Share

Chapter Two

NAALIMPUNGATAN ako ng masakit ang buong katawan. Feeling ko sumabak ako sa marubdubang pakikipaglaban sa sakit niyon. Iminulat ko ang mata ko at sumalubong saakin ang kalangitan, nag aagaw kulay kahel na ang kalangitan—teka! Kalangitan?!

“A-Argh!”

Agad akong napaupo dahil sa gulat pero dahilan iyon para mapadaing ako sa sakit ng katawan ko.

Ano bang nangyayari?

Dahil sa tanong na yun ay sunod sunod na bumalik sa isip ko ang mga nangyari kanina. Oo nga pala nadala ako ng sakit at galit, hindi ko nakontrol ang sarili ko at nakagawa ako ng mga hindi tama.

Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa paligid pero ganon nalang ang gulat ko ng sumalubong saakin ang malaking pinsana ng kagubatan— a-ako ang may gawa nito. 

Dahan dahan akong tumayo at kitang kita ko ang putol putol ng mga puno kung hindi man putol ay wasak ang mga dahon at sanga o di kaya sunog at lagas lagas na. Parang may labanang naganap sa paligid ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at kitang kita sa liwanag ang pinsalang nagawa ko,. Uka-uka din ang mga lupa dahil sa paghahagis ko ng kapangyarihan.

Nanggilid ang aking mga luha hanggang sa unti-unti na itong tumulo dahil sa mga nagawa ko. Napatingin ako sa itaas ko at nakita ko ang malawak na kalangitan. Kaya pala, hindi dapat ganito. Maraming dahon ang nakakapagtakip sa kalangitan dahil sa naglalakihang puno pero anong ginawa ko? Sinira ko.

Napayakap ako sa sarili ko at umiyak “K-kasalanan ko to. Hinayaan kong kainin ako ng sakit kanina—nagawa ko pang makasakit ng ibang magicians,” mas lumakas ang hagulgol ko dahil doon.

Dahan dahan akong naglakad papalayo sa lugar na iyon dahil kakainin na ako ng kakahiyan sa aking ginawa. Gubat ang naging tirahan ko noon pa man pero anong ginawa ko? Sinira ko sila.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko at tulala habang naglalakad ay diko namalayang andito na pala ako sa bayan. Napatingin ako sa paligid pero lalo lang nadagdagan ang hinanakit ko sa puso.

“Halimaw daw si katanaya.” 

“Oo nakita ko kung paano niya patayin yung halimaw at sinakal niya rin ang isang Middle Class.” 

“Talaga? Balita ko pati si Jean.” 

“Oo narinig ko nga na niloko siya ni Jean kaya galit na galit si katanaya.” 

Napahigpit nalang ang yakap ko sa aking sarili dahil sa mga bulungan nila. Kung hindi man nagbubulungan ay lumalayo sila na para bang meron akong nakakahawang sakit na walang panlunas. Nilalayuan nila ako na parang may gagawin akong masama sa kanil.

Isinoot ko nalang ang hood ng violet cloak ko na butas butas na ang ibaba pero maayos pa naman sa itaas kaya magagamit pa. Tahimik akong naglakad at tahimik rin na umiyak. 

Hindi ko akalain na darating sa punto na lalayuan ako ng mga kapwa ko low class. Hindi ko alam kung bakit ako pumunta dito sa bayan pero ilang saglit lang ay natagpuan ko ang sarili kong nasaharapan ng bahay nila ate Jean.

Lalo akong napaiyak dahil doon, kahit na nadala ako ng sakit na ginawa niyang panloloko saakin ay hindi ko maitatangi na napamahal na siya saakin para ko naring siyang ate.

“K-katanaya?” Napaangat ako ng tingin sa tumawag saakin at nakita ko si ate Jean kaya napaatras ako. Baka galit siya saakin at ipagtabuyan ako o di kaya ipabugbog din niya ako sa kapwa low class dito

Muli akong umatras at tatakbo na sana ng magulat akong sa isang iglap lang ay yakap na ako ni ate Jean ginamit niya ang kapangyarihan niyang speed.

