공유

CO 04:

작가: MissBangs001
last update 최신 업데이트: 2021-04-30 12:00:26

•Gaea•

Kanina pa ako nagsusulat at mabuti na lang at nakapagtapos ako ng anim na chapter ngayon. Mas mabilis ko yatang matatapos ang libro ko ngayon.

Bumuntong-hininga ako bago pinuntahan si Clyden na nakatulog na sa sofa. Gusto nito sa kwarto niya ako magsulat dahil pagod daw siya sa trabaho, pero di ko siya pinagbigyan. Hirap ng magtiwala sa manyakis na'to!

"Uuwi na ako," saad ko habang tinatapik ang kanyang tuhod. Nagising naman siya kaagad at nagkusot ng mata. Napangiti ako dahil sa itsura. Para itong inosenteng bata na ginigising ng kanyang ina. "Clyden, mag-aayos muna ako ng mga gamit ko sa apartment bago bumalik dito—"

"Ipagluto mo ako," mahina niyang saad. Tiningnan ko siya nang nakataas ang kilay. Gusto ko sana siyang pagalitan nang bigla nitong hinawakan ang tiyan niya. "Gutom na ako."

Inismiran ko siya ngunit pumunta rin naman sa kusina para ipagluto.

"Matututo pa yata akong mag-alaga ng bata nito," pagpaparinig ko sa kanya.  "Clyden, ano ba!"

Nagulat ako nang bigla na lang itong yumakap sa akin mula sa aking likuran. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya ngunit mas hinihigpitan lamang nito iyon.

"Paano naman ako makakapagluto sa ginagawa mo?" Tumigil ako sa aking ginagawa at hinayaan lang siyang nakayakap sa akin. Ramdam ko ang init na nagmumula sa malapad niyang dibdib. "Akala ko ba nagugutom ka?"

"Ang sarap pala kapag may kasama ka sa bahay," bulong nito, bago inilagay ang ulo niya sa aking balikat. "Dito ka na lang sa tabi ko habang buhay."

Nilingon ko siya at mahinang pinitik ang kanyang noo. Napabitaw siya sa akin at hinawakan ang noo niya.

"Simbolo ba ito ng pagmamahal mo sa akin?" nakangisi niyang saad. Tumawa ako bago umiling sa kanya. Masyadong matamis ang mga salitang lumalabas sa labi niya.

"Ngayon lang tayo nagkakilala. Anong mahal ang pinagsasabi mo diyan?" Tinulak ko siya palayo sa akin at kinuha na ang mga lulutuin sa loob ng ref.

Magsasalita pa sana ito nang tumunog ang cellphone niya na nasa sofa. Nagkibit-balikat na lamang ako nang lumabas siya. Sinabawang karne ng baboy lang ang niluto ko. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ba ito dahil hindi ko naman alam ang mga paborito niya.

"Sino yun?" tanong ko pagkabalik niya. Napatakip ako sa aking bibig nang tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin. "Nagtatanong lang ako. Kumain ka na."

Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon naitanong sa kanya kahit wala namang namamagitan sa amin. Siguro nasanay lang ako na ginagawa iyon kay Russu.

Umupo na ako at nagsimulang kumuha ng pagkain. Muntikan pang matapon ang ulam nang matabig ko iyon.

"Sino na namang nagpapagulo sa isipan mo?" nakataas kilay niyang tanong. Umiling ako at hindi na siya sinagot. "Gaea, tinatanong kita."

Nanlalaki ang mata ko na ibinalik sa kanya ang aking paningin. Maawtoridad ang pagkakabigkas niya ng mga salitang iyon kaya labis ang kaba na aking nadarama.

"Wala akong iniisip. Kumain ka na nga, akala ko ba nagugutom ka?" Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko. "Walang tayo—"

"Alam ko naman 'yon. Ilang beses mo bang ipapamukha sa akin 'yan?" seryoso niyang tanong, habang nakatitig sa aking mga mata.

"Alam mo ang hirap mong intindihin. Hindi ko alam kung bakit ganyan ka makaasta. At huwag mong sabihin na may gusto ka sa akin o nagseselos ka dahil ngayon lang tayo nagkakilala!"

Tatayo na sana ako nang naramdaman ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa aking pulso. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay sa sobrang inis.

"Kung galit ka sa akin, huwag mong idamay ang pagkain. Upo." Napalunok ako habang nakatitig sa kanya, bago bumalik sa aking pagkakaupo.

Nakakatakot naman kasi ang pagmumukha niya para akong kakainin ng buhay.

"Nagtatanong lang naman ako kung sino ang iniisip mo. Bakit ayaw mong sumagot? Dahil importante siya sayo?" Basag niya sa katahimikang namumuo sa amin.

Nilunok ko muna ang aking kinakain bago humugot ng malalim na paghinga para sagutin ang tanong niya. Ayaw kong pag-usapan si Russu dahil hanggang ngayon di ko pa rin siya makakalimutan.

Natatakot ako na kapag palagi ko siyang iniisip ay babalik na naman ang sakit na naranasan ko.

