Share

Chapter Five

HABANG naglalakad ako ngayon at lumilibot sa paligid nitong pinaggaganapan ng paligsahan which is the Peridian, kailangan kong mag doble ingat dahil hindi lang ang mga katunggali ko sa larong to ang kalaban ko kungdi pati narin ang mga nilalang na mayroon dito.

Hindi ko kabisado ang Peridian dahil hindi naman ako fully educated about this. Siguro ang mga high class advantage nila ang mga pinag aaralan nila o kung sino mang nakapag aral na sa Academia Enchantria o sa iba pang paaralan dito ang mga kaalaman nila sa Peridian 

Bukod sa alam kong delekado ang lugar na ito ay may isang bagay pa akong alam na alam na sigurado akong maraming mamamatay saamin na mga kasali kapag nangyari yun. Napakuyom ako ng kamao dahil sa naisip ko, isinusugal nila ang buhay namin para lang sa Code na yun! 

Pero muli kong sinalungat ang naisip ko dahil hindi kami pinilit na sumali dito bagkus ay nagkusa kami at una palang ay alam namin na maaari kaming mamatay sa pagsali na ito.  

Napatigil ako sa paglalakad ng may makita akong bagay na nasa itaas ng puno. Ano yun? Mabilis na umakyat ako sa itaas at napakunot ang noo ko ng makita ko ang isang may kalakihan na blangket at ng buksan ko iyon ay naglalaman ito ng dalawang patalim at pagkain na may kasama pang bottled water

Siguro para saamin tong mga kasali. Pero ang tanong bakit? Bakit nila kami pinapunta dito at pinagkalilunon sa masasamang tao? 

Binitbit ko nalang ang nakuha ko at muli akong naglakad papunta sa kung saan man. Hindi ko alam kung saan matatagpuan anh Code na sinasabi nila o kung anong itsura niyon. Nakasulat ba yun nakatatak? Ewan walang clue basta Code kailangan kong magisip ng mabuti

“Ahhh!!” 

Napatingin ako sa isang gilid ng makarinig ako ng sigaw at mabilis na pumunta sa pinanggalingan niyon. Ilang sandali lang na paghahanap sa pinanggalingan ng sigaw na iyon ay nakita ko ang isang babae na tumatakbo habang habol habol sya ng isang kulay itim na nilalang? Hindi ko alam ang tawag sa kaniya basta meron syang mahabang sungay may mga paa katulad namin pero ang muka ay ay parang isang aso ang weird niyang tignan at kulay itim pa ang lahat sa kaniya na diko alam kung trip niya lang ba o hindi

“Kyahh!! Tulong!!!”  Napangiwi ako ng muling sumigaw ang babae kaya nakipag sabayad ako sa kanila sa pagtakbo at di muna nagpapakita. Tanga din si ate girl kasi di ginagamit ang kapangyarihan tsk tsk. 

“Use your power!”  Bulong ko sa hangin na alam kong maririnig niya  “H-ha! Sino ka?! Tulong!”  Itulak ko nalang kaya to para lapain na nung halimaw na to joke  “Gamitin mo kapangyarihan mo wag kang duwag!”  Muli kong sabi na ikinailing niya

“N-no! Hindi kaya ng kapangyarihan ko ang nilalang na yan!” 

“Just do it!”  

Napilitan syang palabasin ang kapangyarihan niya dahil sa pamimilit ko kaya maya maya ay itinapat niya ang kamay niya mula sa panget na nilalang na humahabol sa kaniya at may lumabas na smoke doon. Uy! Pareho sila ng kapangyarihan ni aling coring pagkalataon nga naman 

Unti unting binalot ng usok yung nasa likudan niya na halimaw at nawala ito perp halos manlaki ang mata ko ng makitang hinigop niya ito. Mabilis ako na tumakbo sa babae at hinawakan ang pulsuhan niya pagkatapos ay tineleport ko sya sa likudan ng isang puno sakto lang para di kami makita

“Kyahh—” sisigaw na sana sya ng takpan ko ang bunganga niya “Tumahimik ka o gusto mong ibalik kita doon sa halimaw na yun,”  napatango naman sya dahil sa sinabi ko at napatingin kami pareho sa kinalalagyan ng halimaw ng may sumabog doon.

Tama ako ibabalik niya yung kapangyarihan ng babaeng ito sa kaniya. Kaya pala may galos na tong tinulungan ko kasi nagawa na nitong patamaan sya ng sarili niyang kapangyarihan. 

