Hello lovelies, thank you for your support. Please leave me a comment below para malaman ko po kung nagustuhan niyo ang kwento. Maraming salamat po sa pagbasa.
Napaatras si Jake at naliyo ng dahil sa suntok na tinamo. Nagdilim ang kanyang paningin, hindi niya maiwasang gumewang ng dahil sa pagka-liyo. Narinig niya ang boses ni Yesha na sumigaw at tinawag ang pangalan niya. Dinig niya ang pag-aalala sa boses nito. Nagkaroon din ng bahagyang komosyon sa paligid niya. “Stop it! David! Ben!” narinig niyang mariing sigaw ni Yesha at tinawag ang pangalan ng driver niya at ng isang lalaki na nagngangalang Ben. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang malambot na kamay na dumalo sa kanya. “Jake, are you alright?” isang malamyos pero nag-aalalang tinig ang narinig niya kasunod ng pag-dalo ng babae sa kanya. Marahan niyang ipinilig ang ulo upang bahagyang mawala ang kanyang pagka-liyo. “I am fine, don’t worry. I’ll live,” pinilit niyang ngumiti kay Yesha kahit na naliliyo pa siya upang ibsan ang pag-aalalang nadarama nito. “Nagawa mo pang mag-joke,” saad nito sa kanya sabay hampas sa mga braso niya. “You are bleeding,” muling sambit nito, “come inside
“Yesha, Iha. Anong ginagawa mo dyan sa balkonahe?” narinig ni Yesha na tanong sa kanya ng kanyang Tita Alice. Magda-dapit-hapon noon at kasalukuyan siyang nagpapalipas ng oras sa balkonahe. “Nagpapa-hangin lang po, Tita,” sagot niya sa matandang babae. Lumapit ito sa kanya at naupo sa katabing bangko niya, saka mariin siyang tiningnan. “Mukhang napakalalim ng iniisip mo anak,” kapag-daka ay saad ng matandang babae sa kanya. “Hindi naman po gaano, Tita. Naisip ko lang po na napakarami ng nangyari nitong mga nakaraang buwan. Parang ngayon ko lang po naramdaman ang ganitong katahimikan,” saad niya sa tiyahin. “It’s good to know that you were already having a peace of mind, Iha. Napakalaking bagay din ang pagsasabi mo ng katotohanan sa ama ng iyong mga anak,” saad naman ng kanyang Tita Alice sa kanya. “Speaking of the father of your children,” dagdag saad nito, saka may ininguso sa hindi kalayuan. Tiningnan ni Yesha ang direksyon ng itinuturo ng kanyang Tita Alice. She saw Jake Mend
“Yesha, Iha, nandiyan na si Sir Jake,” anunsyo sa kanya ni Manang Ester. Kasalukuyan siya noong nasa hardin at nagsi-siesta. Nakahiga siya sa yantok na duyan habang nagbabasa ng libro at nagpapa-antok. Nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang antukin at mas gusto pa niyang manatili sa bahay upang matulog. “Salamat po, Manang. Pakisabi po sa kanya na nandito ako sa likod-bahay,” saad niya sa matandang kasambahay. Agad na tumango ang matanda saka ito muli nang bumalik sa loob ng bahay. Sinundan pa ni Yesha ng tingin ang matandang babae hanggang sa tuluyan itong makapasok sa loob. Muling pinag-patuloy ni Yesha ang pagbabasa ng librong hawak. It was a horror-romance novel titled 'Ang Babaeng Mahiwaga' written by her favorite author Itchay. Gustong-gusto niyang basahin ang mga akda nito lalong-lalo na ang mga fantasy novel. Malamig ang simoy ng sariwang hangin at nalililiman siya ng mga dahon ng punong mangga kung saan nakakabit ang tali ng duyang yantok na kanyang kinahi-higaan. Malawak
Kasalukuyang naghahanda si Yesha ng kanyang sarili upang umattend sa celebration party ni Mike ng may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. “Pasok, bukas po yan,” tawag niya sa kung sinumang kumakatok. “Yesha, Iha, may delivery kang dumating,” bungad sa kanya ni Manang Ester ng pumasok ito ng kwarto, habang tangan-tangan nito ang isang may kalakihang kahon sa dalawang kamay. “Naku, ano po iyan, Manang? Kanino daw po galing?” tanong niya sa matandang babaeng kasama nila sa bahay. “Inihatid ito ngayon-ngayon lang ng driver ni Sir Jake. Habilin niya ay ito daw ang suutin mo ngayon pagpunta sa kasiyahan,” saad ni Manang Ester sa kanya. “May mga damit pa naman po akong susuutin. Ano na naman kaya itong pinadala ni Jake,” saad niya sa matanda. Saka tinulungan ito sa pag-lapag ng kahong bitbit sa kanyang kama. Agad niyang binuksan ang kahon. Bumungad sa kanya ang isang kulay royal blue na evening gown. “Wow, napakaganda naman nitong gown na ito, Iha,” humahangang sambit ni Manang Est
