MasukNAPATULALA ako. Hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko sa mata. Totoo ba ito? B-Buntis din si Samantha? Akala ko ba matagal na silang tapos ni Calvin? “Samantha, don’t say a joke. Hindi nakakatuwa…” nanginginig na sabi ni Calvin. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Ang narinig ko, o ang paraan ng pagtitig niya kay Samantha. Seryoso at may pag-aalala. Parang may kung anong koneksyon na hindi basta nawawala. Hindi ngumiti si Samantha. Hindi rin siya nagbiro. Sa halip, diretso lang siyang tumingin kay Calvin. “I’m not joking.” Parang mas lalong bumigat ang hangin. “Calvin…” tawag ko, mahina, halos pabulong na. Napatingin siya sa akin, pero kita ko ang pagkalito sa mga mata niya. “When?” tanong niya kay Samantha, hindi inaalis ang tingin dito. Parang may kumurot sa puso ko. “Two months,” sagot ni Samantha, kalmado. Napaatras ako ng bahagya. Two months… Mabilis na naglaro sa isip ko ang mga araw. Ang mga gabi at ang mga panahong magkasama kami ni Calvin. At ang mga
CHECK UP ko sa OB ko at hindi ako nasamahan ni Calvin. Mag-isa akong naghihintay sa tawag sa akin. Tahimik ang paligid ng clinic. Malamig ang aircon, pero hindi nito kayang patigilin ang kaba sa dibdib ko. Mag-isa akong nakaupo, hawak ang maliit na papel na may number ko habang hinihintay na tawagin. Napatingin ako sa phone ko. Wala pa ring message si Calvin. Napabuntong-hininga ako at marahang hinaplos ang tiyan ko. Kahit ngayon man lang sana, sinamahan mo ako… “Ms. Elisa?” tawag ng nurse. Mabilis akong tumayo. “Yes, po.” “Pwede na po kayong pumasok.” Tumango ako at pumasok sa loob. Sinubukan kong maging kalmado habang kinakausap ako ng doctor, pero may kung anong bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Paglabas ko ng clinic, agad kong kinuha ang phone ko. Magte-text sana ako kay Calvin nang may marinig akong pamilyar na boses na tumawag sa akin. “Elisa.” Napahinto ako. Dahan-dahan akong napalingon. Doon ko siya nakita. Nakatayo si Samantha sa di kalayuan. Nakasuot n
INAALALAYAN ako ni Calvin paakyat ng hagdan. Sinusundan kami ng mata ni Ate Gladys. Hindi ko gusto ang mga tingin niyang iyon. "Take a rest, baby. Huwag mo munang isipin ang tungkol sa tiya mo at pinsan mo..." sabi ni Calvin nang makapasok kami sa loob ng among kuwarto. "Hindi ko maiwasan na hindi mapaisip..." Napabuntong-hininga si Calvin. "Isipin mo ang anak natin na nasa loob ng sinapupunan mo." Parang habang andito sina Tiya Esperanza at Ate Gladys, hindi ako mapapakali. Napahawak ako sa tiyan ko, marahan, parang doon ko kinukuha ang lakas ko. “I’m trying…” mahinang sabi ko. “Pero hindi ko talaga maalis sa isip ko. May kakaiba sa kanila, Calvin. Lalo na si Gladys… the way she looks at me. Parang may galit pa rin, o inggit… hindi ko maintindihan.” Lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang pisngi ko. “Hey… look at me,” mahina niyang utos. Napatingin ako sa kanya. “You’re safe here. And our baby is safe,” mariin niyang sabi. “I won’t let anything happen to you.” Napak
"DO we have visitors?" Natanong ni Tita, mommy ni Calvin. Sabay sila ni Tito na napatingin sa amin ni Calvin. Habang sina Tiya Esperanza at Ate Gladys ay parang walang pakialam na nakaupo. “Good morning po, Tita at Tito…” bati ko, pilit na inaayos ang boses ko kahit ramdam ko ang tensyon sa paligid. Ngumiti si Tita, pero bakas sa mukha niya ang pagtataka. “Good morning, iha,” sagot niya. “Do we have visitors?” Napatingin siya kina Tiya Esperanza at Ate Gladys na komportableng nakaupo, parang matagal nang may-ari ng bahay. Napakurap si Tito at bahagyang umubo. “Ah… and who might they be?” Nagkatinginan kami ni Calvin. Ramdam ko ang bahagyang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko, parang sinasabing siya na ang bahala. “Mom, Dad…” kalmado niyang simula. “They’re Elisa’s relatives.” Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Tita. “Relatives?” Tumayo si Tiya Esperanza, may matamis na ngiti sa labi. Pero may kakaibang lamig sa mga mata niya. “Naku, pasensya na po kung hindi kami agad nag
