DAHIL na rin sa pakiusap ng mga kapatid niya, pumayag na rin si Sab na isama sila sa mga naka-avail ng scholarship. Bago papuntahin sa ibang bansa ang mga bata, sinigurado ko muna ang pasilidad at seguridad ng eskwelahang lilipatan nila. Tinawagan ko ang kakilalang madre na naka-base sa eskwelahang nasa Italy at maganda ang in-offer nila.
Para sa akin, hindi pagpapanggap ang lahat ng ito. Ginagawa ko lamang iyong rason dahil ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong isipin niya na binibili ko siya.
Pinipigilan kong mayakap o mahalikan siya dahil malaki ang respeto ko para sa kanya.Siya lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Siya lang ang babaeng mailap sa akin aKAGAYA ng bagyo sa labas, bumubugso ang aking damdamin para sa kanya.Katatapos lamang ng pag-uusap namin ni Rafael nang mawala ang kuryente kaya lumabas na ako para puntahan siya sa kanyang kwarto.Nagkasalubong kami at bumigay na ang pagpipigil ko.Ako ang unang lalaki sa kanyang buhay at walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ibinigay niya ang sarili sa akin at iyon ang hinding-hindi ko sasayangin.Gustong-gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya pero ayoko ring isipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil sa katawan niya at dahil may nangyari sa amin. Ayokong isipin niya na iyon lang ang habol ko.
PARA akong masisiraan ng bait nang malaman mula kay Cindy na wala si Sab sa bahay nila.Napahawak ako sa sintido dahil hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko kaagad ang mga pulis para mahanap siya.Pero ayokong maghintay ng bukas o sa susunod na linggo kaya tinawagan ko ang kakilalang private investigator upangtumulong na sa paghahanap."Parang-awa mo na Cindy, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Sab." Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin."Sir, kung alam ko lang kung nasaan siya ay sinabi ko na po sa inyo kaagad. Sa tingin niyo po ba kayo lan
HININTAY ko kung kailan siya matatapos sa pag-iyak. Sana sa simpleng haplos ko'y maramdaman niyang importante siya sa akin, silang dalawa ng anak ko."Akala ko tuluyan mo na akong iniwan," saad niya sa pagitan ng mga hikbi."Baby, hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at hindi kita kayang tiisin. Mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa sa galit at tampo." At hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.I missed her so much. Ang tagal kong hinanap ang kanyang init at mga yakap.
Maya't maya kong tinatapunan ng tingin si Sab na mahimbing na natutulog habang bumabiyahe kami pauwi ng San Jose.Nalungkot siya nang iniwan si Lola Guada pero kailangan na naming harapin ang buhay at mga tao sa San Jose.Nangako naman si Jena na sasamahan at aalagaan ang matanda kaya nabawasan ang pangamba ni Sab.Hinayaan ko na muna siyang matulog. Titiisin ko na lang ang pagkabagot habang nagmamaneho. Siguro'y napagod din siya sa ginawa namin kaninang madaling araw. Mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin, pambawi sa mga araw na hindi namin kapiling ang isa't isa.
MALAMIG ang simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at nagpasya akong manatili muna rito sa veranda para pagmasdan ang malawak na lupain na maaabot ng aking paningin.Mula sa kulay berdeng mga tanim hanggang sa mga kulay gintong palayan.Naramdaman ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang kasunod ang dalawang palad na namahinga sa aking tiyan. Sa paraan ng kanyang pagkakahawak at ang pagdampi ng kanyang balat sa akin, alam kong si Sab ito.Nakahilig ang kanyang pisngi sa aking likod."Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin. Nakasanayan na rin naming matulog p
SA isang probinsiya gaya ng San Felipe, mga piling tao lang ang nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng magandang buhay.Iilan sa mga piling taong ito kung hindi galing sa pamilya ng mga haciendero ay nagmula naman sa angkan ng mga pulitiko.Ang karaniwang mamamayan ang mga tagapagsilbi o mas kilala bilang mga utosan o katulong. Tinitingala ang mga mayayaman dito, ginto ang kanilang oras at langit kung sila'y pangarapin.Sa kanila lamang nakalaan ang hustisya, minsan maging ang edukasyon.
NAKAKATAKOT ang paraan ng pagkakatitig sa 'kin ng lalaking nasa harapan ko. Ramdam ko itong tumatagos sa aking buong pagkatao.Hinagod ako ng tingin ng kanyang misteryosong mga mata. Para bang binabasa ang aking mga iniisip. Nagsitayuan ang aking mga balahibo. Ang kanyang hitsura ay nagsusumigaw ng galit at tapang. Kahit sino naman sigurong makakakita na pinagnanakawan sa sarili nilang bakuran ay hindi matutuwa.Naputol ang pagtitig niya sa akin nang dumating ang isang range rover. Agad bumaba ang mga sakay nito kasama si Mang Tasyo.Tiningnan ako ni Mang Tasyo na p
BUONG araw kong pinag-isipan kung paano sasabihin sa aking dalawang kapatid ang nangyari kanina sa Hacienda Catalina.Paano ko ipapaliwanag na ilang beses na akong palihim na kumukuha doon ng mga isda at 'yon ang pinagkakakitaan ko para may panggastos sa kanilang pag-aaral?Kaming tatlong magkapatid na lang ang naiwan simula nang namatay ang tatay namin. Maglilimang taon na rin ang nakalipas.Nasa high school ako nang namatay si Nanay dahil sa sakit. Sakit na hindi na nagamot pa dahil wala kaming pera pampa-ospital. Sakit na nagsimula sa pambobugbog sa kanya