Share

CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)
CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)
Author: B.NICOLAY/Ms.Ash

Chapter One

KATANAYA 

“Magsi layo na kayo sa lugar na to!”

Nag kakagulo ang mga magicians dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Laganap ang sunog sa paligid nagkalat ang mga halimaw, nagwawala ang kapaligiran tila parang may sariling utak ang mga ito at namiminsala sa paligid.

“Kunin nyo ang mga bata ilayo niyo sila at dalhin sa ligtas na lugar!” Malakas na sabi ng isang babae na nangunguna sa kanilang lahat

“Ano bang nangyayari?!” 

“Hindi ko rin alam. Sa tingin ko ito na, ito na ang Code na sinasabi niya,” sagot sa kaniya ng babae

“Anong Code?” 

“Hindi mo ba naiintindihan?! Namatay sila ng dahil saakin at wala manlang akong nagawa para tulungan sila! Sa harapan ko mismo sila namatay at ito ang kapalit ng pagiging makasarili ko.” 

Garalgal na sabi ng babae habang sunod sunod na tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata. Walang mapagsidlan ang sakit na nadarama niya. Punong puno ng hinanakit ang kaniyang puso, hinanakit para sa pagiging makasarili niya.

“KATANAYA!” 

Napalingon sa likod ang babae dahil sa narinig niya ang kaniyang pangalan at halos tumigil ang mundo niya kasabay ng panlalaki ng kaniya'ng mga mata ng makita ang paparating na palaso sa harap niya.

“KATANAYA!”

Hingal na napabangon ako dahil sa panaginip na iyon. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng pintig ng puso ko at ramdam na ramdam ko ang tumululong malalamig na pawis sa noo ko.

Nanaginip nanaman ako at hindi ito basta basta isang panaginip kundi isang pangitain. 

Meron akong kapangyarihang makita ang nakaraan at hinaharap at noong unang beses kong magamit ang kapangyarihan ko na ito ay may nawalang napakahalagang mga tao sa buhay ko. Napahilamos nalang ako sa aking muka at kinalma ang aking sarili. 

Nakatira ako sa Enchanted World kung saan lahat ay mayroong kapangyarihan mapa-element ‘man yan o ability. Wala akong maayos na tirahan dahil palaboy lamang ako. Minsan nakakakain madalas hindi. 

Ang Enchanted World ay nahahati sa tatlong uri ng mga magicians habang pinamumunuan naman ito ng isang Reyna na ni isa ay walang nakakakilala. Ang tanging kilala ng marami ay ang mga council na iginagalang ng lahat.

High class ang nangunguna sa mga magicians dito sila ang mga magicians na ipinanganak palamang ay suwerte na dahil nabibilang sila sa matataas na pamilya. Kahit na ability lang ang kapangyarihan mo ay walang mang-mamata sayo dahil takot sila na gantihan ng pamilya nito. Which is I find it unfair.

Pangalawa naman ay ang Middle Class, karamihan sa mga magicians na nabibilang dito ay nakaangat sa buhay sa madaling salita ay nagsikap at umagat sa buhay. Samatalang ako kahit anong pagsisikap ko ay wala, dahil nabibilang ako sa low class.

Ang kahit na sinong mabilang sa low class ay binansagan nilang patapon, pulibi at walang mararating sa buhay. Yan ang tingin nila saamin kaya kapag ako ay nagpupunta sa Middle Town tinitignan nila ako ng buong pandidiri at paaalisin sa lugar nila.

That is why life is so unfair. Hindi nila kami binibigyan ng pagkakataon na magbago at umangat sa buhay basta ang tingin nila saamin basura.

Napabuntong hininga nalamang ako, naikalma ko narin ang sarili ko hindi ko na muna iisipin ang napanaginipan ko.

Bumaling sa kabilang gilid kaso-“ARAY!” 

Kung hindi nga naman ako makakalimutin! Sa itaas ng puno nga pala ako natulog kagabi kainis! 

“A-aray! Ang tanga mo naman Katanaya!” 

Panenermon ko sa sarili ko habang hawak ang balakang at tumayo. Pinagpag ko ang damit ko kahit madumi na ito. Oh diba another katangahan nanaman tsk.

Napatingin ako sa paligid at maaga pa, papasikat palang ang araw pero nagkalat na ang tao dito sa Low Town. Isinuot ko ang hood ko at naglakad papunta sa itaas ng burol. Tuwing umaga ay pumupunta ako doon upang panoorin ang pagsikat ng araw.

Pero napahinto ako sa paglalakad ng maalala ko na pwede ko naman palang gamitin ang ability ko na teleportation kaya napairap ako pangatlong katangahan na, ano pa nga ba sa isang araw sobrang daming katangahan ang nagagawa ko.

