Share

CHAPTER 21

Masakit ang ulo ni Earl nang magising. Naalala niya na napainom siya kasama ang mga kaibigan. Actually siya talaga ang nagyaya na mag-inuman sila. Masyadong magulo ang isip niya. Bakit ba nakakaramdam siya ng sakit knowing na may tinitibok pa lang iba ang puso ni Thalia?

No! wala siyang nararamdaman sa asawa niya. Marahil ay ego niya lang iyon bilang lalaki. Bukod pa doon ay ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanila ni Caroline.

Pagkatapos maligo at magbihis ng kanyang business suit ay lumabas na siya ng kuwarto. Mukhang maagang nagising ang asawa niya. Marahil ay nasa kusina ito.

Nagtataka naman si Earl na wala din sa kusina ang asawa niya hanggang sa may nakita siyang note sa mesa. Nakalagay doon na ready na ang kanyang almusal at pumasok na sa school ang asawa niya.

Mag-isang kumain ng breakfast si Earl. Naisip niya kung paano nga ba siya nakauwi kagabi, tsk hinatid siguro siya ni Miguel. Si Miguel kapareho niya ng rota ng tinitirhan.

Nang dumating siya sa opisina ay naging
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status