Two months earlier . . .
“Julienne! Ano ba? Tanghali na! Hindi ka pa ba babangon diyan?”
Napabalikawas ng bangon si Julienne nang marinig ang malakas na tinig na iyon ng kaniyang ina. Hindi siya magkandaugaga sa pagsusuot ng kaniyang tsinelas. Ni walang suklay siyang lumabas ng kaniyang napakaliit na silid na nasa ilalim ng hagdanan. Kasing liit lang halos iyon ng banyo nila.
Dalawang palapag ang bahay nilang iyon na sementado at tiles ang sahig. May apat na kwarto sa itaas at sa baba naman ay may malaking sala, dining at kusina. May sari-sariling banyo ang mga kwarto sa itaas, samantalang dalawa naman ang common bathroom sa ibaba.
Hindi siya kailanman nagkaroon ng tyansa na gumamit ng isa sa silid sa itaas. Hindi kasi siya tunay na anak ng asawa ngayon ng kaniyang ina. Ang stepfather niyang si Carlito ang may-ari ng bahay na iyon. At dahil nga sabi ng mga ito ay sampid lang siya, kaya iyon ang nararapat sa kaniya.
Akala niya sa libro lang niya mababasa ang kwento ni Cinderella, hindi pala. Dahil nangyayari pala talaga iyon sa totoong buhay. Ang kaibahan nga lang, tunay na dugo’t laman siya ng ina at ang nasa librong mga stepsisters ni Cinderella ay mga half-sisters niya. Kambal ang mga ito.
Dahil nabuntis ang kaniyang ina ng customer nito noon sa isang bar sa Tierra del Ricos, agad itong nagdesisyon na pakasalan ang ama-amahan niyang si Carlito. Ito ang may-ari ng bar na matagal ng may gusto sa kaniyang ina.
Tinanggap naman siya ng ama-amahan. Pinag-aral hanggang makatapos ng high school. Iyon nga lang may kapalit ang lahat. Gaya ni Cinderella, siya ang naging katulong ng mga ito mula noong magkaisip siya hanggang sa tumuntong siya sa edad na dalawampu’t tatlo. At hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatiling ganoon. Hindi niya alam kung doon na ba siya mabuburo at mamamatay. Dahil hindi siya kagaya ni Cinderella na may fairy godmother at prince charming na magliligtas sa kaniya. Sa estado niya, wala ni isang mangangahas na maging asawa siya o di kaya ay maging kasintahan. Bukod sa alam niyang hahadlangan iyon ng kaniyang pamilya, kinatatakutan din ang itsura niya. May malaki siyang pilat sa pisngi na palagi na ay nagiging dahilan ng paglayo ng mga tao sa kaniya.
“Julienne!” nanggigigil na tawag ng kaniyang ina.
“Nariyan na ho!” Nagmamadali siyang lumapit dito sa may kusina. Tumingin pa siya sa labas ng bintanang bubog. Halos sumisikat pa lang ang araw sa silangan. Ni wala pa nga yatang gising kun’di sila ng ina niya.
“Bakit ba tinanghali ka ng gising? Alam mo namang marami tayong gagawin ngayon,” sermon nito nang maabutan niya sa kusina.
Umismid siya. Marami ngang gagawin pero siya lang naman lahat ang gagawa niyon. Ni hindi naman nito makuhang tulungan siya kahit ang magbuhat man lang ng mga pinagkainan ng mga ito sa lamesa.
“Pasensya na ho. Madaling araw na rin ako nakatulog kanina dahil inayos ko pa ang mga nilabhang damit.”
Iwinasiwas ng kaniyang ina ang isang kamay nito. “Hala, sige! Mag-umpisa ka na. Baka mamaya mahuli pa tayo sa misa. Pero bago iyon, ipagtimpla mo muna ako ng kape,” utos nito.
