LOGINNAGISING ako sa ingay. Napamulat ako ng aking mga mata. Natigilan ako at napaluha nang makita ang anak ko na karga ni Tita Gigi. Nginitian ko si tita kahit na panay ang tulo ng mga luha ko. "Andito na ang baby girl mo, Elisa. Napakaganda niya. Manang-mana sayo..." sabi ni Tita. Hindi agad ako nakapagsalita. Parang huminto ang lahat nang sandaling iyon. Tanging ang mahina at inosenteng pag-iyak ng anak ko ang pumuno sa buong silid. Napakagat ako sa labi ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko. “Baby…” halos pabulong kong sabi, nanginginig ang boses ko. Dahan-dahang lumapit si Tita Gigi sa’kin at marahang inilagay ang sanggol sa mga braso ko. Para akong natakot humawak. Para siyang napakaliit, napakapino at parang konting galaw ko lang ay baka masaktan ko siya. Pero nang maramdaman ko ang init ng katawan niya laban sa akin. May kung anong biglang nabuo sa puso ko. Isang klaseng pagmamahal na hindi ko pa naramdaman noon. Mas malalim, mas totoo at mas walang kondisyon. Napa
Elisa's POV APAT buwan na ang lumupas, simula noong umalis ako ng bansa. Kabuwanan ko na rin. Excited na akong makita ang unang supling namin ni Calvin. Babae ang unang anak naming dalawa. Kahit na hindi naging maganda ang kinahinatnan ng aming relasyon ni Calvin, mayroon namang naiwan sa aking napakagandang alaala—ang anak namin. Nakaupo ako ngayon malapit sa bintana, tinatanaw mula sa loob ng bahay ang pagbagsak ng snow. Tahimik ang paligid. Tanging ang mahina at tuloy-tuloy na pagpatak ng snow ang naririnig ko, parang sumasabay sa mabagal na tibok ng puso ko. Hinaplos ko ang tiyan ko, marahang ngumiti. “Konti na lang at malapit na kitang makita, baby ko…” bulong ko, halos hindi marinig kahit ako lang mag-isa. Hindi ko akalain na ganito ako magiging, payapa ang ilang buwan kong pagtira sa Japan. Sa kabila ng lahat ng sakit na iniwan ko sa Pilipinas. Heto ako ngayon, malayo, tahimik, at unti-unting binubuo ang sarili ko para sa batang dinadala ko. Para sa anak namin ni Calv
TULIRO na ang utak ko. Hindi ko alam paano at saan ako pupunta para hanapin si Elisa. Babalik ako kina Adrian at Giselle. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong sumakay sa kotse at pinaandar iyon kahit nanginginig pa ang mga kamay ko. Hindi ko na iniisip kung saan ako dadaan. Basta ang alam ko, kailangan kong makabalik agad. Pagdating ko sa mansyon, halos patakbo akong bumaba ng sasakyan. Hindi ko na hinintay ang guard na pagbuksan ako. Dire-diretso akong pumasok. "Adrian!" sigaw ko agad. Lumabas siya mula sa sala, kasunod si Giselle na halatang nagulat sa itsura ko. "Pare, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Adrian, nag-aalala. "Hindi siya pwedeng mawala na lang ng ganon!" halos pasigaw kong sagot. "May sinabi ba si Elisa, Giselle? Kahit ano kahit maliit na detalye lang!" Nagkatinginan sina Adrian at Giselle. "Calvin..." mahina ngunit seryosong sambit ni Giselle. "Wala siyang nabanggit sa akin. Nagpaalam siya na gusto muna niyang magpakalayo-layo sayo, Calvi
"AASA ka pa rin na babalikan ka ni Elisa?" tanong ni Gladys na hindi ko nagustuhan. "Pinapayagan na kayo na tumira dito sa mansyon kahit na wala naman kayong ambag sa buhay ni Elisa, pagkatapos ganito pa ang sasabihin ninyo!" Natigilan si Gladys sa sinabi ko. Halatang nagulat siya, pero mabilis din siyang ngumisi na parang hindi pa rin siya apektado. “Wow… masama ba ang sinabi ko? Eh totoo naman, ‘di ba?” malamig niyang sagot. Humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko. Ramdam ko ang init sa dibdib ko, pero pinipilit kong huwag sumabog. “Hindi ninyo alam kung ano ang pinagdaanan ko,” mariin kong sabi. “Hindi ninyo alam kung bakit siya umalis.” Saglit na katahimikan ang bumalot sa pagitan namin. “Kung mahal mo talaga siya, hindi mo siya hahayaang lumayo ng ganito," dugtong pa ni Gladys Mas lalong sumakit ang sinabi niya. "Hindi ko siya hinayaang makalayo sa akin. Nasaktan ko siya kaya niya ako iniwan..." tugon ko. Dahil iyon naman talaga ang totoo. Napayuko ako matapos kong aminin
