Home / Romance / CONTRACTS AND SECRETS / CHAPTER VII (Duplicate key)

Share

CHAPTER VII (Duplicate key)

Author: JET HERRERA
last update Last Updated: 2025-09-06 21:10:43

“TALAGA bang hiwalay na kayo ni Toni, sir? Umalis kasi siya dala ang mga gamit niya. Umiiyak din. Kawawa nga,” kausap kay GB ni Manang Carla.

Hindi siya sumagot. Ang dami niyang iniisip. Kararating lang niya mula sa kanyang meeting sa Fort Bonifacio. Kakatawag lang ng katiwala nila na nasa ospital. Ito ang nagbabantay sa kanyang lola doon dahil hindi maganda ang pakiramdam ng kanyang ina.

Maayos na kanina ang kalagayan ng kanyang lola. Ang problema, hinahanap nito si Toni. Ibibigay raw niya ang engagement ring nito kay Toni. Sinasabi rin nito na gusto nitong magpakasal na sila ni Toni.

Hindi niya alam kung paano sasabihin ang katotohanan sa kanyang lola. Nakukunsensiya kasi siya dahil sa kasunduan nila ni Toni.

Nag-alibi na lang siya na nasa opisina si Toni at hindi niya puwedeng isama sa mga meeting niya at papunta sa ospital.

Napahinga siya nang malalim at kinuha ang kanya cell phone. Abala siya sa pag-chat sa kanyang ina para i-monitor ang kalagayan ng kanyang lola. Maliban doon ay ka-chat niya rin si Shaira.

Ibinulsa niya ang cell phone nang silipin ni Manang Carla ang tina-type niya.

“Mukhang may bago ka nang sinisinta. Sayang naman, akala ko magpapakasal na kayo sa susunod na taon ni Toni, sir,” patuloy na pagdaldal ng katiwala nila.

Iyon din ang akala ni GB, na sila ang magkakatuluyan ni Toni. Thirty three na siya at dapat ay may asawa na. Lahat ng kaibigan niya at ka-batch dati sa PMA ay nagsipag-asawa na at may mga anak. Pero siguro ay hindi talaga si Toni ang nakatadhana para sa kanya. Sa tingin niya ay si Shaira iyon.

“The clock is ticking, sir,” sabi ni Manang Carla.

“Bata pa naman ako, ah,” rason niya rito.

“Baka maunahan ka pa ni Ma’am Olivia na makapag-asawa,” tukoy nito sa nakababata niyang kapatid. “Bakit ba kasi naghiwalay kayo ni Toni?” usisa pa nito.

Napabuntong-hininga siya. “May nagugustuhan na kasi akong iba. Magiging mas masakit para sa kanya kapag ipinagpatuloy pa namin ang relasyon naming dalawa kaya mas mabuti na putulin na namin.”

“Ang sakit naman no’n, sir. Ikaw lang ang liligaya?”

“Bata pa si Toni. Makakahanap din siya ng lalaking para sa kanya talaga,” sabi na lamang niya.

Inilagay ni Manang Carla ang mga alahas ni Toni sa bag at maingat iyong isinara. “Kunsabagay, maganda si Toni. Maraming magkakagusto doon, sir.”

Napaupo siya sa kama at napatingin sa nakabukas na pinto. Nakikinita pa niya si Toni na mabilis na tumatakbo palabas doon, palabas sa kanyang silid, sa kanyang buhay.

She was a tiny lady, five feet one inches tall. Palaging naka-trouser o kaya jeans at T-shirt. She’s not rich but she moved like rich. She was so simple and timeless and exudes effortless grace in style. A classic bookworm with neat handwriting.

She possessed no artifice. No fake nails, no fake eyelashes. Hindi ito mahilig makipagsabayan sa ibang babae para makakuha ng atensiyon. Some women would try to eat her alive, but they would fail. Her strength, determination in silence and being simple will win her enemies in a world where importance of appearance was paramount.

“Nandito na lahat ng alahas niya, sir. Ikaw ba ang magdadala nito kay Toni?” tanong ni Manang Carla.

“Oo. Kailangan ko rin kasi siyang makausap.” Kinuha niya ang bag at binitbit iyon.

May susi naman siya sa apartment ni Toni kaya nagpasya siyang personal niyang ibabalik ang mga regalo na iniwan nito. Para na rin makapag-usap sila para sa closure. Maliban sa may hihilingin niyang pabor, gusto niya ring mag-sorry dahil alam niyang nasaktan niya ito. Hindi kasi sila nakapag-usap nang maayos kaninang umaga nang umalis ito sa bahay niya.

Alam niyang galit ito dahil iniwan nito lahat ng regalo niya maliban sa mga libro.

Habang nagda-drive siya papunta sa apartment ni Toni ay kinabisa na niya ang kanyang mga sasabihin. Pero pagdating niya doon ay sarado ang apartment nito.

Alas singko ng hapon ang out nito sa trabaho. Alas sais na kaya dapat ay nakauwi na ito.

Nagpasya na lang siyang gamitin ang susi na binigay nito sa kanya. Pagpasok niya sa apartment nito, he was suddenly greeted and surrounded by a combination of fruity and floral scent— Toni’s scent.

