Maraming salamat sa pagbasa. Baka po may extra gems po kayo, pa-vote naman po.
Third Person Pagkatapos umalis ni Jefferson ay nagsimula ng magtrabaho si Celina para sa kanyang design. Ang huling project na nagawa niya ay noong bago niya i-meet ang lalaki sa Clandestine. Hindi pa siya tumatanggap ng kahit na anong trabaho dahil nga nag-focus siya sa pag-aasikaso ng kanilang kasal kasama ang asawa. Naisip ni Celina na sa buong panahon ng kanilang preparation ay hindi nawala sa tabi niya si Jefferson. Naalala niya kung paano siya tinulungan ng lalaki sa lahat ng bagay kahit na sa pagpili ng kanyang wedding gown na karaniwan ng ginagawa lamang ng lalaking tunay na nagmamahal sa bride to be. Ayaw niya sana ng grand wedding, pero iyon ang gusto ni John kaya hinayaan niya na lang. Hindi rin naman niya narinig na nag reklamo si Jefferson or kinausap siya about being grand kaya kahit papaano ay naging komportable siya. Ang tanging nakapagpagalit lang talaga sa kanya ay ang ginawang pag-alis ni Jefferson ng nagdaang gabi na dapat sana ay honeymoon nila. ‘Hindi naman a
CelinaSa lahat ng sinabi ng board tungkol sa akin ay talagang ipapakita ko sa kanila na mali sila. Isasampal ko sa pagmumukha nila ang mga kaya kong gawin.Natuwa ako dahil magaling magturo si Jefferson, malinaw niyang naipapaliwanag sa akin ang mga dapat kong malaman at sigurado rin ako na bumilib din siya sa bilis kong matuto.Nasa kanyang opisina kami at kasalukuyang sinasabi sa akin ang mga pangalan ng taong pwede kong hingan ng tulong kapag nalito ako ng kumatok si Noris at pumasok. Siya na ngayon ang vice president at magkatulong kaming magma-manage ng company pag-alis ni Jefferson.“Binigay sa akin ni Daria ng napadaan ako sa table niya, bigay ko raw sayo,” sabi niya sabay abot ng folder sa aking asawa. Kinuha naman iyon ni Jefferson at tinignan ang laman.“Hi, celina, kamusta?” tanong niya kaya ngitian ko siya at tinugon."I'm fine.""Having trouble so far?""No, not at all." I replied."That's good," tugon niya at may pakiramdam akong may sasabihin pa sana siya kung hindi lan
Warning!! Mature Content!!JeffersonNang umalis ako ng office at iniwan si Celina ay nakipagkita na ako sa aking mga kaibigan para magpaalam. We were enjoying and at the same time ay worried sila para sa akin kahit na hindi naman na kailangan dahil kaya ko naman ang sarili ko. Inakala nila na hindi ako masaya sa buhay may asawa ko kaya mas pinili ko ang umalis.“Hindi mo kailangang gawin ‘yon, man. Pwede namang nandito ka kahit na minamanage mo ang negosyo niyo sa Miami. Genius ka pagdating sa pagnenegosyo kaya alam namin na magiging madali lang iyon para sayo,” sabi ni Mark.Tama naman siya, kaya kong i-manage ang resort and casino sa Miami kahit nandito ako. Hindi naman totally kailangan na manatili ako doon, pero may mga bagay akong kailangang pag-isipan ang at the same time, mabigyan si Celina ng pagkakataon para makapag-isip at makapag-adjust.Sinabi ko rin sa kanila kung gaano kalaki ang pag-ibig ni Noris para kay Celina.“Are you serious? Eh di the more na hindi ka dapat umalis