"Ayaw kong pag-usapan ang lalaking nangako sa akin na mamahalin ako ng habang buhay. Nangako sa akin ng kasal, pero iniwan pa rin ako sa ere..." Tumingala muna ako para pigilan ang luhang nais pumatak, bago ibinalik sa kanya ang paningin. "Ayaw ko na siyang pag-usapan dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako habang binibigkas ang pangalan niya!"

Hinihingal ako habang sinasabi iyon. Gusto kong magalit kay Clyden ngunit nang makita ko ang mukha nito na may malapad na ngisi, tila ba mayroong humaplos sa dibdib ko para pagaanin ito.

"Gwapo ko ba? Titigan mo lang para makalimutan mo na siya." Bakit pati ang pagsasalita nito ay nagslow-mo? Bakit ang gwapo niya sa paningin ko ngayon? "In love ka na—"

Tumaas ang kamay ko at pinitik ang ilong niya bago bumalik sa pagkakaupo. Napahawak ako sa aking dibdib, natatakot na baka malaman niya na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanya.

"Stop flirting with me, Clyden," mariin kong saad, nang idinukwang nito ang katawan para mapalapit sa akin.

Itinaas naman niya kaagad ang kanyang dalawang kamay, at bumalik sa kanyang pwesto.

"Hindi mo ba naisip na ipinaghiwalay kayong dalawa, dahil may ibang nararapat para sa inyo?" Nagdikit ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya.  "Galit ka ba sa akin dahil gusto mo pa rin na bumalik sa kanya?"

Natamaan ako roon kaya napaiwas ako ng tingin. May nanliligaw naman sa akin nang maghiwalay kami ni Russu, ngunit hindi ko iyon pinapansin dahil naghihintay pa rin ako rito.

"Move on, babe. You're beautiful, marami pa ang magkakagusto sa iyo—"

"Alam ko! Pero wala akong gusto sa kanila," putol ko sa mga sinasabi niya. "Bakit ka tumatawa? Baliw ka ba?"

Hindi ko alam kung saan banda ang nakakatawa sa sinasabi ko. Kaya hindi ko siya maintindihan!

"Ayiee alam niyang maganda siya!" nang-aasar niyang saad. Sinamaan ko siya ng tingin na tinawanan lang naman niya ulit.

"Nababaliw ka na!" inis kong sigaw sa kanya.

"Baliw sayo, babe." Hindi ko na siya pinansin at binalikan na ang aking pagkain. Mas mababaliw pa ako kapag kinausap ko pa siya ulit!

-

Hinatid nga ako ni Clyden sa apartment ko. Pagkababa ko pa lang nang namataan ko sa di kalayuan si Russu. Suot nito ang leather jacket na ibinigay ko sa kanya. Malungkot akong napangiti at marahang naglakad patungo rito.

Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Clyden at dumeretso lang kay Russu. Sumasaya pa rin ang puso ko habang nakikita siya, nandito pa rin ang kabang palagi kong nararamdaman sa tuwing lumalapit ako sa kanya.

"Russu? Why are you here?" tanong ko para makuha ang atensyon niya. Nakatungo kasi ito at may tinitingnan sa cellphone niya. "May kailangan ka ba?"

Nanlalaki ang mata ko nang bigla itong lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"I'm sorry, Gaea. Hindi ko sinasadyang saktan ka," bulong nito sabay halik sa tainga ko.

Palagi niya iyong ginawa sa akin ngunit ngayon ay naninibago na ako.

"Gaea!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Clyden na papalapit sa akin at may madilim na reaksyon sa kanyang mukha.

"Sino ka?" seryosong tanong ni Russu kay Clyden.

"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo. Bakit ka nakayakap sa pag-aari ko?" Napalunok ako dahil sa sinabi ni Clyden at lumayo kay Russu. Lumapit ako rito at hinawakan ang kaliwang kamay niya para patigilin ito sa pagsasalita.

"Pag-aari mo?" Tumawa ito at tiningnan ako nang mariin. "She's my ex-girlfriend and I want her back—"

Hindi ko napigilan si Clyden nang mabilis itong naglakad at binigyan nang malakas na suntok si Russu sa kanyang mukha.

"Don't you dare play with her heart. She's not your girl anymore. Do you think she's a toy na pwede mong itapon kapag ayaw mo na tapos babalikan mo kapag kailangan mo?" Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang lumingon ito sa akin at inilahad ang kanyang kamay. Nagdadalawang isip ako ngunit inabot ko pa rin naman iyon. "She's my woman now. Please, leave her alone."

Iyon lang ang sinabi nito at inilayo na ako kay Russu.


이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • CEO's Obsession   Special Chapter: (Last Part)

    •CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa

  • CEO's Obsession   CO 105:

    •Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon

  • CEO's Obsession   CO 104:

    •Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone

  • CEO's Obsession   CO 103:

    •Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag

  • CEO's Obsession   CO 102:

    •Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom

  • CEO's Obsession   CO 101:

    •Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&

  • CEO's Obsession   CO 100:

    •Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"

  • CEO's Obsession   CO 99:

    •Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb

  • CEO's Obsession   CO 98:

    •Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u

좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status