Share

Chapter 2

Author: Jel
last update Last Updated: 2022-03-18 17:48:26

Hindi nga siguro tama kapag pinipilit at minamadali mong mapunta sa iyo ang mga bagay na gusto mo. Dati akala ko ay okay lang. Na masaya kapag agaran kong nakuha. Pero ngayong nasa ganito na akong sitwasyon, napagtanto kong. . .  mali pala. Maling-mali pala.

“Aziel, saan ka pupunta? Ang aga mo naman yata?” nagtatakang tanong ko sa kaniya nang makita siyang pababa na sa hagdan, pormal ang kaniyang pananamit mula ulo hanggang paa at tila ba’y nagmamadali. Sa kanang kamay ay mayroon siyang hawak na itim na attache case.

Ipinatong ko ang aking nilutong almusal sa lamesa at mabilis na nilapitan siya. Hindi ako magkadaugaga sa pagsuklay ng aking buhok dahil mukha na akong ewan. Sa sobrang aga ko kasing nagising ay nakapaglinis na ako ng bahay at nakapagluto na rin ng almusal naming dalawa.

Dire-diretso lamang ang lakad niya palabas na para bang hindi na naman ako nakikita o naririnig. Patuloy ako sa paghabol at muli kong inulit ang tanong.

“Papasok ka na sa trabaho? Kumain ka muna kung ganon.” Sinubukan ko siyang hawakan sa braso ngunit agad din niya iyong pinalis.

“Hindi na. Sa opisina na ako kakain,” malamig niyang tugon, hindi pa rin ako binabalingan ng tingin.

Nanlaki ang mga mata ko’t mas lalong nataranta. “Ha? Paano naman itong mga niluto ko kung gan’on?” maktol ko at akmang ibubuka niya ang labi para sumagot nang muli ko siyang maunahan. “Eh kung baunin mo na lang kaya? Sayang naman din kasi. Ginawa ko talaga ito para sa iyo–”

Tumigil siya sa paglalakad. Marahas na bumuntonghininga at niluwagan ang kaniyang necktie. Mariing tingin ang ipinukol nito sa akin.

“Chantria, I said I don’t need it. Hindi mo ba napapansin na nagmamadali ako? And yet, here you are. Para kang aso na buntot nang buntot sa akin,” kalmado ngunit mababakas ang pagpipigil ng inis sa kaniyang tinig.

Umawang ang aking labi, biglang natameme at naubusan ng mga salita. Bumagsak sa sahig ang aking mga mata at wala sa sariling humakbang paatras sa kaniya. Tatlong taon na ganitong pagtrato, ngunit hindi pa rin maiwasan ang matinding pagkirot ng aking puso.

“I’m sorry. . .” Tumikhim ako upang alisin ang til malaking bagay na bumabara sa aking lalamunan. Tiningala ko siya at pilit na nginitian. “Sige na, pumasok ka na. Baka mahuli ka pa.”

Matagal siyang nanatili sa kinatatayuan. Eventually, he shut his eyes and groaned frustratedly. At gan’on na lamang ang gulat ko nang ibalibag niya sa mahabang sofa ang kaniyang gamit at hinawakan ang kamay ko patungong kusina.

“Come on, let’s eat.”

Hindi makapaniwala ang ekspresyon ng aking mukha. Ni hindi ko nga magawang makapagsalita. Sinubukan kong basahin ang emosyon niya, ngunit ni isa ay wala akong makita.

Ganito siya kung minsan kaya ang hirap-hirap talaga niyang bitawan. May mga pagkakataong iba ang kaniyang sinasabi sa mga ikinikilos niya. Minsan ay natitiis niya ako pero kapag nakikita niya akong umiiyak ay awtomatikong lumalambot ang kaniyang puso.

“Umupo ka na. Magsabay na tayo. Huwag kang tumunganga lang riyan, Chantria.”

Napakurap-kurap ako sa biglaan niyang pagsasalita. Hindi ko namalayan na nagsisimula na pala siyang kumain samantalang ako’y parang timang na nakatayo lang sa gilid niya.