Ini-on niya ang ilaw at inilapag ang bag na dala sa sofa. Napansin niya kaagad na magulo ang apartment. Ang higaan nito ay hindi naligpit. May mga librong nasa kama at sahig.

He knew why. Kapag brokenhearted, sino pa ba ang may mood na maglinis ng bahay at magligpit ng higaan?

Naglinis na lang siya at inayos ang apartment nito habang naghihintay. Pero lumipas lang ang dalawang oras ay hindi pa rin dumarating si Toni. Sinubukan niya itong tawagan pero hindi niya ito ma-contact. Nakita niyang na-block na rin siya nito sa Messenger. Shit!

Sinubukan niyang tawagan ang kaibigan nito na si Lizzy pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag.

Wala siyang nagawa. Matiyaga siyang naghintay. Mga alas diyes na iyon ng gabi nang may narinig siyang nag-uusap sa labas ng apartment. Narinig niya ang boses ni Toni, may kausap itong... lalaki.

Mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas. Nakita niya si Toni kasama ang isang waiter sa restaurant malapit sa kampo. Kilala niya ang waiter dahil doon sila palaging kumakain ng lunch ni Toni dati.

Nahalata niyang nagulat si Toni nang makita siya. “What are you doing here?”

“Kailangan nating mag-usap,” sagot niya rito. Pinasadahan niya ng tingin ang lalaking kasama nito.

“Ah, mauuna na ako, Nia,” sabi ng lalaki.

Naningkit ang mga mata ni GB. Nia? Anong klaseng nickname iyon? Kailan pa naging parang irigasyon at airport si Toni?

“Tawag ka kapag nakarating ka na sa bahay ninyo,” sabi ni Toni sa lalaki.

“Pumasok ka na sa loob.” Hinawakan niya ang braso ni Toni at hinila papasok sa apartment. Mabilis niya rin iyong isinara.

“Ano ba’ng problema mo?” Pumiksi si Toni mula sa pagkakahawak niya.

“Saan ka galing?” usisa niya rito. “Bakit kasama mo ang lalaking iyon? Akala ko ba si Lizzy ang kasama mo?”

JET HERRERA

Important note to my readers: I accidentally posted an incomplete Chapter 6. Hindi ko napansin na hindi nagpaste ang naunang part ng chapter. Please bear with me as it's still under review. Matik naman daw yun na mapost as whole chapter after 2 days. For the meantime, enjoy the Chapter VII Thanks for your patience! Maraming salamat din sa mga nag-follow sa akin at nagbasa ng story nina GB at Toni. ❤️

| 8
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER XLV (Nakakasilaw)

    “BABALIKAN na lang nila mamaya ang ibang mga gamit,” sabi ni GB at binuksan ang pintuan ng sasakyan na pina-book niya. Iyong sasakyan niya kasi ang nilagyan ng mga gamit ni Toni para ilipat sa bahay nito. Pina-drive niya lang iyon sa driver ng kanyang ina. Wala na silang mapuwestuhan sa loob kaya nagpa-book na lang siya ng masasakyan para pumunta sa bahay ni Toni para tulungan itong ayusin ang mga gamit nito doon.“Hey… are you okay?” tanong niya kay Toni nang hindi ito kaagad pumasok sa sasakyan. Lumingon ito sa apartment. Ngumiti si Toni nang matipid. “Medyo nalulungkot lang ako kasi aalis na ako sa lugar na to.”“Babalik ka pa rin naman mamaya.”Napabuntong-hininga si Toni saka pumasok na sa sasakyan. Pumasok na rin si GB at isinara na iyon. Alas diyes na ng umaga. Natagalan kasi sila kanina sa pag-aayos ng mga gamit sa kanyang sasakyan. Inayos nila iyon para mabilis lang idiskarga mamaya. Kahit araw ng Sabado ay medyo ma-traffic pa rin.Kaagad itong naghalungkat ng libro sa ba

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER XLIV (Let's be friends)

    “WHAT’S THIS?” tanong ni Toni nang tanggapin niya ang iniabot sa kanya ni GB. Parihaba iyon na regalo na nakabalot sa kulay asul na wrapper at may hinala siyang libro ang laman niyon pero gusto niya pa ring makasigurado. “Open it.” Naupo siya nang maayos sa kama at binuksan iyon. Libro nga. Tungkol sa mga bampira. Pero bagong edition iyon na noong isang linggo lang inilabas ng publisher. Pigil na pigil niya ang sarili na mapalundag sa excitement. Inamoy niya iyon. Muntikan na niyang mahalikan. It was a fore edge painted book na kapag ginalaw mo ang dulo ng pages ng libro ay may makikita na image ng character na lalaki. Kapag binaliktad mo from back to front ay iyong babaeng character naman ang lilitaw.“This is so pretty. Sana mo to nakuha? Nag-pre order ka ba nito? Bakit ang bilis mong nakakuha ng libro na to?” sunod-sunod niyang tanong.Nagkibit-balikat si GB. “Ang mahal nito, ah.” Tiningnan niya ang mga pahina niyon. May mga illustration sa loob. “Kasama sa kontrata natin na

