Share

CHAPTER 41-CONFUSSION

Namagitan ang katahimikan sa pagitan nila ni Jake, habang binabaybay ng sasakyan nito ang kahabaan ng Edsa. Ramdam sa paligid ang tensyon na namumuo sa kanilang dalawa. Kahit si David ay halatang nakikiramdam din sa kanilang dalawa, dahil maya’t-maya ang sulyap nito sa kanila sa rearview mirror.

Hindi tinangka ni Yesha na tapunan ng tingin ang lalaking katabi. Aaminin niyang may galit pa rin sa puso niya, pero hindi rin niya maikaila sa sarili na napakalakas pa rin ng dating nito sa kanya. Being with Jake in one space makes her suffocated, ramdam na ramdam niya ang presensiya nito. He was awakening the feelings that she already buried deep within her heart by his mere presence. Mas kinatatakutan niya ang reaksyon ng katawan niya kesa sa galit na nasa puso niya. Yes, she was still angry at him, pero bakit parang natutunaw ito ngayon at hindi niya masumbatan ngayong kasama na niya ang lalaki?

Maya’t-maya ang pagbuga ng malalim na hininga ni Jake, wari napaka-lalim ng iniisip nito, pero
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status