Share

Chapter twenty-four

"Damn you, Asher!" Galit na sigaw ni Bianca sa lalaking kaharap. 

Naroon sila sa gitna ng kakahuyan ngunit alam ni Bianca na wala sila sa Night Shade. Mas maaliwalas kasi ang lugar kaysa dating pinagdalhan nito sa kanya. Luntian ang kulay ng paligid dahil sa mga puno at iba pang mga halamang naroroon. Hitik din sa mga ligaw na bulaklak ang paligid at maging ang malalaking puno ay tinutubuan ng mga ligaw na orchids at ferns. May mga puno ring namumunga na ini-ikotan ng mga ibon. At, kumpara sa Night Shade na walang kahit isang huni ng ibon na maririnig, ang lugar na pinagdalhan ni Asher kay Bianca ngayon ay ibang-iba. Maraming nakikitang ibon si Bianca na tila masayang naghahabulan sa mga sanga ng puno. Sa mga bulaklak naman ay palipat-lipat ang mga paru-paro at may iilan pang mga bubuyog na sumisipsip ng nektar. 

Bumuntong-hininga si Asher. Alam niyang galit sa kanya si Bianca at hindi niya ito masisisi. Malaki ang kasalanan niya rito na muntik na nitong ikam

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status