Walang imik siyang tumango at ginawa ang iniutos nito. Kahit kasi iyon ay hindi nito magawa sa sarili. Asa na lahat ang tao roon sa kaniya.
“Heto na ho ang kape ninyo.” Iniabot niya sa ina ang umusok na tasa. Pagkakuha nito sa hawak ay hinarap niya ang mga lulutuin. “Lahat ho ba ito ay lulutuin ngayon?” tanong niya.
Ganoon sila tuwing sasapit ang ika-sampu ng Abril. Iyon ang araw na nawala ang kaniyang kapatid na si Cerella dahil sa isang aksidenteng kinasangkutan nito at ng asawa. At dalawang taon na rin nilang ginagawa iyon.
“Oo, lahat iyan. Kulang pa nga, eh. Kaso, hayaan mo na. Kapos tayo sa ngayon. Mahina ang kita ng mga bar ni Carl,” anang kaniyang ina habang humihigop ng kape.
Kulang pa pala ang mga nasa harapan niya, eh, parang fiesta na nga iyon kung tutuusin. May limang buong manok, hiniwalang karne ng baboy at baka, mga kung ano-anong gulay na pansahog, hipon at alimasag, isdang pang-relyeno at pati pang-minatamis ay mayroon din. Isipin pa lang ang dadanasin niyang kalbaryo sa araw na iyon ay parang bibigay na ang maliit niyang katawan.
“Ano pa’ng itinatanga-tanga mo riyan? Kilos na!” untag sa kaniya ng ina.
“Oho.”
Sinimulan niyang hugasan ang mga karne at ibinabad iyon sa toyo at suka. Ang manok naman ay ibinabad niya sa maraming tubig na may asin, paminta at asukal. Mas nagiging malinamnam kasi ang manok kaya ganoon lagi ang ginagawa niya. Isa pa, nakahiligan na rin iyon ng pamilya nila.
Isinunod naman niyang hiwain ang mga gulay habang nagpapakulo ng pinakalaman ng bangus at tubig na para naman sa gelatin na kaniyang gagawin. Mabuti na rin nga lang at maaga siyang ginising ng ina. Baka nga kung tinanghali pa siya ay hindi niya iyon matapos lahat.
Mag-aalas-nieve na nang matapos si Julienne sa kaniyang ginagawa. Mabuti na lang din dahil alas-nieve y media ang misa. Kahit naman hindi siya imbitado, pumupunta pa rin siya dahil kapatid pa rin naman niya si Cerella.
Pagdating niya sa simbahan ng Tierra del Ricos ay doon siya sa pinakasulok pumwesto, sa hindi makikita ng mga naroroon. Dahil kapag nakita siya ng ina at pamilya nito, tiyak na pagagalitan siya.
Espesyal ang misang iyon dahil laan lang iyon para sa kaniyang yumaong kapatid. Isa pa, ang pinakamayamang pamilya sa Tierra del Ricos ang in-laws nito. Ang mga Salviejo.
Nasa kalaghatian na ng misa nang may narinig siyang kaluskos mula sa kaniyang likuran. Inayos niya ang itim na balabal na suot at tumatakip sa kaniyang mukha. Hindi iyon nawawala kapag lumalabas siya dahil na rin sa takot niyang makita ng mga tao ang itsura niya.
Naghintay si Julienne sa kung sinumang nasa kaniyang likuran pero nawala na bigla ang kaluskos.
Nakahinga siya nang maluwag at umayos sa pagkakaupo.
Subalit, may ilang minuto lang ang nakalipas nang isang mahinang tinig ang kaniyang narinig. Dahan-dahan siyang lumingon. Wala siyang nakitang tao sa likuran kaya ipinagpatuloy niya ang pakikinig sa misa.
“Help. . .” Pabulong lang iyon pero mas klaro naman sa pandinig niya.
Muli siyang lumingon. Nakita niyang gumalaw ang malaking halaman na nasa likod ng pundasyon ng simbahan.