“G-Gusto mo ba ng kape?” tanong ko at tumango lang siya.

Mabilis akong tumalima. Seryosong-seryoso ako habang tinitimpla ang kapeng paborito niya. Sa tatlong taon, kabisado ko na ang mga gusto at ayaw niya. Na ultimo miski na maliliit na detalye ay hindi ko rin pinalampas.

That was what a wife should do, right?

Minsan nga ay natatawa na lang ako sa sarili. Masiyado ko naman yatang feel na feel ang pagiging asawa, samantalang ang lahat ay parang wala lamang sa kaniya.

Nilingon ko siya nang marinig ang malakas na pagtunog ng kaniyang cellphone. Tumigil siya sa pagkain, tumayo at bahagyang lumayo para sagutin iyon. Hindi naman siya nagtagal. Nang matapos ako ay siya namang pagbalik niya. Ipinatong ko ang kape sa lamesa na agad din naman niyang kinuha at ininom.

“Aalis ka na?” Namilog ang aking mga mata at awang ang labing tumitig sa kaniya.

“Yeah, something important came up,” he answered without looking at me.

Panay ang tipa niya sa kaniyang cellphone. Sinundan ko siyang muli patungo sa sala at ako na mismo ang nag-abot sa kaniya ng attache case. Hanggang sa grahe ay tahimik lamang akong nakasunod. Tumigil siya sa paglalakad nang muling tumunog ang kaniyang cellphone para sa isang muling tawag.

“I’m going there, Anne. Sorry for keeping you waiting. . .” puno ng lambing at pagsusumamo ang kaniyang tinig.

Hindi ko napigilan ang sariling mag-angat ng titig sa kaniya. Nagtagpo ang aming mga mata, ngunit siya na rin ang naunang umiwas.

“Yeah, yeah. Hindi pa ako kumakain. . .” I rolled my eyes heavenward at his lies. He stopped talking then chuckled. “Sinabi ko naman sa iyo na sabay na tayong dalawa. I already ordered food for us. Maya-maya lang ay darating na iyon.”

Ilang sandali pa siyang natahimik habang mataimtim na pinapakinggan ang nasa kabilang linya. Pagkatapos n’on ay pinatay na niya ang tawag at pinatunog ang kaniyang itim na Lamborghini sa grahe.

Tumikhim ako’t pumormal sa pagkakatayo para muli siyang sundan. Kahit gusto nang kumawala ng aking mga luha ay pilit ko iyong ikinubli sa pamamagitan ng isang matamis na ngiti.

Durog na durog na ako, Aziel. Hanggang kailan ba tayo magiging ganito? Hanggang kailan ba ako magtitiis sa ganitong klase mong pagtrato?

Pumasok siya sa kaniyang kotse, pinaandar ang engine bago buksan ang bintana sa may bandang kinatatayuan ko.

“Ingat ka, ah?” I reminded him. “Anong oras ka uuwi mamaya at ano rin ang gusto mong ulam?”

Umiling lamang siya bilang tugon. “Don’t bother waiting for me again, Chantria. Hindi ako uuwi ngayong gabi.”

“B-Bakit naman?”

Bumakas ang iritasyon sa kaniyang mukha nang muli niya akong lingunin. “Stop asking questions. Palagi ka na lamang maraming tanong.”

“Because I’m your wife. Like what I’ve always said. . .  I have the right to know your whereabouts, Azi. Ano bang hindi mo maintindihan doon?” I snapped at him.

“At ano rin ba ang hindi mo maintindihan sa salitang sa papel lamang tayo mag-asawa? Kailangan ko rin bang araw-araw ipaalala sa iyo iyon para matauhan ka?” he fired back.

Natahimik ako kasabay ng pagbilis ng aking paghinga. Hindi na ako nakaganti pa ng mga salita. Matindi ang pagkirot ng aking puso na para bang ilang libong karayom ang paulit-ulit na tumutusok doon. Suminghot ako ng hangin nang maramdam ang unti-unting pag-uunahan ng pagbagsak ng mga luha sa aking mata.

