Share

CHAP 4

Author: bitchymee06
last update Last Updated: 2022-07-02 22:30:33

Nagising ako kinaumagahan dahil sa pakiramdam na may nakadagan sa 'kin. Marahan kong idinilat ang aking mata at gano'n nalang ang panlalaki ng mata ko sa pamilyar na eksenang tumambad sa akin.

Napabuga ako ng hininga at maingat na ibinaling ang ulo sa direksyon niya. Napaka amo talaga ng mukha niya kapag tulog, may kakapalan din pala ang kilay niya. Muli kong sinilip ang posisyon naming dalawa, agad na nag-init ang mukha ko nang napansin kong iba na ang suot ko ngayon.

Photahamnida >,<

Okay, Cassandra, hinga lang. Okay lang 'yan kasi asawa mo siya.

Dapat masanay na ako sa mga ganitong bagay. Tama ba? Arghh! Mababaliw na 'ata ako.

Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago ko napagdesisyunang magluto ng agahan naming dalawa. Doon ko lang napagtuunan ng atensyon ang condo niya, tama lang iyon para sa aming dalawa. Hindi sobrang laki, hindi rin sobrang liit, gray and white ang halos kulay ng buong condo mula labas hanggang sa silid.

Ch-in-eck ko ang laman ng ref niya para tingnan kung anong pupwede kong lutuin, good thing kumpleto naman siya sa stocks. Sa huli mas pinili ko nalang lutuin yung mga normal na meal sa umaga mamaya mag-assume pa siya na sobra akong nag-effort para dito. Well, parang gano'n na nga, at least ano man lang 'yong magsama kami nang maayos, 'di ba. I fried some eggs, bacons, and hotdogs. Naghanda na rin ako ng coffee kahit hindi ko sigurado kung nagkakape ba siya.

"Ay, tae!" Muntik nang mahulog ang tasang hawak ko. 

Nadatnan ko siyang seryosong nakaupo habang nakatingin sa akin, hindi ko man lang napansin na nakalabas na pala siya ng k'warto.

"A-Ah c-coffee?" alanganin kong alok sa kanya saka inilagay iyon nang tuluyan sa kanyang harapan.

Uupo na rin sana ako kung hindi niya biglang hinigit ang kamay ko. Kunot-noo itong nakatingin dito. Rinig ko ang pagbuntonghininga niya bago ako iniwan. Dire-diretyo siyang naglakad papasok sa silid.

Ayaw niya ba nang hinanda ko?

Nalungkot ako sa isiping iyon, binalewala ko na lang 'yon saka nagsimulang salinan ang plato ko ng pagkain.

Kung ayaw niya, then okay. 'Wag pilitin ang ayaw.

"Give me your hand." Napatalon ako sa pagkakaupo nang bigla siyang sumulpot sa gilid ko.

Napansin ko na may hawak siyang maliit na case at nasisigurado kong first aid kit iyon.

Sinong nasaktan?

Dahil sa pagtataka ay hindi ko agad naintindi ang sinabi niya kaya naman siya na ang kusang kumuha ng kamay ko bago niya kinuha ang isang silya para umupo. Doon ko lang napansin na may kaunting parte sa kamay ko ang namumula dahil siguro sa kaunting kapeng natapon dito no'ng nagulat ako.

"A-Ano... okay lang, kaunti lang naman. Sige na, kumain ka na," sabi ko sabay bawi ng kamay ko. Maliit lang talaga iyon kaya siguro hindi ko rin masyadong napansin.

Umigting ang panga niya at tumingin sa akin ng seryoso. May kung anong kabang idinulot iyon sa akin. "Give me your hand," matigas na wika niya.

Para akong bata na sumunod sa utos ng galit na magulang. Pinanuod ko ang pagkuha niya ng isang bulak saka iyon binasa ng alcohol, pinahiran niya ang parteng namumula sa kamay ko. Pagkatapos ay isang cream naman ang kinuha niya at ipinahid dito, medyo malamig iyon sa pakiramdam. Inayos niyang muli ang kit at inilagay sa tabi ng lamesa.

"Thank you," sinserong sabi ko.

