LOGINIniwan si Giselle Navarro ng fiance niya sa mismong araw ng kanilang kasal. Sa gitna ng pagkawasak, napilitan siyang ibigay ang sarili kapalit ng isang bote ng mamahaling tequila. Hindi niya alam na ang bartender ng gabing iyon ang magiging dahilan ng pagbabago ng kanyang buhay… at siya rin pala ang bagong CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Paano niya ililihim ang pagbubuntis kung ang ama ng bata ay siya ring boss na araw-araw niyang kaharap sa loob ng opisina?
View MoreWarning Mature Content‼️ Rated: 18 ‼️
Giselle's POV “TUMAYO ka na d’yan, Giselle! ‘Wag kang umiyak nang umiyak d’yan. Wala na! Hindi na matutuloy ang kasal mo!” malakas na bulyaw ni Mama habang panay ang hagulhol ko. Parang hindi ko siya naririnig. Nakasalampak pa rin ako sa malamig na semento at humahagulhol na parang nawawala na ako sa sarili. Mababaliw talaga ako kapag iniwan ako ni Wellar. Sobrang kahihiyan ang ginawa niya. Kanina pa ako naghihintay sa simbahan at magpahanggang ngayon ay wala pa siya. Nag-alisan na ang mga tao at bisita namin. Pati si Father na dapat ay magkakasal sa amin ni Walter ay umalis na rin. Kami na lang ni Mama ang natira rito sa loob. At eto ako, nakaluhod at halos mamatay sa sobrang kahihiyan. Nasayang pa pati lahat ng ginagastos ko sa pesteng kasal na 'to. Inubos ko ang lahat ng savings ko, nakautang na rin ako para sa kulang. Pero hindi rin pala matutuloy dahil hindi na sisipot si Walter. Sumama siya sa sekretarya niya. Sobrang durog na durog ang puso ko. Paano nagawa ni Walter ‘to sa akin? Akala ko mahal niya ako. Magpapakasal pa kaming dalawa, at napakatagal na namin itong pinagplanuhan. Dalawang oras na akong naghihintay. Dalawang oras, pero hindi pa rin siya dumarating. Iniwan niya ako. Kasal namin ngayon, pero hindi siya nagpakita. Kagabi lang masaya pa kaming nagpaalam sa isa’t isa. Ngayon, bigla-bigla na lang niya akong hindi sisiputin? Ang g*go niya para paasahin ako nang ganito. Napakasama niya para lokohin ako, kami ni Mama. Akala ko totoo ang lahat ng ipinapakita niya. Pero lahat ng iyon pala ay puro pakitang-tao lang. Hilam ng luha ang mga mata ko nang tumingin ako kay Mama. Kalat-kalat na ang make up ko sa mukha. “Ma, baka na-traffic lang po si Walter. Konting oras pa po. Sabihan mo si Father, pupunta po ‘yon si Walter. Tuloy ang kasal namin. Hindi niya ako puwedeng iwanan nang ganun lang. Mahal ako ni Walter,” pakiusap ko kay Mama. Pero alam ko, pinapaniwala ko lang ang sarili ko na matutuloy pa rin ang kasal. Kahit wala nang pag-asa. Limang taon na kaming may relasyon. Since senior high. Siya ang first love ko at first boyfriend. At ngayon, siya rin ang unang pinakamasakit na heartbreak ko. Sobrang sakit na halos para akong mamatay. Kami ang bumuo ng lahat ng plano para sa araw na ‘to. Pero nasaan siya? Umiling si Mama, bakas ang awa sa mga mata. “Dalawang oras na tayo rito. Kung pupunta siya, kanina pa sana. Anak, tanggapin mo na… niloko ka ni Walter. Hindi na siya sisipot. Tumayo ka na, umuwi na tayo. Please.” Ayaw ko pang tanggapin sa sarili ko. Kahit anong sabihin ni Mama, hindi ako aalis. Maghihintay ako. Baka dumating si Walter tapos nakauwi na ako. Magkasalisihan pa kaming dalawa. Napasabunot ako sa aking buhok. Lalo kong binibigyan ng false hope ang sarili ko sa mga naiisip ko. “No! Dadating siya, Ma. Nangako siya sa ‘kin. Ang sabi niya, ikakasal kami at magkakaroon ng maraming anak. Ang dami naming pangarap na dalawa,” iyak ko habang dumadaloy ang luha na parang di na mauubos. Napaharap ako sa altar. Diyos ko, ibalik Mo siya sa akin. Kahit lumuhod at magmakaawa ako, huwag Mo lang akong pabayaan na ganito ka-durog, nausal kong panalangin. Baka sakali na bumalik si Walter sa akin. Itutuloy namin ang mga pangarap namin. Umupo si Mama sa tabi ko at niyakap ako. “I’m sorry, Giselle. Si Walter at si Lorraine ay magkasama silang umalis. Hindi alam ng kahit sino kung nasaan sila. Pero, may nakapagsabi na lumabas sila ng bansa. Kanina ko pa gustong sabihin ito. Pero alam kong guguho ka kapag nalaman mo kung bakit hindi ka sinipot.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlaki ang mga mata ko. “Sigurado ka ba, Ma?” Hindi ko matanggap. Hindi magagawa ni Walter sa akin 'to… lalo na si Lorraine. Kilala ko siya, e. Close na kami at madalas mag-usap kapag nasa opisina ako ni Walter." Tumango si Mama at parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. Pinagkatiwalaan ko silang dalawa. Yun pala, sa likod ko… pinagtataksilan nila ako. Iyong mga ngiti ni Lorraine sa akin ay peke pala at ang mga ipinapakita ni Walter ay puro pagpapanggap lamang. Pinasakay lang talaga ako. Wala naman silang makukuha sa akin. Umupo si Mama at pinantayan ako. Marahan niyang hinagod ang likod ko. “Anak, bumangon ka d'yan. Huwag mong hayaan na lamunin ka ng sakit na ‘to. Naiintindihan ko na hindi ito madaling paniwalaan. Pero kailangan mong magpakatatag. Huwag mong ibaba ang sarili mo dahil nawalan ka. Mahal kita at ayoko na nakikita kitang sirang-sira. Nandito lang ako para sa'yo. Kayanin mo at alam kong kaya mo." Mas lalong dumaloy ang malakas na agos ng luha ko sa narinig ko kay Mama. Siya na lang ang magiging karamay at kakampi ko. “Mama…” mahina kong bulong, sabay yakap sa kanya.NAPATITIG sa akin si Tito Aron at Lolo Arman, habang si Adrian ay nakahawak sa braso ko. Napayuko ako at lumuha. Paano iyon? Kayang-kaya ni Adrian, iwanan lahat para sa akin. Hindi ako selfish para isakripisyo niya ang buhay na nakasanayan niya. Narinig agad ni Adrian ang paghinga ko na parang naputol. Pero bago pa ako makasagot, may kumalabog na mahinang tawa sa kabilang side ng mesa. Si Lolo Arman, tumagilid pa siya. At as in, tumawa. Hindi malakas, pero sapat para mapatingin kaming lahat. “Aray ko,” reklamo niya habang hinihimas ang dibdib. “Hija, grabe ka pala ka pala kabahan. Ang bilis mo palang maniwala." Napakunot ang noo ko. “Po?” Kasunod noon ay sinabayan siya ni Tito Aron, umiling habang pinipigilan ang ngisi. “Giselle… ano ka ba, halika nga rito.” Sabay lingon kay Adrian. “Anak, bakit hindi mo sinabi sa kanya na hindi pa naman namin siya ini-initiate sa Velasco hazing?” Napatingin ako kay Adrian. Nanlaki ang mga mata niya. “Lolo… Dad… hindi ‘to nakakatawa.” Pero
