LOGIN“BAKIT ba ang tigas ng ulo mo?” tanong ni GB na sumunod sa kanya. “Maligo ka na at sabay na tayong pumunta sa opisina.”
Huminto si Toni sa paglalakad. “Tapos na ang relasyon natin. Kaya wala na akong karapatan na mag-stay pa rito. Forda money and books na lang ang connection natin." “Alam ko. Pero mali-late ka na sa trabaho." Noon naman nag-ring ang kanyang cell phone. Nang tingnan niya ang caller ay si Lizzy iyon. Mabilis niya iyong sinagot. “Girl, how are you? Libre ka ba mamayang gabi? Labas tayo,” bungad kaagad nito sa kanya. "For dinner lang kasi bawal kang magpuyat.' Bahagya siyang lumayo kay GB bago nagsalita. “Sinong kasama natin?” “Mga officemates ko. Hindi ba lilipat ka na dito kapag natapos ang kontrata mo diyan sa work mo? Sama ka sa amin later para ma-introduce kita sa kanila.” Ngumiti si Toni. Medyo malaki ang offer na sahod doon at may mga allowance pa. “Sige. I’ll see you later. Chat na lang kita. Need ko pa kasi na pumasok ngayon. Late na nga ako.” Nagpaalam na siya sa kaibigan. “Sino `yong kausap mo?” usisa sa kanya ni GB. “Si Lizzy. Nagyaya na lumabas.” “Mamayang gabi?” Tumango siya. “Hindi ka puwedeng sumama sa kanya mamaya,” sabi ni GB. “Bakit naman? Minsan lang kami magkita. Saka nami-miss ko na rin siya.” Gusto niyang sumimangot. Bakit ba pinagbabawalan siya nito? Ano ang karapatan nito? "Nasa ospital nga si Lola. Kailangan natin siyang dalawin." "Baka puwedeng mag-pass muna ako sa pagdalaw sa kanya? Saka lang naman magiging effective ang kontrata natin kapag kasal na tayo, `di ba?" Every Sunday na dalaw lang iyon sa kanya." "So, uunahin mo pa talaga ang gala mo? Naging mabait si Lola sa `yo..." Yumuko si Toni. “I’m sorry. Pero alam kong hindi `yon ang totoong issue natin.” Her voice came out like whisper. “Ang totoo ay nasasaktan pa rin ako. Kung puwede lang na tapusin ko na ang kontrata sa opisina mo ay ginawa ko na.” Hindi umimik si GB. “I k-know that it will come to this. It’s only a matter of time,” pagpapatuloy ni Toni kahit na nananakit na ang kanyang lalamunan. “Alam kong may babaeng mas higit sa akin. Na mas bagay sa `yo. Tanggap ko naman iyon. Ang hindi ko lang matanggap na niloko mo ako. Kasi unfair `yon. Kasi ako, hindi naman kita niloloko so hindi ko deserve na lokohin.” Hindi pa rin nagsalita si GB. She slowly lift her head so she can look at him. “Hindi ko sinasadya…” Sa gilid niya nakatingin si GB nang sabihin nito iyon. Hindi siya umimik. Ilang beses na ba niyang narinig ang ganoong salita mula sa mga lalaking nagloko? “Please, makinig ka sa akin. Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili pero hindi ko nagawa. Please, forgive me,” pagsusumamo nito. Mapait siyang ngumiti. “Okay lang. Alam ko naman na mangyayari `to.” Napakagat-labi siya nang maramdaman ang pamimigat ng dibidb at pag-init bigla ng sulok ng kanyang mga mata. Because of their economic differences, alam niyang may possibilidad na maghihiwalay sila ni GB. Langit ito, lupa siya. May babaeng mas mayaman sa kanya. May babaeng mas maganda sa kanya. May babaeng mas higit sa kanya. “Alam mong hindi ako mayaman, GB. Pride lang ang meron ako. Hindi mo puwedeng saktan pati ang pride ko,” gumaralgal ang boses niyang sabi. “Pero hindi kita niloko,” pagtatanggol ni GB sa sarili nito. “Gusto ko lang maging honest sa `yo. Ayaw ko rin na umasa ka. Magpapakasal tayo dahil lang kay Lola. Alam kong noong isang linggo lang tayo naghiwalay kaya naisip ko na baka umaasa ka na totohanin ko ang napagkasunduan natin. Kung hindi lang nagkasakit si Lola, ibang babae ang lakakasalan ko." “Si Shaira, `di ba?” tanong niya rito. Parang