Magkasunod na narating ng sasakyan nila Jake at Ben ang hotel venue kung saan gaganapin ang celebration party ni Mike. Nag-iisa lang namang hotel ito sa bayan nila, kaya hindi na sila gaanong nahirapan itong hanapin. Agad silang inasistehan ng valet ng pumarada ang kani-kanilang mga sasakyan. Parang ang party yatang ito ni Mike ang isang pinaka-malaking event na ginaganap sa hotel na iyon. “Good day, Sir, Ma’am,” bati ng isang hotel staff na sumalubong sa kanila sa entrance ng hotel. “How can we help you?” magalang na dugtong pa nito. “Hi, we are here for Mr. Mike Alcantara’s celebratory party,” sagot naman ng tiyahin niya, sabay abot ng invitation card nila dito. “Glad to have you here, Maam Alice Gallardo, Sir Benjamin Gallardo, Miss Ayesha Mae Valdez, and Sir Jake Mendellin. This way, Sirs and Ma’ams,” nakangiting saad sa kanila ng hotel staff saka sila iginiya nito tungo sa bulwagan kung saan gaganapin ang party ni Mike. “Is that the one and only Jake Mendellin?” narinig pa ni
“Sir James, Sir Jake was in the middle of a meeting right now,” narinig ni Jake na saad ng kanyang sekretarya sa labas ng kanyang opisina. “I don’t care if he was in the middle of something. I need to talk to that boy!” narinig niya ang galit na tinig ng ama, maliwanag niyang naririnig ang boses ng mga ito dahil naka-awang na ang pinto ng kanyang opisina. Binuksan na ito ng bodyguard ng kanyang ama, habang tinatangka naman ni Karen na pigilan ito. Pero walang nagawa si Karen dahil ayaw papigil ng kanyang ama. Dire-diretso pa rin ito sa loob ng opisina niya. Nakasunod dito si Karen na punong-puno ng paghingi ng paumanhin sa mga mata. “What is the meaning of this Jake!” bungad sa kanya ng ama ng tuluyan na itong makapasok sa loob ng opisina niya. His father threw a bunch of newspapers in front of him. When it spread all over his desk ay ang mukha nila ni Yesha na magkayakap ang nasa front page ng iba’t-ibang newspapers ang nakita niya. He didn’t answer immediately, sa halip ay sumeny
“Mr. Mendellin, Sir. Your father’s condition was not as simple as it seems. He has a low red blood cell count. He suffered cardiomegaly recently due to stress and his blood pressure rose. Mabuti na lang at naagapan agad ng gamot na maintenance niya ang pagtaas ng kanyang blood pressure, kung baka nahuli pa ay baka inatake sa puso na ang iyong ama. His heart was weak right now, and he shouldn’t suffer more stress this instance,” pagbabalita sa kanya ng mga doctor na naabutan niya sa conference room para ibigay sa kanya ang status report ng kalagayan ng kanyang ama. Pinakita sa kanya ng mga ito ang lahat ng mga medical tests na isinagawa ng mga ito sa matandang Mendellin, pati na ang observation ng mga ito. Lahat ng laboratory test results ay isa-isang inexplain ng mga ito sa kanya. They gave their professional suggestions and inputs on how to prevent another attack from happening to his father again. Nang matapos ang pakikipag-meeting niya sa mga doctor ay parang hapong-hapo si Jake. H
“Yesha, Iha. Nasa labas sila Tatay Andoy at Mike. Gusto ka raw maka-usap,” saad ni Tita Alice kay Yesha nang tunguhin siya nito sa kwarto niya. This is the third day since the incident at the party happened. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala siyang balita kay Jake. Nagpaalam ito sa kanya pagkatapos siya nitong matiwasay na maihatid sa kanilang rancho ng gabing iyon. He promised that he will clear everything. Pero sa loob ng mga lumipas na araw ay hindi ito nagparamdam sa kanya. Her life after that incident became difficult. Hindi na niya naga-gawa ang mga simpleng bagay na dating ginagawa niya sa loob ng rancho. Maya’t-maya ay may mga reporter na sumusulpot na lang kung saan upang interview-hin siya. The reporters were all over their place, kung paano nalaman ng mga ito kung nasaan ang kanilang rancho ay hindi niya alam. Kaya wala siyang nagawa kundi mag-kulong na lang sa kanilang bahay. Hindi na nagtangka pa ang mga reporter na pumunta malapit sa bahay nila dahil nung unang ara