MASAYA ako na hindi umuwi para kumain ng hapunan si Sir Lance.
Tumawag lang ito kanina para kumustahin kung nandito na ba ako sa mansion.Sana ganito palagi. Aalis siya nang maaga at uuwi kapag tulog na ang lahat.Ang sabi ni Manang Meldred marami raw ang nag-aanyaya rito para makasabay sa hapunan. May iilang para sa negosyo ang iba naman mga bigating pulitiko sa lugar namin.
Pagkatapos ng kanya-kanyang mga gawain pwede na kaming magpahinga.
Kanina pa ako nakaakyat ng kwarto pero mailap ang antok sa akin.
Maghahating-gab
Dahil sobrang tahimik na ng gabi pati tunog ng kanyang sapatos sa bawat paghakbang ay naririnig ko. Pero wala akong narinig na pintong bumukas. Ibig sabihin hindi pa siya pumapasok sa kanyang kwarto.
Palakas ng palakas ang mga hakbang niya. Iisa lang ang ibig sabihin nito, palapit siya ng palapit at huminto mismo sa pintoan ng aking kwarto.
Dahil sa sobrang kaba nagtalukbong ako ng kumot. Ang dami-dami kong naiisip. Kakatok ba siya? Uutosan pa ba niya ako? Ano pa ang iuutos niya sa akin ng ganitong oras?
Gabutil ng pawis ang nasa noo ko . Naghihintay lang kung kailan siya kakatok pero hindi naman niya ginawa.
Nakahinga ako ng malalim nang marinig ko ang mga papalayo niyang yabag. Nagbukas-sarado
Dahil walang maayos na tulog, masakit ang ulo ko pagkagising. Naabutan ko sila sa kusina na parang hindi mapakali.
"Ayos lang kaya ang lasa ng kape?" si Nina na parang hindi sigurado sa tinitimplang kape.
"Baka hindi niya magustuhan ang lasa ng mga pagkain. Diyos ko mahabaging langit," si Joan sabay tingala.
"Basta ako ayokong pumasok sa opisina niya para maghatid ng kanyang agahan," puno ng kasiguraduhang sabi ni Nina.
Sabay silang napalingon sa akin.
"Ikaw na ang magdala nito sa opisina ni Sir," si Joan sabay bigay sa akin ng food tray.
"Teka, bakit ako?" tanong ko naman.
"Wala sina Manang Meldred at Manang Susan kasi maagang nagpunta ng palengke hanggang ngayon hindi pa rin nakakabalik. Nagpahatid na kasi ng pagkain si Lion King kaya kami na lang ang naghanda."
"Sige na Sab ihahatid mo lang naman tapos lalabas ka na kaagad," pakiusap ni Nina.
"Bakit ako?" 'yon lang ang paulit-ulit kong tanong.
"Nakaharap mo kasi siya kahapon at nakausap ng sarilinan kaya malamang sisiw na 'yan sa'yo," wika ni Kate na parang inuuto ako.
Dahil tatlo sila at mag-isa lang ako kaya nahatak nila ako papunta sa opisina ng lalaki nang walang kahirap-hirap.
Hinawakan kong mabuti ang tray dahil baka mabitawan ito at sermon pa ang abutin naming apat.Wala na akong nagawa nang kinatok ni Joan ang pinto. Narinig namin ang boses niya na pwede ng pumasok.
"Magandang umaga po Sir. Nandito na po ang pagkain niyo," sa likod ng pagbating iyon ay ang hindi mailarawang kaba.
"Ilagay mo lang diyan sa mesang malapit sa sofa," sagot niya saka pa lang nag-angat ng tingin sa'kin.
Hindi ko na hinintay na magkasalubong ang mga mata namin at nilagay ko na ang tray ng pagkain sa mesang itinuro niya.
"May ginagawa ka pa ba sa labas?" tanong niya.
"Wala na po Sir," kiming sagot ko.
"Pakisulat ang mga ito. Record lang 'yan ng mga trabahador ipapalipat ko dito sa logbook. Dito ka na maupo." Sabay tayo sa kanyang swivel chair. Napilitan akong lumapit doon.