Sakto pagka-teleport ko ay sumalubong saakin ang sinag ng araw. Napaupo ako sa damuhan at tinignan ang magandang tanawin. Sana ganito rin kaganda ang kalooban ng mga magicians na andito sa Enchanted World. 

Unti unti ng lumabas ang araw, sa pagsikat ng panibagong araw ay may isa nanaman akong pangitain. Matagal ng tahimik ang kapangyarihan kong makakita ng nakaraan at hinaharap, ngayon nalang ulit siya gumana at worst ako nanaman ang andon. Napapikit ako at inilala ang nakaraan.

Noong unang beses kong makita ang mangyayari pa lamang ay hindi ko iyon pinansin at isinawalang bahala ko lang dahil hindi ko alam na may kapangyarihan akong ganito pero laking gulat ko ng mangyari ang pinakang masaklap sa buhay ko.

Ang pagkamatay ng magulang ko.

Agad kong pinunasan ang luha ko na kusang tumulo sa mga matang taksil. Kapag magulang ko ang pinag uusapan ay mahina ako, wala akong magawa ng mga panahon na yon namatay sila dahil sa kahinaan ko.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ako huminga ng malalim pagkatapos ay may kinuha sa bulsa ko, isang telang sobrang dumi na. Ipinalibot ko iyon sa mga kamay ko. Kailangan ko ng pumunta sa gubat upang manghuli ng halimaw. Sa isang kisap mata ay nasa gitna na ako ng gubat at tanging mga huni ng ibon ang maririnig sa paligid.

Ikinuyom ko ang kamao ko at nakiramdam sa paligid, naghintay ako ng tamang tyempo ng makuha ko ang tyempo ay agad kong pinalabas ang kulay Violet kong kapangyarihan at pinatama sa isang halimaw na maaaring kainin sa lugar namin.

“Yes! I got you!” Nagtatatalon kong sigaw at lalapitan na sana ang halimaw na iyon ng mapaluhod ako sa damuhan.

“N-not now.” 

Pero hindi ko na kinaya at napasigaw ako sa sakit.

This is what I hate using my oh so called power, hindi ko alam ang tawag dito basta kapag ginamit ko ay ibayong sakit ang nararamdaman ko. Eto rin ang dahilan kung bakit hindi ko nailigtas ang magulang ko dahil matapos kong patayin ang mga sumusugod saamin ay bigla akong nagsisigaw sa sakit na halos hindi ko kayanin at kung minamalas ay may dumating pang mga kalaban.

Ibinuhis nila ang buhay nila para saakin, para mailigtas ako. Dinala nila ako sa Low Town, yes I'm part of High class pero dahil sa mga hindi kilalang sumugod saamin ay namatay ang magulang ko at napunta ako sa Low Town.

Bata palang ako n‘un, six years old. Nang makarating ako sa Low Town ay walang pumapansin saakin, ang linis pa ng damit ko at patuloy parin ang sakit sa katawan ko pero nawala yun kalaunan. Yun ang huling beses na nakapag soot ako ng magara at malinis na damit.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod dahil nawala na muli ang sakit. Sa ilang taon kong pinag aralan kung paano kontrolin ang kapangyarihan ko ay natutunan ko na kahit papaano ay mapadali ang sakit na naramdaman ko na yon. Hindi ko alam kung bakit nangyayari saakin yon kaya mas pinagbutihan ko ang pagsasanay hanggang sa nadiskubre ko ang tatlong kapangyarihan ko.

Unang kapangyarihan na nagamit ko ay ang pagkakita ko sa hinaharap na namatay ang magulang ko, pangalawa ay ang Violet na kapangyarihan na ito at ang pangatlo ay ang Air power. 

Mabuti sana kung yung violet na power ko ay element nalang din ang kaso hindi eh kakaiba siya at hindi ko alam kung bakit ako meron nito. 

Lumapit ako sa halimaw na napatay ko at napangiti siguradong may kakainin ako ngayon. Nag teleport ako sa pinakang bayan at ibinenta ang halimaw na iyon.

“Eto ang bayad Katanaya,” napangiti ako sa kay ate Jean “Salamat ate Jean!” At binilang ko na iyon “Bakit ba hindi mo pagkakitaan ang panghuhuli mo ng halimaw Katanaya? Nagtitiis ka na hindi kumain ng ilang araw.” 

Napatigil ako sa pagbibilang dahil sa sinabi ni ate Jean. Bakit nga ba? Nasanay narin kasi ako at ayokong ginagamit ang kapangyarihan ko sa pagpatay. Hinarap ko si ate Jean at ngumiti.

“Ate Jean swerte lang ako minsan kaya may huli. Sige aalis na ako at bibili ng makakain,” 

Nag lakad na ako papunta sa bilihan ng makakain pero pagdating ko sa kainin ay napatigil ako sa listahan ng mga presyo.

