•Gaea•
Inimbitahan ko sa loob ng apartment si Clyden dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kumakalma. Nakakuyom ang mga kamao nito habang namumula ang buo niyang mukha.Kumuha ako ng maginaw na tubig sa loob ng ref at ibinigay iyon sa kanya. Tiningnan muna niya ang kamay ko na may hawak na baso bago ako tiningala nang nakakunot-noo.
"Anong gagawin ko d'yan?" Hindi ko siya sinagot sa halip ay kinuha ko ang dalawa niyang kamay at inilagay roon ang baso. "Hindi ako nauuhaw, Gaea—"Umikot ang aking mata bago siya tinaasan ng kilay. "Inumin mo iyan para naman kumalma ka," naiinis kong saad sa kanya. Tiningnan naman ako nito na para bang nababaliw na ako."Kalmado naman ako, ah?" seryoso niyang sambit. Umupo ako sa tabi nito at inakbayan siya, iyong mahigpit na akbay. "Bakit? Ano na naman ang kasalanan ko?"Sa halip na tanggalin nito ang braso ko na nakayakap sa kanyang leeg, ay hinawakan pa nito iyon. Kumunot ang aking noo at babatukan sana siya nang bigla itong lumingon sa akin, at dinampian ako ng halik sa aking labi."Do you like candies?" Sa halip na pagalitan ito ay kumunot ang aking noo dahil hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin."What do you mean?" I asked, confused. Tumaas ang kaliwang kamay nito at dumampi iyon sa aking mukha, naglandas ang mga daliri nito sa aking pisngi patungo sa nakaawang kong labi.Marahan ko iyong tinapik at tiningnan siya ng masama. "Babe, your lips taste so sweet, like a candy."Napailing ako sa sinabi nito at tumayo na, delikado na at baka saan mapunta ang pahalik-halik ng lalaking 'to. "Tsansing ka lang, eh." Natawa ito sa sinabi ko at tumayo na rin. Tinaasan ko siya ng kilay nang akmang lalapit ito sa akin. "Atsaka hindi ko makakalimutan ang pagsuntok mo kay Russu."
Nawala kaagad ang ngiti sa labi nito nang mabanggit ko ang pangalan ni Russu. Nagkibit-balikat lamang ako at dumeretso sa kusina, nagugutom ako sa pag-uusap namin na iyon.
"Anong nagustuhan mo sa lalaking iyon?" Sumunod pala ito sa akin papunta sa kusina, hindi ko siya sinagot. Pumunta ako sa may sink at naghugas ng kamay, pagkatapos no'n ay dumeretso naman ako sa may ref at kumuha ng makakain.
Bubuksan ko pa lang iyon nang may sumirado nito pabalik. Nagdikit ang aking kilay at muli sanang bubuksan iyon nang isinirado na naman nito ulit. Nakagat ko ang aking labi dahil sa ginawa nito at nilingon siya."Tigilan mo nga ako, Clyden, ah," naiinis kong sita sa kanya. Itinulak ko siya palayo sa akin ngunit hinuli lang nito ang aking kamay. "Ano ba ang gusto mo? Nagugutom ako, bakit ka ba pigil ng pigil?"
"Sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit mo gusto ang lalaking iyon?" Napakamot ako sa aking noo dahil sa tanong niya na. Bakit ba tinatanong niya pa iyon, hindi ba halata na hindi pa ako nakamove-on kay Russu.
