Share

Chapter 4

HUMINGA muna ako ng malalim bago kumatok sa opisina ni Sir Lance.

Kailangan kong iwasan na magkamali sa harapan niya.

Nakayuko lang ako dahil nararamdaman kong nakatingin siya sa akin.

"I have a favor to ask you Sabrina," buo ang boses niya pero sobrang strikto pa rin.

Kahit ayaw ko siyang tingnan sa mata pero dahil sa sinabi niya kusa na akong napatingin sa kanya.

"I'am planning to get involved with politics," huminga muna siya ng malalim pagkatapos sabihin 'yon, "and I need your help."

"Po? Tulong ko?" nalilito kong tanong. Tinuro ko pa ang sarili.

"Yeah. Wala akong ibang maisip na makakatulong sa akin, ikaw lang," sagot niya.

"Anong klaseng tulong po Sir?" Naguguluhan pa rin ako. Ako ba ang mangangampanya para sa kanya? Sigurado akong hindi pera ang tulong na iyon dahil mayaman na siya.

" Like I said papasok ako sa pulitika. Next election I am running for mayor. But before that kailangan ko munang ayusin ang imahe ko sa mga tao. Beacause right now alam ko ang tingin ng mga tao sa akin. Istrikto, ruthless, hot tempered man. I want to change that. I take some of the advises na sinabi sa akin ng magiging kapartido ko na ipakita sa mga tao na even if ganito ako, lumaki sa may kayang pamilya but still I can understand most of the people here in this area. Na papakinggan at tutugunan ko mga hinaing nila dahil naiintindihan ko sila dahil I'm one of them. At para mapaniwala ko sila na naiintindihan ko kung ano ang pakiramdam ng isang simpleng mamamayan kailangan ko ang isang tao na napagdaanan din ang buhay nila," mahabang paliwanag niya.

"Teka lang Sir, hindi talaga kita maintindihan."

"Kailangan kita para mapaniwala sila na I also care for such people like them. Na importante rin sila para sa akin. Dapat maisip nila na ako ang iboto dahil malapit ako sa mga kagaya nilang mga simpleng tao."

Katahimikan ang sumunod. Nakukuha ko naman ang sinasabi niya. Ako lang talaga ang ayaw umintndi sa gusto niyang mangyari.

"I want you to pretend as may girlfriend. Or shall I say, fiancee," straight na straight na pagkakasabi niya.

Napahigpit ang pagkakakuyom ko sa aking kamao. Sa dami ng babae sa lugar na ito ako talaga ang naisipan niyang magpanggap? Bilang girlfriend pa talaga? Hindi ko alam ang isasagot.

"Don't worry dahil hindi libre 'to. Babayaran kita. Just help me with this." Kahit may kailangan siya sa akin hindi pa rin mababakasan ng pakiusap ang boses kanyang boses.

"Pero Sir baka magtaka ang mga tao? Bago pa lang po kayo dito at katulong lang po ninyo ako. Tapos girlfriend mo na agad-agad? Magiging fiancee pa?" nakaisip agad ako ng rason.

"That's exactly the point! Ang mga tao ngayon kahit mahirap ang buhay naniniwala pa rin sa true love. A fairy tale like story. That true love still exists even in our time. We all know that its bullshit pero malaking bagay pa rin 'yan sa mga tao," nakangiti niyang sabi.

Pero parang ang sakit ng sinabi niya. True love is bullshit. Kahit ako naniniwala pa rin ako sa true love. Na darating talaga ang isang tao na tatanggap sa akin at mas malaki ang pagmamahal niya kaysa sa mga pagkakamali ko.

"Pwede po bang pag-isipan ko muna Sir?" tanong ko sa kanya.

Humilig siya sa kanyang swivel chair at tiningnan ako. Parang hindi inaasahan na ganito ang isasagot ko.

"Name your price Sabrina. Pumayag ka lang sa alok ko. Papaniwalain lang natin ang mga tao na nagmamahalan tayo. Kahit isa akong Natividad pinili ka pa rin ng puso ko. Kunyaring nagmahal ako ng simpleng babae. At dahil pinili ko ang kagaya mo maniniwala talaga ang mga tao na tumakbo ako para sa kanila. Para sa mga kagaya ninyo dahil naiintindihan ko kayo," pinilit pa niya akong kumbinsehin.

