Share

CHAP 3

Author: bitchymee06
last update Huling Na-update: 2022-07-02 22:30:12

Maaga akong ginising kinaumagahan ni Mommy. Halos mangiyak-ngiyak pa s'ya habang inaayusan ako ng stylist.

"Mommy, stop it. Hindi na ko nagiging kumportable," I hissed.

She just laughed at me. "Malaki ka na talaga, anak. Parang kahapon lang ay karga ka pa namin ng Daddy mo ngayon magkakasariling pamilya ka na," emosyonal na sabi niya.

Pilit na lang akong ngumiti sa kanya. Hangga't maaari ay ayaw kong sirain ang araw na ito para kay Daddy.

Pamilya? With him?

Nagkaroon ng photoshoot sa k'warto ko. P-in-ictur-an ng photographer ang gown ko at iba pang gamit. Gano'n na rin ako sa iba't ibang pose na gusto nila. Kahit papaano ay natuwa ako sa gown ko, ganitong gown din ang gusto ko sakaling ikasal talaga ako balang araw—simple pero elegante.

"Ang prinsesa ko," maluha-luhang tawag ni Daddy sa 'kin habang pababa ako ng hagdanan.

Unti-unti na ring namuo ang luha sa mga mata ko dahil nakikita kong masaya siya ngayon.

Niyakap niya ako nang mahigpit at saka ako hinalikan sa noo. "Napakaganda mo, anak." Marahan siyang humiwalay at tiningnan niya ako nang seryoso, hinaplos ang mukha ko bago ngumiti. "Trust me, anak. You will be happy with him."

Tanging hilaw na ngiti na lang ang naisagot ko sa kanya. Ayaw kong madismaya si Daddy, lahat gagawin ko para sa kanya.

Sana nga, Daddy, sana nga pero mukhang malabo iyon.

Wala akong alam sa mga plinano sa kasal. Hindi rin ako nag-abalang magtanong ng kahit ano kaya naman maluha-luha ako nang dumating kami sa venue.

This is my dream wedding.

It's a beach wedding with sky blue motif. Puno ng white and blue roses ang paligid pati na rin ang lalakaran ko. Gusto ko pang tumawa dahil kahit ang kalokohang stitch (cartoon character) na silya na naisip ko dati ay nakatambad ngayon sa paningin ko. Ang lalakaran kong carpet ay mukha talagang pinasadya dahil stitch din iyon.

Napabaling ako ng tingin sa nanay ko. Alam kong siya ang nagplano nito dahil sa kanya ko lang naman iyon nabanggit no'ng minsan naming napag-usapan ito. I whispered thank you to her and she replied me with I love you.

Nagsimulang tumugtog ang isang love song. Naglakad ang ibang nasa unahan ko, lumapit na sa akin si Mommy at Daddy nang malapit na ang turn ko.

"I love you, Mom. I love you, Dad," I said and hugged them.

"Mahal ka rin namin, anak."

We started to walk forward. Nakikita ko ang saya ng mga nakapaligid sa amin na para bang napakaromantiko nang nangyayari. Sa unahan nag-aabang ang mapapangasawa ko, seryoso s'yang nakatayo habang diretyo ang tingin sa 'kin. Hindi ko alam kung magaling lang ba siyang magtago ng emosyon o wala lang talaga ang lahat ng ito para sa kanya. Nakita ko ang pagtapik at pagbulong ng isang lalaki sa tabi niya, halos kasing edad niya iyon. Bahagyang kumunot ang noo niya kasabay nang pag-igting ng panga nito at saka bumulong pabalik . Tatawa-tawa lang naman ang lalaking kausap niya.

Tulad ng mga normal na kasal ibinigay ako ng mga magulang ko sa kanya pagdating sa dulo. Bahagya pa akong nagtaka dahil hindi ko napansin ang mga magulang niya. Tanging bestman lang ang nando'n na kasama niya.

Lumipas ang halos isang oras at tapos na ang lahat.

"You may now kiss the bride."

Halos naghihiyawan sa tuwa at tili ang ibang bisita. Hindi ko masabayan ang tuwa nila dahil kinain ako ng kaba ng sandaling iyon.

