo mo na mas mabuting sa private jet na lang kaysa kukuha ng plane ticket.]

     Napasapo siya sa kanyang ulo. This is really frustrating. Ayaw niya munang bumalik sa Pilipinas. Gusto niya rito sa England dahil magagawa niya ang gusto niya. Nababahala siya kapag bumalik siya sa Pilipinas.

  He would cease hanging out with girls, and wouldn't be able to find a woman to date.

[Paano… susunduin kita bandang alas singko ng hapon, Sir Gabriel?]

     Nanlalaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. 

“A-anong sabi mo? Mamaya na?” Nakaramdam siya ng pagkahabag sa sinabi nito.

 Sh—t! Napatingin siya sa kanyang kaibigan. Nagtatanong ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. Malaking problema talaga ito. Hindi pa niya kayang umalis. Paano ang mga babae niya?  

[Sa ayaw, at gusto ninyo ay susunduin namin kayo.]

    Palakad-balik siya. Hindi na siya mapakali sa kanyang kinatatayuan.

“Pwede bang pakisabi kay Lolo na huwag muna ngayon?”

[No is a no, sir. Bye.]

      Wala na lang siyang nagawa kundi napasuntok na lang sa hangin. 

“Anong nangyari, Gabriel?” 

     Napatingin siya kay Isabella nang hinahaplos nito ang kanyang braso.  Bumuntong-hininga siya.

“My grandfather wants me to go back to the Philippines.”

   Kunot-noo siya nitong tiningnan. “Bakit? Siguro, gusto ka niyang makasama kasi matagal ka na rin hindi nakapagbakasyon sa Pilipinas.”

 “Okay na sana kung ganoon ang mangyayari, pero hindi.” Ginulo niya ang kanyang buhok. “Gusto ni Lolo na ako ang mamahala sa hacienda. Ibig sabihin, hindi na muna ako makakabalik dito.”

     Napaupo siya sa billiard table, at napasipa na lang dahil wala siyang magagawa kundi pumayag sa kagustuhan ni Lolo Hernand.

— — 

     Dumating nga ang araw na nakabalik na siya sa Pilipinas. Nasa himpapawid pa siya kasama si George, at dalawang bodyguard. Natanaw na niya ang Hacienda. Talagang sinisigurado ng lolo niya na makabalik siya sa Pilipinas. Sinama pa talaga ang bodyguard nito. Sa pagkakaalam niya ay black belter ang dalawa. Ano ba ang magagawa niya kundi sumama? Napahawak siya sa kanyang panga, at ngumiwi. Nakatanggap siya nang sapak sa mga ito dahil nagtangka siyang tumakas.

      Halos bente quatro oras sila na nasa himpapawid.

“Anong feeling mo na nakabalik ka na sa Pilipinas, Gab?” nakangising tanong sa kanya ni Marco.

     Hindi niya ito sinagot. Sinamaan lamang niya ito ng tingin kaya natawa ito sa kanya. Sumama ito sa kanila papauwi sa Pilipinas. Akala niya’y magtatagal pa ito roon, pero nang malaman nito na jet plane ang gagamitin nila papauwi ay walang pagdadalawang-isip na nag-impake ito ng mga gamit. 

“Alam kong labag sa kalooban mo ang kagustuhan ni Lolo Hernand, pero hindi mo ba naisip na maaari ka ring magnegosyo rito sa Ilocos? Maaari mo ring gawin ang mga bagay na ginagawa mo sa England."

     Napailing, at natawa siya sa pinagsasabi nito.

“Parang hindi mo kilala si Lolo, Marco. Noong oras na nalaman niya na kabi-kabila ang babae ko ay sinira niya ang isa sa paborito kong sasakyan.”

  “Naalala ko nga.” Humalakhak ito sabay palakpak. 

     Inabot niya ang kanyang sapatos, at tinapon sa pagmumukha nito, subalit nakailag ang gago. Mas lalo pa itong humalaklak. Bumaling siya sa labas ng bintana. Matagal na rin siyang hindi nakatapak dito sa Hacienda Gabriela. Ang una niyang dapat gawin kapag makarating na sila sa hacienda ay pupunta siya sa waterfalls na pinagitnaan ng Hacienda Santillan, at Hacienda Gabriela.

—--

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status