Patuloy ang pag-agos ng aking masasaganang luha habang pinagmamasdan ang kotse niyang papalayo na. At kahit nga nawala na iyon sa aking paningin ay nanatili pa ring nakatayo sa kinatatayuan. Labis na nanghihina. Ni hindi makagalaw.
Parang sirang plaka na paulit-ulit ang kaniyang kataga sa aking utak. Gustuhin ko mang magalit at magtanim ng loob sa mga binitiwan niyang mga salita, hindi ko rin maipagkakailang tama siya.
Kung mayroon mang dapat sisihin, siguro nga’y ako iyon. Kung mayroon mang dapat magdusa, ako rin iyon. Wala nang iba.
Wala akong ibang ginawa noong buong araw na iyon kundi ang magmukmok at umiyak sa silid. Nang mapagod at humapdi ang mga mata ay nagpasya akong itulog na lang ang lahat. Wala rin naman kasi akong ibang gagawin. Napagtapos naman ako ni Aziel ng kolehiyo, ngunit ayaw niya akong magtrabaho.
Malalim na ang gabi nang magising ako. Una kong tiningnan ang orasan na nakasabit sa pader at halos mapabalikwas ako sa kinahihigaan nang mapagtantong alas-siyete na ng gabi. Walang ano-ano’y mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para humagilap ng maaaring lutuin ngunit sa kasamaang palad ay kakaunti na lang pala ang laman ng refrigerator namin dahil hindi pa ako nakakapag-grocery.
Problemado akong napahilot sa sentido. Nabanggit na naman ni Aziel na hindi siya uuwi pero heto pa rin ako’t nagbabakasakali.
Nagbabakasakaling magbago ang kaniyang isip at sa oras na maisipan niyang umuwi ay mayroon nang nakahandang pagkain para sa kaniya. Alam ko kasing ito lang ang magagawa ko upang mabawasan ang pagod niya sa trabaho. Hindi madali ang magtakbo ng malaking kompanya at napakaraming negosyo.
Sumulyap muli ako sa aking pambisig na relo. “Maaga pa naman. Siguro bibili na lang ako ng pagkain sa labas.”
At iyon na nga ang nangyari. Pumanhik muli ako sa aking kwarto upang magpalit ng mas maayos na damit. Kasunod noon ay pumasok naman ako sa silid ni Aziel upang ihanda ang bihisan niyang damit kung sakali ngang umuwi siya. Pagkatapos noon ay lumabas na ako ng bahay at naglakad hanggang sa labasan ng exclusive subdivision na tinitirhan namin. Wala kasing taxi na dumadaan sa loob dahil bawal pumasok kung hindi taga-rito at kung walang permiso ng pupuntahan mo.
I decided to go to one of Aziel’s favorite restaurants. Paborito niya kasi ang steak tartare rito kahit medyo pricey. He didn’t mind the price, anyway.
The elegant ambiance of the place embraced my whole being as I stepped inside. Bumungad sa akin ang nakangiting waiter. Ngumiti ako pabalik sa kaniya bago inilibot ang tingin sa buong paligid.
Every inch the restaurant screamed expensiveness. Idagdag pa ang klasikal na musikang naririnig sa lahat ng sulok. Matapos kunin ng waiter ang aking order ay umupo muna ako sa isang bakanteng upuan na mayroong pabilog na mesa sa harap. Tahimik lang akong nagmamasid sa labas habang patuloy ang paglipad ng isip kung saan-saan.
Hanggang ilang saglit pa’y muli kong narinig ang pagbukas ng pinto at pagbati ng waiter sa mga bagong taong parating.
“Good evening, Mr. Navarro. Reservation for two, right?”
“Yes,” a stern yet familiar voice answered.
“This way, Ma’am, Sir.”
