Share

Kabanata 034

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-08-16 19:20:40

DALAWANG oras ang lumipas, panay ang silip ko sa pinto ng opisina ng amo ko. Parang hindi ata ako tinatawagan ni Sir Adrian para utusan. Saka, nakakapagtaka na malamig ang pakikitungo niya simula noong dumating ako. May nagawa ba akong mali?

Nang may namataan na papalapit sa desk ko. Kapatid ni Sir Aron, si Madam Isolde at may kasama itong seksing babae.

Napatayo ako nang tumapat ang ginang sa desk ko at yumukod ng ulo. "Good morning po, Madam..."

"Is Adrian inside his office?" Bungad nitong tanong ni hindi man lang nag-abalang tugunin ang bati ko.

"Nasa loob po. May kailangan po kayo?" sagot ko at tanong ko.

Imbis na sumagot ay pumasok na lamang sila sa loob ng opisina ng amo ko. Inirapan pa ako ng babaeng kasama ni Madam Isolde.

Nagbalik ako sa aking pagkakaupo. Narinig ko ang malalakas na yabag ng takong nila habang papasok. Hindi ko maiwasang mapaisip kung sino ang babaeng iyon at bakit gano’n na lang ang tingin niya sa akin. Inilapit ko ng kaunti ang tenga ko sa pader
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
babaero talaga un boss m.. wg monasyang bigyan Ng pg asa..
goodnovel comment avatar
dyshen Shippers
ang tanga naman nitong bida bobo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 233

    NAGING mabilis ang preparasyon ng aming kasal ni Adrian. Hindi ko alam na may nakahanda na palang simbahan at venue ng aming kasal. May wedding gown na kinuha sila para sa akin. Hindi nila sinasabi sa akin. Pati ang baby namin mayroon din gown na kaparehas sa akin. Tuwang-tuwa si Elisa nang magpasukat siya para sa kanyang gown. Natupad ang pangarap niya na makapaglakad sa loob ng simbahan bilang maid of honor. "Ang ganda-ganda naman ng gown ko. Parang ako ang ikakasal," sabi ni Elisa na masayang sinusuyod ng tingin ang gown na suot. Mas mukha pa siyang excited sa kasal ko kaysa akin. "Oo na. Maganda sayo ang susuotin mo. Bakit hindi na lang ikaw kaya ang magpakasal?" Natawa si Elisa at marahang hinampas ang braso ko. “Uy! Huwag kang ganyan. Ikaw ang bride ngayon,” biro niya sabay ikot sa harap ng salamin. Napangiti ako, pero sa loob-loob ko, parang ang bilis ng lahat. Parang kahapon lang, nalilito pa ako sa mga nangyayari, tapos ngayon, ikakasal na ako. May simbahan, may venue,

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 232

    PARANG namatanda si Elisa sa kanyang pagkakatulala. Nabigla rin siya. Napanganga pa ng malaki ang bibig niya. "Itikom mo nga muna ang bibig mo, Elisa," sabi ko na natatawa. Nahimasmasan si Elisa at napatikom ng bibig. "Bakit kasi nakakagulat 'yan? Ang bilis-bilis naman..." "Iyon ang desisyon ng mga nakakatanda at sang-ayon ako roon. Mas maganda na bago umuwi sa Pilipinas ay kasal na sina Giselle at Adrian," sabi pa ni Mama. "Pero, tita, wala pong preparation. Sa simbahan po ba? May wedding gowns at abay... ngayon lang sana ako magiging maid of honor. Mapupurnada pa po," himutok ng kaibigan ko. Natawa na lamang ako sa sinabi ni Elisa. Kahit kailan talaga ang kaibigan ko. "Elisa, ikakasal pa rin sila na kagaya ng gusto mo. Pero ngayon, hindi ko alam kung anong plano nila na kasal nina Giselle. Hayaan natin ang daddy at Lolo ni Adrian, ang magdesisyon," giit ni Mama. Tumikhim si Elisa at napabuntong-hininga. “So ibig sabihin… push talaga?” sabay tingin sa akin na para bang humihin