Umigting ang kaniyang panga sa nakita.

“Kung hindi ka lang naging makasarili sa desisyon mo, kung hindi mo lang sana ipinagsiksikan ang kagustuhan mo noon, wala tayo sa ganitong klaseng sitwasyon ngayon. So stop acting like you’re the victim, Chantria, because even if the whole world turned upside down, you’re the only one who should be blamed all along.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Missy F
eh d hiwalayan mo na Aziel hndi ung nambababae ka jan!
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kung ako sayo chantria iwanan mo na lang yamg asawa mo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • CEO's Mistreated Wife (Taglish)   Epilogue (5)

    "Sir, wala pong nakaregister na Aziel and Chantria Navarro sa marriage certificate."My forehead creased in sudden confusion. "What? Check it again. That's impossible."The lady shook her head again. "Sir, wala po talaga. If you want po, I can give you a copy of your CENOMAR," paliwanag pa niya sa akin.Para na naman akong napunta sa isang malaking bangungungot habang binabasa ang nakasaad sa mga dokumento. Hindi kami totoong ikinasal ni Chantria. Sa mata ng batas at Diyos, hindi kami mag-asawa. Habang nasa loob ng sasakyan ay sinabunutan ko ang aking buhok at ilang beses na pinagsasampal ang sarili, nakikiusap at humihiling na sana'y panaginip lang ang lahat ng ito.Ilang beses kong sinubukang sabihin kay Chantria pero palagi lamang akong nabibigo, lalo na sa tuwing nakikita ko kung paano kumikislap ang kaniyang mata sa labis na saya. Kumikirot ang puso ko sa tuwing pinagmamasdan siya.Tangina naman, bakit baa ng damot sa amin ng mundo? Hindi na ba talaga kami puwedeng maging masaya?

  • CEO's Mistreated Wife (Taglish)   Epilogue (4)

    My sister went back to the Philippines for our wedding. Buong akala ko'y kahit papaano ay magiging masaya iyon pero ang hindi ko inaasahan ay ang isang text na galing sa magulang ni Anne na wala na ang mga batang dinadala niya at ako ang sinisisi nila sa nangyari.Anne became depressed and her family wanted me to take all the responsibilities for what happened to their daughter because if not, they would do anything just to ruin our reputation as well as the Saavedra's... at ayaw kong mangyari iyon dahil paniguradong sa huli ay sa akin din mapupunta ang sisi.Naghalo-halo na ang nararamdaman ko noong panahong iyon. Para akong mababaliw sa dami ng iniisip. Gusto kong umiyak at magmukmok dahil pakiramdam ko'y pumalpak ako bilang anak at sinisisi ko rin ang sarili dahil sa nangyari kay Anne at sa bata.I wanted to grieve, to mourn, or even just to fucking breathe for a while, pero hindi iyon nangyari dahil pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay agad na akong sumabak sa trabaho at pag-aaral

  • CEO's Mistreated Wife (Taglish)   Epilogue (3)

    Marami kaming pagkakahalintulad kagaya ng pareho kaming walang choice kundi ang sumunod sa mapagdesisyon naming magulang. Tho, ako naman ay hindi natatakot sumuway kapag may pagkakataon. Mas mahirap lamang sa parte niya dahil hindi siya itinuturing bilang pamilya dahil anak 'lamang' daw siya sa labas kaya wala siyang ibang pagpipilian talaga kundi ang sumunod. At habang nakikilala ko nga siya ay hindi ko maiwasang mamiss ang kapatid kong nasa ibang bansa.Chantria... she could pass as my younger sister. But I know and it's obvious that she was feeling differently towards me. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil bata pa siya at paniguradong magbabago pa ang nararamdaman niya.I'm aware of how fucked up and harsh the world is on Chantria; even her own family wanted to get off her, so I made a promise to her that I would protect her the way I protected my sister, Aia. I was silently praying that the world had been gentler for her because she didn't deserve all the hate from the people