Third PersonNagising si Celina at natagpuan ang sarili niya sa tabi ni Jefferson, na mahimbing pa ring natutulog. Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanila. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama dahil mahigpit pa siyang yakap ng kanyang asawa. Ayaw niya itong magising dala ng hiya sa nangyari sa kanila ng nagdaang gabi.‘Ilang beses ba naming ginawa iyon para sumakit at manghina ang katawan ko?’ tanong niya sa sarili habang palabas ng kwarto ni Jefferson at dali-daling bumalik sa sariling silid.Dahil sa sakit ng katawan ay hindi pa niya kayang maglinis ng katawan, kaya minabuti niyang bumalik na lang muna sa pagtulog. Ngunit habang nakahiga, iniisip niya kung ano ang sasabihin kay Jefferson kapag nagkaharap sila mamaya lamang.Ang paghaharap nila ay nagbigay sa kanya ng kaba at alinlangan kasama na ang tanong saa kanyang isipan. Iiwan pa rin ba siya nito kahit na may nangyari na sa kanila? Dahil sa matinding pagod, hindi niya namalayang nakatulog na siya, umaasang sa pagmulat
Celina"Pagod ka ba?" tanong ng tinig ng lalaking hindi ko nakalimutan kahit tatlong taon na ang lumipas. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita siyang nakasandal sa hamba ng pinto ng opisina ko.Gusto kong tumakbo papunta sa kanya, pero naalala kong iniwan niya ako kinabukasan matapos naming gawing ganap ang aming kasal. Kaya, sa halip, ipinikit ko muli ang aking mga mata at sinubukang pakalmahin ang tensyong bumibigat sa aking ulo. Pagdilat ko, tiningnan ko siya."Bumalik ka na pala," sabi ko nang walang emosyon. I didn't want to sound bitter kahit iyon talaga ang nararamdaman ko noong sandaling iyon. Pumasok siya at umupo sa upuang nasa harapan ko."May problema ka sa report noong nakaraang buwan," sabi niya, hindi nagtatanong. Sigurado akong sinabi na ni Daria sa kanya ang nangyari kaya hindi ko na inabalang ipaliwanag pa."Kakauwi mo lang?" tanong ko na lang sa kanya."Oo," sagot niya."Ganoon ka ba ka-apura na pagdating mo pa lang, trabaho agad ang nasa isip mo?"
JeffersonSobrang naging mahirap para sa akin ang tatlong taon ko sa Miami. Kahit ayaw ko man, hindi ko pa rin mapigilang ma-miss si Celina. Pinagsisisihan ko na may nangyari sa amin noong gabing bago ako umalis, dahil pakiramdam ko, iyon ang dahilan kung bakit hindi ko siya matanggal sa isip ko.Kahit masaya ako na binigyan niya ako ng pagkakataong makasama siya, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya umalis sa kwarto ko kinagabihan at iniwan ako. Inaasahan kong magiging totoo ang kasal namin sa lahat ng aspeto, pero sa ginawa niya, naisip kong baka hindi pa iyon ang tamang panahon.Nanatili ako sa Miami at ginawa ang lahat para mapalago ang negosyo bago ako bumalik. Araw-araw, gusto kong lumipad pabalik ng Pilipinas, pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong bigyan siya ng pagkakataong maging independent. Nalalaman ko ang lahat ng tungkol sa kanya kay Daria. Paminsan-minsan, tinatanong ko ang aking assistant kung ano ang ginagawa niya o kung nahihirapan ba siya.Kontento
CelinaHinalikan niya ako sa harap nina Noris at Daddy John. Gusto ko sanang tumutol, pero nakita kong ngumiti ang matanda kaya hinayaan ko na lang. At teka, kumindat ba siya sa akin? Anong problema niya? Kanina lang narinig ko siyang pinag-uusapan ang divorce na parang wala akong pakialam. Ngayon naman, hinahalikan at kinikindatan ako. Ang nangyari kanina sa office ko, isang quickie? Anong laro ang ginagawa niya?Pagkababa ko ng kotse, dumiretso ako sa kwarto at agad nilock ang pinto, ang buong akala ko ay susunod siya. Pero hindi. Ang tanga ko para isipin na pagkatapos ng isang mabilisang round, magiging mas malapit kami gaya ng inakala ko noong unang beses.Masama ba ang umasa? Gusto ko lang naman ay magkaroon ng masaya at normal na buhay may pamilya. Hindi naman niya siguro ikamamatay kung talagang sikapin niya na magkasundo kami lalo at ayon na rin sa kanya noon ay ayaw niya ng divorce. Tapos maririnig ko siyang pinag-uusapan ang tungkol doon as soon as makabalik siya dito sa Pili