alanganin na tumango si GB. “It’s… Shaira.” There was something in his voice when he said her name. Nilagay ang mga libro sa ang kanyang hand bag. She couldn’t take it anymore. Hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman. Patakbo siyang bumaba sa hagdan. Marahas niyang pinahid ang patuloy na umagos na mga luha na tila hindi iyon nauubos. Nanlalabo ang kanyang paningin at halos hindi na niya makita ang kanyang dinadaanan. “Toni, wait!” Pigil sa kanya ni GB nang maabutan siya nito. Huminto siya sa paglalakad. “Ibalato mo na sa akin ang gabi mamaya. Gusto kong makalimot kahit sandali lang. Kaya baka puwedeng huwag na akong sumama para dalawin ang lola mo,” garalgal ang boses niyang sabi. “Again, I’m sorry.” Nahihimigan niya ang sincerity sa boses ni GB pero mas nilalamon siya ng sakit na nararamdaman. Nanatili siyang nakatalikod rito. Ayaw niyang humarap. “I know that you’re mad. But we can still handle this with candor and restraint. Ayaw ko rin na magkasamaan tayo ng loob. Alam ko na masakit pa sa `yo ang mga nangyari. But when time comes that you're healed and ready, we can still be friends." Hindi siya nakinig rito. Friends? Ano siya siraulo na makipagkaibigan sa ama ng kanyang anak?“BABALIKAN na lang nila mamaya ang ibang mga gamit,” sabi ni GB at binuksan ang pintuan ng sasakyan na pina-book niya. Iyong sasakyan niya kasi ang nilagyan ng mga gamit ni Toni para ilipat sa bahay nito. Pina-drive niya lang iyon sa driver ng kanyang ina. Wala na silang mapuwestuhan sa loob kaya nagpa-book na lang siya ng masasakyan para pumunta sa bahay ni Toni para tulungan itong ayusin ang mga gamit nito doon.“Hey… are you okay?” tanong niya kay Toni nang hindi ito kaagad pumasok sa sasakyan. Lumingon ito sa apartment. Ngumiti si Toni nang matipid. “Medyo nalulungkot lang ako kasi aalis na ako sa lugar na to.”“Babalik ka pa rin naman mamaya.”Napabuntong-hininga si Toni saka pumasok na sa sasakyan. Pumasok na rin si GB at isinara na iyon. Alas diyes na ng umaga. Natagalan kasi sila kanina sa pag-aayos ng mga gamit sa kanyang sasakyan. Inayos nila iyon para mabilis lang idiskarga mamaya. Kahit araw ng Sabado ay medyo ma-traffic pa rin.Kaagad itong naghalungkat ng libro sa ba
“WHAT’S THIS?” tanong ni Toni nang tanggapin niya ang iniabot sa kanya ni GB. Parihaba iyon na regalo na nakabalot sa kulay asul na wrapper at may hinala siyang libro ang laman niyon pero gusto niya pa ring makasigurado. “Open it.” Naupo siya nang maayos sa kama at binuksan iyon. Libro nga. Tungkol sa mga bampira. Pero bagong edition iyon na noong isang linggo lang inilabas ng publisher. Pigil na pigil niya ang sarili na mapalundag sa excitement. Inamoy niya iyon. Muntikan na niyang mahalikan. It was a fore edge painted book na kapag ginalaw mo ang dulo ng pages ng libro ay may makikita na image ng character na lalaki. Kapag binaliktad mo from back to front ay iyong babaeng character naman ang lilitaw.“This is so pretty. Sana mo to nakuha? Nag-pre order ka ba nito? Bakit ang bilis mong nakakuha ng libro na to?” sunod-sunod niyang tanong.Nagkibit-balikat si GB. “Ang mahal nito, ah.” Tiningnan niya ang mga pahina niyon. May mga illustration sa loob. “Kasama sa kontrata natin na
