Share

CHAPTER 23

ELIZABETH

Hinihila siya ni Gabriel patungo sa mga magulang nito. Panay hila siya sa kanyang kamay subalit humihigpit lamang ang pagkakahawak nito sa kanya. Ayaw talaga siya nitong bitawan. Ang matagal na niyang kinaiinisan na tao ay makikita na naman niya ulit. Ang liit talaga ng mundo. Akala niya’y hindi sila magkikita, ayon naman pala’y konektado pa rin siya sa nakaraan.

Nakita niya ang mga magulang nito na nakikipagbiruan kay Don Hernard kasama si Marco. Abala ang mga ito sa pag-uusap kaya hindi sila napansin. Huminto si Gabriel ng ilang pulgada. Napansin lamang sila ng mga ito nang tumikhim ang binata. Napakuyom ang kanyang kaliwang kamay, at napahigpit ang pagkakahawak kay Gabriel. Nakaramdam siya ng pagkanibugho sa taong nasa harapan nila ngayon. Akalain ba naman niya ay magkikita sila ni Anna.

“Ma… Pa…”

“Anak!”

Nakita niya ang kasiyahan sa mukha ng dalawang bisita nang makita si Gabriel. Napabitaw ang paghawak-kamay nila ni Gabriel mula nang bigla na lang niyakap n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status