Third PersonDinala ni Jefferson si Celina sa kanyang silid at nagdesisyong hindi na siya hahayaang makalusot sa kanyang pagtatanong. Gusto niyang manatili sila sa iisang kwarto at mamuhay tulad ng isang normal na mag-asawa. Pagod na siyang umiwas sa kanya gayong alam naman nilang wala na silang magagawapa dahil kasal na sila.Noong umalis si Jefferson, inisip at inasahan niyang baka mabuntis si Celina dahil sa nangyari sa kanila. But it didn't happen, na pinanghinayangan niya. Akala niya, iyon ang magiging dahilan para bumalik siya at manatili sa tabi nito.Minsan, sinasabi niya sa sarili na gusto lang niyang gawin ito dahil sa nalaman niya tungkol kay Wendy. Gusto niyang ituon ang atensyon kay Celina dahil niloko siya ng dati niyang kasintahan.Pero sa kabilang banda, ipinagtanggol niya ang sarili. Seryoso siyang ayusin ang lahat sa kanila. Kaya pinili niyang makipaghiwalay kay Wendy at tinanggihan ang alok nitong maging kabit niya. At mabuti na lang, ginawa niya iyon."Bakit mo ako
Mature ContentThird Person's POV“Sa tingin mo ba ay naaalala ka pa niya?” tanong ng boses ng babae na nakilala ni Celina na si Mary Jane Diaz."Of course! How can she forget about me?" Narinig naman ni Celina na tugon ng isang boses ng lalaki habang pinipilit niyang alalahanin kung kilala ba niya ang nagmamay-ari non at pinanatili ang sarili na tahimik sa takot na baka may gawing masama sa kanya ang dalawa, lalo na sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan.“Buntis na siya at lahat, pero akit na akit ka pa rin sa kanya?”“Anong pakialam mo ba? May sinabi ba akong masama tungkol sa inyong magkapatid na may gusto sa iisang lalaki?” paangil na tanong ng lalaki habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Mary Jane."Ano na ngayon? Ano na ang plano mo?” tanong na lamang ng babae.“Pwede ka ng umalis at ako na ang bahala kay Celina. Aalis kami at magpapakalayo-layo. Sa lugar kung saan walang nakakakilala sa kanya at doon kami maninirahan bilang masayang pamilya,” ang tila nababaliw na tu
CelinaSobrang saya ko nang malaman ko ang totoo tungkol sa mga magulang ko. Alam kong kailangan maging discreet ang ospital tungkol sa pagkakakilanlan ng mga donor, pero buti na lang talaga at tumulong ang kaibigan ni Daddy John. Dahil sa narinig ko, na-inspire akong gawin din ang ginawa nila, magpalista bilang organ donor.Gusto kong makatulong sa iba, gaya ng pagtulong ng ama ko sa akin. Oo, maaaring hindi ganun kalalim ang magiging epekto nito sa tatanggap ng organ ko, pero ang makadugtong ka ng buhay ng isang tao? Para sa akin, malaking bagay na ‘yon.Sana lang, suportahan ako ni Jefferson. Alam ko kung gaano siya ka-protective lalo na nung nagbuntis ako. Lalo ko siyang minahal dahil doon.Speaking of pregnancy, sabi ng OB ko, pwede na raw akong pumasok sa trabaho at dumalo sa mga meetings basta hindi ako maglalakbay nang malayo. Since nakaupo lang naman ako sa opisina, at kahit sa meeting ay hindi masyadong gagalaw, okay lang siguro kung makipagkita ako sa client namin.Matagal