“That’s violence disguised as a command. Dapat mag-sorry ka sa asawa mo.” “Hindi na kailangan yun,” tugon ni GB sa sinabi ni Case. Alas otso na ng gabi at naroon sila sa loob ng kampo, sa may kubo malayo sa ibang quarters at nag-iinuman. Kasama niya sina Case at Jazz. Tinawagan niya kasi si Case kanina dahil alam niyang may kilala itong puwedeng gumawa ng logo sa bookstore niya. Ang isinama nito ay isang ex-marine na dating tagagawa ng mga T-shirt and jersey design, mugs logo at mga plaque nila sa PMC—si Jazz.Tapos na silang mag-usap ni Jazz tungkol sa trabaho kaya nauwi na sa kung ano-anong bagay ang topic nila. Hanggang sa naikwento na niya ang nangyari kanina.“Alam kong hindi big deal kay Toni ang nangyari kasi hindi naman siya nagdrama katulad ng ibang babae,” sabi niya. Akala niya kasi ay aawayin siya nito, pero nagbigay pa ito ng payo sa kanya. Ang totoo ay hindi naman niya ito gustong itago noon. Hindi lang kasi talaga magandang tingnan iyong nasa opisina niya nagtatraba
Nakatanaw lang si Toni sa papalayong pigura ni GB. Ang totoo ay nasaktan siya sa nakita niya kanina pero wala naman siyang karapatan na mag-emote kaya sinarili na lamang niya ang lahat ng sakit na nararamdaman. Wala rin namang kwenta kahit na maglupasay siya at mag-iiyak. Mabagal siyang naglakad, pakiramdam niya ay mabigat ang kanyang mga paa. Pumasok siya sa comfort room dahil naramdaman niyang naiihi siya. Pagkatapos ay bumalik sa opisina para ipagpatuloy ang kanyang trabaho.Nang nag-usisa ang ilan niyang kasamahan ay sinabi na niya ang totoo na nakatulog siya sa bench. “Magpapa-late na lang ako ng out mamaya,” sabi niya kay Ellen.Iyon kasi ang unang beses na nagkaroon siya ng problema sa trabaho. Hindi niya alam kung paano iyon i-handle.“Ikaw ang bahala. Ano ba ang sabi ni Sir Escalante?” tanong nito. “Pinagalitan niya lang ako nang kaunti.”“Maswerte ka dahil hindi siya masyadong istrikto ngayon. In love kasi sa doktora. Alam mo ba kanina na nakita namin siyang dinala niya
NANLAKI ang mga mata ni GB nang may nakita siyang tao na natutulog sa bench. He looked closer. Si Toni iyon! Nagmamadali siyang naglakad para lapitan ito. Nakita niya ang libro nito na nakataob sa lupa. Pinulot niya iyon saka pinagpag para matanggal ang dumi. Isa iyon sa sa negative trait nito. Hindi ito marunong mag-alaga sa mga libro nito. Kung saan-saan iyon nakalagay, minsan face down pa iyong nakalatag sa kama.“Toni…” Niyugyog niya nang marahan ang balikat nito para magising ito.Kaya pala wala ito sa cubicle nito dahil natutulog pala ito sa oras ng trabaho!Unti-unti itong gumalaw at dahan-dahang idinilat ang mga mata. Tila hindi rin ito nagulat nang makita siya. “Bakit dito ka natutulog?” tanong niya rito.“Anong oras na ba? Ala-una na ba?” tanong din nito sa kanya.“Malapit nang mag-alas tres. Magmimiryenda na ang mga kasama mo sa trabaho.”Noon ito nag-panic. Ibinaba nito ang paa sa lupa saka hinanap ang pares ng sandals nito. Napansin niyang tila mabagal ito kung kumilo
Nakahinga nang maluwag si GB nang magpaalam na ang kanyang ina na aalis na ito. Maliban sa balita tungkol sa kanyang lola ay may mga dala pa itong pagkain para kay Toni. Iniwan niya iyon sa loob ng kanyang opisina at mabilis niyang binalikan si Shaira sa kanyang quarter.Nag-usisa pa ito kung ano ang nangyari pero nag-alibi na lamang siya na family matters ang naging usapan nila ng kanyang ina. But the truth is his mother wanted to visit the house ha purchased for Toni. Ang problema ay may kasunduan sila ni Toni na hindi puwedeng bumisita sa bahay nito ang kanyang pamilya. “Ihinain ko na ang lunch natin. Halika na,” yaya sa kanya ni Shaira. Hindi maintindihan ni GB ang kanyang sarili dahil wala siyang ganang kumain kahit na hindi pa siya nakakain ng tanghalian. It felt like he was puzzled by his own feelings. He knew he loved Shaira, but the lack of appetite for spending time with her left him confused. He couldn't pinpoint why he was not feeling that spark, that love, that attr







