Share

CHAP 35

Maaga kaming nag-ayos kinabukasan dahil may surpresa ngang inihanda si Andrei para sa amin ni Adrian. Paulit-ulit ko siyang tinatanong kagabi tungkol doon pero nanatiling tikom ang bibig niya. Nagtatampo man ay hindi ko na ipinagpilitan pa.

Sumakay kami sa sasakyan niya, ako sa unahan habang sa likuran naman ang anak naming dalawa. Paminsan-minsan kaming nag-uusap ng kung anu-ano sa byahe katulad na lamang ng kumpanya naming dalawa. Napag-usapan namin na babalik ulit ako sa trabaho para pamahalaan ang negosyo namin dahil gusto ko nang pagpahingahin si Mommy. Hindi naman siya tumutol pero hanggang ikawalong buwan ng pagbubuntis niya lang ako gusto magtrabaho. Pumayag naman ako dahil alam kong kapakanan namin ng dinadala ko lang ang iniisip niya.

Ilang minuto ang lumipas ay pumasok kami sa isang subdivision na ipinagtaka ko. "May kamag-anak ba tayong dadalawin?" tanong ko.

Mahina naman siyang tumawa at umiling. Napanguso ako dahil pinanindigan niya talagang maging surpresa ang tinutuko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status