Nang matapos si Darren ay inayos naman na ni Trina ang mga pinagkainan nila. Tinakpan niya na lang din ang mga pagkaing hindi nila naubos.
“Hayaan mo na lang diyan ang mga cleaners, bumalik ka na sa trabaho mo.” malamig pa rin niyang aniya. Lumabas naman si Trina ng wala ng salita.
“May pinagawa pa sayo si Sir? kumain ka na ba?” tanong ni Angel ng makita niyang bagong labas si Trina sa office ni Darren.
“Kumain na ako, huwag mo akong alalahanin.” Nakangiti niyang sagot. Bumalik naman na sila sa trabaho nila. Nakatuon lang ang atensyon ni Trina sa drawing niya. Lima na lang siguro ang iguguhit niya para makapamili si Darren.
Napainat na lamang siya ng mangalay siya, napatingin na lang siya sa paligid niya at napakunot noo ng makita niyang wala ng masyadong tao. Nilingon niya naman si Angel na abala pa ring nakatingin sa computer niya. Tiningnan niya ang oras niya ay alas sais na.
“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Trina sa kaniya dahil parang hin
Hindi pa alam ni Trina kung maglalakad ba siya patungong office ni Darren. Ramdam niya ang pag-iiba ng tinig nito kanina at alam niyang galit talaga ito. Naipikit na lamang niya ang kaniyang mga mata, dahan dahan niyang tinungo ang office ni Darren. Parang hindi pa niya maramdaman ang paghawak niya sa door knob dahil sa kabang nararamdaman niya. Nakayuko ang kaniyang ulo ng makapasok na siya, nakatalikod naman sa kaniya si Darren. Ilang minuto pang namutawi ang katahimikan sa silid na iyun bago siya hinarap ni Darren. “Sinabi mong ngayon mo na yun ipapasa sa akin, what happened Trina?!!” galit nitong tanong, nagitla pa si Trina kaya naipikit pa niya ang kaniyang mga mata. “Pasensya ka na, hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari eh.” “Tatlong araw na lang ang natitira sa araw na ibinigay ko sayong palugit, mahalaga ang show na ito. Kung hindi mo kayang pahalagahan ang trabaho mo, magkulong ka na lang sa kwarto mo!!” “Hindi ko sinasadya! Nag
“Nakalimutan niyo bang nag-ayos kami ng cctv? Pinatay muna namin ang mga cctv na inayos namin kasama na rin ang cctv sa labas ng office ni Sir kaya putol yan. Ilang floor ang inayos namin, bakit ba?” tanong pa nito, naipikit na lamang ni Trina ang kaniyang mga mata at humugot ng malalim na hininga. Bakit ngayon pa kung kailan may kailangan siyang tingnan. “Pasensya na po kayo ma’am mukhang hindi niyo po makikita ang gusto niyong makita. Ano po bang gusto niyong malaman?” “Wala, salamat.” Nakangiting saad ni Trina saka lumabas ng silid na iyun, bagsak ang balikat niyang naglakad pabalik ng department nila. Iyun na lang kasi ang pag-asa niya para mapatunayan na hindi siya pabaya at hindi nag-iingat. Pakiramdam niya kasi talaga may taong sinadyang tapunan ang mga gawa niya. Hinayaan niya na lang naman na iyun saka itinuon ang atensyon sa pagguhit ng panibago. Tatapusin niya na lamang iyun kahit alam niyang masyado ng gahol sa oras. Ng sumapit ang oras ng uwian n
“Napakawalang puso niya talaga.” Saad niya habang naglalakad papasok ng bahay nila, napaupo na lamang siya sa sofa at hawak hawak ang ulo niya dahil nahihilo talaga siya, pakiramdam niya umiikot ang paligid niya. Tila ba pinipiga ito sa sobrang sakit, pumasok naman na siya sa kusina nila at naghain ng makakain niya. Gusto niya na talagang matulog. “Kaunti nanaman lang po kakainin niyo ma’am?” tanong ng katulong nilang si Annie. “Gusto ko na kasing matulog kaya kaunti lang kakainin ko, babawi na lang ako bukas.” Nakangiti niyang saad, dahan dahan siyang umakyat ng hagdan hanggang sa makapasok siya ng kwarto. Ibinagsak na lamang niya ang sarili sa kama dahil hindi niya na talaga kaya, hindi na rin siya nakapagbihis at hinila na ang kumot niya dahil nilalamig na siya. Pumasok naman ng bahay nila si Darren saka niya inilibot ang paningin niya dahil alam niyang nakauwi na si Trina, nasa labas na kasi ang kotse nito. “Manang si Trina nakauwi na ba?” tanong
