"So far, ano pa lang ang nafa-finalize? Hmm?" he asked while gently combing my hair. Nakahiga siya sa kama habang ako nama'y nakadapa sa kaniyang dibdib. Malaya kong napakikinggan ang bilis ng pintig ng kaniyang puso. Natutuwa rin ako dahil sa tuwing nagsasalita siya ay parang nagvava-vibrate iyon. "Date pa lang. Sa next month pa iyong sched natin with wedding organizers pati na rin iyong cake testing," nakapikit kong sagot. "What about your gowns and my tuxedo? Saang bansa mo gustong magpagawa?" Umiling agad ako. "Hindi na. Si Ate Chantal na ang bahala riyan. Sabi niya na siya ang magde-design at gagawa ng lahat ng damit. Sabihan na lang daw natin siya kung kailan natin tayo may free time para magpasukat." Mas lalo pang lumakas ang hangin at ulan. Nawalan na rin ng kuryente kaya madilim na. Mayroon namang generator pero hindi na rin naman namin kailangan iyon dahil wala naman na kaming ibang ginagawa. Nagcu-cuddle lang kami habang pinag-uusapan ang mga ganap sa wedding hanggang
Naging maayos na ang panahon sa mga sumunod na araw at kinailangan niyang lumuwas ng Maynila para sa trabaho. Kinumbinsi niya akong sumama at hindi naman ako tumanggi.Naisip ko rin na gusto kong bisitahin ang mansion at si Manang Yeta. Gusto ko siyang personal na imbitahin para sa kasal namin ni Aziel at marami rin akong gustong ikwento sa kaniya. Bigla ko siyang namiss! Bigla kong namiss ang ingay ng Maynila!Sobrang excited ako kaso masama ang pakiramdam ko habang nasa biyahe kami. Hindi rin ako makausap nang maayos ni Aziel dahil palagi akong tulog. Sobrang selan din ng pang-amoy ko at naiirita ako sa tapang ng pabango niya.Grabe ang pagtitiis ko sa loob ng eroplano. Pigil na pigil ako sa pagbaliktad ng aking sikmura. Nang makababa kami sa airport ay nakaabang na roon ang isang itim na BMW ni Aziel. Naroon din sa likod ang isang SUV kung saan nag-aabang ang mga bodyguard niya na ABC.Yumuko sila sa amin para magbigay-galang at sila na rin ang nagpasok ng mga gamit sa sasakyan. Ma
"Masaya ako para sa inyo mga anak. Masaya akong sa kabila ng lahat, hindi ninyo sinukuan ang isa't isa," umiiyak na sabi sa amin ni Manang.Napalunok si Aziel at kumurap-kurap. Kitang-kita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata. Mukhang naiiyak din pero pinipigilan lang.Hanggang sa huminahon na si Manang at nagpasya na siyang lumabas ng silid. Si Aziel naman ay dumiretso sa bathroom para ihanda ang pampaligo ko.Nakaupo lang ako sa kama nang makatanggap ako ng mahalagang text mula sa kapatid ko.From: Ate ChantalSend me a copy of your Certificate of Marriage. Need ko na ASAP.Sandali akong napatulala sa kawalan habang iniisip kung saan ko nga ba iyon inilagay pero wala akong maalala na may natanggap akong gan'on noong ikasal kami.Ipinagkibit balikat ko. Sabagay, hindi nga pala ako ang humahawak ng mahahalagang papeles. Miski nga identification card ko ay siya o sina Mommy Mel ang nag-aasikaso.To: Ate ChantalOkay. I'll send it to you tomorrow.Hindi na siya nagreply. Binitiwan ko n
I felt betrayed. I felt fucking betrayed for the second time around.Maraming tanong na gumugulo sa aking isipan pero hindi ako handa sa maaaring maging paliwanag niya. Pilit kong pinipigilan ang pagpupumiglas ng mga masasakit na salita. Gustuhin ko mang lumuha, pakiramdam ko'y hindi ko na magagawa pa.Ubos na ubos na. Sagad na sagad na. Pagod na pagod na. Gusto ko na lang maglaho na parang bula at kailanman ay hindi na magpakita.Kahit na nanginginig ang aking sistema, pinilit ko pa ring tumayo at maglakad pabalik sa kwarto kung nasaan ang mga gamit ko.Sa totoo lang ay blangko ang aking isip sa mga oras na ito pero isang bagay lang ang malinaw sa akin, ayaw ko nang makita pa si Aziel o manatili pa rito.Mabilis kong dinampot ang aking maleta at sinikop lahat ng gamit sa loob niyon. Wala na akong panahon para ayusin pa dahil alam kong anumang oras ay dadating na si Aziel.Hindi ko na nadala pa ang ilang gamit. Mabuti na lang ay may pera rin akong inipon kaya hindi ko na kailangan pan