Tumango naman siya. "Let's eat," pormal niyang usal at nagsimulang magsandok ng pagkain.

Tahimik lang naming kinain ang aming umagahan.

"Let's talk," sambit niya nang napansing tapos na ako sa pagkain.

Oh yes, Cassandra, kailangan niyo ngang mag-usap.

Tanging tango lang naman ang itinugon ko dahil hindi ko alam kung paano magbubukas ng topic o anuman.

"About our marriage," panimula niya kaya naman natuon ang buo kong atensyon sa kanya.

"I'm aware naman na napilitan ka lang din para sa ating dalawa kaya no need to worry," agad kong sabi.

Saglit siyang natahimik bago ako pinagmasdan. "The girl I'm with no'ng nakita mo ako. She's my girlfriend, sinasabi ko ito dahil ayaw kong maglihim sa 'yo," he stated.

Tumango naman ako at mapait na ngumiti. "I know. Salamat pa rin kasi nilinaw mo."

Napasandal siya sa kanyang upuan at seryosong tumingin sa akin. "Is it okay with you?" he asked.

"Alin?" balik kong usisa.

"Our situation, kasal ako sa 'yo pero may karelasyon akong iba," diretyo niyang sabi.

Sumandal na rin ako sa aking inuupuan 'tsaka siya tinapunan ng seryosong tingin. "As long as hindi malalaman ni Daddy ayos lang sa 'kin. Wala akong magagawa, hindi naman ako pwedeng mag-demand sayo na hiwalayan mo s'ya at ako ang pagtuunan mo ng atensyon. I'm not that pathetic."

"Why not?" agad niyang tanong na ikinatigil ko sandali. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang pinapanuod ang bawat emosyon ko.

Hilaw akong ngumiti. "Siya naman ang nauna, siya rin ang mahal mo. Kung tutuusin ako ang pumasok nalang bigla sa relasyon niyo kaya sino ako para hilingin iyon 'di ba?"

"But you are my wife now. You have the rights," pormal niyang sabi. Hindi ko tuloy maintindihan kung anong ipinupunto niya.

"How can I have the rights? Kinasal tayo dahil sa iba't ibang dahilan. Let me remind you, my dear husband, we didn't marry each other because of love."

Natahimik naman siya pagkatapos no'n kaya napagdesisyunan kong ligpitin na ang pinagkainan namin at dalhin sa sink.

"Hindi ka ba magtratrabaho?" sinilip ko s'ya sa likuran.

"I cancelled all my appointments," tipid niyang sagot.

"Waeyo?" sinimulan kong hugasan ang mga plato.

Hindi ko alam kung bakit ilang segundo siyang hindi sumagot kaya naman lumingon ako ulit sa kanya.

Nakunot ang noo niya na para bang may prinoproseso sa utak niya. "Was that an alien word?" he asked.

Saglit akong nag-isip kung ano'ng tinutukoy niya. Napangiti ako nang napagtanto kung ano iyon.

"Sorry, medyo nasanay lang ako na iyon ang ginagamit na word instead of bakit," paliwanag ko bago bumalik sa aking ginagawa.

"Sasamahan kita sa kumpanya niyo para tulungan ka sa pamamahala hanggang sa masanay kana kung paano iyon patakbuhin."

"Okay," simple kong sagot . Hindi na naman siya muling umimik pa pero kahit gano'n ay nanatili pa rin siyang nakaupo sa pwesto niya.

"Seems like you know how to do household chores."

Hindi ko alam kung humahanga ba siya o nanlalait kaya pinabayaan ko nalang. Pinunasan ko ang lababo pagkatapos at tinanggal ang apron sa suot ko para isabit. Nagtataka man sa pananatili niya roon ay ipinagsawalang bahala ko nalang iyon. Mamaya sabihan niya pa akong pakialamera. Oh please, I don't give a damn.

"Ahmm, magre-ready lang ako," alanganin kong paalam. Tango lang naman ang isinagot niya sa akin kaya naglakad na ako papuntang kwarto.

Ramdam ko ang pagsunod niya sa likuran ko kaya naman lalo akong nakaramdam ng kaba at ilang. Hindi ko alam kung bakit iyon ang idinudulot sa akin ng presensya niya.

