Share

CHAPTER FOUR

"Ano ba naman yan. Wala na ngang klase pinagpalinis naman tayo ng room," reklamo ng isa kong kaklase habang nagpupunas ng bintana.

"Hayaan mo para naman 'to sa atin," sabi ko naman habang nagpupunas sa kabilang bintana.

Todo linis kami ngayon kasi bukas ay may event ang school at may mga bisita pa galing sa ibang school. Every year ay may event ang school kung saan dumadalo rin ang iilang school na nasa city namin. Bukod sa math camp ay may parang jamboree na nagaganap rito sa school na siyang dinadayo ng ibang students.

Lahat ay abala. Ang boys ay inilalabas ang mga upuan at nilalagay sa hallway. Ang iba naman ay nagbubunot ng damo sa likod at harap ng room. At habang ang ibang girls ay nagwawalis at naglalagay ng floor wax sa sahig alangan naman sa wall.

Habang nagpupunas sa bintana na katapat na pwesto sa likod ng room ay nakita ko si Akihiko na nagbubunot ng damo. The way he grab the grass looks sexy and appealing. Medyo napalunok pa ako sa aking nasaksihan. Sa bawat hawak niya ng damo gamit ang kanyang mahahabang daliri ay bumabakas sa kamay niya ang kanyang mga ugat. Saan ba 'to pinaglihi ni Doctora Cantilejo? Sa puno ba? Sa mga fictional character?

Titig na titig lang ako sa kanya. Agad akong nataranta ng bigla siyang nagtaas ng tingin at nagtama bigla ang mga mata namin. Sa sobrang taranta ko ay nagkamali ako ng apak sa upuan na ginagamit ko para maabot ang mataas na parte ng bintana na siyang naging sanhi ng aking pagkahulog. Di nga ako nahulog sa kanya sa sahig naman shemay. Nagkaroon pa ng tunog ang pagbagsak ko na siyang ikinatingin ng mga kaklase ko. S***a naman medyo masakit pagkabagsak ko.

Agad naman akong nilapitan ni Rita na siyang malapit sa akin. Nagsilapitan din ang iba ko pang kaklase.

"Okay ka lang ba Dion?" Tanong ng babae sa akin. Try niya kayang mahulog kung maging okay siya.

"Tanga ka ba? Nahulog nga eh syempre di okay si Dion," sabat ng isa kong kaklase. Jasmine ata pangalan niya.

"Kaya nga. Ikaw kaya ihulog namin ng malaman mo?" Sabat pa ng isa.

Napapikit ako sa sakit ng balakang ko.

"Boys tulungan niyo kaming dalhin si Dion sa clinic," sabi naman ng isa kong kaklase na nakadungaw sa kabilang bintana.

Matapos ang ilang minuto ay dumating si Kennedy. Isa siya sa crush ko dati pero dati yun hindi na ngayon.

"Are you okay Dion?" tanong niya pagkaabot sa akin. Isa pang tanga naku.

He was about to scoop me up when someone stopped him.

"Let me bring her to the school clinic. I have something to tell my sister," sabi ni Akihiko habang mariing nakahawak sa kamay ni Kennedy.

"S-sige pre," medyo nauutal na saad ni Kenn.

Agad akong binuhat ni Akihiko na parang bagong kasal. I encircled my arms around his neck with no malice syempre. Dahil nga sa magkalapit ang mga katawan namin ay ramdam ko ang init ng katawan niya. Naamoy ko rin ang pabango niya. Hindi gaano matapang ngunit sobrang bango at relaxing. Diretso lang siyang nakatingin sa daan habang naglalakad papalabas ng room. Dahil sa hiya na naramdaman ko habang nakatitig ang iba naming kaklase ay mas isinubsob ko ang aking mukha sa dibdib ni Akihiko.

Medyo malayo-layo ang clinic kaya hindi pa nga kami nangangalahati ay pansin ko na ang pawis sa mukha at leeg ng lalaki. Sino ba naman ang di mabibigatan sa 44 kilograms na babae? Gamuntik na akong maging isang sakong bigas.

"U-uhm Akihiko pwede mo naman ako ibaba kung pagod ka na. Alam kong mabigat ako at saka kaya ko naman magpunta ng clinic mag-isa," suggest ko sa kanya.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at ang pagsasalubong ng itim at makapal niyang mga kilay. "Do you think hahayaan kitang magpunta roon ng mag-isa? I am not that heartless Dion."