Kung hindi siguro to pagpapanggap baka napaniwala niya ako. Pati mga mata niya nakikiusap sa akin na hindi naman siguro likas na ginagawa ni Sir Lance.

"Pag-iisipan ko po," tugon ko.

Kahit papunta na sa kwarto para pa rin akong lumulutang. Pilit pa ring pinoproseso ng utak ko ang lahat ng sinabi niya.

Pahirapan na naman ang pagtulog ko ngayong gabi. Nakatitig lang ako sa kisame. Kahit sa pagpikit ng mga mata ang mga sinabi pa rin ni sir Lance ang naiisip ko.

Paano kung hindi ko tanggapin? Paano kung ayaw ko? Anong gagawin niya? Anong plano niyang gawin sa akin?

Sa kakaisip bigla akong nauhaw. Hindi pa ako nakadala ng tubig kaya kailangan ko na namang bumaba sa kusina.

Sinaid ko ang laman ng isang basong tubig. Uhaw na uhaw ako at parang nanggaling sa isang napakahabang paglalakad.

Baka mauhaw na naman ako mamaya kaya nagdala na ako ng tubig pagbalik ko sa kwarto.

Pero may napansin ako sa dulong ibabaw ng grand stair case. Nililipad ng hangin ang makakapal na kurtina. Akala ko may nakapasok na magnanakaw at sa bintana dumaan.

Dahan-dahan kong nilapitan ang bintana para sana isarado pero nang hawiin ko ang kurtina hindi pala bintana iyon kundi isang sliding glass door papunta sa veranda. Sa pagdaan ng taon may ibang bahagi ng mansiyon ang na-renovate kaya may pagka-modern na ang ibang parte ng bahay.

Isasarado ko na sana ang sliding door nang may napansin akong nakatayo sa veranda. Sa tindig niya alam ko na si Sir Lance ito. Nakatanaw siya sa malawak na garden sa ibaba at sa kumikinang na tubig sa swimming pool malapit sa garden. 

Walang nakasinding ilaw sa kinatatayuan namin at tanging ang buwan at ilaw sa labas lang ang nagbibigay ng kaunting liwanag.

Aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Can't sleep?" sabay inom sa laman ng basong hawak niya.

"Nauhaw lang po. Uminom lang ng tubig," sagot ko.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta samesa at nagsalin ng alak sa baso.

"Still in doubt?" tanong niya ulit.

Hindi ako nakasagot. 

Umihip ang panggabing hangin at nilamig ako. Nilagay ko ang mga kamay sa magkabila kong braso. Naka-pajama at T-shirt ako pero tumatagos pa rin ang lamig.

Hindi ko alam kung giniginaw ba si Sir Lance dahil nakasuot lang ito ng fitted white sando at boxer shorts. 

Ngayon ko lang napansin dahil unti-unti nang nasasanay ang mata ko sa kakarampot na liwanag. Iniwas ko ang mga mata sa kanya. Dahil sa suot lalo lang nitong pinapakita kung gaano kaganda ang katawan niya. Parang nagpi-pictoriallang sa isang magazine.

"Pareho lang din siguro tayo ng iniisip Sabrina. Iyong hindi mo maintindihan kung bakit ginagawa mo ang isang bagay kahit alam mong malayo ito sa gusto mo," sabi niya habang nakatalikod sa akin at nakatanaw sa nalawak na lupain labas.

Wala akong maisip na sabihin. Tila nalulunod ang aking boses.

Humarap siya sa akin at napalunok ako. Bumalik na naman ang pagkatuyo ng aking lalamunan.

Humakbang siya palapit sa'kin. Kahit nandito siya sa bahay at matutulog na lang ang bango pa rin niya.

"So tell me, anong gusto mong kapalit para pumayag ka?" tanong niya sa akin sa namumungay na mata, epekto siguro ng nainom niyang alak kanina.

Umihip na naman ang hangin at parehong nagulo ang aming buhok. Inabot niya ang ilang hibla ng buhok ko na umabot sa mukha at inipit ito sa likod ng aking tainga. Medyo tumama pa ng bahagya ang daliri niya sa aking pisngi. Kinilabutan ako sa simpleng pagkakadikit ng aming balat. Para akong napapasong humakbang ng dalawang beses makalayo lang sa kanya.