“Oh Katanaya ikaw pala! Nako nagtaas na ang presyo ng mga pagkain ngayon! Ang dami ngang nag rereklamo saakin pero wala akong magagawa dahil hindi naman saakin itong tindahan taga benta lang ako.” 

Halos manlumo ako dahil sa sinabi ng nagtitinda. Kumita ako ng 50 Ted, ted ang tawag sa pera dito at dahil wala rin namang pera ang mga pinagbebentahan ko ng halimaw ay mura lang din ang bayad nila samantalang ang presyo ng nakita kong pagkain ay 80 Ted. 

Saan aabot tong pera na to?! 

“Magkano ba ang pera mo Katanaya?” Muling nabaling ang tingin ko sa nagtitindang si Aling Coring. Maraming nakakakilala saakin dahil ako ang bukod tanging Low class na walang wala talaga, sila may matitirahan ako wala pa-gala gala. May mabubuting loob naman ang sumubok umampon saakin pero umalis din ako dahil nag kaanak na sila ng madami at hindi na kami kakasiya.

“50 Ted po aling coring.” 

“Nako sabaw at tubig nalang ang abot ng pera mo Katanaya.” nagliwanag ang muka ko dahil sa sinabi niya “Ayos na po iyon!” Napangiti siya dahil sa sinabi ko “Osige halika at sa loob kana kumain,” 

Pumasok kami sa loob at ibinigay na niya saakin ang pagkain. “Salamat sa pagkain!” Agad akong humigop ng sabaw dahil sa gutom ilang araw na akong di nakakatikim ng kahit na ano. Ang tubig pa na iniinom ko ay galing sa ilog na alam ko.

Madalas din kasi ako sa gubat dahil wala naman akong gagawin dito sa bayan ang ginagawa ko ay sinasanay ko ang kapangyarihan kong hangin. Siguro nagtataka kayo kung bakit yung violet na kapangyarihan ang ginamit ko sa panghuhuli ng halimaw na iyon dahil sa totoo lang ay rare ang halimaw na hinuli ko at dahil nga wala namang din mga pera ang tao dito ay mababang halaga lang ang naipambabayad nila saakin. Isa pa suki ko na si Ate Jean sa mga binebenta ko.

Matapos kong maubos ang sabaw na iyon ay uminom na ako ng tubig at nagbayad. Nakangiti akong naglakad pabalik sa gubat dahil nakakain na ulit ako matapos ang apat na araw. Napahinto ako sa paglalakad ng makita kong may kausap si Ate Jean at malaki ang ngiti niya, hindi sana ako makikinig sa usapan pero nakita ko na maayos ang soot ng babaeng iyon.

Nagtago ako sa isang basurahan tama lang para marinig ang kanilang usapan.

“Wala na bang ibababa ang presyo mo aba'y ako naman palagi ang bumibili sayo lahat ng mga rare na halimaw na yan ah,” bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko na iyon. Yun ang halimaw na hinuli ko! Ako lang naman ang nakakapatay ng rare na halimaw.

“Ano kaba! Ang hirap kayang mahuli yan! Kung ayaw mo sa presyong 300 Ted maghahanap nalang ako ng ibang bibili!” 

Natigilan ako dahil sa prinesyo ni Ate Jean. 3-300 ted? Wala pa sa kalahati ang 50 ted na binayad niya saakin! 

“Oo na! Kung hindi lang rare yan at malaki rin ang kikitain ko sa middle town tsk eto bayad oh!” 

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Pinagkatiwalaan ko si ate Jean at ito lang ang igaganti niya saakin. Agad akong tumayo at naglakad papunta sa kanila habang wala kang mababakasan na emosyon sa muka ko.

Nakita kong napatingin saakin si Ate Jean at nanglaki ang mata ng makita ako. Katatanggap palang niya ng pera. Tumingin ako sa kamay niyang may pera at sa mata niya pagkatapos ay sa babaeng bumibili ng halimaw na nahuli ko.

“Kayong mga uri ng nilalang dito sa enchanted world ay walang ibang ginagawa kundi lamangan ang nakakababa sa inyo,” 

Nagulat ang babae dahil sa sinabi ko habang si Ate Jean naman ay nanglaki ang mata.

“K-katanaya,’ utal na sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya “Nag kamali ako sayo ate Jean malaki ang respeto ko sa pamilya nyo dahil minsan na akong tinulungan ng magulang mo pero ngayon alam ko na.” malamig kong sabi dito.

“Aba't! Sino kaba para sabihin ang salitang yun! Baka nakakalimutan mong kaya kitang ipapatay!” 

Nag init ang dugo ko dahil sa sinabi ng babaeng matapobre na ito nagsimulang humangin ng malakas dito sa paligid na ikinataka naman ng babaeng taga Middle Town. Samantalang si ate Jean ay nakikita ko ang takot sa mata niya, alam kong alam niya ang kapangyarihan kong hangin.