MALUNGKOT na nakatingin sa akin si Adrian. Tinatanaw ko na lang ang likod ni Elisa na palabas ng mansyon ng kaibigan ko. "I'm sorry, pare. Hindi ko napigilan si Elisa na umalis," sabi ni Adrian. Napabuntong-hininga ako. Pinipigilan ko ang sarili kong emosyon. Babagsak na ang luha ko pero tinatapangan ko pa rin ang loob ko. "Deserve ko ang maiwan. Kasalanan ko ang lahat. Nalulungkot ako para sa anak namin." Napalunok ako matapos masabi iyon. Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko, hindi dahil iniwan ako ni Elisa. Kundi dahil alam kong ako mismo ang nagtulak sa kanya palayo. "Pare…" mahinang tawag ni Adrian. Hindi ako tumingin sa kanya. Nakatitig lang ako sa pintuan na kinalabasan ni Elisa, umaasang kahit sandali, babalik siya. Kahit isang sulyap lang o kahit galit, tatanggapin ko. Pero walang bumalik. "Calvin, hindi pa huli ang lahat," dagdag ni Adrian. "Pwede mo pa siyang habulin." Napailing ako. "Hindi ko siya dapat pilitin. Kung gusto niya talagang umalis… kail
NAGISING ako na nasa kuwarto ko na ako. Napabangon at biglang kumirot ang ulo ko.ay hang-over pa 'ko dahil sa dami ng nainom kong alak kagabi. Hindi ko na malaman kung sino ang naghatid sa akin pauwi. Sa sobrang dami kong nainom, wala akong maalala. Ang naalala ko lang ay kasama ko si Adrian. Baka nga ang kaibigan ko ang naghatid sa akin pauwi. Napalingon ako sa gawi ng pinto nang bumukas iyon. "Maigi naman at nagising ka na, Calvin. Anong oras na? Lasing na lasing ka kagabi. Halos hindi ka na makatayo ng tuwid," sabi ni Mommy. Napakurap ako at napahawak sa sentido ko. “Mom… sino po ang naghatid sa akin?” paos kong tanong, ramdam pa rin ang sakit ng ulo ko. Sandaling natigilan si Mommy bago siya sumagot. “Pinsan ni Elisa… si Gladys.” Parang may malamig na tubig na biglang ibinuhos sa akin. “G-Gladys?” ulit ko, hindi makapaniwala. Tumango siya. “Oo. Siya ang nagdala sa’yo rito. Halos buhat-buhat ka na nga niya kagabi. Buti na lang at nakilala ka niya sa bar. Kung hindi, baka k
BIHIS na bihis na ako. Mauna akong magising kay Eliza. Nagsusuklay ako ng buhok ko nang mapansin ko siyang bumangon. "Aalis ka?" Humarap ako kay Eliza at ngumiti. "Oo. Pupuntahan ko si Adrian para isoli ang singsing." "Sandali... hintayin mo 'ko. Sasamahan kita," sabi ni Eliza at nagmamadaling b
GUSTO ko siyang murahin at pahiyain din sa harap ng maraming tao. Iparamdam kay Adrian kung gaano kasakit ang ginawa niya. Pero hindi ko magawa. Ang gusto ko na lang talaga ay makahinga. Sa sobrang sakit, dito sa puso ko, nahihirapan na akong makahinga. Pumatak ang luha ko habang humakbang ako pap
HINDI pa rin talaga titigil si Tita Isolde. Ipipilit pa rin ang gusto niya. I am done with all of this. Lahat ng kontrol, mga dikta nila at lahat ng gusto nilang mangyari sa buhay ko. “Tita, please,” sabi ko, halos pasigaw na. “Enough. Hindi ko na kaya. Hindi ko na gusto ang ganitong klaseng buhay
"OH, look who's here..." sabi ni Madam Isolde, na nakataas ang isang kilay. Napahinto kami ni Eliza sa paglalakad. Napansin na lang namin na bumaba siya sa loob ng sasakyan. Ang mas ikinagulat ko ay lumabas din ng kotse si Viviane. Magkasama sila ni Viviane? Magkakilala kaya sila? Nilapitan kami