Tiningnan niya ako sa aking mga mata, pababa sa ilong, at nagtagal sa aking labi.

"Matulog ka na Sabrina. Go now, while I can still control myself," sabi niya sa mababang boses.

Hindi na ako naghintay ng anumang sasabihin niya at umalis na kaagad. Abot-abot ang aking kaba. Nanginginig ang aking tuhod pero nakarating pa rin ako sa aking kwarto. Pagkapasok ko dumiretso ako ng upo sa kama. Nakakatakot ang mata niya. Parang may matinding galit na pilit niyang pinipigilan. Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi pa rin nababawasan ang aking kaba. Mapupuyat na naman siguro ako nito.

Nanghihina akong bumaba sa kusina kinabukasan. Wala na naman akong matinong tulog kagabi at dahil iyon kay Sir Lance.

Nadatnan ko ang mga kasama na kumakain ng agahan. Parang ang aga yata nilang kumain ngayon. Kadalasan ganitong oras naghahanda pa sila ng almusal para kay Sir.

"Maagang umalis si Lance kaya kumain ka na rin Sabrina," si Manang Meldred ang nagsalita.

"Pinapayagan kayong umuwi ngayon pero dapat bumalik kayo mamayang hapon," dugtong na sabi ni Manang.

Napatingin ako sa kanya na tinuloy na ang pagkain. Tiningnan ko rin sina Joan na parehong may masasayang mukha.

Sabado ngayon at walang pasok sina Sam at Kikoy. Siguradong makakasama ko sila sa bahay. Binilisan ko na ang pagkain para makauwi na rin ako.

Masayang masaya ako pagpasok sa bahay namin. Nagpupunas ng bintana si Kikoy at mukhang nasa kusina si Sam dahil may narinig akong naghuhugas ng mga plato.

Maging silang dalawa ay masayang-masaya dahil sa paguwi ko.

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian nasa sala kaming tatlo nang biglang nagbukas ng mapag-uusapan si Sam.

"Grabe Ate, nagpunta kahapon si Mr. Natividad sa eskwelahan naming, sobrang gwapo pala niya," kwento ni Sam.

"Anong ginagawa niya sa school ninyo?" Napukaw ang kanyang interes.

"Kasama niya si Governor. Ang balita, Ate, naghahanap sila ng mga masisipag na studyante na magiging scholar. Mula senior high hanggang college ang scholarship na 'yon. Libre lahat at ang mapipili nila ay makakapag-aral kung saang eskwelahan ang nanaisin nito. Dito sa Pilipinas or abroad pwede. Sana, Ate isa ako sa mga mapipili nila," nangangarap na sabi ni Sam.

"Ang ganda rin ng sasakyan niya Ate. Narinig ko nga na sabi ng isang teacher na sobrang crush niya raw si Mr. Natividad," turan ni Kikoy.

Pareho lang sila ng public school na pinapasukan ni Sam. Elementary sa harapang building at ang nasa likurang building naman ang junior at senior high.

"Pati rin pala elementary Ate, may scholar din sila. Doon daw mag-aaral sa mga exclusive school na may mga dormitories. Pero depende pa rin kung saan gugustohin ng batang mag aral," si Sam ulit.

"Sana kami ang mapili ate," umaasang wika ni Kikoy. "Gustong-gusto ko magpunta sa ibang lugar, Ate. Kagaya ng ibang classmates ko na maraming napupuntahan."

"Hindi mo ba mami-miss ang Ate kung nasa malayo ka?" tanong ko sa kanya.

"Syempre mami-miss pero mawawala rin 'yon ate kasi magiging busy ako sa pag-aaral at pagpasyal."

"Ate? Hindi mo ba pwedeng pakiusapan si Mr. Natividad na kami na lang ang kunin? Nagtatrabaho ka naman sa hacienda niya "di ba? Promise Ate, hindi ka namin ipapahiya," nakangiting sabi ni Sam.