With that, mas mabilis pa sa alas-kwatro kong hinagilap ng tingin ang pamilyar na tinig. Sa kaniyang tindig at pananamit ay kilalang-kilala ko na agad iyon. Kahit na nakatalikod siya sa aking gawi ay hinding-hindi ako maaaring magkamali. . .
It was Aziel. My husband. . .
Dumako naman ang tingin ko sa babaeng kasalukuyan niyang inaalalayang umupo. Sa hubog ng katawan at kinis ng balat nito, hindi maipagkakailang nagmula siya sa isang mayamang pamilya. Pino ang paraan ng kaniyang pagkilos na tila ba hindi makabasag pinggan.
And of course. . . I know her so damn well.
She was Anne Del Mundo.
Aziel’s first and one great love, his business partner. . . and his mistress too.
“Shit. . .”Inihilamos ko ang aking dalawang palad sa mukha. Hindi ko magawang maproseso nang maayos ang utak ko. Dapat ba akong lumapit sa kaniya at ibalandra ang aking presensya? O dapat ay umalis na lang habang hindi pa niya ako tuluyang nakikita.The restaurant was not that huge. Bilang na bilang lang din sa daliri ang mga taong kumakain dito kaya kung mag-aabala man siyang igala ang kaniyang paningin sa kabuuan ng lugar ay positibong mahahagilap ako ng kaniyang mga mata.Dinampot ko ang menu na nakapatong sa lamesa upang gawing panangga. Pilit kong ipinagsiksikan ang sarili roon at pasimple siyang ninakawan ng tingin. Mukha akong tanga sa ginagawa pero hindi ko mapigilan ang usisain kung bakit siya narito. Kung bakit sa dinami-rami ng mga panahong puwede ko
Lumipas pa ang dalawang araw na walang kahit anino ni Aziel ang umuwi at nagparamdam sa akin. Sinubukan ko siyang tawagan nang maraming beses, minu-minuto pa nga, ngunit nakapatay palagi ang cellphone niya o hindi kaya’y sekretarya niya ang sumasagot.“Full sched po kasi palagi si Sir Aziel, Ma’am. Hindi na rin po niya nagagawang umuwi dahil talagang tambak ang trabaho ngayon. . .” sagot sa akin nang isang pa’y muli akong nagbakasakali.Napatitig ako sa kawalan. Nagdadalawang-isip kung kakagatin ko ba ang paliwanag na iyon o baka naman pinagtatakpan lamang niya ang boss niya. . .Pero ang kasunod niyang sinabi ang siyang nakapagpabuhay sa akin.“Why don’t you pay him a visit
“Wait me here, Chan. This will be quick.”Awang ang aking bibig habang pinapanood siyang isuot muli ang kaniyang grey na coat. Nirolyo niya pababa ang manggas at sinarado ang butones ng polo.“T-Teka, hindi mo ba muna ito kakainin? Kumain muna tayo.” Itinapat ko ang paper bag sa kaniyang mukha at agad naman siyang umiling bilang pagtanggi.He heaved a deep sigh. “Sorry, Chantria. Our time matters. Kakain ako pagbalik ko pero kung gutom ka na. . . mauna ka na lang kumain at mas mabuti pang huwag mo na akong hintayin pa.”“Pero–” Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay muling bumukas ang pinto para paalalahanan siya ng kaniyang sekretarya na nagsisimula na ang meeting.