Napanguso na lang ako sa nadinig. Siya lang naman 'tong iniisip ko eh. Ayoko siyang mapagod ng dahil sa akin.

Hanggang sa makarating kami ng clinic ay tagktak na ang pawis niya. Basa na nga ang talukap ng mga mata niya pati na rin ang kanyang buhok. Pero ang gwapo niya pa rin. Harot pa Dion.

"Oh what happened Haru?" pang bungad na tanong sa amin ni ate Tina.

"Nahulog po ako ate sa upuan," ako na ang sumagot dahil sa pansin ko rin na hirap ng huminga si Akihiko.

"Ihiga mo na lang si Dion dun at kukuha ako ng ointment and some patches," sabi ni Ate Tina sabay turo sa isa sa bed ng clinic.

Naglakad na si Akihiko papalapit sa higaan at dahan-dahan akong inihiga. Paglapat pa lang ng likod ko sa higaan ay napapikit ako sa sakit sabay ungol bilang pagdaing. Dion naman nakakahiya. Dahil sa nakapikit ako ay di ko nakita ang reaksiyon ni Haru.

"Ate I think Dion need to go to a hospital for a check up," sabi ni Akihiko sa ate nito ng makalapit na si ate Tina sa amin.

"After I put an ointment I'll call the gate to accompany Dion," Ate Tina said and I felt that she lifted my uniform. Seryoso ba si ate? Lalagyan niya ako ng gamot habang andito ang kapatid niya? Lalaking kapatid niya to be exact?

"Uhm A-akihiko pwede labas ka m-muna?" nahihirapang sambit ko. Ramdam ko rin ang pag-init ng mukha ko at paniguradong namumula na ako. Pinahiga ako ni ate Tina ng patihaya at inumpisahan niya na akong gamutin.

After akong malagyan ng ointment at patches sa likod ay bumalik na si Akihiko. Ngunit nagtungo muna siya sa ate niya. May pinag-uusapan pa ata.

After a few minutes ay lumapit na siya sa akin at binuhat ako. Wait saan niya ako dadalhin?

"Where are we going?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Beh english. Where are we going lol.

"Hospital. I borrowed my sister's car and ako na ang magdadala sayo roon," mahinahon naman niyang sagot sa tanong ko.

Agad naman kaming nagtungo sa parking lot para sa mga school staffs. Nang marating namin ang kotse ni ate Tina ay ibinaba niya muna ako para buksan ang pinto. Kaya ang siste namin ngayon ay nakahawak ako sa dibdib niya at siya naman ay nakahawak sa aking bewang.

"Wanna sit on the passenger's seat or on the back seat? But I'll be more comfortable if mahihiga ka na lang sa likuran," suhestiyon naman niya sa akin.

"S-sige sa l-likod na lang ako," shem Dion lagi ka na lang nauutal.

Tinulungan niya akong makasampa sa sasakyan. He even put a neck pillow on my neck. Caring pala ang WaBu ko eh. Nginitian ko siya bago niya isara ang pinto ng sasakyan. Umikot siya papunta sa driver's seat at marahang minaniobra ang manibela ng sasakyan at nagdrive.

Hindi gaano malayo ang ospital sa school namin kaya ilang minuto lang ay narating na namin ito.

Kahit sa pagpasok ng ospital ay binuhat niya pa rin ako. Nawiwili na siyang buhat-buhatin ako. Sheesh.

"Wuy no need namang magpunta tayo rito. Hindi naman gaano kalala yung sakit ng likod ko," nag-aalangang saad ko. Pag kasi na ospital pa ako ay gagastos pa ng pambayad. Mas lalong mamomroblema sila mama kung saan kukuha ng pambayad.

"Anong hindi masakit? You keep on wincing everytime na hihiga ka. We need to make sure na wala kang bali baka magka-infection ka pa," paliwanag naman niya sa akin.

"Wala kasi akong pang bayad para sa consultation. Ayoko naman unahin pa 'to. May mas mahalagang paglaanan ng pera at ayoko dagdagan ng problema sina mama."

"Ako na bahala magbayad. May kasalanan naman ako kung bakit ito nangyari," hindi na ako nakapagsalita sa itinugon niya.

