Share

CHAPTER 6

ELIZABETH

“Ma’am, saan po ang punta ninyo? Nagsabi sa akin ang ama ninyo na huwag kayong umalis dahil may kailangan daw po kayong pag-uusapan,” bungad sa kanya ni Inday nang makababa na siya sa hagdan.

Inayos niya ang kanyang suot na sunglasses dahil malapit na itong mahulog. Napagdesisyon pa naman niyang pumunta sa waterfalls na malapit sa farm nila dahil gusto niyang mag-swimming. Nagsuot pa naman siya ng swimsuit na itim at pinatungan lang niya ng mabulaklak na bestida kaya hindi pwedeng hindi siya makapunta sa talon na iyon.

“Inday, sabihin mo na maliligo muna ako sa talon dahil matagal na rin akong hindi nakaligo roon at kasama na rin ang pamamasyal.”

Nakita niya ang pagkabahala rito, pero hindi niya iyon iniintindi. Gusto niyang lumabas dahil gusto niyang makalanghap din ng sariwang hangin. Nabuburyo na siya rito sa loob ng bahay dahil wala na siyang ibang ginawa kundi sa loob lang ng kwarto kapag wala siyang ibang ginagawa. Ayaw din naman niyang makipaghalubilo sa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status