Jefferson Naging mas matindi ang pagkabahala ko nang makita kong seryoso ang aking ama. “Dad, gusto ko lang malaman mo na masaya ako sa buhay ko ngayon. Lalo na ngayong malapit na akong maging ama. Kaya pwede mo nang sabihin kung bakit si Celina ang pinili mong mapangasawa ko o ni Noris. Gusto kong marinig ang dahilan at matagal ko na rin gustong malaman ito." Napabuntong-hininga siya habang nakatingin kay Celina. Kita sa mga mata niya ang pag-aalala sa asawa ko, kaya hinayaan ko siyang magsalita sa sarili niyang oras. Ayokong pilitin siya kung hindi pa siya handa. “Dad, okay lang kung hindi mo pa kayang ikwento,” sabi ni Celina habang hinahawakan ang kamay niya. “Wala rin naman akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko. Kahit hindi mo pa kami ipinagkasundo, tatakas pa rin ako sa mga umampon sa akin,” dagdag pa ng asawa ko. “Hindi ko lang talaga kayang saktan ka. Para ka nang anak na babae sa akin. At alam kong hindi mo maalala ang nakaraan mo,” sagot ni Dad. Doon na ako naintri
Jefferson Sa totoo lang, parang perpekto na ang lahat, at kuntento na ako. Malapit na akong maging ama at ramdam na ramdam ko kung gaano ako kamahal ng asawa ko. Sino bang mag-aakala na mauuwi sa ganito ‘yung kasal naming hindi ko naman talaga ginusto noong una? Pero heto kami ngayon, punong-puno ng pagmamahal at nagsisimula ng sariling pamilya. Siguro nga, may mata talaga si Dad sa tamang tao. Hindi ko alam kung magiging ganito kasaya si Celina kung si Noris ang kanyang napakasalan. Siguro, siya ‘yung pinaka-masayang lalaki sa buong mundo habang ako, naglalakad sa landas ng pagkawala. Pero sa totoo lang, ang bait din sakin ng Diyos. Binigyan Niya ako ng kakayahang patakbuhin ang negosyo… at isang asawang katulad ni Celina. Walang perpekto sa mundo, pero si Celina ang perpektong bahagi ng di-perpekto kong mundo. Saktong-sakto siya sa buhay ko, habang ‘yung titi ko, putangina, eksaktong-eksakto rin sa puke niya. Tangina. Gusto ko siyang k******n ngayon na. Pero bakit ba ‘ko iniini
With Mature Content!!Celina“Sinabi ko na ngang ayos lang ako. Siguro normal lang sa mga buntis ang pagsusuka ng lahat ng kinakain,” sabi ko kay Jefferson habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. Halatang-halata ang pag-aalala niya dahil halos wala na akong nakakain. Lahat ng pinapasok ko sa tiyan ko, bumabalik sa lababo sa banyo namin. Noong una, nahirapan akong i-handle ‘yon. Pero habang tumatagal, nasasanay na rin ako.“Hindi mo ako masisisi, Celina ko. Mahal na mahal kita, kaya nababahala lang ako kapag hindi mo nakukuha ang mga nutrisyon na kailangan mo. Lagi kang sumusuka,” sagot niya habang tinutulungan akong maupo sa kama pagkatapos naming lumabas ng banyo.“Baka kasi ayaw ng baby natin sa mga kinakain ko,” sagot ko habang hinahaplos ang tiyan ko.“Ano naman kaya ang gusto ng prinsesa natin, hmm?” tanong niya sabay dampi ng palad niya