Akala ko ay sa emergency room kami dederetso ngunit nagkamali ako. Nagpunta kami sa isang room. At base sa nakasulat ay office ito ni Doctora Cantilejo.

Pagkapasok namin ng office ng doctora ay nadatnan namin itong may ginagawa. Mukhang mga papeles ata.

"Oh son, Dion what brings you here?" Tanong ni Doctora Cantilejo sa amin. Ngunit hindi nagsalita si Akihiko kaya ako na ang sumagot sa ginang.

"Nahulog po kasi ako mula sa upuan habang naglilinis po ng bintana ma'am," mahinang sagot ko habang nakahawak pa rin sa leeg ni Akihiko kasi wala ata siyang balak ibaba ako.

"You need to check her mom. We need to make sure na wala siyang bali sa katawan. Baka magkaproblema sa spine niya," ay ang OA naman ata nung problem sa spinal cord. Tsaka hindi naman ganun kasakit bagsak ko. Parang nabagsakan lang ako ng kalahating sako ng bigas ganun.

"Uhm doctora no need naman ata ng full check up," sabi ko ng nakangiwi. Di na nagsalita si Doctora Cantilejo at iginaya niya kami extended room ng office niya.

"Put her down on the bed son and get out," ani ni Doctora habang may kinukuha sa cabinet. Akihiko took a glance at me before walking towards the door. I just smiled at him. Assuring him that I'm okay with his mom.

"You can change on your own ba or you need help?" tanong sa akin ng ginang. Ang hinhin magsalita ni ma'am katulad ni Ate Tina. Hindi ko ma-imagine boses nila pag galit.

"Kaya ko naman po ma'am," sagot ko sabay ngiti. Nag umpisa na akong magtanggal ng uniform ko at di na pinansin ang presensya ng doctora.

"Tita na lang tutal you're close with my son. And balita ko kay Tina you are her assistant sa school clinic."

"Ah yes po. Kinuha ko na po yung opportunity. Dagdag tulong na po yun kina papa po," sagot ko habang isinusuot ang hospital gown.

"Come here I'll tie it for you," tukoy ni doc sa strings ng hospital gown na nasa parteng likod ko. Tahimik lang ako habang itinatali ng doctora ang likurang bahagi ng hospital gown ko.

"Take off your bra Dion we're gonna do an x-ray examination so bawal ang may metal," sinunod ko naman ang sinabi ni ma'am Cantilejo.

Pinahiga niya ulit ako ng patihaya sa hospital bed. May ilalagay pa sana siyang ointment ngunit sinabi ko na nalapatan na ito ng paunang lunas ni Ate Tina sa school. She checked my back at nilagyan niya ito ng pressure kaya napangiwi ako.

"Maga lang siya Dion but we need to make sure na wala talagang problema sayo. And kahit sigurado tayong wala alam ko na di titigil yung anak ko na di ka macheck thoroughly," mahinahong sabi ni Doctora Cantilejo habang inaalalayan ako maka-upo para makababa sa hospital bed.Tumango na lang ako at ngumiti sa ginang.

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ulit si Akihiko sa opisina ng ina at binuhat niya ulit ako. Pwede namang gumamit ng wheelchair eh.

"Alam mo nawiwili ka na kakabuhat sa akin. Pwede naman gumamit ng wheelchair. Mindset ba beh mindset," sabi ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Mas okay na buhat kita. I don't want you to rely on that damn chair," ang sexy niya sa part na yun.

Halos lahat ng madaanan namin ay nagtitinginan sa amin. Instant celebrity kami, nice. Nakita ko na nakasunod na sa amin si Doctora Cantilejo. Huminto na si Akihiko sa tapat ng x-ray room.

May lumapit Kay ma'am Cantilejo na isang nurse at iginiya kami papasok.

Sa ilang oras namin sa ospital ay puro testing lang ang ginawa namin. Kahit si ma'am Cantilejo ay natatawa na lang sa inasal ni Akihiko kanina. Wala namang malalang nangyari sa akin base sa test and I am far away from danger. Namaga lang talaga ang likod ko.

Andito kami ngayon sa isang kilalang fast food chain na located sa sentro ng bayan namin. Kaharap lang ito ng Cathedral namin kaya kitang-kita ko ang mga nagsisilabasang tao mula dito.

