My sister went back to the Philippines for our wedding. Buong akala ko'y kahit papaano ay magiging masaya iyon pero ang hindi ko inaasahan ay ang isang text na galing sa magulang ni Anne na wala na ang mga batang dinadala niya at ako ang sinisisi nila sa nangyari.Anne became depressed and her family wanted me to take all the responsibilities for what happened to their daughter because if not, they would do anything just to ruin our reputation as well as the Saavedra's... at ayaw kong mangyari iyon dahil paniguradong sa huli ay sa akin din mapupunta ang sisi.Naghalo-halo na ang nararamdaman ko noong panahong iyon. Para akong mababaliw sa dami ng iniisip. Gusto kong umiyak at magmukmok dahil pakiramdam ko'y pumalpak ako bilang anak at sinisisi ko rin ang sarili dahil sa nangyari kay Anne at sa bata.I wanted to grieve, to mourn, or even just to fucking breathe for a while, pero hindi iyon nangyari dahil pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay agad na akong sumabak sa trabaho at pag-aaral
"Sir, wala pong nakaregister na Aziel and Chantria Navarro sa marriage certificate."My forehead creased in sudden confusion. "What? Check it again. That's impossible."The lady shook her head again. "Sir, wala po talaga. If you want po, I can give you a copy of your CENOMAR," paliwanag pa niya sa akin.Para na naman akong napunta sa isang malaking bangungungot habang binabasa ang nakasaad sa mga dokumento. Hindi kami totoong ikinasal ni Chantria. Sa mata ng batas at Diyos, hindi kami mag-asawa. Habang nasa loob ng sasakyan ay sinabunutan ko ang aking buhok at ilang beses na pinagsasampal ang sarili, nakikiusap at humihiling na sana'y panaginip lang ang lahat ng ito.Ilang beses kong sinubukang sabihin kay Chantria pero palagi lamang akong nabibigo, lalo na sa tuwing nakikita ko kung paano kumikislap ang kaniyang mata sa labis na saya. Kumikirot ang puso ko sa tuwing pinagmamasdan siya.Tangina naman, bakit baa ng damot sa amin ng mundo? Hindi na ba talaga kami puwedeng maging masaya?
“Where have you been? Anong oras na, Aziel? Kanina pa kita hinihintay.” Salubong ko sa aking asawa tuluyan na itong makapasok sa aming bahay.Ngunit imbis na sagutin ay tanging tamad na tingin lamang ang ibinigay nito sa akin bago magpatuloy sa paglalakad patungo sa aming kwarto. Mas lalong uminit ang ulo ko dahil doon at hindi makapaniwalang sinundan siya ng tingin.“Aziel!” muling nanggagalaiting sigaw ko bago sumunod sa kaniya gamit ang mabibigat na hakbang.Hanggang sa makarating sa aming silid ay nanatili siyang walang kibo. Pinanood ko siyang hubarin ang suot niyang puting long sleeves pati na rin ang kaniyang grey na slacks at black shoes. Basta na lamang niya iyong inihagis kung saan bago tumalon padapa sa kama.
Hindi nga siguro tama kapag pinipilit at minamadali mong mapunta sa iyo ang mga bagay na gusto mo. Dati akala ko ay okay lang. Na masaya kapag agaran kong nakuha. Pero ngayong nasa ganito na akong sitwasyon, napagtanto kong. . . mali pala. Maling-mali pala.“Aziel, saan ka pupunta? Ang aga mo naman yata?” nagtatakang tanong ko sa kaniya nang makita siyang pababa na sa hagdan, pormal ang kaniyang pananamit mula ulo hanggang paa at tila ba’y nagmamadali. Sa kanang kamay ay mayroon siyang hawak na itim na attache case.Ipinatong ko ang aking nilutong almusal sa lamesa at mabilis na nilapitan siya. Hindi ako magkadaugaga sa pagsuklay ng aking buhok dahil mukha na akong ewan. Sa sobrang aga ko kasing nagising ay nakapaglinis na ako ng bahay at nakapagluto na rin ng almusal nam
Patuloy ang pag-agos ng aking masasaganang luha habang pinagmamasdan ang kotse niyang papalayo na. At kahit nga nawala na iyon sa aking paningin ay nanatili pa ring nakatayo sa kinatatayuan. Labis na nanghihina. Ni hindi makagalaw.Parang sirang plaka na paulit-ulit ang kaniyang kataga sa aking utak. Gustuhin ko mang magalit at magtanim ng loob sa mga binitiwan niyang mga salita, hindi ko rin maipagkakailang tama siya.Kung mayroon mang dapat sisihin, siguro nga’y ako iyon. Kung mayroon mang dapat magdusa, ako rin iyon. Wala nang iba.Wala akong ibang ginawa noong buong araw na iyon kundi ang magmukmok at umiyak sa silid. Nang mapagod at humapdi ang mga mata ay nagpasya akong itulog na lang ang lahat. Wala rin naman kasi akong ibang gagawin. Napagtapos naman ako
“Shit. . .”Inihilamos ko ang aking dalawang palad sa mukha. Hindi ko magawang maproseso nang maayos ang utak ko. Dapat ba akong lumapit sa kaniya at ibalandra ang aking presensya? O dapat ay umalis na lang habang hindi pa niya ako tuluyang nakikita.The restaurant was not that huge. Bilang na bilang lang din sa daliri ang mga taong kumakain dito kaya kung mag-aabala man siyang igala ang kaniyang paningin sa kabuuan ng lugar ay positibong mahahagilap ako ng kaniyang mga mata.Dinampot ko ang menu na nakapatong sa lamesa upang gawing panangga. Pilit kong ipinagsiksikan ang sarili roon at pasimple siyang ninakawan ng tingin. Mukha akong tanga sa ginagawa pero hindi ko mapigilan ang usisain kung bakit siya narito. Kung bakit sa dinami-rami ng mga panahong puwede ko
Lumipas pa ang dalawang araw na walang kahit anino ni Aziel ang umuwi at nagparamdam sa akin. Sinubukan ko siyang tawagan nang maraming beses, minu-minuto pa nga, ngunit nakapatay palagi ang cellphone niya o hindi kaya’y sekretarya niya ang sumasagot.“Full sched po kasi palagi si Sir Aziel, Ma’am. Hindi na rin po niya nagagawang umuwi dahil talagang tambak ang trabaho ngayon. . .” sagot sa akin nang isang pa’y muli akong nagbakasakali.Napatitig ako sa kawalan. Nagdadalawang-isip kung kakagatin ko ba ang paliwanag na iyon o baka naman pinagtatakpan lamang niya ang boss niya. . .Pero ang kasunod niyang sinabi ang siyang nakapagpabuhay sa akin.“Why don’t you pay him a visit
“Wait me here, Chan. This will be quick.”Awang ang aking bibig habang pinapanood siyang isuot muli ang kaniyang grey na coat. Nirolyo niya pababa ang manggas at sinarado ang butones ng polo.“T-Teka, hindi mo ba muna ito kakainin? Kumain muna tayo.” Itinapat ko ang paper bag sa kaniyang mukha at agad naman siyang umiling bilang pagtanggi.He heaved a deep sigh. “Sorry, Chantria. Our time matters. Kakain ako pagbalik ko pero kung gutom ka na. . . mauna ka na lang kumain at mas mabuti pang huwag mo na akong hintayin pa.”“Pero–” Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay muling bumukas ang pinto para paalalahanan siya ng kaniyang sekretarya na nagsisimula na ang meeting.