Nang matapos silang kumain ay si Darren na rin ang naglinis. Ibinigay niya na rin ang gamot para sa sakit ng ulo. “Salamat,” anas ni Trina ng ibigay niya na ang baso. “Papasok ka ba mamaya? Magpahinga ka na lang muna kung gusto mo.” “Okay na ako, sapat na sa akin yung nakapagpahinga ako ng kaunti.” “Kung iyan ang gusto mo, sabay na tayong pumasok mamaya.” Saad nito saka kinuha ang mga pinagkainan nila at bumaba. “Ako ba talaga ang may sakit o siya?” naguguluhan pang tanong ni Trina kahit na nakababa na si Darren. Kailan lang nung sinabi nito na ayaw niyang makita ng mga empleyado niyang magkasama silang dalawa tapos ngayon siya pa ang nagsabi na sabay na silang papasok mamaya. Ayos yun ah. Bumangon naman na siya saka pumasok ng banyo para makaligo. Napapaisip pa rin kung patuloy na ba ang kabaitan ni Darren sa kaniya o ngayong araw lang iyun dahil sinakit siya kasi pakiramdam niya guilty siya. Ganun nga lang siguro yun baka sa susunod
“Good morning ma’am,” bati ng katulong ng makababa na si Trina. Alas singko pa lang pero gising na siya, gusto niya kasing maghanda ng makakain nilang dalawa ni Darren. “Ako na lang ang magluluto, you can do another house chores.” Nakangiti niyang utos kay Annie. “Sige po ma’am,” anas nito, iniwan niya naman na si Trina sa kusina. Gusto lang talaga niyang magluto ngayon. Iniluto na lamang nya ang mga paborito ni Darren, hindi naman siya nagpapapansin dito o inaagaw ang atensyon niya. Walang masama ang magluto sa umaga kung ginusto mo lang. May ngiti ang kaniyang labi habang nagluluto, nangangamoy naman sa kusina ang mga luto niya. Nang matapos siya ay nauna na siyang kumain, hindi naman kasi nila obligadong hintayin ang isa’t isa lalo na kung mag-asawa lang sila sa papel. Umakyat naman na siya sa kwarto niya saka naggayak para makapasok na siya ng kompanya. Nagising naman si Darren ng wala na si Trina. “Sino nagluto ng agahan?” tanong ni Darren dahil
Lumipas ang maghapon na iyun pero hindi na nagpakita si Darren, ipinagsawalang bahala na lang iyun ni Trina. Palabas na sana siya ng kompanya ng habulin siya ni Nick. “Bakit?” tanong nito ng makalapit na sa kaniya ang sekretarya ni Darren. “Maghapon kasing wala si Sir, he need to sign these papers. Pakibigay na lang ito sa kaniya kapag umuwi na siya para kunin ko na lang sayo ng umaga. Pwede ba?” “Sure, no worries.” “Salamat,” nakangiti namang saad ni Nick, tumango na lang si Trina saka sumakay sa kotse niya para makauwi na. Naligo naman na muna siya ng makarating siya ng bahay. Kumatok siya sa pintuan ni Darren dahil baka sakaling nakauwi na ito pero nakailang katok na siya ay wala pa ring sumasagot. Baka hindi pa nakauwi, dala-dala naman ni Trina ang mga papeles na ibibigay niya kay Darren saka naupo sa sofa. Balak niya ring hintayin na lang si Darren para sabay na silang kumain ng hapunan. Binuksan niya na lang ang tv para malibang ang sarili pero
“I’m Lyndon Lopez,” masayang inilahad ni Lyndon ang kaniyang kamay kay Trina. “Trina Montenegros Sir,” tinanggap niya naman ang kamay ng binata. Napalingon na lamang sila sa pintuan ni Darren ng bigla itong nagsara ng malakas. “Don’t call me, Sir. Nasabi nila sa akin na ikaw yung bago nilang designer dito so ikaw ang makakasama ko sa pagdidisenyo?” “Designer po kayo?” “Yes at hindi ako bakla na sinasabi ng iba dahil ito ang daang tinahak ko.” natatawa naman nitong saad. “Wala po akong sinabi.” “Oo nga naman hahahaha. So dito rin ako maaassign kung saan ka, dito ako uupo hindi kalayuan sayo kaya hindi ako mahihirapan na magpapabalik-balik. It’s nice to see you Ms. Trina hindi naman nila nasabi na isang magandang binibini pala ang makakasama ko.” nahihiya namang tumawa si Trina. “Nice to meet you too Sir.” bumalik naman na sila sa mga pwesto nila at ipinagpatuloy ang kanilang mga trabaho. Napatingin pa si Trina sa bandang pintuan
Umakyat naman na si Trina sa kwarto niya saka nahiga. Nakatitig pa siya sa kisame at tila naghihintay ng himala para sa kaniya. Simple lang naman yung pangarap niya, makapagtrabaho at magkaroon ng sariling pamilya mula sa lalaking mamahalin niya pero parang ang hirap pang ibigay yun sa kaniya ng tadhana. Nagpakabait naman siya noong bata pa siya pero bakit niya ito nararanasan? Ano bang balak para sa kaniya? hindi niya maintindihan. Masyado bang mataas ang pangarap niya kaya ito nangyayari? Simple nga lang iyun eh pero ibinigay pa siya sa isang lalaking walang puso at walang awa, negosyo at pera lang ang mahalaga. Muli siyang napabuntong hininga, siguro naman balang araw ay makakalaya rin siya. Ipinikit niya naman na ang mga mata niya hanggang sa makatulog siya pero nagising din ng hating gabi dahil nakaramdam ng pagkauhaw. Napatingin na lang siya kay Darren na nasa sofa pa rin pero parang hindi naman ito nagalaw. Nilapitan niya ang asawa at nakatulog na ito sa pagtatr