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER XLIII (Status)

    “That’s violence disguised as a command. Dapat mag-sorry ka sa asawa mo.” “Hindi na kailangan yun,” tugon ni GB sa sinabi ni Case. Alas otso na ng gabi at naroon sila sa loob ng kampo, sa may kubo malayo sa ibang quarters at nag-iinuman. Kasama niya sina Case at Jazz. Tinawagan niya kasi si Case kanina dahil alam niyang may kilala itong puwedeng gumawa ng logo sa bookstore niya. Ang isinama nito ay isang ex-marine na dating tagagawa ng mga T-shirt and jersey design, mugs logo at mga plaque nila sa PMC—si Jazz.Tapos na silang mag-usap ni Jazz tungkol sa trabaho kaya nauwi na sa kung ano-anong bagay ang topic nila. Hanggang sa naikwento na niya ang nangyari kanina.“Alam kong hindi big deal kay Toni ang nangyari kasi hindi naman siya nagdrama katulad ng ibang babae,” sabi niya. Akala niya kasi ay aawayin siya nito, pero nagbigay pa ito ng payo sa kanya. Ang totoo ay hindi naman niya ito gustong itago noon. Hindi lang kasi talaga magandang tingnan iyong nasa opisina niya nagtatraba

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER XLII (Lectures)

    Nakatanaw lang si Toni sa papalayong pigura ni GB. Ang totoo ay nasaktan siya sa nakita niya kanina pero wala naman siyang karapatan na mag-emote kaya sinarili na lamang niya ang lahat ng sakit na nararamdaman. Wala rin namang kwenta kahit na maglupasay siya at mag-iiyak. Mabagal siyang naglakad, pakiramdam niya ay mabigat ang kanyang mga paa. Pumasok siya sa comfort room dahil naramdaman niyang naiihi siya. Pagkatapos ay bumalik sa opisina para ipagpatuloy ang kanyang trabaho.Nang nag-usisa ang ilan niyang kasamahan ay sinabi na niya ang totoo na nakatulog siya sa bench. “Magpapa-late na lang ako ng out mamaya,” sabi niya kay Ellen.Iyon kasi ang unang beses na nagkaroon siya ng problema sa trabaho. Hindi niya alam kung paano iyon i-handle.“Ikaw ang bahala. Ano ba ang sabi ni Sir Escalante?” tanong nito. “Pinagalitan niya lang ako nang kaunti.”“Maswerte ka dahil hindi siya masyadong istrikto ngayon. In love kasi sa doktora. Alam mo ba kanina na nakita namin siyang dinala niya

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER XLI (Rehearsed)

    NANLAKI ang mga mata ni GB nang may nakita siyang tao na natutulog sa bench. He looked closer. Si Toni iyon! Nagmamadali siyang naglakad para lapitan ito. Nakita niya ang libro nito na nakataob sa lupa. Pinulot niya iyon saka pinagpag para matanggal ang dumi. Isa iyon sa sa negative trait nito. Hindi ito marunong mag-alaga sa mga libro nito. Kung saan-saan iyon nakalagay, minsan face down pa iyong nakalatag sa kama.“Toni…” Niyugyog niya nang marahan ang balikat nito para magising ito.Kaya pala wala ito sa cubicle nito dahil natutulog pala ito sa oras ng trabaho!Unti-unti itong gumalaw at dahan-dahang idinilat ang mga mata. Tila hindi rin ito nagulat nang makita siya. “Bakit dito ka natutulog?” tanong niya rito.“Anong oras na ba? Ala-una na ba?” tanong din nito sa kanya.“Malapit nang mag-alas tres. Magmimiryenda na ang mga kasama mo sa trabaho.”Noon ito nag-panic. Ibinaba nito ang paa sa lupa saka hinanap ang pares ng sandals nito. Napansin niyang tila mabagal ito kung kumilo

  • CONTRACTS AND SECRETS    CHAPTER XL (Half day?)

    Nakahinga nang maluwag si GB nang magpaalam na ang kanyang ina na aalis na ito. Maliban sa balita tungkol sa kanyang lola ay may mga dala pa itong pagkain para kay Toni. Iniwan niya iyon sa loob ng kanyang opisina at mabilis niyang binalikan si Shaira sa kanyang quarter.Nag-usisa pa ito kung ano ang nangyari pero nag-alibi na lamang siya na family matters ang naging usapan nila ng kanyang ina. But the truth is his mother wanted to visit the house ha purchased for Toni. Ang problema ay may kasunduan sila ni Toni na hindi puwedeng bumisita sa bahay nito ang kanyang pamilya. “Ihinain ko na ang lunch natin. Halika na,” yaya sa kanya ni Shaira. Hindi maintindihan ni GB ang kanyang sarili dahil wala siyang ganang kumain kahit na hindi pa siya nakakain ng tanghalian. It felt like he was puzzled by his own feelings. He knew he loved Shaira, but the lack of appetite for spending time with her left him confused. He couldn't pinpoint why he was not feeling that spark, that love, that attr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status