“Help. . .” muli ay paanas na wika ng naroon.
Mabilis na tumayo si Julienne. Tiningnan niya kung sino ang naroroon at nagulat pa siya sa nakita. Naabutan niya roon ang isang lalaki na nakuyukyok habang nadadaganan ng wheelchair nito.
“Naku!” Kagyat na inayos ni Julienne ang wheelchair. Pagkatapos, buong lakas niyang binuhat ang malaking lalaki na nakasubsob na sa gilid ng malaking halaman. Ang malago at mahabang buhok nito ay tumatabing sa mukha nito.
“Ayos lang ho ba kayo?” tanong niya nang maiupo na ito sa wheelchair.
Nanatiling nakayuko ang lalaki habang pinapagpagan nito ang sarili na nadumihan.
“Sir, ayos na ho ba kayo?” pag-uulit niya sa tanong.
Noon lumingon sa kaniya ang lalaki. Sabay pang napaawang ang mga labi nila. Siya, dahil hindi niya akalaing makahaharap ang asawa ng kapatid. At ito naman ay dahil nawala ang nakatabing sa mukha niya. Hindi niya namalayang nalaglag pala iyon sa sahig dahil sa pagtulong niya rito.
Agad niyang tinakpan ng palad ang kaliwang pisngi at pinulot ang balabal na nahulog sa sahig. Mabilis niya iyong itinakip sa mukha.
“A-ayos ka na naman siguro. Mauna na ako,” nakayukong wika niya at nilagpasan ito.
Pero hindi pa siya nakalalayo nang maramdaman niya ang pagpigil nito sa kaniyang kamay. Mabilis niya iyong naiwaksi dahil sa kakaibang init na hatid niyon.
“Do I know you?” tanong nito sa buong-buong tinig. Iisang linya na rin ang mga kilay nito.
Umiling siya. “H-hindi. Hindi pa tayo nagkikita kahit na kailan,” nauutal niyang tugon. Hindi siya makatingin nang deretso sa mga mata nito dahil para iyong nanunuot sa kaloob-looban niya.
“Liar. . . I knew people when I see one. And I knew you recognized me.” Hinagod nito ng tingin ang kabuuan niya.
Sa mga sandaling iyon, nahiling na lang ni Julienne na kainin siya ng lupa. Hindi siya ang tipo ng babae na sanay sa ganoong trato. Para kasing hinuhubaran na siya kung tingnan ng bayaw.
“Not bad,” anito na tumatango-tango pa.
Napatingin siya sa sarili. Hindi siya mahilig magdamit ng magaganda dahil kahit gustuhin niya, wala namang siyang ibibili. Kaya, sa itsura niya na parang manang na balot na balot ang katawan sa damit na pinaglumaan na ng panahon, paano nasabi ng kaharap na hindi masama ang itsura niya. Palagay niya’y talagang nasira na ang ulo nito gaya ng kaniyang mga naririnig na bulong-bulungan sa paligid. Iyon daw ang naging epekto sa lalaki ng aksidente, bukod sa pagiging baldado. Minsan ay nawawala sa sarili at hindi makakilala ng tao.
“May I know your name?” tanong nitong nagpabalik sa kaniyang isip sa kasalukuyan.
Umiling siya. “H-hindi p’wede.”
Napakunot muli ang noo nito. “Bakit naman?”
“Basta, hindi p’wede.” At mabilis niya itong tinalikuran.
“You know, kahit hindi mo sabihin ang pangalan mo sa akin, madali ko ring malalaman iyon. At kapag nangyari iyon, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko,” banta nito.
Natigil siya sa paghakbang. Dahan-dahan niya itong hinarap. Titig na titig pa rin ito sa kaniya.
“A-at ano naman ang gagawin mo?”
“Marami akong kayang gawin, Miss. Nakatali lang ako sa upuang de-gulong na ito, pero marami pa rin akong kayang gawin. Kilala mo naman siguro ang pamilya ko.”
