When Brayden asked Julienne to marry him, nagbago ang lahat. Si Julienne, nakaalis sa masalimuot na mundong matagal na niyang isinumpa, habang si Brayden naman ay sa mundong siya mismo ang lumikha. Pero paano kung malaman nilang kasinungalingan lang pala ang lahat? Sapat na ba ang mga nadarama nila para piliin pa rin ang isa’t isa at manatiling nagsasama sa kahariang binubuo nila? “Dreaming is for fools. At hindi pa ako nababaliw, Julie. Hindi pa. . .”
View More“Bilisan niyo nga, mga bakla! Baka mamaya niyan mahuli pa tayo!” hindi magkaintindihang mando ni John sa glam team na nag-aayos kay Julienne.It’s her big day. Her and Brayden.Dalawang buwan makalipas ang birthday party niya, itinakda ang kasal nila. It was a grand wedding. Maraming reporters, mga writer ng iba’t ibang magazines ang gustong masaksihan ang araw na iyon. They wanted to feature the so-called Wedding of the Century. Hindi lang kasi mga kilalang personalidad sa lipunan ang imbitado, imbitado rin ang mga naggagwapuhang bachelor’s sa buong bansa. Young bachelors that every woman is wishing for.They were about to be wed at Manila Cathedral. Ang pinakasikat na orchestra sa buong bansa ang kakanta roon, habang may ilang sikat din na celebreties ang naghandog ng awitin para sa kanila ni Brayden.Everyone is excited. Everyone is eargerly anticipa
Everything was back into normal. Parang walang nangyari at muling sumigla ang paligid. Magkahawak ang mga kamay na inikot nila ni Brayden ang lahat ng bisita na naroon. Julienne was glad to see her brother.“Akala ko hindi ka na darating,” aniya rito.“That’s not gonna happen, my dear sister. This is an important event. Hindi pinalalagpas ang ganitong pagkakataon,” anito bago siya hinalikan sa pisngi.“Thank you, Kuya. I owed you a lot— we owed you a lot.”Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. “Basta tandaan mo, lagi lang akong narito sa tabi mo. Kapag nag-away kayo ng asawa mo, isumbong mo agad sa akin. Madali lang naman na ipasundo ka gamit ang aking eroplano,” may halong pagyayabang na wika nito.“That will never happen, Dimitri,” singit ni Brayden sa kanila. “I told you, hinding-hindi na masasaktan
“Welcome! Welcome!” Nakangiting sinasalubong nina Brayden at Cerenna ang mga bisita. It was Julienne’s twenty-fifth birthday; the big day they’ve been waiting for.The party’s theme was masquerade. Naisip niyang ibase iyon sa birthday noon ni Cerella kung saan niya unang nakilala ang napakagandang asawa niya. Bagay na bagay rin iyon sa mga plano niya sa gabing iyon.As usual, his wearing his favorite color; blue tuxedo. And to compliment to his suit, Cerenna was wearing yellow satin haltered gown. Labas na labas ang mayaman nitong dibdib at ang makinis nitong likod. Kaya naman hindi mapigilan ng kanilang mga panauhin na mainggit sa kaniya.“Mommy! Daddy!” Tumitiling sinalubong ni Cerenna ang mga magulang nito.Nang magkausap sila noon nina Theresa at Carlito, sinabi ng mga ito na anak na rin ang turing ng mga ito kay Julienne— na sinakyan naman nila ng
Maagang bumangon si Brayden. It was still dawn. Tulog na tulog pa si Cerenna, epekto ng ipinainom niya rito. Cerenna tried to seduce him last night. Pero dahil alam na niya ang balak nito, inunahan na niya ang babae. And now, she was like sleeping beauty with no man who wanted to kiss her and wake her up.Mabilis siyang nagpalit ng damit. Running shorts at T-shirt na asul ang isinuot niya. He also wore his white sneakers bago lumabas ng kanilang bahay. Dumeretso siya sa garahe at inilabas ang kotse roon. Tiyak ang pagmamanehong tinalunton niya ang daan patungo sa isa sa mga kapitbahay niya roon.Nang tumigil ang kaniyang sasakyan sa tapat ng bahay ni Jacob, inilabas niya ang duplicate key na ipinahiram nito sa kaniya. Buong bahay nito ay mayroon siyang duplicate key. Kaya kung gugustuhin niyang gumanti sa loko-loko niyang kaibigan, kayang-kaya niyang gawin iyon.Magaan ang mga paang umakyat siya sa ikalawang palapag. Nil
Brayden and Cerenna got back to Manila after they had dinner with her parents. Maayos ang naging usapan nila— umaayon sa mga plano niya ang lahat.“Where is Loida?” she asked. Ugali na kasi ni Loida na salubungin sila kapag dumating sa bahay.“Oh, I forgot to tell you. Pinagbakasyon ko muna siya,” aniya.“So, ibig bang sabihin? Tayo lang dito sa bahay?” May pilyang ngiting sumilay sa mga labi nito. Idinikit pa nito ang katawan sa kaniya.Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone. Si Jacob ang nasa caller ID.“Excuse me. Sasagutin ko lang ito.” Hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagsimangot nito. Lihim naman siyang napangiti.“Yes? Something wrong?” tanong agad niya. Sa tuwing tatawag ito sa kaniya, hindi talaga niya mapigilang hindi kabahan.&
“Where is she?” tanong ni Brayden sa inang si Eirhyn pagdating niya sa hacienda.“She went out. Mag-m-mall daw muna siya,” sagot nito na mabilis siyang nilapitan. “May I see him?” Nangingislap ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.Gustong mapatirik ng mga mata niya. Parang ngayon pa lang, alam na niya kung sino ang magiging number one nilang kaagaw kay Adan.Dinukot niya ang telepono sa bulsa. “Here . . .” Ipinakita niya sa ina ang mga larawan ni Adan na siya mismo ang kumuha.“Oh! How cute!” Tutop nito ang bibig habang nangingilid ang mga luha.“Seriously?” Tinaasan niya ng kilay ang ina.Isang malakas na hampas sa braso ang natamo niya mula rito. Inirapan pa siya nito.“He’s my grandson, ano’ng ini-expect mo?” mataray nitong tanong.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments