PAGKATAPOS kong ilabas lahat ng sakit ng kalooban ko kanina, matapos akong umiyak nang umiyak sa loob simbahan dahil sa ginawa ni Walter. Nandito naman ako ngayon sa isang bar. Medyo lasing na 'ko, pero gusto ko pang mas malango pa sa alak. Baka sakaling pag sobrang lasing na ako maging manhid na rin ang wasak at nagdurugo na puso ko. “Bartender, bigyan mo pa ako ng alak. Iyong kaya akong ipaglaban, ha. Ayoko ng peke. Traydurin lang ako n’yan,” sabi ko, medyo pasigaw at sabog na ang dila ko. Napansin kong napatawa ang bartender. Napatingin ako sa kanya, madilim ang mata sa sobrang inis. Napatahimik siya at tinakpan ang bibig. Pero huli ko na dahil narinig ko rin naman ang paghagikhik niya ng tawa. “Anong nakakatawa? Ha? Mukha ba akong nagpapatawa?” Itinuro ko pa ang mukha ko. “Ito ba?!” Sabay natawa rin ako nang malakas. Tawang nakakasuka at may halong panunuya. “Miss, hindi kita pinagtatawanan,” sagot niya. “Lasing ka na kasi kaya kung ano-ano na sinasabi mo.” Lasing daw ako? Hi
Terakhir Diperbarui : 2025-08-01 Baca selengkapnya