Am I attracted?

Hindi malabo iyon, gan'yan ba naman kagwapo ang asawa mo, Cassandra. Sinong hindi matatakam?

Iwinaksi ko agad iyon sa isipan ko. Traydor ka self! Kasalanan ito ni Ayesha, kung anong kaberdehan ang inilalin niya sa akin.

Without thinking basta nalang ako pumasok sa cr at naligo kaya naman halos ilang mahihinang mura ang binitawan ko pagkatapos. "Tangna talaga, Cassandra. Ngayon ka pa sinumpong ng kabobahan, paano ka lalabas ngayon?" mahinang mura ko sa sarili ko habang paikot-ikot sa cr.

"Kahit panty, wala kang dala 'nyeta," patuloy kong sambit habang hinihigpitan ang towel na nakatakip sa katawan ko.

Halos ipagpasalamat ko pa na may towel dito sa banyo niya kung hindi ay literal na hubad talaga ako ngayon. Dahil sa pagpapauli-uli sa cr at katangahan hindi ko namalayan na nabasa na 'yong dinadaanan ko.

"AHHHH!" malakas kong d***g nang bumagsak ako sa sahig dahil sa pagkakadulas.

"Fvck!"

Natigil ako sa pagdaing ng bigla akong lumutang sa ere. Sumasakit man ang pwetan ko ay hindi ko na naisatinig iyon dahil mas nilamon ako ng gulat sa presensya niya.

"Fvck! Fvck!" sunud-sunod niyang mura pagkatapos niya akong iupo sa kama.

Lumuhod siya para maglebel ang tayo naming dalawa. "Are you okay? Sa'n ang masakit?" he asked habang nakatingin sa akin.

'Ayon na naman ang mga mata niyang nanghihigop ng kaluluwa.

"Cassandra," muli niyang tawag na siyang nakapagpabalik ng katinuan ko.

"A-Ah yeah, yeah, I'm okay. Sorry, napaka-careless ko naabala pa tuloy kita," nahihiyang sambit ko at lumayo ng kaunti.

Napaigik ako nang mahina dahil medyo masakit ang pwetan ko, hindi iyon sobrang sakit kaya pa namang pagtiisan, body shock lang siguro ito.

Ohh yeah, Cassandra, what the fvck was body shock? May gano'n ba? Doon ko lang naalala ang itsura ko, halos nag-init ang mukha ko sa kahihiyan. Tangna, Cassandra.

"Are you sure na walang masakit sa 'yo? I'll bring you to the hospital."

"No need. I'm okay. Thank you." Panay ang iwas ko ng tingin sa kanya.

Nang hindi siya umimik pa ay roon ko lang muli itinuon ang mga mata ko sa kanya. Nakita ko ang kaseryosohan sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko at tumalikod.

I heard him cursed. Pagkatapos ay muli siyang humarap sakin. "Dress up, we'll go to the hospital bago tayo pumunta sa kumpanya niyo," pinal niyang sabi.

Hindi na ako tumutol pa dahil ayaw ko naman na nag-aaway agad kami in our first day kaya tumango nalang ako.

"Stay there. Ako na ang kukuha ng damit mo." He then turned his back against me.

Nanlaki ang mata ko at mabilis akong tumayo para sana pigilan siya pero hindi ko alam kung ano ba'ng kamalasan ang nakain ko ngayong araw at sumobra naman.

Natakid ako dahil sa biglaan kong pagtayo kaya naman ang kinalabasan 'eto, bumagsak ako sa ibabaw niya. Worst part is medyo lumuwag pa 'yong towel ko kaya naman nahubad ang upper part ng katawan ko. Pareho kaming nanigas sa pwesto naming dalawa, hindi ako makatayo dahil makikita niya ang hinaharap ko.

"Sabihin mo sa 'kin, may balat ka ba sa pwet?"

Hindi ko alam kung ginagalaw niya ba ako o naaasar siya sa mga kamalasang ginagawa ko. Dahil sa kahihiyan isiniksik ko ang ulo ko sa dibdib niya.

I heard him cursed. Hindi ko alam kung para saan iyon. Gano'n ba siya kainis sa 'kin para magmura siya?

