THIRD PERSON POV
Naging maayos naman na ang relasyon nilang dalawang mag-asawa. Napapadalas ang pagngiti ni Darren na nahahalata ng mga empleyado niya. Panay din ang tukso ni Angel kay Trina, madalas din nilang nakakasama si Lyndon. Sa tuwing nakikita iyun ni Darren ay napapahugot na lamang siya ng malalim na buntong hininga. May tiwala naman siya sa asawa niya at alam niyang hindi nito magagawa ang ganung klase ng bagay. Hindi niya maiwasang hindi magselos dahil kahit anong klaseng pagtatago ang gawin niya ay hindi niya rin magawa.
“Ang gwapo gwapo talaga ni Sir kapag nakangiti, nakakainggit si Trina.” Saad ng isang babae ng dumaan sa harap nila si Darren. Kita pa nila ang bahagyang pagtapik ni Darren sa balikat ni Trina saka ngumiti at dumiretso ng pumasok ng opisina niya.
“Galing din naman sa magandang pamilya si Trina, maganda at magaling din naman siya.” sagot din ng isang babae saka napabuntong hininga. Hindi nila mapigilang hindi
“Ako ang gumawa nun. Hindi naman ako magpapasa ng mga design na hindi ako ang gumawa. Lahat ng mga ipinasa ko sayo ay ako mismo ang may gawa, ako ang nag-isip at ako ang nagdisenyo. Saan ko pa kukunin ang mga yun?” sagot niya, tila ba nagkakaroon na siya ng ideya kung anong nangyayari pero impossible ang sinasabi ni Darren dahil siya naman talaga ang may gawa nun. “Kung ganun naman pala, bakit nagkaroon ka ng mga kapareho? Bakit naging pareho kayo ng designer ng Martinez group!! Mauuna ang upcoming show nila bago ang sa atin at kapag nakita nilang iisa ang mga design natin at design ng Martinez group, masisira tayo!! Makakasuhan tayo ng plagiarism dahil sa panggagaya ng gawa ng iba! Paanong nangyaring nagkataon lang na pareho kayo ng designer nila? Paanong nangyari yun?!! Ninakaw mo ba ang gawa niya? ninakaw mo ba?” “Paano ko magagawa yun? Ni wala nga akong kilala sa Martinez group eh para manguha ng disenyo ng iba. Hindi ko rin kilala ang designer nila kaya paano ko
Mabilis ang patakbo ni Darren sa sasakyan niya. Narealize niyang tama si Lyndon, hindi dapat siya nagpapatalo sa mga kalaban niya dahil alam niyang marurumi ang mga ito na maglaro. Ipinaglaban at ipinagtanggol dapat ang ginawa niya para sa asawa niya hindi yung ito pa ang pinagalitan at ipinatapon. “Please, don’t leave me. Huwag mo akong iwan Trina.” Nakikiusap niyang saad habang nakatingin sa dinaraanan niya. Wala na siyang pakialam kung nagiging over speeding na siya, ang mahalaga sa kaniya ay mahabol niya ang flight ni Trina. “Maayos na ba lahat? wala ka na bang naiwan?” muling tanong ni Nick kay Trina, kanina pa sila sa airport at naghihintay na lamang ng oras para sa lipad ng eroplano. “Wala naman na,” sagot niya, tinitingnan niya ang cell phone niya dahil nagbabakasali siyang tawagan pa siya o itext ni Darren para pigilan siya dahil hindi siya magdadalawang isip na gawin iyun. Habang nakatayo siya ay nakita niya naman si Joyce na naglalakad papalapit sa
“Sige, gawin mo. Binalaan na kita Joyce. Gawin mo kung anong gusto mong gawin kung ayaw mong ikaw naman ang ipatapon sa North Korea. Gawin mo at siguraduhin mong hindi ka na makikita ni Darren paggising niya. Kung ang asawa niya nga nagawa niyang ipatapon sa ibang bansa paano ka pa kayang kapatid lang ng asawa niya? pag-isipan mong mabuti dahil ako mismo ang maghahakot ng mga gamit mo palabas ng kompanya.” Pagbabanta sa kaniya ni Nick. Napairap na lamang si Joyce at nakaramdam din ng takot, napaisip kasi siyang paano nga kung gawin sa kaniya iyun ni Darren sa kaniya lalo na at wala naman silang relasyon na dalawa. Inis na umalis si Joyce at bumalik sa silid kung saan siya nagprapractice. Hindi naman na rin nagtagal si Nick at umalis na rin siya. Siya na rin ang nag-aasikaso minsan sa mga papel, matagal naman na kasi siyang gustong iangat ni Darren sa pwesto niya hindi yung habang buhay lang siyang sekretarya subalit gusto lang ni Nick na manatili bilang sekretarya dahil maay