Umiiyak siya

“A-ate Jean,” gulat kong tawag sa kaniya at para akong natuod mula sa pagkakayakap niya

“P-patawarin mo ako Katanaya! Nadala lang ako ng kahirapan kailangan kong kumita para sa mga anak at kapatid ko alam mo yan!” Umiiyak niya paring sabi saakin.

Ako naman ay hindi alam kung ano ang sasabihin at gagawin. Ssabihin ko bang wag niya ng alalahanin yon at humihingi rin ako ng tawad sa ginawa ko? Yayakapin ko ba siya at tatapikin ang likod? 

Sa huli ay niyakap ko nalang din siya ng mahigpit at hindi nagsalita doon palang ay alam na niyang napatawad ko na siya. Kilala ako ni Ate Jean halos sabay din kaming lumaki. Walong taon siya habang ako ay anim ng ampunin ako ng magulang niya at tatlo taon naman ang sumunod sa kaniya.

***

“AKO nalang ang bahalang kumausap sa mga magicians dito katanaya,” agad naman akong napailing kay ate jean dahil sa sinabi niya.

Nag ka-ayos na kaming dalawa at ngayon nga ay andito kami sa bahay nila at ginagamot niya ako. Ayaw ko sana kaso ang sabi niya malaki ang kasalanan at naitulong ko sa kanila. 

Masaya ako para sa kanila at isinawalang bahala ko nalang ang panloloko niya saakin. Walang masamang magpatawad lalo na kung deserving ng taong iyon ng second chance pero dapat hindi niya sayangin ang pangalawang pagkakataon na yun. 

“Wag mo na silang intindihin ate jean isipin na nila kung anong gusto nilang isipin ang mahalaga ay ayos na tayo,” nakangiti kong sabi at tumayo na “Sige aalis na ako ate jean maiwan ko na kayo.” at gaya noong mga nakaraan kong pagtuloy muli sa bahay nila ay umaalis ako agad at nag teteleport sa gubat.

Napabuntong hininga ako ng andito na ako sa burol. Hindi na ako sanay na tumira sa iisang bahay at may kasamang iba dahil feeling ko nagiging pabigat lang ako sa kanila. 

Naglakad na ako paalis pero nagtaka ako ng hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

“Teka anong nangyayari?” Gulat na sabi ko at mas lalo akong nagulat ng unti unting lamunin ng kumunoy ang paa ko.

“Hindi ka ba makaalis?” Napaangat ang tingin ko sa nagsalita at nakita ko yung babaeng middle class na sinakal ko at may kasama siyang limang magicians na sa tingin ko ay tauhan niya.

“Ikaw?!” Sabi ko at pilit na kumakawala sa kumunoy pero lalo lang nitong hinihigop ang paa ko pailalim.

“Sige magpumiglas ka pa at mapapabilis ang pagkain sayo ng kumunoy na yan.” natigilan ako sa sinabi niya at napatingin sa kumunoy na iyon ng huminto ako.

Tama siya hindi naging mabilis ang paglamon saakin ng kumunoy. Napatingin ako muli sa kaniya. “Pakawalan mo ako dito!” Sigaw ko sa pero tinawanan niya lang ako

“Baka nakakalimutan mo na malaki ang atraso mo saakin?” 

Naloko na, bakit ba nakalimutan ko na maraming galamay ang middle class kaya siguradong mahahanap at mahahanap nila ako tsk.

“Kanina ka pa namin iniintay dito. Boys gawin niyo na!” Humanda ako ng makita kong lumapit saakin ang limang tauhan niya na mga nakahood.