Akala ay iyon na ang magiging una’t huling pagkikita namin ni Aziel matapos nilang bumisita sa aming bahay, ngunit ang isang beses na iyon ay nasundan pa ng marami. At sa bawat pagkikitang iyon nga ay hindi maiwasang mas lalong mahulog ang aking loob sa kaniya.“If it is okay to ask, why are they treating you like that?” tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin ng pasalubong niyang hamburger.“Sino?” Nilingon ko muna siya bago sumimsim sa juice na bigay din niya.His family was here again. Sa dining area ay naroon ang mga magulang namin na abala na naman sa pag-uusap tungkol sa negosyo. Hindi naman kailangan ang presensya ko roon kaya nagpasya akong dito na lang magpalipas ng oras sa garden. . . pero ang hindi ko inaasahan ay susuno
Nagising ako sa sunod-sunod na tapik sa aking braso. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at gan'on na lamang ang gulat ko nang tumambad ang pagmumukha ng sekretarya ng aking asawa."Ma'am Chantria. . ." she uttered in a low voice.Napabalikwas ako sa sofa na aking kinahihigaan.Jusko!Sa tagal ko palang naghihintay ay hindi ko na namalayang natulog na ako! Kahit na medyo lutang pa ay inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng opisina ni Aziel ngunit bigo akong makita kahit ni anino niya."Si Aziel? Hindi pa ba siya bumabalik?" namamaos kong tanong sa kaniyang sekretarya.Matagal siya bago nakasagot. Ilang beses ding bumuka ang kaniyang bibig na para bang nahihirapan kung anong dapat sabihin.
Matinding katahimikan ang bumabalot sa amin habang kumakain ng hapunan. Tanging tunog ng kubyertos na tumatama sa babasaging pinggan ang naririnig. God knows how much I wanted to ask about his day, his work or even just exchange a random conversation with him. But I'm scared that he might get annoyed.Kaya naman kahit kating-kati na ang dilang kong magtanong ay pinigilan ko pa rin ang sarili. Mas pinili ko na lamang ang manahimik at makiramdam sa kaniyang kilos. At alam kong gan'on din siya sa akin.Kanina ko pa kasi napapansin na panay ang sulyap o titig niya sa akin habang kumakain kami. It was odd and I felt uncomfortable with it. Ilang minuto lang din ay narinig ko ang mahina at mabigat niyang buntonghininga. At mula sa mahabang katahimikan ay siya na ang naunang magsalita.
"Manang Yeta, this is my wife, Chantria Navarro.""Nice meeting you po." Ngumiti ako sa ginang at magalang na inilahad ang kamay."Ikinagagalak ko ring makilala ka, Mrs. Navarro." Sumulyap siya kay Aziel at binigyan ito ng isang makahulugang ngiti. "Tama nga 'tong ipinagmamalaki sa akin ni Aziel. Napakasimple pero napakaganda mo ngang bata. Para kang anghel."Mas lalong lumawak ang aking ngiti at tila mayroong mainit na palad na humaplos sa aking puso. Nilingon ko rin si Aziel pero tumikhim lamang siya at nagbaba ng tingin sa sahig."Talaga? Sinabi po niya iyon?" namamangha kong tanong.Tumango-tango naman si Manang Yeta, naroon pa rin ang abot langit na ngisi
“I’ll attend an important business convention in Baguio so I’ll be gone for days.”Iyon ang ibinungad sa akin ni Aziel pagkamulat na pagkamulat ng aking mga mata. Nakaupo ako sa aking kama, medyo disoriented pa. Gustuhin ko mang bumangon pero sa tuwing sinusubukan ko ay napapangiwi na lamang dahil sa matinding sakit at kirot ng aking katawan. Hindi ko na alam kung nakailang beses at kung anong oras na kami natapos dalawa. Kaya heto, parang dinaanan tuloy ng sampung truck ang gitna ng aking hita. Hindi na rin ako nagtaka pa nang bumalik na muli ang malamig na trato ni Aziel sa akin. He was done using me, anyway. Nagiging maingat at malambing lang naman siya sa akin kapag nag-iinit ang katawan niya. “Nasabi ko na kay Manang Yeta kung anong mga dapat niyang gawin dito sa bahay. Naghire rin ako ng ilang bodyguard na magbabantay sa iyo–”Nagulantang ako sa sinabi niya at nanlalaki ang mga matang nag-angat ng paningin sa kaniya. “Bodyguard?! For what?” “For your safety, Chantria.” His ey