“I’m Lyndon Lopez,” masayang inilahad ni Lyndon ang kaniyang kamay kay Trina.
“Trina Montenegros Sir,” tinanggap niya naman ang kamay ng binata. Napalingon na lamang sila sa pintuan ni Darren ng bigla itong nagsara ng malakas.
“Don’t call me, Sir. Nasabi nila sa akin na ikaw yung bago nilang designer dito so ikaw ang makakasama ko sa pagdidisenyo?”
“Designer po kayo?”
“Yes at hindi ako bakla na sinasabi ng iba dahil ito ang daang tinahak ko.” natatawa naman nitong saad.
“Wala po akong sinabi.”
“Oo nga naman hahahaha. So dito rin ako maaassign kung saan ka, dito ako uupo hindi kalayuan sayo kaya hindi ako mahihirapan na magpapabalik-balik. It’s nice to see you Ms. Trina hindi naman nila nasabi na isang magandang binibini pala ang makakasama ko.” nahihiya namang tumawa si Trina.
“Nice to meet you too Sir.” bumalik naman na sila sa mga pwesto nila at ipinagpatuloy ang kanilang mga trabaho. Napatingin pa si Trina sa bandang pintuan
Umakyat naman na si Trina sa kwarto niya saka nahiga. Nakatitig pa siya sa kisame at tila naghihintay ng himala para sa kaniya. Simple lang naman yung pangarap niya, makapagtrabaho at magkaroon ng sariling pamilya mula sa lalaking mamahalin niya pero parang ang hirap pang ibigay yun sa kaniya ng tadhana. Nagpakabait naman siya noong bata pa siya pero bakit niya ito nararanasan? Ano bang balak para sa kaniya? hindi niya maintindihan. Masyado bang mataas ang pangarap niya kaya ito nangyayari? Simple nga lang iyun eh pero ibinigay pa siya sa isang lalaking walang puso at walang awa, negosyo at pera lang ang mahalaga. Muli siyang napabuntong hininga, siguro naman balang araw ay makakalaya rin siya. Ipinikit niya naman na ang mga mata niya hanggang sa makatulog siya pero nagising din ng hating gabi dahil nakaramdam ng pagkauhaw. Napatingin na lang siya kay Darren na nasa sofa pa rin pero parang hindi naman ito nagalaw. Nilapitan niya ang asawa at nakatulog na ito sa pagtatr
Matapos ng trabaho nila ay nagtungo na sila ng cafeteria para makakain ng makasalubong niya ang kapatid niya. “Pwede ba tayong mag-usap?” nakatingin lang naman sa kanila si Angel na kasama ni Trina. “Ano pa bang pag-uusapan natin?” “Gusto lang kitang makausap.” Hinarap naman na ni Trina si Angel at sinabi na sa susunod na lang sila sabay kumain. Lumabas naman si Trina at Joyce, may restaurant kasi malapit sa kompanya at dun sila kakain. Hinintay naman na muna nila ang mga order nila saka nag-umpisang magsalita si Trina. “Ano bang dahilan ng pag-uusap nating dalawa?” “About what you saw lately.” “Then? What about it?” tila ba isang normal lang na tanong iyun sa kaniya. Wala kang mababakas na may interes siya sa pag-uusap. Wala man lang nagbago sa blangko niyang mukha. “You saw us kissing, right?” parang nagmamalaki pa nitong saad. Tinusok naman na muna ni Trina ang ulam niyang karne saka isinubo at tiningnan ang kapatid.
“Alam mo ang sarap mo palang kasama.”rinig pa ni Darren na saad ni Lyndon dahil sa inis niya ay muli niyang pabagsak na isinarado ang pintuan. Pakialam niya ba kung nag-uusap silang dalawa? Pero kahit na sabihin niya sa sarili niyang wala siyang pakialam ay muli niyang naaalala ang dalawa habang masayang nag-uusap. Nakuyumos niya ang hawak niyang papel dahil aminado siyang naiinis na siya kay Lyndon. Alam niyang bilang lalaki ay iba ang paraan ng pagtitig nito kay Trina. Naisandal na lamang niya ang kaniyang ulo saka mariing ipinikit ang kaniyang mga mata. Kahit anong focus ang gawin niya ay naiisip niya pa rin si Trina. Ano bang nangyayari? Wala naman siyang pagtingin dito. Gusto pa nga niyang hindi matuloy ang kasal nilang dalawa noon tapos ito lang ang mangyayari? No! That will never be happen! Hindi siya magkakagusto kay Trina, nainis lang siguro siya dahil sa ginawa ni Trina sa kaniya. Tama, yun lang yun. Hindi pa siya nahumaling sa isang babae ng ganun, minsan man siya