"Una sa lahat, hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan. Kasi gano'n naman talaga kapag nagmamahal. Pangalawa, lalaitin at iinsultuhin mo ba ako kung sasabihin ko sa'yo na naghihintay pa rin ako na bumalik siya sa akin?" Mahaba kong lintanya. Ngumisi ako nang di siya makasagot sa tanong ko na iyon. Marahan ko siyang itinulak at tumalikod na sa kanya.Binuksan ko ang ref, kumuha ng fresh milk at hindi ko naubos na pretzels kanina. Pagkatapos no'n ay pumunta na ako sa mesa at umupo."Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya. Nasa likuran ko pa rin ito at tila ba na freeze na roon. "Problema mo uy?"Lumapit ito sa akin at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Nakapatong ang kaliwang kamay nito sa likuran ng upuan ko habang ang isa naman ay nasa mesa."Sa tingin mo ba kapag napatawad mo siya at nagkabalikan kayo ay hindi ka na niya lolokohin ulit?" nakataas-kilay niyang tanong.Hindi ako nakasagot kaagad, bukod sa hindi ko alam ang sasabihin ko ay nahihiya rin ako sa mga titig na ipinupukol nito sa aking. Parang binabasa nito ang laman ng isipan ko."Answer me, Ms. Montessori," nanghihingi ng agarang sagot na usal niya, habang nakatitig sa aking mga mata.Napalunok ako at nag-iwas ng tingin, hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga mata. "Ayaw ko naman na maloko ulit, pero mahal ko iyong tao kaya bakit hindi ko subukan ulit? Isang beses—"Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kanya bigla niyang inangkin ang aking labi. Iiwas sana ako ng tingin sa kanya nang hinawakan nito ang aking panga at pinaharap ang mukha ko sa kanya."Kung susubokan mo naman lang ulit bakit hindi na lang sa bago?" Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Ngumiti ako at tinabig ang kamay niyang nakahawak sa akin."Mas gusto ko sa taong kilala ko na dahil mas madaling pakisamahan at alam ko na ang ugali niya." Napailing siya sa isinagot ko sa kanya at tumayo na."Alam mo na naman pala ang ugali niya bakit babalik ka pa? Para masaktan ulit?" Napapitlag ako nang ipinatong niya sa ibabaw ng aking ulo ang kanyang kamay. "Inaaksaya mo lang ang oras mo sa maling tao. Subukan mong maghanap ng iba, baka nand'yan lang pala sa paligid mo."Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Nagkibit-balikat lang naman siya sa akin at naglakad papuntang pintuan. Akala ko ay aalis na ito, ngunit lumingon ito sa akin at kinindatan ako.Tumaas ang sulok ng aking labi dahil sa ginawa niya. "Baka ako pala iyong itinadhana para sa'yo," nakangisi niyang saad.Malakas naman akong tumawa dahil sa sinabi, pumalakpak pa ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon."Ikaw?" Turo ko sa kanya sabay tawa na naman. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito habang nakatitig sa akin nang naniningkit ang mga mata. "Sa dami-rami mong babae, baka nga hindi mo lang namamalayan ay may anak ka na pala," nakangisi kong balik sa kanya.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang malalaki ang hakbang na ginawa nito pabalik sa aking pwesto. Tatayo sana ako nang ipiniin ako nito sa aking kinauupuan at pinakatitigan ang aking mga mata."Sa pagkakataong 'to isang tao lang ang bubuntusin ko," seryoso niyang usal. Hindi ako umimik mas inilayo ko pa ang mukha ko sa kanya. "Alam mo ba kung sino iyon, Ms. Montessori?"
Wala siyang nakuhang sagot sa akin iniwas ko ang aking mga mata sa kanyang nanunuring mga mata. Lumapit ang kanyang mukha sa akin at ginawaran ako ng mabilis na halik sa aking pisngi, pagkatapos no'n ay naramdaman ko na lang ang kanyang hininga malapit sa aking tainga at balikat.
Itutulak ko sana siya nang mas lalo niya akong idiniin sa upuan at inipit gamit ang kanyang kaliwang paa. Hindi ko alam ang nararamdaman ko parang may mga paro-paro sa aking tiyan dahil sa kaba at iba pang emosyon na nakukuha ko ngayon dahil sa pagkalapit naming dalawa.
"Clyden," mahina kong usal sa pangalan nito, halos manigas na rin ang aking katawan at labi dahil dito. "Maririnig naman kita—""Ikaw iyon. I want you. Ginulo mo ang buhay ko kaya panagutan mo ako, Gaea Montessori," nakangisi niyang saad. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagpaalam na siya at tuluyan ng umalis.Nanatili naman ako sa loob ng kusina at pinapakalma ang aking sarili. Natatakot akong mahulog dito, pero iyong katawan at puso ko ay sila na mismo ang lumalapit sa tukso. Ang isipan ko na lang yata ang nanatiling matino sa akin ngayon.Hindi lang naman siya ang nagulo sa pagkikita naming dalawa pati rin naman ako. Halos di na nga ako makakilos nang maayos kapag nand'yan siya.
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&