Tumigil lang ako sa kakanood sa labas ng maramdaman ko na may umupo sa harapan ko. Andito na pala si Akihiko. Actually ayoko na sanang dumaan pa rito at kumain kasi wala naman akong pera pero pinilit ako ng lalaki at sinabi na sagot naman daw niya. So sino ba naman ako para tumanggi lalo na pag libre, diba?

Nilapag ni Akihiko sa akin ang isang mango float sundae at jumbo fries. Iginiya niya rin sa mesa ko ang plato na may laman na rice and a piece of spicy chicken.

"Wuyyyyy seryoso ka?! Nagjojoke lang naman ako about sa fries and sundae," nakatingin ako sa kanya na hindi makapaniwala.

"Sabi ko naman sayo you can have anything you want. Just name it ako na ang magbabayad," sabi niya habang hinihimay ang chicken niya.

"W-wag na okay na 'to. Tsaka di ko mauubos 'to kasi kakain ako ng kanin kaya hati na lang tayo," sabi ko sabay lipat ng fries and sundae sa pagitan namin.

"Oooopppsss bawal tumanggi," inunahan ko na siya."Di ko talaga yan mauubos Akihiko."

Tumango na lang siya at nagfocus na lang sa pagkain at ganun din ang ginawa ko. Ngunit hindi ko matuloy yung pagfocus ko sa pagkain dahil nadidinig ko ang hagikhikan ng mga college student na nasa right side ng table namin. They are talking about Akihiko. Mukhang nadidinig ito ng lalaki pero balewala lang ito sa kanya. Patapos na kami kumain ng may mag flicker na flash sa gawi namin. Mukhang nagtake pa sila ng photo ni Akihiko.

Tumingin ako sa gawi nila ang nakita ko na sige lang ang hagikhikan nila na kala mo mga inasinang uod.

"Did you just snap a photo of my boyfriend?" Mataray kong tanong sa babae malapit sa gawi ko. Tumaas ang kilay nito na para bang hindi makapaniwala na boyfriend ko si Akihiko which is totoo naman na hindi ko boyfriend ang lalaki.

"What if I did?" Balik na tanong nito sa akin habang nakataas pa ang kilay nito.

"Taking photos without consent is a crime Miss. Dapat alam mo yan since college ka na. And based sa ID mo isa kang law student so I know you know a lot of articles regarding that minor crime," sabi ko na siyang ikinatanga niya.

"So please Ate delete the photo. You're making my boyfriend uncomfortable,"sabi ko sabay tingin kay Akihiko na nakatingin na rin sa akin. "Dalhin na lang natin 'tong sundae at fries sa kotse and dun na lang tayo kumain."

"Okay babe," Akihiko said in a deep voice na siyang nagpamula sa pisngi ko. Tumawag siya ng waiter at humingi ng lalagyan ng fries at sundae namin. Binigyan naman siya ng paper bag at ako na ang naglagay ng mga dala namin sa loob nito.

Ako na ang nagdala kasi inalalayan niya ako tumayo mula sa upuan. Nilagpasan na lang namin ang grupo ng mga babae at deretso lang na naglakad hanggang sa makapunta kami sa kotse ni Ate Tina.

Napabitaw ako bigla kay Akihiko ng makaabot na kami sa kotse.

"Babe pala," sabi ko habang nanunukso.

"I was just joking earlier and I was saving your ass from embarrassment if hindi ako magresponse sayo in that manner," pagpapaliwanag ng lalaki habang namumula ang mga tainga nito. Nakikita ko rin na bumabakat na naman mga ugat niya sa kamay.

"Chill BABE baka sumabog ugat mo sa kamay," sabi ko sabay bukas ng door malapit sa passenger seat.

"Dion stop teasing me," sabi naman ni Akihiko habang umiikot papunta sa driver's side. Nang makapasok na siya ay dun lang ako nagsalita.

"It should be babe, babe. And not Dion."

Sa buong biyahe namin pabalik ng school ay tawa lang ako ng tawa habang si Akihiko naman ay parang hinog na kamatis dahil sa pamumula.

"You better stop teasing me Dion kung ayaw mong totohanin ko na gawin kang babe ko," sabi ni Akihiko ng may pagbabanta.

"Ohhh I'm scared," tanging sabi ko bago lumabas ng kotse.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status