Tangna. Alanganin akong humarap sa kanya, naglikot ang mga mata ko sa taas, baba, at gilid habang itinataas niya ang belo ko. Ayaw ko siyang tingnan dahil baka isipin niyang naaapektuhan ako sa presensya niya kahit na iyon ang totoo. Natigil ang paghinga ko nang naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko at marahang iniangat ang aking mukha. Para akong nabingi ng sandaling tumama ang mata ko sa kanya, hinihigop niyon ang kaluluwa ko na para bang pinapasok ang bawat pagkatao ko.

Doon ko lang napagtanto kung gaano kaganda ang mga mata niya, kulay berde iyon kung pakakatitigan ng todo. Pinaka ayaw kong kulay ang berde ngunit hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko ang mga berde n'yang mata ngayon.

He clenched his jaw as his eyes darkened with desire. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa akin. Nanlambot ang tuhod ko nang maglapat ang mga labi namin. Tuluyan na nga akong nanghina sa pagkakatayo nang sinimulan niyang igalaw iyon. Halos ipagpasalamat ko ang mabilis niyang pagkabig sa akin gamit ang braso niya upang hindi ako matuluyan sa pagbagsak.

Hindi ko alam na ganito pala kasarap mahalikan o sadyang masarap lang talaga siya humalik na parang dinadala ka sa ibang dimensyon ng mundo.

Kinain ng pait ang damdamin ko nang sumagi sa isipan ko ang isang bagay. Marahan niyang tinapos ang paghalik sa akin, yumuko ako agad upang 'di magkasalubong ang tingin namin.

"Ganito ka rin ba humalik sa mga babae mo?"

Hindi ko alam kung anong katangahan ang tumama sa akin at nasambit ko iyon sa harapan niya. Pinamulahan ako ng mukha sa hiya. Mabuti na lang at naagaw agad ng mga bisita ang atensyon namin.

Masaya silang nagpapalakpakan, doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para tingnan silang lahat. Nandito ang mga malalapit na kamag-anak namin, gano'n din ang mga dati kong naging kaibigan no'ng panahon na pumapasok pa ako. May mangilan-ngilan din na hindi ko kilala, siguro ay sa side iyon ng asawa ko. Bahagya akong natigilan dahil hindi ko inaasahan na makikita ko sa mismong kasal namin ang babaeng kasama niya kahapon.

Seryoso itong nakatingin, hindi sa akin kundi sa asawa ko.

Asawa ko?

May kung anong pait iyong idinulot sa emosyon ko. Asawa ko sa papel pero kailanman ay hindi magiging akin.

Sinilip ko s'ya sa gilid ko nang palihim. Gusto kong tumawa dahil sa babae rin siya nakamasid.

Sana kung ayaw niya magpakasal, sana umayaw siya simula pa lang. Sana kung mahal niya 'yong babae, sana inilaban niya.

Nagkaroon ng picture taking pagkatapos ng lahat. Gusto kong pumalakpak dahil nagagawa kong ngumiti sa kabila ng lahat ng ito. Lumipat kami sa reception area at nagsimulang kumain. Tulad ng mga normal na kasal, ginawa rin namin ang mga ginagawa ro'n; pagsusubuan, pagpapalipad ng kalapati at iba pa—nagkaroon din ng palaro para sa mga dalaga at binata.

Halos ilang oras bago natapos ang lahat. Kinain ako ng paghanga sa dami ng mga mamahaling regalo na natanggap namin, gano'n din sa cash. Ganito pala kapag ikinakasal halos pupwede kang makapagsimula talaga ng magandang buhay kasama ang asawa mo sa tulong ng mga bigay nila.

"Mag-iingat lagi kayo, anak. Bisitahin mo kami kapag nagka-oras ka." Si Mommy habang hinahaplos ang buhok ko.

Gulat na gulat ako kanina nang nalaman ko na sa condo ako ng asawa ko uuwi. Hindi ko na nakita pa ang girlfriend niya pagkatapos ng kasal marahil masakit din para sa kanya na panuorin ang mahal niyang lalaki na ikasal sa akin.