TRINA’S POV“Ma’am ito po lahat ng mga schedule niyo this week.” Saad sa akin ng sekretarya ko saka niya ibinigay sa akin ang ilang folder na naglalaman ng mga schedule ko. Pagkatapos kong tingnan iyun ay ibinalik ko na rin kaagad sa kaniya. Paglabas namin ng airport ay itinaas ko ang suot suot kong sun glass. Ramdam ko naman na ang pagyakap sa akin ng mainit na hangin ng Pilipinas. Napangisi na lamang ako, it’s been seven years since I left this place. Welcome home Trina Montenegros.Huminto naman na ang isang malaking van sa harap namin. Binuksan na iyun ng secretary ko, sumakay naman na ako dun saka muling itinutok ang paningin ko sa ipad kong hawak. Tinitingnan ko lamang ang mga design ko, kung may kulang pa ba o okay na ito.“Siya nga po pala ma’am, hindi ko na nailagay sa schedule niyo na may pupuntahan kayo ngayong event ng Martinez group. Ngayon na rin po kasi iyun, kung pagod naman po kayo ipapa
“Hi, Marga.” Bati ng isa ng mapansin na kami. “Hi guys, siya nga pala yung kwenekwento kong magaling na designer, bukod sa magaling siya ay napakaganda pang dalaga.” Saad pa niya. “Oh really? Ikaw ba yun? You’re so gorgeous iha. Kung may binata pa sana akong anak naku irereto talaga kita.” Natawa naman ako sa sinabi ng isang babae. Lahat sila ay natutuwang makita ako. “Iha, pwede bang sayo na lang din ako magpagawa ng dress ko for my 50th birthday? Talagang namangha ako sa mga gawa mo dinagdagan pa ng pagkwekwento sa amin nitong si Marga. Kung hindi ka naman busy but I really like you to make my dress. Handa akong magbayad ng doble at babayaran ko rin ang oras mo, just make my dress. Please.” Desidido niya talagang sabi. “Of course, why not Ms?” “Mrs. Sarmiento,” sagot niya naman. “Okay, I will make your dress Mrs. Sarmiento.” “Oh God! Thank you Ms. Montenegros, you’re such an angel.” Hinawakan pa niya ang kamay ko.
Abala ako sa pagtitingin sa mga gagawin ko ngayong linggo ng may kumatok sa pintuan ko. “Come in,” anas ko, pumasok naman si Janet ang sekretarya ko. “Nasa labas po kasi ma’am si Mr. Dela Vegas at kayo po ang hanap niya.” wika niya, napasandal naman ako sa upuan ko at napangisi. What he’s doing here at my office? “Sige, papasukin mo.” saad ko, tumango naman siya saka niya binuksan ang pintuan. Mabilis namang pumasok dun si Darren. Naupo naman na siya sa harapan ko at seryoso pa rin ang reaksyon ng mukha niya. Lumabas naman na si Janet at kami na lang ni Darren ang naiwan dito. “I have an offer for you.” diretso niyang saad, napagkrus ko naman ang mga braso ko saka ko siya diretsong tiningnan sa mga mata niya. Mga mata niyang wala kang mababasa tila ba ang dating walang pusong Darren at lumala. “What is it?” blangko kong tanong sa kaniya. Maliit lang itong pwesto ko saka bago pa kaya paano niyang nalaman na dito niya ako matatagpuan? “I
Well, let’s see then kung hanggang saan ang kaya mo. Tumayo naman na ako, kailangan ko ng makauwi at makaligo at makapag-ayos. Sumunod naman sa akin si Janet hanggang sa makarating kami ng bahay. Marami akong naririnig na kausap niya at iba iba ang mga iyun, malamang mga kilala niyang taong makakatulong sa kaniya. Mapagkakatiwalaan naman si Janet kaya wala akong problema sa kaniya, mabilis niyang nalulutas lahat at nalalaman ang mga gusto kong malaman. Dumiretso naman na ako sa banyo matapos kong makapaghanap ng isusuot ko. Malamang nagsisimula na ngayon ang show. Ibinabad ko pa sandali ang katawan ko sa tubig bago ko naisipang lumabas. Humarap na muna ko sa salamin, inayos ko naman na muna ang ayos ng mukha ko maging ng buhok ko bago ako namili ng mga alahas na isusuot ko. Tiningnan ko naman ang dress ko, isinuot ko naman na ang mga napili kong alahas saka kinuha ang dress at isinuot. Napangiti na lamang ako sa sarili ng sipatin ko ang sarili ko sa salamin. Iba din
“Siya nga pala, nagkita na kayo ni Darren pero bakit hindi mo pa sinabi kung ano talagang plano mo? kung tatanggapin mo o hindi yung offer niya.” nakalimutan ko na nga pala yun, nawala siya sa isip ko. “Well, I can go to his office then.” “Now?” “Yes,” nakangisi kong sagot sa kaniya, natatawa na lamang siya sa akin. Kinuha ko naman na yung folder na iniwan niya rito nung nakaraan saka ang bag ko. “Ikaw na lang ba ang pupunta sa kaniya o sasamahan pa kita?” “Kaya ko naman na ang sarili ko.” saad ko sa kaniya. “Okay.” Iyun lang at lumabas na ako ng office ko. Nasa labas naman ang isa kong kotse kaya hindi ko na kailangang magpahatid pa sa driver ko sa van. Ano nga bang magiging reaksyon ni Ate Joyce kapag nakita niya ako uli sa Dela Vegas group? Ako na rin ang hahawak sa kanila. Dumiretso naman na ako sa kompanya niya, sa labas ko na rin ipinarke ang sasakyan ko. Nang makarating ako ay pumasok na ako sa lobby, pansin ko naman ang tingina