Nakita namin pareho na nagtaka ito ng nawala ang target niya. Itinaas ko ang kamay ko ng malaman ko ang susunod niyang gagawin na gagamitin niya ang ilong niya at aamuyin kung asaan sya. Agad na lumabas ang air barrier saamin sapat para di kami maamoy. 

Inilapit ko ang hintuturo ko sa ilong ko as a sign of silence for her at nanginginig na muli itong tumango. Napatingin kaming muli sa halimaw at muling tumakbo at hinanap sya. Nang masigurado kong wala na yung halimaw ay inalis ko na yung air barrier. Napatingin naman ako sa tinulungan ko at ngingitian ko na sana sya ng magulat ako dahil bigla niya akong tinulak mabuti nalang at naibalanse ko ang sarili ko at hindi tuluyang natumba

“What the—”  pag angat ko ng tingin sa babae ay napaatras ako ng makita ko syang may usok muli sa kamay niya at nakatutok ito saakin. Nagulat ako nung una pero agad ring umayos ng tayo at seryoso lang syang tinignan  “Sino ka?! Alisin mo ang hood mo!”  Napangisi ako dahil sa pagtatapang tapangan niya. Kanina lang halos magmaka awa na syang tulungan ko tapos eto sya ngayon ako ang puntirya ang galing

“Ganiyan kaba magpasalamat sa tumulong sayo?”  Napakurap naman sya sa sinabi ko pero di sya nagpatinag  “W-wala akong pakealam! Kalaban kita! Lahat tayo dito ay magkakalaban!”  Napabuga naman ako ng hangin dahil sa sinabi niya. Tama sya pero ang tanga lang tsk

Tinignan ko ang kabuuan niya. Nanginginig ang mga kamay at tuhod niya baka nga isang tulak ko lang sa kaniya tumba na to eh

“Sino ka ba?!”  Sigaw niyang muli kaya napatingin ako sa muka niya  “Ako si Katanaya ano ayos na ba?”  Bored kong sabi sa kaniya  “Alisin mo ang hood mo!” 

Ang demanding naman nitong babaeng to

“Look kung ayaw mong magpasalamat edi wag di mo na kailangan pang makita ako. Sa susunod mag iingat ka kung hindi ako ang nakakita sayo baka hinayaan ka nalang ng iba pa nating kalaban dahil sinong tanga ang magliligtas ng iba gayong maaring maunahan mo syang makahanap ng Code diba?”  

Pagkatapos kong sabihin ang mahabang salitang iyon ay tumalikod na ako sa kaniya naglakad palayo pero di pa ako tuluyang nakakalayo sa kaniya ng sumigaw sya

“S-sandali!”  Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya  “H-hindi mo ako papatayin?”  Napatawa ako dahil sa sinabi niya na lalong ikinakaba nito  “Haha kung papatayin kita sana hinayaan na kita na mahuli ng halimaw na yun diba?”  Nang dahil sa sinabi ko ay nagliwanag ang muka niya at agad syang lumapit saakin

“Ako nga pala si Nicole! Ikaw ba yung nag iisang Low Class na kasali?”  Mukang madaldal sya hindi halata sa itsura niya kasi kanina ang tapang niya sa harap ko  “Ano sa tingin mo?”  Balik kong tanong na ikinatingin niya saakin mula ulo hanggang paa sa ginawa niya ay naginit ang dugo ko dahil siguradong mamatahin na niya ako imbis na makapagsalita ng kung ano ay naglakad nalang ako palayo sa kaniya

“O-oy! Sandali wag mo akong iwan!”  Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad  “Nainis ba kita dahil sa ginawa kong pagtingin sayo? Sorry ah! Ikaw din naman nagsabi na ano sa tingin ko mukang ikaw nga!”  Naiinis ko syang hinarap  “Kailangan bang ipanlandakan saakin na Low class ako?!”  Napatigil sin sya sa paglalakad dahil sa sinabi ko

“Ikinakahiya mo ba na Low class ka?”  This time ako naman ang natigilan dahil sa sinabi niya  “Alam mo ba isa akong High class can you believe it? Isang high class tumatakbo sa laban? Hindi kasi ako katulad ng iba na matapang at kayang harapin ang kalaban. High class nga ako pero hanggang doon lang yun.”  napatingin ako sa muka niya dahil sa mga sinasabi niya. Nakikita ko sa kaniya na seryoso sya  “Pero kanina lang ang tapang mo ng tanungin kung sino ako.”