Bakit kahit late na siyang natulog kagabi ang gwapo pa rin niya ngayon? Effortless din ang bango niya.
"Kung may tanong ka nandito lang ako."
Sobrang tahimik namin sa loob. Tanging tunog ng kutsara at tinidor ang lumilikha ng ingay.
Sinusulyapan ko siya paminsan-minsan
Pinanood ko lang siya habang seryosong kumakain. Pati paghawak ng kutsara't tinidor walang kapintasan. Kahit kumakain ang gwapo pa rin niya.
Hindi ko napansin na dahil sa pagsuri sa kanya napatitig na pala ako ng matagal."Is there something wrong?" tanong niya na pumukaw sa akin. Ibinaba niya ang kubyertos.
"Wa-wala po Sir," nauutal kong sagot.
Pagagalitan na ba ako? Bakit kasi ang tanga-tanga ko?Dapat nagsulat na lang talaga ako at hindi na dapat naglilikot ang mata. Natukso tuloy akong tingnan siya ng matagal.
"Sabrina are you listening?"
"Po?" parang nagulat pa ako sa tanong niya.
"Did you already eat your breakfast?"
"Hindi pa po," nakayukong sagot ko.
"That's why your spacing out. Pwede ka ng lumabas para kumain ng breakfast."
Nahihiya akong lumabas ng kanyang opisina.
Naabotan ko pa ang aking mga kasama na kumakain. Sunod-sunod naman ang tanong nila Joan nang makita ako. Kung nagustuhan ba ng lalaki ang handa nila. Si Manang Meldred na kadarating lang ang nagpatigil sa kanila at hinayaan akong kumain.
Pagkatapos naming mag-agahan kinausap kami ni Manang Meldred.
Ang daily routine ni Sir Lance simula alas-kuwatro ng madaling araw naglilibot ito sa iilang bahagi ng hacienda.Bandang ala-sais, nagpapahatid na ito ng agahan sa kanyang opisina at nananatili doon hanggang alas-diyes. Pagkatapos ng mga ginagawa niya sa opisina naglilibot na naman ito. Madalas hindi ito nagtatanghalianAlam na namin kung kailan kami pwedeng lumabas at maglinis nang hindi niya nakikita o nakakasalubong.
Pero ang pinakahuling sinabi ni Manang ang pinagtatakhan namin. Bawal pag-usapan ang pamilya ni Sir. Ayaw na ayaw nito na marinig na binabanggit ang kanyang pamilya. Hindi rin sinabi ni Manang ang dahilan.
Hanggang natapos kaming naghapunan hindi iyon nawala sa isipan namin.
"Sa tingin niyo bakit bawal pag-usapan ang pamilya ni Sir?" tanong ni Joan sa mahinang boses habang naghuhugas ng mga plato.
"May koneksyon kaya 'yon sa pagiging Lion King niya?" dugtong naman ni Kate na nagpupunas sa mga nahugasang gamit.
"Baka may itinatago ang pamilyang 'to at natatakot siya na malaman ng mga tao kaya bawal pag-usapan?" si Nina naman habang nag-aayos ng mga plato sa lagayan.
"Huwag kayong maingay. Baka may makarinig sa inyo," saway ko sa kanila.
Sabay pa naming nilingon ang pintoan baka may biglang pumasok.
Pero nagulat kaming apat ng biglang iniluwa doon si Sir Lance.
Parang tinakasan ako ng katinuan. Paano kung narinig niya ang pinag-usapan namin?"Ma-mag-maganda
"Tapos na kayo sa mga ginagawa ninyo?" tanong niya na hindi inaalis ang titig sa akin.
"Opo," sabay sabay naming sagot.
"Pwede na kayong magpahinga. Except you Sabrina. Follow me in my office. May pag-uusapan tayo." At lumabas na ito.
Hindi agad kami nakagalaw.
"Follow daw." Bahagya pa akong siniko ni Joan."Sa opisina niya raw," si Kate na tulala pa ring naka tingin sa pintong nilabasan ni Sir.
"Mag-uusap daw kayo," tanging nasabi ni Nina.
Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa among lalaki sa kanyang opisina. Kung ano man ang pag-uusapan namin, wala akong ideya. Hindi rin maganda ang kutob.
Abot-abot na naman ang matinding kaba sa along dibdib. Hindi na siguro ako masasanay sa ganito. Kahit ilang beses pa kaming magkakaharap hinding-hindi na mawawala ang kaba at pagkailang ko sa kanya. Hindi lang dahil sa takot. Kahit ang simpleng titig niya nagkakabuhol-bu
MALAMIG ang simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at nagpasya akong manatili muna rito sa veranda para pagmasdan ang malawak na lupain na maaabot ng aking paningin.Mula sa kulay berdeng mga tanim hanggang sa mga kulay gintong palayan.Naramdaman ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang kasunod ang dalawang palad na namahinga sa aking tiyan. Sa paraan ng kanyang pagkakahawak at ang pagdampi ng kanyang balat sa akin, alam kong si Sab ito.Nakahilig ang kanyang pisngi sa aking likod."Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin. Nakasanayan na rin naming matulog p
Maya't maya kong tinatapunan ng tingin si Sab na mahimbing na natutulog habang bumabiyahe kami pauwi ng San Jose.Nalungkot siya nang iniwan si Lola Guada pero kailangan na naming harapin ang buhay at mga tao sa San Jose.Nangako naman si Jena na sasamahan at aalagaan ang matanda kaya nabawasan ang pangamba ni Sab.Hinayaan ko na muna siyang matulog. Titiisin ko na lang ang pagkabagot habang nagmamaneho. Siguro'y napagod din siya sa ginawa namin kaninang madaling araw. Mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin, pambawi sa mga araw na hindi namin kapiling ang isa't isa.
HININTAY ko kung kailan siya matatapos sa pag-iyak. Sana sa simpleng haplos ko'y maramdaman niyang importante siya sa akin, silang dalawa ng anak ko."Akala ko tuluyan mo na akong iniwan," saad niya sa pagitan ng mga hikbi."Baby, hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at hindi kita kayang tiisin. Mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa sa galit at tampo." At hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.I missed her so much. Ang tagal kong hinanap ang kanyang init at mga yakap.
PARA akong masisiraan ng bait nang malaman mula kay Cindy na wala si Sab sa bahay nila.Napahawak ako sa sintido dahil hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko kaagad ang mga pulis para mahanap siya.Pero ayokong maghintay ng bukas o sa susunod na linggo kaya tinawagan ko ang kakilalang private investigator upangtumulong na sa paghahanap."Parang-awa mo na Cindy, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Sab." Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin."Sir, kung alam ko lang kung nasaan siya ay sinabi ko na po sa inyo kaagad. Sa tingin niyo po ba kayo lan
KAGAYA ng bagyo sa labas, bumubugso ang aking damdamin para sa kanya.Katatapos lamang ng pag-uusap namin ni Rafael nang mawala ang kuryente kaya lumabas na ako para puntahan siya sa kanyang kwarto.Nagkasalubong kami at bumigay na ang pagpipigil ko.Ako ang unang lalaki sa kanyang buhay at walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ibinigay niya ang sarili sa akin at iyon ang hinding-hindi ko sasayangin.Gustong-gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya pero ayoko ring isipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil sa katawan niya at dahil may nangyari sa amin. Ayokong isipin niya na iyon lang ang habol ko.
DAHIL na rin sa pakiusap ng mga kapatid niya, pumayag na rin si Sab na isama sila sa mga naka-avail ng scholarship. Bago papuntahin sa ibang bansa ang mga bata, sinigurado ko muna ang pasilidad at seguridad ng eskwelahang lilipatan nila. Tinawagan ko ang kakilalang madre na naka-base sa eskwelahang nasa Italy at maganda ang in-offer nila.Para sa akin, hindi pagpapanggap ang lahat ng ito. Ginagawa ko lamang iyong rason dahil ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong isipin niya na binibili ko siya.Pinipigilan kong mayakap o mahalikan siya dahil malaki ang respeto ko para sa kanya.Siya lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Siya lang ang babaeng mailap sa akin a