Hindi siya nakasagot. Tama naman ang lalaki. Madali lang ditong malaman ang lahat lalo na kung pera ang pagaganahin nito.
“Julienne. Iyon ang pangalan ko,” lakas loob niyang sagot.
Bahala na. Kaysa naman totohanin ng lalaki ang banta nito.
“And your family?”
“D-diyan ay hindi kita masasagot.” Bumundol ang kakaibang kaba sa kaniyang dibdib. Bakit ba may pakiramdam siyang may hindi magandang mangyayari?
Hindi siya kilala nito dahil ni minsan ay hindi naman siya ipinakilalang kapamilya ng kaniyang ina at mga kapatid. Ni hindi nga siya imbitado sa kasal nito at ni Cerella noon. Naroon lang siyang mag-isa sa bahay. Iniwan siya roon at pinagbantay. Hindi rin basta-basta dumadalaw sa bahay sina Cerella noon. Kung magpunta man, saglit na saglit lang. At ang bilin nito lagi sa kaniya ay huwag na huwag labas ng kaniyang silid, na siya namang kaniyang sinusunod.
“And why is that? Sinusubukan mo ba talaga ako?” Mas matiim ang naging pagtitig nito sa kaniya.
Huminga siya nang malalim saka lumunok. May masusulingan pa ba siya sa pag-uusisa nito?
Mariin niyang ikinuyom ang palad. “Anak ako ni Theresa Fernandez Monteza, kapatid ko si Cerella— ang asawa mo,” dere-deretso niyang sagot. Ni paghinga ay hindi niya nagawa. “Ngayon, kung wala ka ng itatanong ay uuwi na ako.” Saka siya tuloy-tuloy na umalis.
Hindi na nahabol pa ni Brayden ang babae nang muli itong tumalikod sa kaniya at naglakad palayo. Ramdam niyang hindi siya patatahimikin nito. There’s a strong feeling of familiarity within him.
Kung bakit? Iyon ang kaniyang aalamin.
“Bilisan niyo nga, mga bakla! Baka mamaya niyan mahuli pa tayo!” hindi magkaintindihang mando ni John sa glam team na nag-aayos kay Julienne.It’s her big day. Her and Brayden.Dalawang buwan makalipas ang birthday party niya, itinakda ang kasal nila. It was a grand wedding. Maraming reporters, mga writer ng iba’t ibang magazines ang gustong masaksihan ang araw na iyon. They wanted to feature the so-called Wedding of the Century. Hindi lang kasi mga kilalang personalidad sa lipunan ang imbitado, imbitado rin ang mga naggagwapuhang bachelor’s sa buong bansa. Young bachelors that every woman is wishing for.They were about to be wed at Manila Cathedral. Ang pinakasikat na orchestra sa buong bansa ang kakanta roon, habang may ilang sikat din na celebreties ang naghandog ng awitin para sa kanila ni Brayden.Everyone is excited. Everyone is eargerly anticipa
Everything was back into normal. Parang walang nangyari at muling sumigla ang paligid. Magkahawak ang mga kamay na inikot nila ni Brayden ang lahat ng bisita na naroon. Julienne was glad to see her brother.“Akala ko hindi ka na darating,” aniya rito.“That’s not gonna happen, my dear sister. This is an important event. Hindi pinalalagpas ang ganitong pagkakataon,” anito bago siya hinalikan sa pisngi.“Thank you, Kuya. I owed you a lot— we owed you a lot.”Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. “Basta tandaan mo, lagi lang akong narito sa tabi mo. Kapag nag-away kayo ng asawa mo, isumbong mo agad sa akin. Madali lang naman na ipasundo ka gamit ang aking eroplano,” may halong pagyayabang na wika nito.“That will never happen, Dimitri,” singit ni Brayden sa kanila. “I told you, hinding-hindi na masasaktan