Third PersonNanatili si Celina sa mansyon, pero kahit gano’n, tumatanggap pa rin siya ng trabaho ng paisa-isa. Ayaw ni Jefferson na magsabay-sabay sa pag-aalala na baka mapagod siya.Kahit nasa bahay lang siya, tutok pa rin siya sa construction ng country club gamit ang tawag at video call. Dati, bumibisita siya sa site isang beses kada linggo, pero ngayon, halos araw-araw na siyang nakikipag-ugnayan kina Engr. Mark at sa contractor through phone. Ayaw niyang masisi ang pagbubuntis niya sa kahit anong delay o aberya sa proyekto.“Dennis, nakausap ko si Engr. Mark. May gusto raw siyang ikonsulta, pero hindi ako makakapunta. Pwede mo ba akong i-represent dun?” tanong ni Celina habang kausap ito sa phone.“Walang problema,” sagot ni Dennis. “Pero alam mo, dapat nagpapahinga ka na. Hindi matutuwa si Mr. Scott ‘pag nalaman niyang nagtatrabaho ka pa rin nang ganito.”“Ay
JeffersonNaayos na rin sa wakas ang gulo sa kompanya. Lumabas sa imbestigasyon na dalawang board members pala ang matagal nang ginagapang si Noris, pinapalabas na mas karapat-dapat siya sa posisyong hawak ko.Matagal na nilang sinasadya ang mga banggaan namin ni Noris, ginamit pa nila ang pagkahumaling niya kay Celina bilang mitsa para lalong masira ang samahan namin bilang magkapatid.Sinabi ni Noris kay Dad na balak niyang magbakasyon kasama ang nanay niya, at pumayag naman si Dad. Ang hangarin: kapag malayo siya kay Celina, baka unti-unti na rin siyang makamove on. Pero sa loob ng tatlong taon na wala ako, mas lalo lang lumalim ang damdamin niya para kay Celina. Hindi ko siya masisi. Si Celina kasi, ibang klaseng babae. Napakaganda, elegante, at may kakaibang alindog na kahit sinong lalaki, mahuhulog ang loob.Napatingin ako sa asawa ko na mahimbing pa ring natutulog. Napakunot ang noo ko. ‘Di niya ugali ang matulog nang ganito katagal. Karaniwa
"Bilang parusa sa pag-amin mo, aalisin ka sa lahat ng executive responsibilities mo sa kumpanya. Mananatili ka na lang bilang miyembro ng board, katulad ng dalawang taong sangkot sa isyung ‘to," mariing pahayag ni Jefferson."Matagal mo nang hinihintay 'to, 'di ba?" singhal ni Noris, halatang nag-aalab sa galit."Kung oo man o hindi, wala 'yan sa usapan. Ikaw ang nagpasimula ng gulo, kaya huwag mong ibunton sa akin ang sisi. Kahit sabihin kong ‘di ko naman talaga ginusto ang ending na 'to, sigurado akong hindi ka rin maniniwala. Galit ka na, at ako ang pinili mong pagdiskitahan," matigas na sagot ni Jefferson."At ikaw naman, dad? Alam mong siya dapat ang mapapangasawa ko pero pinabayaan mong mangyari ‘to. Celina, kakampi ka na rin ba sa kanila ngayon?" matalim na tanong ni Noris, sabay tingin sa akin. Napatingin ako kay Daddy John, at may kirot akong naramdaman para sa kanya."Noris, huwag mong isisi sa tatay mo
Celina"Next time, sana hinintay mo ako para ihatid ka kay Dad," seryosong sabi ni Jefferson pagpasok sa kwarto naming dalawa. Napangiti ako at sinalubong siya ng halik, ramdam ko agad ang init ng presensya niya, at parang nawala bigla ang lahat ng kaba sa dibdib ko."Alam kong pagod ka, at siguradong mabigat ang naging pag-uusap n’yo. Dagdag pa ‘yung stress mo sa kumpanya, lalo na sa board meeting... halos wala kang pahinga," sabi ko habang inaabot ang kamay niya."Oo, pero kahit gano’n ako kapagod, dapat sinabi mo pa rin. Alam mong susunduin pa rin kita. Huwag mo na ulitin ‘yon, Celina," seryosong bilin niya habang nakatitig sa’kin."Promise, hindi ko na uulitin. Next time, magpapasabi muna ako bago ako umuwi mag-isa," sagot ko na may konting tawa nang mapansing napabuntong-hininga siya. "Pero seryoso, kaya ko namang umuwi mag-isa. Hindi naman natin kailangang laging magkasama, 'di ba?"