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 231

    "LET'S talk about the wedding..." sabi ni Tito Aron. Napabaling ang tingin niya sa amin ni Adrian. "Maupo na kayong dalawa." Hinila ni Adrian ang kamay ko at inalalayan akong makaupo. Katapat ko si Lolo Arman at nasa tabi ko si Adrian. Habang si Mama ay nasa mahabang sopa. "Thanks, Dad. I hope po wala ba pong magiging aberya ang kasal namin ni Giselle. Wala nang ibang babae ang hahadlang sa aming dalawa..." litanya ni Adrian. "Wala nang makakahadlang sa magiging kasal ninyong dalawa. Dahil sisiguraduhin kong walang makakasira. Dito sa Italya gaganapin ang magiging kasal ninyo. At tayo-tayo lang. Pagkauwi nating lahat ay gaganapin ang kasal ninyong dalawa sa simbahan," ang sabi ni Tito Aron. Planado na pala ang lahat. Napabaling ang tingin ko kay Mama. Tumango lang siya sa akin at ngumiti. Naramdaman ko ang paghawak ni Adrian sa kamay ko, mahigpit at parang ayaw bitawan. May gusto lang akong malinaw,” dugtong ni Tito Aron, bahagyang humarap kay Adrian. “Siguraduhin mong handa

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 230

    NAPATITIG sa akin si Tito Aron at Lolo Arman, habang si Adrian ay nakahawak sa braso ko. Napayuko ako at lumuha. Paano iyon? Kayang-kaya ni Adrian, iwanan lahat para sa akin. Hindi ako selfish para isakripisyo niya ang buhay na nakasanayan niya. Narinig agad ni Adrian ang paghinga ko na parang naputol. Pero bago pa ako makasagot, may kumalabog na mahinang tawa sa kabilang side ng mesa. Si Lolo Arman, tumagilid pa siya. At as in, tumawa. Hindi malakas, pero sapat para mapatingin kaming lahat. “Aray ko,” reklamo niya habang hinihimas ang dibdib. “Hija, grabe ka pala ka pala kabahan. Ang bilis mo palang maniwala." Napakunot ang noo ko. “Po?” Kasunod noon ay sinabayan siya ni Tito Aron, umiling habang pinipigilan ang ngisi. “Giselle… ano ka ba, halika nga rito.” Sabay lingon kay Adrian. “Anak, bakit hindi mo sinabi sa kanya na hindi pa naman namin siya ini-initiate sa Velasco hazing?” Napatingin ako kay Adrian. Nanlaki ang mga mata niya. “Lolo… Dad… hindi ‘to nakakatawa.” Pero

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 229

    NARINIG namin ang mahinang katok bago bumukas ang pinto. Sumilip si Adrian, suot pa ang dark blue polo niya, mukhang galing sa trabaho pero dumiretso agad sa akin ang tingin. “Baby… ready ka na?” Mahina pero may diin ang boses niya. Lumapit siya sa akin at marahan akong hinalikan sa ulo, saka sinilip si Baby AJ. “Tulog pa. Si Eliza na daw muna ang bahala, sabi niya.” “Ako na, umalis na kayo bago pa kayo hintayin ng mga Haring Velasco,” biro ni Eliza na may halong sabunot sa hangin. Ngumiti si Adrian pero ako, para akong nalalaglag ang kaluluwa ko. Hawak-kamay kaming lumabas. Ramdam ko ang lamig ng palad ko at ang init ng kay Adrian. Pagdating namin sa hallway papunta sa library, huminto siya at hinarap ako. “Giselle, huwag kang kabahan, okay? Nandito ako. At kung may ayaw man sila… problema nila ‘yon, hindi sa’yo.” Pero bago pa ako makasagot, biglang bumukas ang pinto ng library. Lumabas ang Daddy ni Adrian, seryoso ang mukha, hawak ang salamin niya. “Come in. Both of you. We

  • CHASED BY MY HOT BOSS   Kabanata 228

    IPINAPATAWAG daw kami ng Daddy ni Adrian at Lolo nito sa library, kasama si Mama. Si Tita Isolde ay umuwi na sa Pilipinas. "Kinakabahan ka, Giselle... hindi ka mapakali d'yan sa inuupuan mo," giit ni Eliza. Dumalaw siya sa amin sa mansyon. "Sinong hindi kakabahan? Parang akong isisilya elektra. Seryoso ata ang pag-uusapan namin. Bakit kasi close door ang pag-uusap namin? Mas lalo akong kinakabahan." Sagot ko kay Eliza. Napatingin ako sa gawi ng anak ko na masarap na ang tulog. Pagkatapos na mag-iiyak. "Sos... ngayon ka pa ba kakabahan? May ring ka na, may anak na rin kayo. Ibang level na ang status mo sa mga Velasco. Ikaw kaya ang nagbigay ng tagapag-mana nila..." Napaharap ako kay Eliza. "Doon nga ako mas kinakabahan. Alam mong hindi basta-basta ang mga Velasco. Hindi pa ako gusto ng tiyahin ni Adrian." “Hay naku, girl… si Tita Isolde lang ‘yon. Masungit lang talaga siya by default,” sagot ni Eliza habang pumipitik-pitik pa ng hangin, parang may attitude. “Ang importante, gusto

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status