MALALIM ang pag-iisip ko tungkol sa sinabi ni Calvin. Wala akong masyadong alam tungkol kay Papa. Si Mama naman, hindi niya ikinuwento si Papa. Basta ang alam ko ay matagal na siyang wala. Pero may naiwan siyang picture sa akin. Hindi ko na nga lang alam kung saan ko iyon inilagay. Hindi ko rin alam kung nasaan si Mama ngayon. Huling kita ko sa kanya ay noong nag-aaral pa ako da university. Napabuntong-hininga ako habang nakatanaw sa malayo. Pakiramdam ko, napakaraming bahagi ng buhay ko ang kulang. Mga tanong na kailanman ay hindi nasagot. Sino ba talaga si Papa? Bakit niya kami iniwan? At bakit ni minsan, hindi man lang siya nabanggit ni Mama? Napapikit ako sandali, pilit inaalala ang mukha niya mula sa lumang litrato. Malabo na sa isip ko ang itsura niya, pero naaalala ko pa ang pakiramdam. Parang may init, parang may pagmamahal… o baka iniisip ko lang iyon dahil gusto kong maramdaman. “Hey…” Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Calvin sa likuran ko. “Are you okay?” ta
BINALIKAN namin ni Calvin sina Tiya Esperanza at Ate Gladys. "Anong napag-usapan ninyong dalawa?" tanong ni Ate Gladys na malawao ang ngiti. Nagkatinginan kami ni Calvin at napangiti ako sa kanya saka muling humarap sa tiya ko at pinsan. "Pinag-usapan lang po namin ang pagtira ninyo dito. At ang mga dapat ninyong sundin habang nandito kayo,” mahinahon kong dugtong, pero sinigurado kong malinaw ang bawat salita ko. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Ate Gladys, pero nanatili ang pilit niyang ngiti. “Talaga? Parang ang formal naman.” “Dapat lang,” malamig na singit ni Calvin habang umupo sa sofa. “This is still my house.” Napatingin sa kanya si Tiya Esperanza, saka bahagyang tumango. “Siyempre naman, iho. Ano-ano ba ang mga rules na ‘yan?” Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Una..." sabi ko, pilit pinatatag ang boses. "Temporary lang ang stay ninyo dito. Hindi po ito permanenteng tirahan.” “Pangalawa..." dugtong ni Calvin. “You respect boundaries. Lahat ng private areas
NILAPITAN ko si Giselle at niyakap. Pero ilang na ilang siya at iwas na iwas. Marahil ay kasama ko sina Daddy at Lolo. Nakamasid sa aming dalawa. "Baby, we're here para mamanhikan..." sabi ko nang humiwalay ako kay Giselle. "Ano?! Umagang-umaga mamanhikan kayo. Mamaya makita ka ni Mama, lalong
"ANONG ibig sabihin nito?! Bakit andito si Adrian, Giselle?!" Nagulantang na lang kami sa malakas na sigaw ni Tita Gigi. Napatingin ako sa gawi ng pinto at sabay kaming napatayo ni Giselle. "M-Ma, magpapaliwanag po ako..." takot na takot na sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit. P
Adrian's POV BUMALIK ako sa bar, halos hawiin ang mga taong nakaharang sa daraanan ko sa sobrang inis. "Oh, anong nangyari sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Calvin na napatingin sa akin nang makalapit ako sa kanya. Marahas akong napabuntong-hininga. Saka, napasuklay ng aking buhok. "She's not answe
"A-ANONG ginagawa mo rito, Adrian?" Tila kinakabahang tanong ni Giselle. Parang namutla siya nang makita niya ako sa kanyang harapan. "Mommy, sino po siya?" tanong ng batang babae na karga niya. Nagtago naman ang batang lalaki sa likuran ni Giselle. "Huwag ninyo siyang pansinin. Wala lang siya...