Tumango na lang ako kay Mommy at saka siya hinalikan sa pisngi. Niyakap naman ako ni Daddy nang lumapit ako sa kanya.

"Be happy," bulong niya sa gitna ng kanyang yakap.

"I will..."

I'll try, Dad.

"Let's go?" anyaya sa 'kin ng asawa ko bago inilahad ang kamay niya sa akin.

Alanganin kong inabot ang kamay ko sa kanya. Hindi kami nag-uusap mula kanina, tinatanong niya lang ako kung may gusto ako no'ng kumakain kami sa reception. Bahagya akong natigilan nang higitin niya ko nang marahan palapit at ipinulupot ang kanyang kamay sa bewang ko.

"Una na po kami, Mommy, Daddy," magalang na pamamaalam niya . 

Hindi naman ako nakaimik pa hanggang sa nakapasok kami ng sasakyan.

"Ahmmm, p-pwede ko bang malaman kung saan ang condo mo?"

Sinimulan niyang paandarin ang kanyang sasakyan. "Put your seatbelt," pormal niyang sabi na agad kong sinunod. "Nasa Makati ang condo ko," dugtong niya.

Hindi na ako muling umimik pa. Habang nasa byahe ay ro'n ko lang naramdaman ang pagod ko kaya naman hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 36

    I was drafting a building project when my secretary called to inform me that Mr. Monasterio came and would like to talk to me. I was confused and a bit nervous because it's been months since we last saw each other.Well plus the fact that I like his only daughter. Damn it.Mayamaya pa ay tuluyan na ngang pumasok si Tito Deyniel sa opisina ko. Kita ko ang pagbagsak ng timbang niya mula nang huli ko siyang makita, ngunit hindi ko na pinansin iyon."Maupo po kayo," magalang kong sambit at inalok ang upuan sa harapan ko. Nakangiti naman siyang umupo saka tumikhim. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I am here to ask you to marry my daughter," pormal niyang saad na ikinatigil ng hininga ko.What did he say again?"A-Ano po ulit?" nauutal kong tanong at napaayos ng upo.Ngumiti naman siya sa akin at tiningnan ako direkta sa mata. "I am asking you to marry my daughter, Andrei," marahan niyang wika na para bang itinatatak niya iyon sa isipan ko.So I fvcking heard it right."Why of all a su

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 35

    Maaga kaming nag-ayos kinabukasan dahil may surpresa ngang inihanda si Andrei para sa amin ni Adrian. Paulit-ulit ko siyang tinatanong kagabi tungkol doon pero nanatiling tikom ang bibig niya. Nagtatampo man ay hindi ko na ipinagpilitan pa.Sumakay kami sa sasakyan niya, ako sa unahan habang sa likuran naman ang anak naming dalawa. Paminsan-minsan kaming nag-uusap ng kung anu-ano sa byahe katulad na lamang ng kumpanya naming dalawa. Napag-usapan namin na babalik ulit ako sa trabaho para pamahalaan ang negosyo namin dahil gusto ko nang pagpahingahin si Mommy. Hindi naman siya tumutol pero hanggang ikawalong buwan ng pagbubuntis niya lang ako gusto magtrabaho. Pumayag naman ako dahil alam kong kapakanan namin ng dinadala ko lang ang iniisip niya. Ilang minuto ang lumipas ay pumasok kami sa isang subdivision na ipinagtaka ko. "May kamag-anak ba tayong dadalawin?" tanong ko.Mahina naman siyang tumawa at umiling. Napanguso ako dahil pinanindigan niya talagang maging surpresa ang tinutuko