Napatawa sya saakin kaya nagtaka ako “Yun ba? Matapang ako sa salita pero hindi sa gawa at isa pa naninigurado lang ako kasi baka mamaya bigla mo nalang akong patayin agad, malay ko bang niligtas mo ako don para ikaw mismo ang pumatay sakin diba?”  May point ang sinabi niya. Muli akong naglakad at sumunod naman sya 

“Tama ka ako nga ang Low class na yun,” gulat akong napatingin sa kaniya ng tumili sya  “Hoy! Wag ka ngang tumili baka makaagaw yun ng attention ng iba at sugudin tayo dito.” nag peace sign sya saakin kaya napailing nalang ako

“Ang galing naman! Ikaw lang ang bukod tanging Low class na sumali tapos mukang ang lakas lakas mo pa kasi naligtas mo ang isang high class na katulad ko.”  napatingin naman ako sa paa ko dahil sa sinabi niya kung alam niya lang isa din akong high class pero pwede akong magtanong sa kaniya! 

“Kulang ka lang sa ensayo Nicole at pwede kitang tulungan. Pwede tayong magtulungan na makaligtas sa larong to hanggang sa matapos.”  napangiti sya at napatingin saakin “Talaga?!” Tumango ako sa kaniya pero nagtaka ako ng maging seryoso sya ilan sandali lang “Bakit?” 

“Hindi lahat katulad ko Katanaya. Sa susunod wag mo ng uulitin ang ganito dahil hindi mo alam na baka saksakin ka na niya ng patalikod.”  napakunot ang noo ko dahil doon  “Ibig sabihin isa ka rin sa magicians na sinasabi mo?”  Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi ko  “Syempre hindi! Totoo ang sinasabi ko na mabait ako sa katunayan ayoko naman talagang sumalo dito pero napilitan lang ako dahil kay Ama. Pinilit niya ako para patunayan ko daw sa angkan namin na karapatdapat kaming manatiling high class.” 

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya habang naglalakad nakangiti sya pero nakikita ko ang lungkot sa nga mata niya. Sariling ama niya isinugal ang sariling anak para lang sa pangalan ng angkan nila? Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kaniya  “Hoy! Natahimik kana jan? Wag mo sabihing na aawa ka? Wag kang maawa dahil mahal ko sila Ama at Ina kaya lahat ay gagawin ko para lang sumaya sila kahit pa buhay ko ang kapalit.”

Napatahimik ako lalo dahil sa sinabi niya. Humahanga ako dahil sa mga sinasabi niya. Ganoon niya kamahal ang pamilya niya at kahit na mawala na sya sa mundo ay gagawin niya. Parang yung ginawa saakin nila Mama at Papa. Lahat ginawa nila para saakin, para mabuhay ako kahit pa na kapalit non ay ang kamatayan nila

“Uyy ayos ka lang ba?”  Napabuntong hininga ako dahil muntik nanaman akong maiyak mabuti at napigilan ko agad  “Oo ayos lang ako at tyaka may kapalit ang pagtulong ko sayo no!”  Sabi ko na ikinatingin niya agad saakin 

“Hala! Wala akong dalang pera!”  Napangiwi ako dahil sa sinabi niya talaga bang tingin nila saaking mga low class ay mukang pera? 

“Alam mo Nicole grabe ka saakin hindi naman ako mukang pera.”  napatawa naman sya dahil sa sinabi ko, tignan nyo tinawanan pa ako  “Haha niloloko lang kita. So ano nga ang kapalit?”  

Ilang segundo muna ang pinalipas ko bago nagsalita  “Hindi ba taga high class ka? Pwede ko bang malaman kung may kakilala kang mga Sandoval?”  Nang sabihin ko iyon ay napahinto sya at parang gulat na gulat. Ganoon ba ang epekto ng apilyido namin? 

“Paano mo nalaman ang tungkol sa kanila? Alam mo bang ang pamilya Sandoval ay balibalitang alagad ng Reyna?”  Nang dahil sa sinabi niya ay ako ang natigilan at gulat na gulat.

A-ang pamilya ko alagad ng Reyna? 

“A-anong ibig mong sabihin?”  Utal kong tanong  “Nalaman ko lang ito sa Ina ko dahil balibalitang muli ang apilyido ng mga Sandoval. Ilang taon na ang nakakaraan ng kumalat ang balitang tauhan sila ng Reyna sa sobrang daming nainggit sa kanila ay sinugod sila ng ibang mga pamilya at pinatay lahat.” 

Para akong natuod sa kinatatayuan ko dahil doon sa sinabi niya. Pinatay ang magulang ko nang dahil lang sa kainggitan? Unti unting sumiklab ang galit at puot sa puso ko ng dahil doon. 