Inunahan ko na sila at binato ng Air ball na siyang ikinatalsik ng mga ito “Tumayo kayo!” Narinig kong sigaw ng babae kaya naging mabilis ang kilos ko at nag teleport para makaalis dito dahil siguradong mabilis ako kakainin ng kumunoy pag nakipaglaban ako doon. 

Laking gulat ko ng pagmulat ko ay hindi parin ako nakakaalis doon. “Hahahaha!” Muli akong napatingin sa babae ng tumawa ito “Akalain mo yun may ability ka rin ng teleportation? Pero sa kasamaang palad ay hindi gagana yan!” 

Muli akong naghanda ng tumakbo ang mga lalaki saakin at may kaniya kaniyang hawak na patalim. Ilag lang ako ng ilag at sinikmuraan ang isa kaya nabitawan niya ang dalawang knife na hawak at iyon ang ginamit kong panglaban sa kanila.

Salitan kong ginamit ang air power ko at ang kutsilyo laban sa kanila ang kaso ay nagulat ako ng nasa bewang ko na ang kumunoy ng hindi ko manlang napapansin.

“Sige pakilusin nyo lang siya para tuluyan na siyang magbayad sa kapangahasan na ginawa niya saakin!” Napatingin ako sa kaniya at tinignan siya ng masama.

“Pag ako nakawala dito pagsisisihan mo to.” diin kong sabi na ikinatawa niya lang. Kailangan kong mag isip ng paraan para makaalis dito.

Hindi pa ako nakakapag isip ng paraan ng mapailag ako ng bigla niya akong batuhin ng bato

“Nagulat ba kita? Eto ang kapangyarihan ko,”  sabi niya at lumutang ang bato pagkatapos ay  ibinato niya saakin kaya napailag akong muli. Hindi maganda to nasa dibdib ko na ang kumunoy kakainin ako nito ng buhay!

“Oh ilag pa!” Hindi ko na nagawang kumilos dahil siguradong lalamunin na ako kaya tinanggap ko ang batong ibinabato niya saakin.

Ang tawag sa kapangyarihan niya ay stone power na kung saan ay kahit na akong bato ay kaya niyang kunin at pagalawin.

Ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa ulo ko dahil sa ginawa niya pero deretsyo ko parin siyang tinitignan “Ako ng bahala sa kaniya lumayo na muna kayo saamin!” Baling niya sa mga tauhan niya at agad naman silang lumayo

Lumapit saakin ang babae at nagulat ako ng hawakan niya ang buhok ko. Inikot ikot iyon at unti unti kong naramdaman ang muling pagkain saakin ng kumunoy. Hindi na ako makahinga dahil nasa leeg ko na ang kumunoy, hindi ko narin maigalaw ang mga kamay ko.

Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at iniharap ang muka ko sa kaniya “Sabihin mo saakin sino ka? Hindi ka isang low class dahil may roon kang elementong kapangyarihan!” Tinignan ko lang siya ng malamig at ngumisi sa kaniya.

“Bakit anong makukuha mo kung sasabihin ko sayo?” Nakatanggap ako ng sampal dahil sa sinagot ko. Napadura ako ng dugo dahil sa lakas ng pagkakasampal niya.

“Sabihin mo o tuluyan kang kakainin ng kumunoy na yan!” Nanalalaking mata niyang sabi saakin kaya muli ko siyang tinignan ng seryoso.

“Gusto mo talagang malaman? Isa akong Sandoval,” napaatras siya sa sinabi ko at parang gulat na gulat.

Ano namang nakakagulat sa pagbanggit ko ng apilyido namin? 

Oo alam kong high class kami noon pero alam ko rin naman na di porket high class ang pamilya mo ay kilala kana ng lahat. Syempre may karapatan ka rin naman mamuhay ng tahimik at isa narin kami doon.

“H-hindi wala ng natitirang Sandoval ngayon.” napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

“Anong ibig mong sabihin na wala ng natitirang sandoval?” Tanong ko pero umiling lang siya ng umiling.