Muling umukit ang matamis na ngiti sa labi ng ginang bago ako ayain patungo sa sakayan ng tricycle. Habang nasa biyahe ay narinig niyang muli ang pagkalam ng aking sikmura."Hindi ka pa kumakain ng hapunan?" tanong niya sa akin."Hindi pa po." Umiling ako."Hayaan mo pagdating sa bahay, ipaghahanda kita. Sigurado akong gutom na gutom ka na."Sumilay ang sinserong ngiti sa aking labi. "Sobrang bait nyo po, Nay. Maraming salamat po."Matunog siyang ngumisi bago ikumpas ang isang kamay sa ere. "Tawagin mo na lang akong Victorina o puwede ring Vicky. At saka, wala iyon, ija. Puwede kang manatili sa bahay kahit gaano katagal o kung hanggang kailan mo gusto."Napakamot ako sa batok. "Ay nakakahiya naman po iyon!""Hindi, ano ka ba? Dalawa lang naman kami ng anak kong magkasama sa bahay. Madalas din siyang wala dahil sa trabaho kaya mag-isa lang ako," paliwanag niya."Hindi po ba nakakahiya naman iyon sa anak nyo?""Mabait iyon, ija. Huwag kang mag-alala," paninigurado niya at unti-unti nama
Masasabi kong sobrang bait ni Nanay Vicky dahil tinanggap at pinatuloy niya ako sa bahay nila na walang halong pag-aalinlangan. Sa loob ng tatlong araw na pananatili ay sobra-sobra ang pag-aalagang ibinigay niya sa akin lalo pa't buntis ako.Sinamahan niya akong magpacheck-up kahapon sa isang center. Libre lamang iyon pero may bayad ang mga vitamins na ibinigay sa akin. Ako na ang bumili niyon dahil nakakahiya naman kung iaasa ko pa kay Nanay Vicky ang bagay na iyon."Ito, bumili ako ng prutas sa palengke kanina. Kainin mo dahil makakatulong sa iyo iyan." Inilapag niya sa lamesa ang isang plastic bag na punong-puno ng samo't saring masustansyang pagkain.Gabi na at kauuwi lamang niya galing sa pagtitinda sa bayan. Mabuti na lang ay nakapaghanda na ako ng pagkain para sa aming dalawa.Napakamot ako sa ulo dahil sa labis na hiya. "Nay, ang dami po nito. Baka po wala na kayong tinutubo sa mga paninda nyo," nahihiya kong saad at hindi makatingin sa kaniya.Nagpakawala siya ng isang malali
Mabilis na nangilid ang aking luha at bigla akong nakaramdam ng takot para sa sarili ko. Ayaw ko nang bumalik sa kaniya. Ayaw ko na siyang makita o makasama pero alam kong sa oras na matagpuan niya kung nasaan ako, wala na akong kawala."Hindi kita kilala pero malugod kitang tinanggap sa pamamahay ko. Maayos ang pagtrato namin sa iyo magmula nang dumating ka rito...""E-Elias..." Mariin kong ipinikit ang mga mata at marahas na umiling.Dinig ko ang malalim niyang buntonghininga. "Magsabi ka sa akin ng totoo. Iyon lang ang gusto ko. Sobrang maimpluwensya ng pamilya mo, Tria, at natatakot ako para kaligtasan ng Nanay ko.""I-I'm sorry." Iyon lang ang bukod tanging nasabi ko habang humahagulhol ng iyak.Mas mabuti ba kung umalis na lang ako rito para hindi na sila madamay? Paano kung may makakita sa akin dito at sapilitan akong kunin kapalit ng malaking halaga na inaalok ni Aziel?Masiyadong mabuti si Elias at Nanay Vicky para madamay sa gulo at problema kong ito."Wala akong sinasabi na
"Sige na, Elias. Sumama ka na sa amin. Minsan lang naman 'to." Nakanguso at nagpapacute si Amira habang nang-aakit na hinahaplos ang lantad na dibdib ni Elias.Humagikhik siya pati na rin ang tatlong alipores na kasama niya. "Tigas, huh," bulong pa niya sa mga kasamahan na narinig ko.Nanatili akong nakamasid pero hindi ko napigilang magtaas ng kilay. Really? In front of my mango shake? Naiiling akong umiwas ng tingin at sumisim sa baso."Pasensiya na, Amira, pero hindi pa ako sigurado." Pilit na ngumiti si Elias, humakbang pa siya patalikod para pasimpleng kumawala sa pagkakahawak ng babae.Bumaling siya sa akin. Akmang magpapatuloy na kami sa paglalakad nang muling idinipa ng babae ang magkabila niyang braso para pigilan kami o mas mainam nang sabihin na si Elias lang. Hindi ako kasama. "Sandali lang!" natatarantang pigil ni Amira. "Sumama ka na, Elias. Pupunta rin doon sina Jojo. Hindi magiging masaya kung wala ka–""Hindi ko naman dala ang alak na iinumin nila," pamimilosopo ng k