NARINIG namin ang mahinang katok bago bumukas ang pinto. Sumilip si Adrian, suot pa ang dark blue polo niya, mukhang galing sa trabaho pero dumiretso agad sa akin ang tingin. “Baby… ready ka na?” Mahina pero may diin ang boses niya. Lumapit siya sa akin at marahan akong hinalikan sa ulo, saka sinilip si Baby AJ. “Tulog pa. Si Eliza na daw muna ang bahala, sabi niya.” “Ako na, umalis na kayo bago pa kayo hintayin ng mga Haring Velasco,” biro ni Eliza na may halong sabunot sa hangin. Ngumiti si Adrian pero ako, para akong nalalaglag ang kaluluwa ko. Hawak-kamay kaming lumabas. Ramdam ko ang lamig ng palad ko at ang init ng kay Adrian. Pagdating namin sa hallway papunta sa library, huminto siya at hinarap ako. “Giselle, huwag kang kabahan, okay? Nandito ako. At kung may ayaw man sila… problema nila ‘yon, hindi sa’yo.” Pero bago pa ako makasagot, biglang bumukas ang pinto ng library. Lumabas ang Daddy ni Adrian, seryoso ang mukha, hawak ang salamin niya. “Come in. Both of you. We
IPINAPATAWAG daw kami ng Daddy ni Adrian at Lolo nito sa library, kasama si Mama. Si Tita Isolde ay umuwi na sa Pilipinas. "Kinakabahan ka, Giselle... hindi ka mapakali d'yan sa inuupuan mo," giit ni Eliza. Dumalaw siya sa amin sa mansyon. "Sinong hindi kakabahan? Parang akong isisilya elektra. Seryoso ata ang pag-uusapan namin. Bakit kasi close door ang pag-uusap namin? Mas lalo akong kinakabahan." Sagot ko kay Eliza. Napatingin ako sa gawi ng anak ko na masarap na ang tulog. Pagkatapos na mag-iiyak. "Sos... ngayon ka pa ba kakabahan? May ring ka na, may anak na rin kayo. Ibang level na ang status mo sa mga Velasco. Ikaw kaya ang nagbigay ng tagapag-mana nila..." Napaharap ako kay Eliza. "Doon nga ako mas kinakabahan. Alam mong hindi basta-basta ang mga Velasco. Hindi pa ako gusto ng tiyahin ni Adrian." “Hay naku, girl… si Tita Isolde lang ‘yon. Masungit lang talaga siya by default,” sagot ni Eliza habang pumipitik-pitik pa ng hangin, parang may attitude. “Ang importante, gusto
KABADO ako sa sinabi ni Adrian na kailangan naming mag-usap-usap. Pinagmamasdan ko siya habang nagpapalit ng damit. "Baby, matulog ka na... dapat nagpapahinga ka na habang tulog pa si Baby AJ," sabi ni Adrian nang humarap ito sa akin na isinusuot ang kanyang puting sando. Katatapos lang niyang maligo. Nabigla ako nang biglang maghubad si Adrian sa harapan ko. As in nakaharap pa siya sa akin. Nanlalaki ang mata ko at napangisi naman siya sa reaksyon ko. "Can you shut your mouth, baby? Alam ko na alluring and seductive ako sa tignan mo pero hindi puwede. Magtitiis ako kung kailan puwede na," sabi niya na naiflex pa ang ganda ng katawan. Nang matauhan ako ay napairap ako at nag-iwas ng tingin. Baka sabihin nate-tempt nga ako sa kanya. "Ang lakas ng hangin naman dito..." mahinang usal ko. Narinig ko ang mahinang halakhak ni Adrian. Ramdam ko ang titig niya sa akin, kahit na hindi ko siya nakikita. Kumabog lalo ang dibdib ko nang maramdaman kong papalapit siya. Kahit wala pa siyang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore