"Masaya ako para sa inyo mga anak. Masaya akong sa kabila ng lahat, hindi ninyo sinukuan ang isa't isa," umiiyak na sabi sa amin ni Manang.Napalunok si Aziel at kumurap-kurap. Kitang-kita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata. Mukhang naiiyak din pero pinipigilan lang.Hanggang sa huminahon na si Manang at nagpasya na siyang lumabas ng silid. Si Aziel naman ay dumiretso sa bathroom para ihanda ang pampaligo ko.Nakaupo lang ako sa kama nang makatanggap ako ng mahalagang text mula sa kapatid ko.From: Ate ChantalSend me a copy of your Certificate of Marriage. Need ko na ASAP.Sandali akong napatulala sa kawalan habang iniisip kung saan ko nga ba iyon inilagay pero wala akong maalala na may natanggap akong gan'on noong ikasal kami.Ipinagkibit balikat ko. Sabagay, hindi nga pala ako ang humahawak ng mahahalagang papeles. Miski nga identification card ko ay siya o sina Mommy Mel ang nag-aasikaso.To: Ate ChantalOkay. I'll send it to you tomorrow.Hindi na siya nagreply. Binitiwan ko n
I felt betrayed. I felt fucking betrayed for the second time around.Maraming tanong na gumugulo sa aking isipan pero hindi ako handa sa maaaring maging paliwanag niya. Pilit kong pinipigilan ang pagpupumiglas ng mga masasakit na salita. Gustuhin ko mang lumuha, pakiramdam ko'y hindi ko na magagawa pa.Ubos na ubos na. Sagad na sagad na. Pagod na pagod na. Gusto ko na lang maglaho na parang bula at kailanman ay hindi na magpakita.Kahit na nanginginig ang aking sistema, pinilit ko pa ring tumayo at maglakad pabalik sa kwarto kung nasaan ang mga gamit ko.Sa totoo lang ay blangko ang aking isip sa mga oras na ito pero isang bagay lang ang malinaw sa akin, ayaw ko nang makita pa si Aziel o manatili pa rito.Mabilis kong dinampot ang aking maleta at sinikop lahat ng gamit sa loob niyon. Wala na akong panahon para ayusin pa dahil alam kong anumang oras ay dadating na si Aziel.Hindi ko na nadala pa ang ilang gamit. Mabuti na lang ay may pera rin akong inipon kaya hindi ko na kailangan pan
Muling umukit ang matamis na ngiti sa labi ng ginang bago ako ayain patungo sa sakayan ng tricycle. Habang nasa biyahe ay narinig niyang muli ang pagkalam ng aking sikmura."Hindi ka pa kumakain ng hapunan?" tanong niya sa akin."Hindi pa po." Umiling ako."Hayaan mo pagdating sa bahay, ipaghahanda kita. Sigurado akong gutom na gutom ka na."Sumilay ang sinserong ngiti sa aking labi. "Sobrang bait nyo po, Nay. Maraming salamat po."Matunog siyang ngumisi bago ikumpas ang isang kamay sa ere. "Tawagin mo na lang akong Victorina o puwede ring Vicky. At saka, wala iyon, ija. Puwede kang manatili sa bahay kahit gaano katagal o kung hanggang kailan mo gusto."Napakamot ako sa batok. "Ay nakakahiya naman po iyon!""Hindi, ano ka ba? Dalawa lang naman kami ng anak kong magkasama sa bahay. Madalas din siyang wala dahil sa trabaho kaya mag-isa lang ako," paliwanag niya."Hindi po ba nakakahiya naman iyon sa anak nyo?""Mabait iyon, ija. Huwag kang mag-alala," paninigurado niya at unti-unti nama
Masasabi kong sobrang bait ni Nanay Vicky dahil tinanggap at pinatuloy niya ako sa bahay nila na walang halong pag-aalinlangan. Sa loob ng tatlong araw na pananatili ay sobra-sobra ang pag-aalagang ibinigay niya sa akin lalo pa't buntis ako.Sinamahan niya akong magpacheck-up kahapon sa isang center. Libre lamang iyon pero may bayad ang mga vitamins na ibinigay sa akin. Ako na ang bumili niyon dahil nakakahiya naman kung iaasa ko pa kay Nanay Vicky ang bagay na iyon."Ito, bumili ako ng prutas sa palengke kanina. Kainin mo dahil makakatulong sa iyo iyan." Inilapag niya sa lamesa ang isang plastic bag na punong-puno ng samo't saring masustansyang pagkain.Gabi na at kauuwi lamang niya galing sa pagtitinda sa bayan. Mabuti na lang ay nakapaghanda na ako ng pagkain para sa aming dalawa.Napakamot ako sa ulo dahil sa labis na hiya. "Nay, ang dami po nito. Baka po wala na kayong tinutubo sa mga paninda nyo," nahihiya kong saad at hindi makatingin sa kaniya.Nagpakawala siya ng isang malali