"Sige na, Ate. Mag-aaral kaming mabuti. Kapag nakatapos kami hindi ka na magtatrabaho. Kami na man ang mag-aalaga sa'yo," si Kikoy naman ang nakiusap.

Naaawa ako sa mga kapatid ko. Alam ko may pangarap silang mag-aral sa mas malaking paaralan sa labas ng bayan namin pero dahil sa hirap ng buhay kailangan nilang magtiis dito.

"Susubukan ko," sagot ko sa kanila. Kahit labag sa kalooban ko pero dahil sa pangarap nila titiisin kong malayo sa kanila.

Hanggang sa pagbalik ko ng mansiyon ang pakiusap pa rin ng mga kapatid ang iniiisip ko. 

Sana tama ang magiging desisyon ko. 

Mami-miss ko sila pero ayoko namang dahil sa akin hindi nila maabot ang kanilang mga pangarap. Iyon na lang ang pwedeng kong ibigay sa kanila. Ano nga ba naman ang pagtitiis namin ng ilang taon kung ang kapalit nito ay ang maginhawa nilang buhay sa mga taon na darating?

Sana tanggapin din ni Lance ang gusto kong kapalit sa magiging tulong ko sa kanya.

Sina Joan at Kate ang nadatnan ko sa kusina at parang kadarating lang din nila.

Tinanong ko sila kung nakita ba nila si Sir Lance. Ang sabi ni Joan nasa opisina niya ito. 

Wala na akong inaksayang oras at pinuntahan ko na siya kaagad.

Iilang katok ang aking ginawa saka narinig ang boses niya na pwede nang tumuloy.

"Magandang gabi po Sir," bati ko sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin at itinigil muna ang pagtitipa sa kanyang laptop.

"What brings you here?" tanong niya sa akin habang tinatanggal ang suot na reading glass.

"Nakapagdesisyon na po ako Sir," walang pagdadalawang isip kong sabi.

Parang napalitan ng tuwa ang seryosong mukha niya. Kahit ano talaga ang expression niya hinding-hindi siya pumapangit.

"Pumapayag na po ako sa gusto niyo. Pero may kapalit." Kinapalan ko na talaga ang mukha.

Walang nagsalita sa amin. Hinihintay niya ang hihingiin kong kapalit.

"Gusto kong maging scholar ninyo ang dalawang kapatid ko." Pinagpapawisan ang aking mga palad. Labis-labis ang aking kaba. Hindi siya nagsalita. Paano kung hindi siya papayag? Ang pagpapanggap ko kapalit ng magandang oportunidad para sa dalawa kong kapatid.

"Iyon lang ba?" tanong niya sa akin.

Bakit parang ang liit ng hinihingi ko at gusto pa niyang dagdagan? Ano pa ba ang pwede kong i-request?

"Don't worry tatawagan ko ang eskwelahan na pwede nilang pasukan. Safe ang mga eskwelahan na 'yon. Magaganda ang facilities at may seguridad. Isa rin ang Tita ko sa mga board ng school." Halata ang saya sa mukha niya.

"Paano kung ayaw po nila sa eskwelahang 'yan?"

"We will ask them. Pero kung ayaw naman nila pwede namang sila mismo ang pipili," paliwanag niya.

"Salamat po Sir. Lalabas na po ako," paalam ko sa kanya. Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot at dumiritso na sa pintoan. Pero bigla siyang nagsalita.

"One more thing. Drop the formality. Tanggalin mo na ang po at Sir. Remember, we are in a relationship at hindi sweet pakinggan kung sir at po ang endearment natin." Kusa akong napatigil sa paghakbang dahil sa sinabi niya.

Pinagpawisan ako ng malamig.

"You can go now." 

Pinutol niya ang aking pagkatulala at nahalata sigurong hindi ako naging kumportable sa huling sinabi niya. Pero halata pa rin sa kanyang boses ang pinipigil na tawa.

Napapailing na lang ako paglabas ng kanyang opisina at pinunasan ko ang pawis sa noo. Biglang uminit ang aking pakiramdam at sa tinginko'y magkakalagnat ako.

Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Violeta Badeo
chapter 6 pls
goodnovel comment avatar
Lyn Cho
plz next po
goodnovel comment avatar
Ghaga Quillano Alimboyong
nice story, Sana libre yan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status