“SABIHIN MO! ANONG ALAM MO SA PAMILYA KO!” Sigaw ko at nagsimula ng humangin ng malakas sa paligid kasabay ng pagsisiliparan ang mga dahon.

“W-wag mo akong lokohin!” Sigaw niya saakin at hindi inalintala ang kapangyarihan ko sa paligid. Nakita ko na nakalapit na saamin ang mga lalaki niyang tauhan.

“L-Lamunin mo na yan ng kumunoy!” Utos niya sa isang lalaki at agad namang kinontrol ang kinalalagyan ko. Huminga ako nang malalim ng unti-unti akong kainin nito.

“TANDAAN mo Katanaya na wag kang makikipaglaro sa mga hindi mo kakilala maliwanag?” Sabi ng aking ina saakin ng ako ay limang taong gulang palamang.

“Opo ina! Pangako ko pong si Valerie lang ang kalaro ko.” nagulat sila dahil sa sinabi ko at mabilis din na lumapit saakin si Papa.

“Valerie? Valerie Tan?” Gulat na tanong ni Papa na ikinatango ko ulit “Opo papa si Valerie nakita ko siya noong nakaraan sa likod bahay natin at tinulungan niya ako noon ng madapa ako kaya naging magkaibigan kami.” muling nagkatinginan ang dalawa dahil sa sinabi ko.

“Anak tandaan mo to. Si Valerie, ang kaibigan mo, huwag na huwag mo siyang iiwanan dahil magkadugtong kayong dalawa at ang iba pa.” nagtaka naman ako sa sinabi ni Papa.

“Anak kapag dumating ang panahon na wala na kami sa tabi niyo, hanapin niyo ang isa't-isa at magpakita sa kaniya dahil siya lang ang makakatulong sa inyo.” 

AGAD kong ibinuga ang malakas na kapangyarihang kumawala sa katawan ko at naramdaman ko ang paglutang ko sa ere. Pagtingin ko sa ibaba ay nakita ko ang babaeng middle class kasama ang tauhan niya na gulat na gulat.

Nabalikan ko nanaman ang nakaraan ko. Nakaraan kung saan kasama at kausap ko pa ang magulang ko.

Tama, si Valerie nasaan na ba siya ngayon?

Nawala ako sa pagiisip ng mapailag ako ng muntik na akong tamaan ng bato na nanggaling sa babaeng nasa ibaba.

Ngumisi naman ako sa kaniya “Ready for my revenge?” Bago ko pa sila pasagutin ay nag teleport ako sa likod nila at pinatamaan sila ng puno na bununot ko. Nagtalsikan naman sila na siyang ikinatulog ng mga ito. Hindi ko magagawang pumatay ng kapwa ko magicians.

Lumapit ako sa kanila at isa isang tinaggal ang ala-ala nila tungkol saakin. Bukod sa nagagawa kong makita ang nakaraan at hinaharap ay kaya ko ring tanggalin ang memorya nila tungkol saakin. Iyon malamang ang advantage ng pagkakaroon ng kapangyarihan na ganito.

Naglakad na ako palayo sa kanila at hinayaan sila doon. Malaking katanungan saakin kung bakit ko muling nabalikan ang nakaraan ko tungkol kay Valerie at sinong ‘siya’ ang tinutukoy ni Papa at lalong sino ang hahanapin namin? May kadugtong kami? 

Teka paano nga ba kami nagkahiwalay ni Valerie? Sa tingin ko bukod sa pagkawala ko sa high town ay may kababalaghang pang nangyari bago iyon dahil wala akong maalala tungkol kay Valerie. Basta ang alam ko kaibigan ko siya.

DALAWANG linggo na ang lumipas mula ng mangyari ang sagupaan namin ng babaeng middle class na yon at ngayon nga ay papunta ako sa bayan para lang sana bisitahin si ate Jean. Para narin iwas sa gulo ay di muna ako non pumunta ng bayan dahil mainit pa ako sa balita

Dalawang linggo narin akong walang kain at aaminin ko sa inyong gutom na gutom na ako at nanghihina pero kaya ko pa. Ramdam ko naman na kayang kaya ko pa.

Nang makarating ako sa bayan ay agad na nagsilayuan ang mga magicians na nakakilala saakin mabuti nalang at isinoot ko ang hood ko kaya di nila makikita ang sakit sa muka ko. Hahayaan ko nalang ang gusto nilang isipin laban saakin.

Kakaibang tingin o mapangmatang tingin at bulungan ang nakikita ko sa mga tao dito. Kapag talaga nabahidan ng kakaunting sabi-sabi ang ibang tao ay maniniwala na agad sila, hindi manlang nila inaalam  ang totoong dahilan ng lahat bago sila manghusga.

“Tumabi kayo! Dadaan ang may dala ng anunsyo mula sa Reyna!” 

Napatigil ako sa pag lalakad at napatingin sa unahan ko. Nakita ko ang mabilis pa sa kidlat na magicians na paparating. Para saakin ay kitang kita ko sila ng malinaw at parang normal lamang ang ikinikilos

“Katanaya tumabi ka sa daan!” Rinig ko na sabi nila pero hindi ko sila pinansin at hinayaan lang na dumaan ang dalawang sinasabi nilang galing pa sa palasyo.

Isang segundo lamang ay may dumaan na dalawang hangin sa magkabilang gilid ko na siyang ikinaalis ng hood ko. Napalingon ako sa pinakang gitna ng bayan at andodoon na ang dalawang tauhan ng mahal na Reyna. Hindi na rin ako pinansin ng mga magicians at dumeretso na agad sila doon sa mensahero

Hindi ako tuminag sa kinakatayuan ko at muling ibinalik ang hood ko. Ininay ko ang sasabihin nila. Alam kong may majika silang gagamitin para marinig ng lahat ng taga dito ang sasabihin nila kaya kahit nasa dulo kapa nitong low town ay maririnig mo iyon.  Ewan ko rin sa kanila kung bakit kailangan pa nilang maglakad papunta doon sa dalawang lalaki.

Tinitigan ko ang matangkad na lalaki na mayroong itim na itim na buhok samantalang ang isang lalaki naman ay may dilaw na buhok at kapwa seryoso lamang ang kanilang mga muka.

Inilibot muna nila ang kanilang mata na parang may hinahanap hanggang sa makasalubong ko ang mata nila. Alam kong hindi naman nila makikita ang muka ko, agad din naman na nawala ang mata nilang dalawa saakin.

“Nandito kami para iparating ang balitang nagsagawa ang reyna ng isang paligsahan.” 

Parang nag eeco ang boses ng lalaking iyon sa utak ko.

“Ang paligsahan na ito ay walang pinipiling katayuan sa buhay kahit isa ka pang low class ay maari kang sumali.” 

Napataas ang kilay ko dahil nakatingin saakin ang lalaking may itim na buhok ng banggitin niya iyon. Halata mo na may pagkama edad na ang dalawa pero mababakasan mo parin ang kagwapuhan at lalo na ang kakisigan ng kanilang pangangatawan mukang trained na trained ang mga ito.

“Ang paligsahan na ito ay tinatawag na Code Hero habang nagaganap ang paligsahan ay malalaman ang dahilan kung bakit tinawag na Hero at ang kailangan niyo lang gawin ay mabuhay at maunang hanapin ang Code.” 

Natigilan ako sa muli niyang sinabi. Narinig ko nanaman ang bulungan ng mga magicians dito.

Kailangang mabuhay? Ibig sabihin kapalit nito ang buhay mo at maaari kang mamatay?

“Tama ang iniisip nyo. Ang larong ito ay survival game.” 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bregondo Maldo Nylinam
makakaya kaya ni katanaya ang code hero....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status