"Ugh! Damn it, baby. This is torture," mahinang bulong niya.

"Sorry. Hindi ko alam kung anong kasalanan ang nagawa ko sa past life ko at pinarurusahan ako ng ganito," mahinang anas ko habang nakasubsob pa rin sa dibdib niya.

Tumawa siya saglit at ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Hindi ko alam kung ano'ng kuryente ang tumama sa katawan ko pero awtomatiko akong nakaramdam ng init, init na kailanman ay hindi ko pa naramdaman.

"Hindi ko rin alam kung ano'ng kabutihan ang nagawa ko sa pastlife ko at binibiyayaan ako ng ganitong swerte ngayon," bulong niya sa tainga ko.

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba o talagang napaka-sexy ng dating ng boses niya ngayon. Magaspang at tila mas malalim ang boses niya sa oras na ito.

Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa bewang ko, may kung anong kiliti iyong idinulot sa aking katawan. Magaspang ang kamay nya pero gusto iyon ng balat ko. Pinagapang niya pa ang isang kamay niya mula sa bewang at likod ko. Paulit-ulit niyang ginagawa iyon habang ang mukha niya naman ay nakasubsob sa gilid ng leeg ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maria Villaresis
ANO BA YAN UNLOCK Please....
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 36

    I was drafting a building project when my secretary called to inform me that Mr. Monasterio came and would like to talk to me. I was confused and a bit nervous because it's been months since we last saw each other.Well plus the fact that I like his only daughter. Damn it.Mayamaya pa ay tuluyan na ngang pumasok si Tito Deyniel sa opisina ko. Kita ko ang pagbagsak ng timbang niya mula nang huli ko siyang makita, ngunit hindi ko na pinansin iyon."Maupo po kayo," magalang kong sambit at inalok ang upuan sa harapan ko. Nakangiti naman siyang umupo saka tumikhim. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I am here to ask you to marry my daughter," pormal niyang saad na ikinatigil ng hininga ko.What did he say again?"A-Ano po ulit?" nauutal kong tanong at napaayos ng upo.Ngumiti naman siya sa akin at tiningnan ako direkta sa mata. "I am asking you to marry my daughter, Andrei," marahan niyang wika na para bang itinatatak niya iyon sa isipan ko.So I fvcking heard it right."Why of all a su

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 35

    Maaga kaming nag-ayos kinabukasan dahil may surpresa ngang inihanda si Andrei para sa amin ni Adrian. Paulit-ulit ko siyang tinatanong kagabi tungkol doon pero nanatiling tikom ang bibig niya. Nagtatampo man ay hindi ko na ipinagpilitan pa.Sumakay kami sa sasakyan niya, ako sa unahan habang sa likuran naman ang anak naming dalawa. Paminsan-minsan kaming nag-uusap ng kung anu-ano sa byahe katulad na lamang ng kumpanya naming dalawa. Napag-usapan namin na babalik ulit ako sa trabaho para pamahalaan ang negosyo namin dahil gusto ko nang pagpahingahin si Mommy. Hindi naman siya tumutol pero hanggang ikawalong buwan ng pagbubuntis niya lang ako gusto magtrabaho. Pumayag naman ako dahil alam kong kapakanan namin ng dinadala ko lang ang iniisip niya. Ilang minuto ang lumipas ay pumasok kami sa isang subdivision na ipinagtaka ko. "May kamag-anak ba tayong dadalawin?" tanong ko.Mahina naman siyang tumawa at umiling. Napanguso ako dahil pinanindigan niya talagang maging surpresa ang tinutuko