Mabilis na nangilid ang aking luha at bigla akong nakaramdam ng takot para sa sarili ko. Ayaw ko nang bumalik sa kaniya. Ayaw ko na siyang makita o makasama pero alam kong sa oras na matagpuan niya kung nasaan ako, wala na akong kawala."Hindi kita kilala pero malugod kitang tinanggap sa pamamahay ko. Maayos ang pagtrato namin sa iyo magmula nang dumating ka rito...""E-Elias..." Mariin kong ipinikit ang mga mata at marahas na umiling.Dinig ko ang malalim niyang buntonghininga. "Magsabi ka sa akin ng totoo. Iyon lang ang gusto ko. Sobrang maimpluwensya ng pamilya mo, Tria, at natatakot ako para kaligtasan ng Nanay ko.""I-I'm sorry." Iyon lang ang bukod tanging nasabi ko habang humahagulhol ng iyak.Mas mabuti ba kung umalis na lang ako rito para hindi na sila madamay? Paano kung may makakita sa akin dito at sapilitan akong kunin kapalit ng malaking halaga na inaalok ni Aziel?Masiyadong mabuti si Elias at Nanay Vicky para madamay sa gulo at problema kong ito."Wala akong sinasabi na
"Sige na, Elias. Sumama ka na sa amin. Minsan lang naman 'to." Nakanguso at nagpapacute si Amira habang nang-aakit na hinahaplos ang lantad na dibdib ni Elias.Humagikhik siya pati na rin ang tatlong alipores na kasama niya. "Tigas, huh," bulong pa niya sa mga kasamahan na narinig ko.Nanatili akong nakamasid pero hindi ko napigilang magtaas ng kilay. Really? In front of my mango shake? Naiiling akong umiwas ng tingin at sumisim sa baso."Pasensiya na, Amira, pero hindi pa ako sigurado." Pilit na ngumiti si Elias, humakbang pa siya patalikod para pasimpleng kumawala sa pagkakahawak ng babae.Bumaling siya sa akin. Akmang magpapatuloy na kami sa paglalakad nang muling idinipa ng babae ang magkabila niyang braso para pigilan kami o mas mainam nang sabihin na si Elias lang. Hindi ako kasama. "Sandali lang!" natatarantang pigil ni Amira. "Sumama ka na, Elias. Pupunta rin doon sina Jojo. Hindi magiging masaya kung wala ka–""Hindi ko naman dala ang alak na iinumin nila," pamimilosopo ng k
"Tigil-tigilan nyo 'yang panunukso nyo kay Tria, ha. Baka kapag nanganak 'yan, mukhang sama ng loob ang bata," biro ni Jojo at muli silang nagtawanan.Natawa rin ako pero pinigilan ko lang. "Oo kagaya mo. Tingan mo nga 'yang itsura mo, Jo. Mukha kang problemado dahil hindi alam kung saan hahanap ng pambayad ng utang."At kagaya nga ng usapan namin ni Elias ay hindi rin kami nagtagal sa discohan. Pumunta si Amira sa table kung nasaan kami at ipinagsiksikan talaga niya ang sarili kay Elias na hindi naman siya pinapansin. Ang ending tuloy ay sa akin pa yata nagalit ang babae.Nang sumapit ang alas-nueve y media ng gabi ay nagpaalam na kami kasama si Nanay Vicky. May ngiti sa labi kaming umuwi ng bahay.Agad akong dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan at magbihis. Hindi ko nilo-lock ang pinto katulad ng bilin sa akin ni Elias. Baka raw kasi may kung anong mangyari sa akin sa loob. Mas mainam na ring maging maingat at sigurado.Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay dumiretso na ako sa kwa
April 30 when I gave birth to my child. Elias didn't leave my side all throughout the time. He was there beside me, holding my hand, cheering, and telling me how strong I am."Kaya mo 'yan, Tria. Nandito lang ako," he gently whispered to my ears. I could feel his system shaking in nervousness and how his body tensed up.Panay naman ang salita ng doctor na kaunting iri na lang ay lalabas na si baby kaya ibinuhos ko na ang aking buong lakas. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon. Tumatagaktak ang butil-butil na pawis sa aking noo kasabay ng tahimik na pagtulo ng aking mga luha dahil sa matinding pagkirot ng aking puso.Malaking bagay itong pagpapalakas ng loob sa akin ni Elias, pero ano kayang pakiramdam kung mismong si Aziel ang narito ngayon sa tabi ko at sinasabi ang mga katagang iyon?Ano kayang magiging reaksyon niya sa oras na unang beses niyang masilayan ang anak namin? Matutuwa kaya siya? Maiiyak? Tatalon sa saya?"Malapit na, Tria. Kaunti na