Jake’s POV“Pipiliin na samahan ka kahit anong mangyari.” Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko kung gaano kapuno ng pagmamahal ang mat ani Raziel habang nakatingin kay Loraine, gusto kong iiwas ang tingin ko.Pero may part sa akin na gusto kong panuorin sila ng mas matagal pa, masakit. Pero, kahit paano ay nakaramdam ako ng kagaanan ng loob ko. “She deserves him more.”Agad akong napayuko ng mapagtanto ang salitang pinakawalan ko, mabilis kong pinahid ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa mata ko.“I’m so lame.” Natatawa kong bulong at napailing.Huminga ako ng malalim at marahan na kumatok sa pintuan, ito na ang oras na dapat pare-pareho naming harapin ang katotohanan. Kailangan ko ng tanggapin na hanggang dito lang talaga ako sa buhay ni Lorain at si Raziel na ang bago niyang kasama sa bagong pahina.Awkward na napatayo si Raziel, napailing-iling siya na parang sinasabi sa akin na wala siyang ibang magawa kundi ang sirain ang usapan naming dalawa.Lumakad ako malapit sa kanil
Pinagsiklop ni Raziel ang dalawa niyang kamay at naupo ng maayos, “hindi ko alam kung tamang desisyon na sabihin ko sa’yo ang lahat, wala si Jake dito na alam ko’ng mas gusto mo na marinig ang katotohanan sa kaniya higit kanino.”May sakit na dumaan sa mata niya, gusto ko na sabihing mali siya pero hindi ko nagawa na magsalita. Kahit na gustong-gusto na tanungin siya kung bakit ganoon nalang siya masaktan tuwing babanggitin ang pangalan ni Jake.“Wala akong problema kahit sino ang magsabi sa akin, ang mahalaga ay malaman ko kung ano ang totoo.” Mabilis ko na iniwas ang tingin sa kaniya, merong part sa akin na ayaw kong makita pa ang kung anong emosyon na pwede kong makita sa mukha niya.“Is that so?” Maikling tanong niya na parang inaasahan na niya ang sagot ko na iyon, “pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang side ni Jake,” ramdam ko ang titig niya sa akin, “siya ang nakasama mo, siya lang ang nakakaalam kung paano ipapaliwanag ang lahat ng maayos.”Tumango ako bilang pag s
Hindi huminto ang kamay ko sa panlalamig at panginginig, ano pa ang hindi ko alam tungkol sa akin? Simula ba noong una ay tama akong may tinatago si Jake sa akin, at ayaw niyang malaman ko ang katotohanan?Bakit hindi ko na gamit ang apilyido niya kahit suot ko pa ang wedding ring naming dalawa, panaginip ko lang bai tong lahat? Hanggang ngayon ba ay nakakulong pa rin ako sa isang bangungot?Nanatili akong nakayuko at pilit pinoproseso ang isang bagay na nalaman ko, kahit luha ay ayaw ng pumatak sa sobrang halo-halo ng nararamdaman ko. Maging katawan ko yata ay naguguluhan na kung dapat ba akong malungkot o magalit, dahil ako mismo ay hindi ko alam.Lumangitngit ang pintuan, patunay na may dumating. Pero hindi ko magawang tignan kung sino ito, dahil natatakot akong pag angat ng mata ko ay mukha ni Jake ang makita ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, natatakot ako sa kung ano ang masabi o magawa ko.“Lorain,” halos mapaigtad ako ng marinig ko ang boses ni Raziel habang naglalakad
Alas-dyes na ng gabi, pero walang Jake na dumadating. Ilang beses ko na rin na sinabihan si Raziel na iwan na lang niya ako, pero hindi rin siya umaalis, nanatili siyang tahimik na nakahiga sa sofa habang ako naman ay sa kama.“Ayos ka lang ba talaga d’yan, pwede ka naman umuwi na. Mamaya lang ay may nurse naman ulit na mag check sa akin, you don’t need to stay here baka mamaya ay and’yan na rin naman si Jake.” Muli akong nagsalita.Alam ko naman kasing gising pa rin siya at hindi ko kinakaya ang katahimikan ng paligid, lalo na at paghinga lang namin ang maririnig. Naramdaman ko naman ang paggalaw niya para tumaligid paharap kung nasaan ako, “ayos lang, hindi naman ito ang unang beses na mag stay ako.”Para akong nanigas sa pagkakahiga, hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma ang pakiramdam ko simula kanina. Hindi ko maintindihan bakit ganito nalang tumibok ng mabilis ang puso ko tuwing tinitignan ako ni Raziel.Mali, Maling-mali na maramdaman ko ang ganito para sa ibang lalaki. Hin
Lorain’s POV“Dahan-dahan, ‘wag mo masyadong biglaan o pilitin ang sarili mo.” Marahan na bulong niya habang inaalalayan ako, parang mas kabado ba siyang masaktan ako.“Raziel, hindi ko pinipilit ang sarili ko. Kumalma ka lang, Hindi ko sasaktan ang sarili ko.” Natatawa kong sabi, siya ang kasama ko ngayon sa rehabilitation ko sa paglalakad. Dapat ay si Jake pero umang-umaga palang ng tumawag ang secretary niya dahil nagkaroon ng emergency sa company.“H-Hindi naman iyon ang ibig ko na sabihin, baka lang mabigla ang muscle mo. Maybe mas maayos siguro kung ang nurse ang tutulong sa’yo, kinakabahan talaga ako.” Muli niyang sabi dahilan para hindi ko mapigilan ang sarili ko na tuluyang matawa.“Raziel, hindi ko akalain na ganyan ka pala.” Tawang-tawa kong sabi, dahilan para mamula naman ang tenga niya pati ang mukha at leeg.“Natatakot lang ako na baka mas lalo ka ma-injured, anong alam ko kung tama ba ang ginagawa natin. Sabi nung nurse babalik agad siya, bakit ang tagal naman yata.” Pa
John’s POV“What do you think you are doing here, John? Hindi ko alam kung mayroon pa bang dahilan para magpunta ka rito, tapos na ang project para sa bridal fashion show at wala na rin ang kasal namin ni Jake.” Mataray na tanong ni Jamie pagpasok niya sa kaniyang office.“Well, tama ka naman doon. Pero mag-usap tayo, may gusto akong sabihin na maging dahilan na pwedeng maging dahilan ulit para magkaroon ng meeting sa pagitan nating dalawa.” Makahulugang sabi ko habang nakangisi.Kitang-kita ko sa mukha niya ang stress, naiintindihan ko iyon. Sino nga ba ang hindi kung bigla kang iwan sa ere ng lalaking pinagkatiwalaan mo, hindi alam ni Jake kung sino ang sinasayang niya.“At ano naman iyon para maging dahilan ng pagkakaroon ulit ng dahilan para mag meeting kayo? Sa pagkakaalam ko ay wala namang kailangan talaga ang pamilya namin sa inyo, so what can you offer para hayaan kong maglabas at pasok ka ulit dito sa company ko?” Walang pakundangan saad niya sa akin, kumpara noon ay iba na a