Share

Patahimik na 'yan

“Well, well.” Malawak ang ngiti niya habang naglalakad papasok sa kwarto kung nasaan kami, walang bahid ng awa o kung ano ang mukha niya. Sa halip ay tuwang-tuwa ito ng makita ang kalagayan ko, “sabi na nga ba, mas bagay sayo ang gan’yan na itsura.”

Tumayo ang lalaking nasa harapan ko ng tuwid at yumuko, “magandang gabi boss, tulad ng usapan ay nadala namin siya dito. Siguro naman ay pwede na naming makuha ang hulihan ng bayad mo, dahil iyon naman ang usapan.” Magalang ang boses nito kumpara kanina noong ako ang kausap niya.

Tinuon naman ni John ang atensyon niya sa lalaki at tinapik ito sa balikat, “h’wag kang masyadong kabahan, ibibigay ko ang pangako ko na presyo ng usapan natin. Pero hindi pa tapos ang trabaho n’yo kaya hindi ko pa ibibigay ang pera.”

“A-Anong ibig mo na sabihin?” Nagtataka niyang tanong, na maging ang mga kasamahan niya ay nabahala na. “Ang usapan ay kukunin namin siya at ibibigay sa’yo, iyon lang ang usapan natin. Pagkatapos namin ay ibibigay mo ng buo ang bayad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status