  • CEO's Mistreated Wife (Taglish)   Epilogue (2)

    Nakita ko ang malambot na pag-angat ng tingin ni Mommy kay Daddy at marahang hinaplos ang kamay nito sa pagbabaka-sakaling mapapaamo niya ang matandang asawa."Sige na, Carlito. Pagbigyan mo na ang mga anak mo..." malumanay na saad ni Mommy Mel."Manahimik ka, Mel. Ako ang lalaki at padre de pamilya. Ako ang nagpapalamon sa inyo kaya ako ang masusunod." Tiim-bagang siyang umiwas ng tingin sa aming lahat at bumalik sa pagkain na parang walang nangyari.Naging mahirap para sa akin ang pangungumbisi sa magulang ko. Idagdag pa na mas lalong gumulo rin ang relasyon namin ni Anne. Sa tuwing magkausap kami sa telepono ay palagi iyong humahantong sa away kaya minsan ay mas pinipili ko na lamang na umiwas at hindi siya kausapin. Kung kakausapin man ay may kinalaman lamang iyon sa pagbubuntis niya. Palagi niya rin akong tinatanong kung kailan ako susunod sa kaniya pero hindi ko iyon mabigyan ng malinaw na kasagutan.Tangina, gustong-gusto ko na ring umalis sa pamamahay na ito. Nakakasakal. Naka

  • CEO's Mistreated Wife (Taglish)   Epilogue (Aziel's POV)

    "If you're going to have your first girlfriend, make sure that's Anastacia Del Mundo."From my food, my stare went up to my dad. Kita ko rin ang pag-angat ng tingin ni Louie na nakikiramdam. "Pardon?""Oh, don't make me repeat it. I know you heard me clearly," he muttered with coldness.I laughed ridiculously in my mind as I watched him sip on his coffee. "No fucking way..." I answered him with conviction.Agad naman akong sinaway ni Mommy at pinaalalahanang nasa harap kami ng pagkain pero hindi ako natinag. Ayon na nga, eh. Payapa akong kumakain dito, sarap na sarap pa ako rito sa ngininguya ko tapos bigla na lamang magsasalita ng gan'on? Parang gago. Nakakawalang gana."Stop being hardheaded, young man. Iyon na lang ang gagawin mong tama sa pamilyang 'to," he strictly hissed.Umigting ang panga ko at pabagsak na binitawan ang kutsara't tinidor. Nagpakawala ako ng sarkastikong tawa habang nakatitig sa pinggan ko. Hindi ko pa man nadedepensahan ang sarili ko ay muling bumuwelta si Mom

  • CEO's Mistreated Wife (Taglish)   Chapter 55.3

    Another two years have passed in our lives and I can finally say that I am finally healed. As I looked back on the past, I realized how traumas and pains encouraged me to become something I didn't expect I would be.Pareho kaming nagkamali ni Aziel. Hindi naging maayos ang simula at daloy ng pagsasama naming dalawa. Hindi rin naging madali ang mga dagok at pagsubok na ibinato sa amin ng tadhana. Pero sabay kaming nagsisi, natuto, bumangon, at nagsimula muli sa mas tamang paraan. Sa matatag na samahan. Sa mas malalim na pagmamahalan.Ilang beses kaming nagkahiwalay pero kagaya ng isang alon na kahit anong pag-alis, sa huli ay babalik at babalik pa rin kami sa isa't isa. Kagaya ng paglubog ng araw na hindi lamang nangunguhulugan ng pagtatapos kundi pati na rin ng bagong simula. At tila sa malalim na pagkakalunod sa sakit, pait, at pagkadismaya, ngayon ako'y nakaahon na. Hindi ko rin alam kung paano ko nakaya, ngunit ipinagmamalaki kong ngayo'y nasa pampang na at maayos nang nakakahinga.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status