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 34

    It's been a month since I got discharge from the hospital. Minsan naisip ko rin na isa na ang ospital sa mga pasyalan ko. Tss!Nandito kami ni Adrian sa condo unit ni Andrei, hindi siya pumayag na hindi kami magkakasama. Hindi ko naman siya tinutulan pa. Sa lahat ng nangyari sa amin pakiramdam ko ay gagawin ko ang lahat para lang makabawi sa kanya.Kasalukuyan kong pinapanood ang mag-ama ko na busy sa panunuod ng cartoons. Sa ilang linggo na magkakasama kami roon ko lang talaga napatunayan na magkasundong-magkasundo si Andrei at Adrian. Walang bakas ng hindi pagkikita o ilang. Hindi ko tuloy naiwasan na ma-guilty.Gano'n ba ko naging tutok sa pagtratrabaho at hindi ko napansin na nasa kuta ko na pala ang lalaking ito?Lumingon sa gawi ko si Andrei dahilan para magtagpo ang mga paningin namin. Ngumiti siya sa akin at saka bumulong sa hangin. "I love you," he mouthed. Awtomatikong nag-init ang pisngi ko. He chuckled when he saw my reaction. Umiling na lamang ako at dumiretyo ng kusina

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 33

    I heard a familiar voice in my deep sleep. He kept talking and mumbling which I focuslly listened. Marahan kong binuksan ang aking mata at tumambad sa akin ang nakangiti niyang mukha.Awtomatiko akong napangiti, pakiramdam ko ay biglang gumaan ang pakiramdam ko bagamat nakakaramdam ako ng sakit sa may bandang tiyan ko."So, you already like me back then?" mahina at magaspang na wika ko.Kita ko ang saglit na paninigas ni Andrei saka siya marahang tumingin sa akin. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya kaya naman agad akong napangiti. Nagsimulang magtubig ang kanyang mata. Ramdam ko ang takot at pag-aalala sa kanyang paningin kaya naman marahan kong inabot ang mukha niya para haplusin."Hey, baby," masuyong tawag ko.Nagsimulang magpatakan ang mga luha niya dahilan para mapaiyak din ako kasabay niya. He held my hand and kissed it."Akala ko mawawala ka ulit sa akin," natatakot niyang usal.Pinunasan ko ang mga luha niya at ngumiti. "Sorry," I said sincerely. "Sorry for leaving twice. Sorr

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 32

    ANDREI'S POV:"Relax, man," my friend, Daevon, said as he tapped my shoulder. Mukhang kadarating niya lang kasama ang kanyang asawa. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. I weakly shook my head."It's been an hour since I brought her here. Hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas ang doktor na kasama niya." Napasandal ako sa pader at marahan na napasalampak sa sahig. Naiiyak akong napatingala at pumikit nang mariin.Please... 'wag mo akong iiwan ulit. Please."A-Ano bang sabi ng doktor?" nauutal na usisa ni Ayesha, bakas sa tono niya ang kaba at pag-aalala.I slowly opened my eyes and glanced at her. "Sabi nila hindi naman daw kritikal ang tama niya. Pero kailangan pa rin siyang isailalim sa operasyon para matanggal ang bala sa kanyang tiyan," paliwanag ko.Kita ko ang kahit kaunting pagkalma niya pero sa akin ay hindi sapat iyon. Kailangan kong makitang gising ang asawa ko para mapanatag ang loob ko. Humahagos ding dumating ang isa pang kaibigan ni Cassandra.

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 31

    Nanlalabo ang paningin ko dahil sa walang humpay na pagluha habang tumatakbo palayo sa kanya.Take care of our son, Andrei.Mabilis akong sumakay ng elevator at pinindot iyon paibaba. Parang binibiyak ang puso ko habang pinagmamasdan ang pagsasara ng pinto. Napagahulhol ako sa kaisipang iniwanan ko ang dalawang taong importante sa akin. Sorry, Andrei. Sorry, Adrian.Alam kong magiging ligtas ang anak ko sa ama niya pero ang hindi ako sigurado ay kung magiging ligtas ba ang nanay ko sa taong sumira ng buhay namin. Hindi ko siya pwedeng pabayaan, ako na lamang ang maasahan niya. Sana maintindihan mo ako, Andrei.Sa paglipas ng maraming taon, sa kabila ng paniniwala kong niloko niya ako ay nagawa pa ring manatili ng pagmamahal ko sa kanya. Sa kabila ng galit at hinanakit ko ay hindi pa rin siya nawalan ng espasyo sa puso ko. Nanghihina man ay pinilit kong magpakatatag. Nangangatal akong naglakad papunta sa parking lot kung saan alam kong naghihintay si Rozz.Wala pang ilang segundo ay

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status