“Kamag-anak mo ang may-ari ng Martinez group?” tanong ni Trina kay Lyndon habang naglalakad silang dalawa patungong cafeteria. “Ganun na nga,” “Pero bakit mo mas piniling magtrabaho rito?” “Masyado kasing magulo ang pamilya namin. Nag-aagawan sa mga ari-arian kaya mas pinili naming mamuhay na lang ng simple at malayo sa gulo, naging sapat naman sa amin yung ipinamana ni Lolo. Walang nakakaalam ng pagkatao ko rito kaya pinagkakatiwalaan kita Trina.” Nakangiting saad ni Lyndon, napatango-tango naman sa kaniya si Trina. “Huwag kang mag-alala, hindi ako ganung klaseng tao. Mabuti na lang pala mas pinili niyo ang simpleng buhay lang, bakit nga ba kasi may mga taong nakikipagkompetensya sa sarili nilang pamilya.” “Yun din ang hindi ko maintindihan, let’s just not talk about it. Mas gusto kong matahimik ang buhay ko.” pumila naman na silang dalawa para makakain na. Kanina pa vibrate ng vibrate ang cell phone ni Trina pero hindi niya iyun napapansin d
“What are you doing here?” tanong pa ni Trina saka siya pumasok sa loob, sumunod naman sa kaniya si Darren. “Sinong kasama mo? where’s your car?” “Iniwan ko na sa kompanya dahil plat, hindi ko yun magagamit.” “So, saan ka sumakay?” tanong pa rin niya, napahinto naman sa paglalakad si Trina dahil sa mga tanong ni Darren sa kaniya. Bakit ba nagtatanong pa rin siya? “Why do you want to know?” “Dahil asawa kita? Kahit asawa lang kita sa papel ay asawa pa rin kita kaya karapatan kong magtanong kung sino ang mga nakakasama mo.” malumanay niya lang namang saad, napairap na lamang si Trina dahil dun. Pagod na siya sa maghapon kaya ayaw niya ng makipagtalo pa. “Si Lyndon, hinatid niya lang ako dahil plat nga yung gulong ko.” “Yung unggoy nanaman na yun? Why you didn’t call me then? Para nasundo kita o napasundo kita.” “What for? Nandito naman na ako saka malay ko bang nakauwi ka na pala.” Wika ni Trina, umakyat naman na siya sa
TRINA POV Maaga akong nagising, napangiti na lang ako sa repleksyon ko sa salamin. Napapaisip pa rin sa pinag-usapan naming dalawa ni Darren. Akalain mong may nasa maayos din siyang pag-iisip minsan. Natatawa na lang ako sa mga iniisip ko, simula ng ikasal kami ay iyun pa lamang ang maayos naming pag-uusap, iyun din yata ang pinakamatagal naming nagsama kami ng hindi kami nag-aaway. Napapailing na lang ako. Dumiretso naman na ako sa banyo para makaligo. Peace offering huh? Pasalamat ka at naisipan mo ring gawin yun baka hanggang ngayon naiinis pa rin ako dahil sa pangtritrip niya sa akin noong nakaraan. Malapit ko ng ibuhos sa kaniya yung kapeng pinatimpla niya sa akin eh. Matapos kong maligo ay bumaba na rin ako. Naabutan ko naman si Darren na nakaupo na sa upuan niya habang may hawak na dyaryo. Akala mo matanda para gawin yun, well it’s his trip anyway. “Sabay na tayong pumasok.” Napalingon na lang ako sa kaniya ng magsalita siya.
“You know, you’re interesting Trina. Masungit at matapang si Darren pero hindi natin maitatago ang itsura niya but you are different from other girls. Hindi ikaw yung tipong aagaw ng atensyon ng kalalakihan.” Komento pa ni Lyndon, bakit ko naman kasi gagawin yun? Hindi naman ako pinalaki ng kulang sa aruga. “You don’t like him?” “Hindi naman sa ganun, Boss pa rin kasi natin siya saka ayaw ko ng ganung gawain. Ang pangit kasing tingnan.” Sagot ko sa kaniya. Nanatili pa kami dito hanggang sa magtanghalian, bumalik na lang ako sa department namin saka pumasok sa office ni Darren. Nakatutok naman siya sa laptop niya pero may mga pagkain na ring nakahanda sa lamesa. Umupo naman na ako dun, hihintayin ko na lang siguro siya. Maya-maya ay tumayo na siya sa upuan niya saka naupo sa tapat ko. “Let’s eat.” Aniya sa malamig na tono, hindi ko naman na iyun pinansin pa kaya kumain na ako. Naiilang pa rin talaga ako sa kaniya lalo na kung hindi ako nagiging komportable sa
Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa kwarto, rinig ko na lamang ang pagsipa niya sa isang pintuan. Para akong nalalasing sa paraan ng halik niya, ang paglaban ko sa mga halik niya kanina ay napunta sa paghalik ko sa kaniya pabalik. I circled my arm in his nape at tila pareho kaming uhaw sa halik ng bawat isa. Nalalasahan ko ang alak sa dila niya pero tila ang tamis ng panlasa ko. I don’t know what happened para bang may sariling isip ang katawan ko. Sinasabi ng isip kong tama na pero tila ayaw pumayag ng katawan ko. Naramdaman ko na lamang sa likod ko ang malambot na kama, patuloy lamang ang halikan naming dalawa hanggang sa bumaba ito sa leeg ko. Dahil sa ginagawa niya ay I moan. “D-Darren,” tila nahihirapan pa akong banggitin ang pangalan niya. “That’s right baby, just moan and call my name.” Saad pa niya sa mahinang boses. Gusto kong mahiya pero masyado na akong lunod dahil sa mga halik niya. We don’t love each other but what happened in just a blink of an