“Naalala ko nakita ko na ang Pamilya Sandoval sa isang larawan dahil ang Ina ko at si Mrs.Sandoval ay matalik na mag kaibigan.”  muli akong napakurap ng dahil sa sinabi niya tumingin sya sa paligid na parang sinisiguro na walang makakarinig sa sasabihin niya

“Sikreto lang natin to ha? Matagal na naming hinahanap ang anak nila. Hindi namin alam ang pangalan niya dahil nang manganak si Mrs.Sandoval ay hindi na nila ito pinakita pa sa iba kahit pa kay ina na matalik niyang kaibigan.”  nagulat akong muli sa sinabi niya. H-hinahanap nila ako? Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Nasa harapan ko ngayon ang magicians na kilala ang pamilya ko at maaaring maging daan sa katotohanan ng lahat at bukod doon ay matalik pang magkaibigan ang mga ina namin

“B-buhay ang anak nila? Hindi ba't sabi mo patay na sila?”  Taka kong tanong dito  “Yun ang alam ng lahat na patay o napatay na nila ang lahat ng Sandoval pero ang hindi nila alam buhay pa ang anak ng mga ito.”  hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil sa mga sinasabi niya. Nagagalit ako sa mga taong gumawa nito sa pamilya ko pero natutuwa naman ako na makilala sya dahil kung matalik silang mag kaibigan ni Mama ay malamang na mapapagkatiwalaan sila

“Ano bang apilyido nyo? At paano nyo nasabing buhay pa sya?”  Tanong ko na ikinatawa niya naman “Teka isa isa lang mahina kalaban haha actually limot ko na yung ibang part ang tagal na kasi pero ang apilyido namin ay Xian.” 

Xian? Tama naalala ko na. May panahon noon na hindi ako pinalalabas ni Mama dahil may dadating daw syang kaibigan na ang apilyido ay Xian syempre nagtaka ako noon kung bakit ayaw niya akong ipakita dito gayong kaibigan niya ito ang sabi niya lang saakin ay mas mabuting walang ibang makakilala saakin dahil ikapapahamak ko lang daw ito. Kaya pala hindi ako makalabas ng bahay at maraming nagbabantay sa palibot ng lupain namin

“Sa pangalawa mo namang tanong nalaman namin yun dahil sa isang mensahe. Ten years old ako nang biglang may sumulpot na pigura sa harapan ng lamesa namin. Nag titili pa nga ako sa takot at doon ko nalaman na si Mrs.Sandoval pala yun ang ganda niya promise! Doon niya rin sinabi na yung hologram na yun ay sinet niya o inembento niya para makita namin makalipas ang ilang taon nang mamatay sila. Sinabi niya rin na buhay ang anak nila at nasa—low town.” 

Napatigil ako sa paglalakad ng mawala sya sa tabi ko at nagtataka akong napatingin sa kaniya “Bakit?” Tanong ko dito “Alam mo bang labing siyam na taong gulang na ako at sa pagkakasabi saakin ni Ina ay mas bata saakin ng isang taon ang anak ng mga Sandoval.”  nagtaka naman ako dahil sa sinabi niya  “Anong ibig mong sabihin?” 

Imbis na sagutin ako ay nagulat ako ng lumapit sya saakin at hilahin paalis ang hood ko kaya gulat akong napatingin sa kaniya. Pag lingon ko ay kitang kita ko ang panlalaki ng mata niya dahil sa gulat na syang ikinaatras niya saakin

“I-ikaw.” 

Nag taka naman ako dahil doon. May dumi ba ako sa muka? “Anong ako?”  Ulit ko sa kaniya  “I-ikaw! Ikaw ang anak ng mga Sandoval!”  Nagulat ako dahil sa sinabi niya pero agad rin akong nakabawi dahil naalala ko na pinapapatay ang pamilya ko kailangan kong mag ingat at itago ang katauhan ko

“Anong sinasabi mo jan? Isa lang akong low class.”  plain na sabi ko para hindi sya maniwala  “Hindi ako maaaring magkamali! Ikaw sya Katanaya! Ikaw si Katanaya Sandoval!” 

Napatayo ako ng maayos dahil sa sinabi niya. 

“Nang mamatay ang pamilya mo ay kusang nawala sa memorya naming lahat ang itsura ng mga Sandoval kahit si Ina. Walang pagkakakilalanlan sa itsura nila tanging pangalan lang ang alam namin. Hindi namin alam kung paano iyon nangyari pero nang magpakita saamin ang hologram ay bumalik sa memorya naming pamilya ang tungkol sa inyo pati ang larawan na matagal nang hinahanap ni Ina ay nakita niya at ikaw! Ikaw Katanaya kamukang kamuka mo ang Mama mo! Kamukang kamuka mo si Mrs.Sandoval!” 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status