“Welcome! Welcome!” Nakangiting sinasalubong nina Brayden at Cerenna ang mga bisita. It was Julienne’s twenty-fifth birthday; the big day they’ve been waiting for.The party’s theme was masquerade. Naisip niyang ibase iyon sa birthday noon ni Cerella kung saan niya unang nakilala ang napakagandang asawa niya. Bagay na bagay rin iyon sa mga plano niya sa gabing iyon.As usual, his wearing his favorite color; blue tuxedo. And to compliment to his suit, Cerenna was wearing yellow satin haltered gown. Labas na labas ang mayaman nitong dibdib at ang makinis nitong likod. Kaya naman hindi mapigilan ng kanilang mga panauhin na mainggit sa kaniya.“Mommy! Daddy!” Tumitiling sinalubong ni Cerenna ang mga magulang nito.Nang magkausap sila noon nina Theresa at Carlito, sinabi ng mga ito na anak na rin ang turing ng mga ito kay Julienne— na sinakyan naman nila ng
Maagang bumangon si Brayden. It was still dawn. Tulog na tulog pa si Cerenna, epekto ng ipinainom niya rito. Cerenna tried to seduce him last night. Pero dahil alam na niya ang balak nito, inunahan na niya ang babae. And now, she was like sleeping beauty with no man who wanted to kiss her and wake her up.Mabilis siyang nagpalit ng damit. Running shorts at T-shirt na asul ang isinuot niya. He also wore his white sneakers bago lumabas ng kanilang bahay. Dumeretso siya sa garahe at inilabas ang kotse roon. Tiyak ang pagmamanehong tinalunton niya ang daan patungo sa isa sa mga kapitbahay niya roon.Nang tumigil ang kaniyang sasakyan sa tapat ng bahay ni Jacob, inilabas niya ang duplicate key na ipinahiram nito sa kaniya. Buong bahay nito ay mayroon siyang duplicate key. Kaya kung gugustuhin niyang gumanti sa loko-loko niyang kaibigan, kayang-kaya niyang gawin iyon.Magaan ang mga paang umakyat siya sa ikalawang palapag. Nil
Brayden and Cerenna got back to Manila after they had dinner with her parents. Maayos ang naging usapan nila— umaayon sa mga plano niya ang lahat.“Where is Loida?” she asked. Ugali na kasi ni Loida na salubungin sila kapag dumating sa bahay.“Oh, I forgot to tell you. Pinagbakasyon ko muna siya,” aniya.“So, ibig bang sabihin? Tayo lang dito sa bahay?” May pilyang ngiting sumilay sa mga labi nito. Idinikit pa nito ang katawan sa kaniya.Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone. Si Jacob ang nasa caller ID.“Excuse me. Sasagutin ko lang ito.” Hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagsimangot nito. Lihim naman siyang napangiti.“Yes? Something wrong?” tanong agad niya. Sa tuwing tatawag ito sa kaniya, hindi talaga niya mapigilang hindi kabahan.&
“Where is she?” tanong ni Brayden sa inang si Eirhyn pagdating niya sa hacienda.“She went out. Mag-m-mall daw muna siya,” sagot nito na mabilis siyang nilapitan. “May I see him?” Nangingislap ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.Gustong mapatirik ng mga mata niya. Parang ngayon pa lang, alam na niya kung sino ang magiging number one nilang kaagaw kay Adan.Dinukot niya ang telepono sa bulsa. “Here . . .” Ipinakita niya sa ina ang mga larawan ni Adan na siya mismo ang kumuha.“Oh! How cute!” Tutop nito ang bibig habang nangingilid ang mga luha.“Seriously?” Tinaasan niya ng kilay ang ina.Isang malakas na hampas sa braso ang natamo niya mula rito. Inirapan pa siya nito.“He’s my grandson, ano’ng ini-expect mo?” mataray nitong tanong.