Share

CHAP 31

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa walang humpay na pagluha habang tumatakbo palayo sa kanya.

Take care of our son, Andrei.

Mabilis akong sumakay ng elevator at pinindot iyon paibaba. Parang binibiyak ang puso ko habang pinagmamasdan ang pagsasara ng pinto. Napagahulhol ako sa kaisipang iniwanan ko ang dalawang taong importante sa akin.

Sorry, Andrei. Sorry, Adrian.

Alam kong magiging ligtas ang anak ko sa ama niya pero ang hindi ako sigurado ay kung magiging ligtas ba ang nanay ko sa taong sumira ng buhay namin. Hindi ko siya pwedeng pabayaan, ako na lamang ang maasahan niya.

Sana maintindihan mo ako, Andrei.

Sa paglipas ng maraming taon, sa kabila ng paniniwala kong niloko niya ako ay nagawa pa ring manatili ng pagmamahal ko sa kanya. Sa kabila ng galit at hinanakit ko ay hindi pa rin siya nawalan ng espasyo sa puso ko.

Nanghihina man ay pinilit kong magpakatatag. Nangangatal akong naglakad papunta sa parking lot kung saan alam kong naghihintay si Rozz.

Wala pang ilang segundo ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status