“Anong nangyayari?!” sigaw nung matapobreng babae ngunit sa isang iglap lang ay hawak ko na ang leeg niya at nakabitin na siya sa ere na ikinagulat niya.

“Anong gagawin mo?! Ipapahanap mo ako sa tauhan mo?! Bakit hindi ba totoo na kapag mababa sa inyo ay inuuto niyo lang din para sa isang bagay na alam kong pinakamahal sa lahat?!” Galit ko siyang hinagis pabagsak at tinignan si ate Jean na nanginginig na ngayon.

“At ikaw ate Jean! Patawarin man ako nila tito at tita pero ginawa mo akong tanga! Oo alam kong marami akong katangahang ginagawa sa buhay pero ikaw! Ikaw na tinuring ko ng kapatid nagawa mo to saakin?!” Hindi kona napigilan ang aking luha ng sabihin ko iyon ngunit nakita ko ang paglitaw ng galit sa mata niya at matalim akong tinignan.

“Nang dahil sayo! Nang dahil sayo nagkasakit ang magulang ko! Nang dahil sa pag alis mo sa bahay unti unti silang namatay! Ikaw! Ikaw ang dahilan!” Napaatras ako dahil sa sinabi niya.

Oo umalis ako sa bahay nila dahil alam kong isa na silang pamilya wala na akong lugar para doon pero hindi ko alam ang tungkol sa bagay na sinasabi niya.

“Hindi kaba makapaniwala?! Pinatay mo sila!” Napakuyom ako ng kamao dahil sa salitang binitawan niya, kailan man ay hindi ko kayang pumatay ng mahahalaga sa buhay ko! 

‘Pero nagawa mo ngang pabayaan ang magulang mo na ikinamatay nila.’

Napatigil ako dahil sa sinabi ng utak ko. Tama siya muling naulit ang kapabayaan ko na yon.

“Wala akong alam ate jean samatalang ikaw meron! Kung alam mong ganon pala ang dahilan sana pinilit mo akong bumalik sa bahay! Pero anong ginawa mo? Wala! Ginamit mo pa ang kakayahan ko sa pagpatay ng halimaw para kumita ka! You're so unfair! Tandaan mo ‘to, wala na akong utang na loob sa pamilya niyo dahil ikaw mismo ang pumutol niyon!” 

Galit na galit ako. Sa sobrang galit ko nang mahagip ng paningin ko ang halimaw na pinatay ko ay itinapat ko ang kamay ko doon at pinalutang iyon sa ere.

“Eto ba?! Eto ba ang pinagkakakitaan mo? Pwes tignan mo kung paano mawala ang perang hawak hawak mo ngayon!” Sa isang iglap lang ay nagkapira-piraso ang halimaw at isinaboy ko sa paligid na siyang ikinasigaw ng marami dahil sa kababuyan na ginawa ko.

Naliligo narin ako sa dugo dahil doon. Muling dumako ang mata ko kay ate jean na nakaupo na ngayon sa sahig at hindi makapaniwalang nakatingin saakin.

“Nakita mo ang halimaw na Katanaya ate jean. Ikaw ang nagpalabas sa halimaw na ako!”

Tumalikod na ako sa kaniya at nakita kong napaatras ang mga tao na naroroon. Kilala nila akong lahat na masiyahin at approachable pero ngayon takot na takot sila.

Nakaramdam ako ng sakit dahil doon pero pinanatili ko parin ang malamig na muka ko at naglakad paalis. Humahawi ang mga tao ng kusa habang naglalakad ako at kapwa tahimik dahil sa takot saakin. 

Pinunasan ko ang muka ko na nabahidan ng dugo dahil sa halimaw. Huminto ako sa paglalakad at nagsalita.

“Etong tatandaan niyo, once na masira ang tiwala ko sa inyo makikita niyo ang demonyong Katanaya.” 

Pagkasabi ko niyon ay nag teleport na ako sa burol Agad akong napaupo sa damuhan at tumulo ang masasaganang luha na kanina ko pa pinipigilan.

“Ahhhh!!!!” 

Malakas na sigaw ko at lumabas ang violet na kapangyarihan sa katawan ko na siyang ikinasira ng paligid. Akala ko kaya ko, akala ko kampante na ako sa mga mahalaga sa buhay ko hindi pala. Hindi pala dahil kung sino pa ang pinagkakatiwalaan ko ay siya pang manloloko saakin.

“Ahhhh!!!!” 

Muli kong sigaw at pinagtatapon ang dalawang kapangyarihan ko sa paligid.

Minsan ang pagiging mabait ang siyang gagamitin ng ibang tao laban sayo. Aabusuhin niya ang kabaitan mo para lang sa ikaaangat niya sa buhay.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bregondo Maldo Nylinam
wow ang ganda ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status