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 34

    It's been a month since I got discharge from the hospital. Minsan naisip ko rin na isa na ang ospital sa mga pasyalan ko. Tss!Nandito kami ni Adrian sa condo unit ni Andrei, hindi siya pumayag na hindi kami magkakasama. Hindi ko naman siya tinutulan pa. Sa lahat ng nangyari sa amin pakiramdam ko ay gagawin ko ang lahat para lang makabawi sa kanya.Kasalukuyan kong pinapanood ang mag-ama ko na busy sa panunuod ng cartoons. Sa ilang linggo na magkakasama kami roon ko lang talaga napatunayan na magkasundong-magkasundo si Andrei at Adrian. Walang bakas ng hindi pagkikita o ilang. Hindi ko tuloy naiwasan na ma-guilty.Gano'n ba ko naging tutok sa pagtratrabaho at hindi ko napansin na nasa kuta ko na pala ang lalaking ito?Lumingon sa gawi ko si Andrei dahilan para magtagpo ang mga paningin namin. Ngumiti siya sa akin at saka bumulong sa hangin. "I love you," he mouthed. Awtomatikong nag-init ang pisngi ko. He chuckled when he saw my reaction. Umiling na lamang ako at dumiretyo ng kusina

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 33

    I heard a familiar voice in my deep sleep. He kept talking and mumbling which I focuslly listened. Marahan kong binuksan ang aking mata at tumambad sa akin ang nakangiti niyang mukha.Awtomatiko akong napangiti, pakiramdam ko ay biglang gumaan ang pakiramdam ko bagamat nakakaramdam ako ng sakit sa may bandang tiyan ko."So, you already like me back then?" mahina at magaspang na wika ko.Kita ko ang saglit na paninigas ni Andrei saka siya marahang tumingin sa akin. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya kaya naman agad akong napangiti. Nagsimulang magtubig ang kanyang mata. Ramdam ko ang takot at pag-aalala sa kanyang paningin kaya naman marahan kong inabot ang mukha niya para haplusin."Hey, baby," masuyong tawag ko.Nagsimulang magpatakan ang mga luha niya dahilan para mapaiyak din ako kasabay niya. He held my hand and kissed it."Akala ko mawawala ka ulit sa akin," natatakot niyang usal.Pinunasan ko ang mga luha niya at ngumiti. "Sorry," I said sincerely. "Sorry for leaving twice. Sorr

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 32

    ANDREI'S POV:"Relax, man," my friend, Daevon, said as he tapped my shoulder. Mukhang kadarating niya lang kasama ang kanyang asawa. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. I weakly shook my head."It's been an hour since I brought her here. Hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas ang doktor na kasama niya." Napasandal ako sa pader at marahan na napasalampak sa sahig. Naiiyak akong napatingala at pumikit nang mariin.Please... 'wag mo akong iiwan ulit. Please."A-Ano bang sabi ng doktor?" nauutal na usisa ni Ayesha, bakas sa tono niya ang kaba at pag-aalala.I slowly opened my eyes and glanced at her. "Sabi nila hindi naman daw kritikal ang tama niya. Pero kailangan pa rin siyang isailalim sa operasyon para matanggal ang bala sa kanyang tiyan," paliwanag ko.Kita ko ang kahit kaunting pagkalma niya pero sa akin ay hindi sapat iyon. Kailangan kong makitang gising ang asawa ko para mapanatag ang loob ko. Humahagos ding dumating ang isa pang kaibigan ni Cassandra.

  • CHAINED MARRIAGE   CHAP 31

    Nanlalabo ang paningin ko dahil sa walang humpay na pagluha habang tumatakbo palayo sa kanya.Take care of our son, Andrei.Mabilis akong sumakay ng elevator at pinindot iyon paibaba. Parang binibiyak ang puso ko habang pinagmamasdan ang pagsasara ng pinto. Napagahulhol ako sa kaisipang iniwanan ko ang dalawang taong importante sa akin. Sorry, Andrei. Sorry, Adrian.Alam kong magiging ligtas ang anak ko sa ama niya pero ang hindi ako sigurado ay kung magiging ligtas ba ang nanay ko sa taong sumira ng buhay namin. Hindi ko siya pwedeng pabayaan, ako na lamang ang maasahan niya. Sana maintindihan mo ako, Andrei.Sa paglipas ng maraming taon, sa kabila ng paniniwala kong niloko niya ako ay nagawa pa ring manatili ng pagmamahal ko sa kanya. Sa kabila ng galit at hinanakit ko ay hindi pa rin siya nawalan ng espasyo sa puso ko. Nanghihina man ay pinilit kong magpakatatag. Nangangatal akong naglakad papunta sa parking lot kung saan alam kong naghihintay si Rozz.Wala pang ilang segundo ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status