author-banner
JET HERRERA
JET HERRERA
Author

Novels by JET HERRERA

RETURN TO ME

RETURN TO ME

Kasal na lang sana ang kulang sa relasyon nina Meg at Jazz. Pero isang araw ay nakipaghiwalay bigla si Jazz kay Meg dahil may ibang babae na itong nagugustuhan. Dala ang pira-pirasong puso, tumakas si Meg at nagpakalayo-layo. Nanalangin siya na sana, habang-buhay na ‘di na sila magkikita ng taksil na lalaki. Dininig ng Diyos ang dasal niya—sa loob ng pitong taon nga lang. Ngayon, nagkrus ulit ang landas nila. Hindi lang isang beses. Hindi dalawa. Parang hindi aksidente. Parang sinasadya. Kung bakit? Hindi niya alam. Ang alam lang ni Meg ay kailangan niyang iwasan si Jazz bago pa nito matuklasan ang kanyang sekreto.
Read
Chapter: Chapter 46 (SPG)
Pagkatapos nilang kumain ay nag-shower na si Meg sa banyo sa labas. Nakabantay naman si Jazz sa may pintuan. Pagkatapos niyang lumabas sa banyo ay ihinatid siya ni Jazz sa loob ng kubo at ito Naman ang naglinis ng katawan nito. Umupo si Meg sa gilid ng kama at inayos niya ang kanyang mga gamit. Hindi nagtagal ay pumasok si Jazz. Wala itong suot na t-shirt. Pinatutuyo pa rin ni Meg ang dulo ng kanyang buhok habang si Jazz naman ay dahan-dahang lumapit at naupo sa kanyang likuran. Inabot ni Jazz ang tuwalya mula sa kamay ni Meg. “Ako na,” bulong nito. Mabagal at marahan ang bawat galaw ng mga kamay ni Jazz habang pinupunasan ang basa niyang buhok. Ang bawat hagod nito ay tila nag-aalis ng pagod at tensyon sa kanyang katawan. “Ang bango mo,” sabi ni Jazz habang isinusubsob nang bahagya ang mukha nito sa kanyang leeg. "Jazz..." bulong ni Meg. Sa isang iglap, naramdaman niya ang matinding init na gumuhit pababa sa kanyang puson—isang mabilis natugon ng kanyang katawan sa bawa
Last Updated: 2026-10-13
Chapter: Chapter 45
Natigil sila sa ginagawa nang may kumatok. Mabilis nitong isinara ang zipper ng kanyang pantalon at inayos naman ni Meg ang sarili. “Okay ka na?” tanong sa kanya ni Jazz. Inunat pa nito ang laylayan ng suot niyang Tshirt. Tumango siya rito. Binuksan ni Jazz ang p***o upang harapin kung sino man ang kumakatok habang nakatayo lang si Meg sa likuran ng nobyo. “Bakit?” Binuksan ni Jazz ang pintuan. “Ang sarap ng pecking duck,” sabi ni Tikboy. “Lumabas na kayo kasi kakain na sabi ni Sir. Siya na ang nag-slice no’ng pecking duck na `yon. Akala ko kasi pang-litson manok ang slice. Kailangan pala manipis.” “Siraulo ka talaga!” sabi ni Jazz. "Peking duck ’yon, hindi litson manok,” natatawang pangingitaw ni Jazz. Hinawakan nito ang kanyang siko at dahan-dahan siyang hinila para ipakita kay Tikboy. Ipinakilala siya nito. “Tikboy, si Meg,” pakilala ni Jazz. “Nobya ko. Meg, si Tikboy—ang finance officer namin Dito sa base." Agad na napaayos ng tayo si Tikboy, tila nakalimutan bigla
Last Updated: 2026-10-13
Chapter: Chapter 44
"Akala ko talaga katapusan ko na, Meg," bulong sa kanya ni Jazz habang marahang idinidikit ang noo sa noo niya. "Akala ko magagalit si Sir Calumpang at ipatapon ako sa mas malayo.""Akala ko rin ibabalik niya ako sa Zamboanga sakay sa bangka na walang motor. Grabe ka-strict talaga ng CO nyo." Marahang natawa si Jazz. "Pero alam mo..." bulong nito at nakita niyang may nakalolokong ngiti na sumisipol sa mga labi nito. "...kung ipatapon man ako ni Sir Calumpang kahit sa pinakadulong isla ng Tawi-Tawi, okay lang. Basta ba may kasama akong magandang smúggled goods galing Zamboanga na katulad mo."Hinampas niya nang mahina ang dibdíb nito."Sira ka talaga. Nagawa mo pang magbiro pagkatapos nating mapagalitan.""Seryoso ako." Hinalikàn siya ni Jazz sa sa mga làbi. Mabilis lang iyon.Ramdam na ramdam ni Meg ang mabilis na tibok ng puso ng nobyo. Siguradong hindi na dahil sa takot kay Lt. Calumpang... "Kung alam mo lang. Miss na miss na kita," dugtong ni Jazz bago siya muling hinalikàn.Sa
Last Updated: 2026-10-12
Chapter: Chapter 43
Kikiligin na sana si Meg pero napansin niyang mas tila naging iritado ang Mukha ng opisyal na nakatayo sa gilid ng kubo. Naka-cross arms pa at nakamasid sa kanilang dalawa habang umiiling-iling. "Narinig ko 'yun, Baylon," sabi nito. "Subukan mong umalis sa pwesto mo mamayang gabi at ako mismo ang magbabantay sa kusina bitbit ang baríl ko. Umayos kayong dalawa." Agad na napatuwid ng tayo si Jazz. "Sir, yes, sir. Magbe-behave ako, sir." Lt. Calumpang stared at Jazz's terrified posture for three long seconds. The silence in the compound was deafening as everyone waited for the hammer to fall. Pero sa halip na sigaw ay isang malakas na tawa ang lumabas sa bibig ng opisyal. "Tado ka, Baylon! Tingnan mo nga 'yang mukha mo. Mukha kang maiiyak," tawang-tawang sabi ni Lt. Calumpang habang umiiling. Napakurap si Jazz na parang nalito. "S-Sir?" "Akala mo naman totoong itatapon ko ang jowa mo sa kusina," sabi ng opisyal habang pinapahid ang kaunting luha sa mata sa katatawa. "Masyado
Last Updated: 2026-10-12
Chapter: Chapter 42
Para kay Meg ang marinig ang salitang "bebe time" mula sa isang commanding officer sa gitna ng isang delikadong Lugar ay parang pakikinig sa isang kanyon na biglang tumugtog ng love song. "Sir?" ang tanging nasabi niya at pilit na pinapanatili ang kanyang mukha na walang emosyon. "Huwag mo akong ma-sir sir diyan. Alam ko ang dahilan kung bakit ka pumunta dito. Masuwerte ka at nalinis na namin ang paligid. But don't get complacent. Delikado pa ring bumiyahe palabas ng base sa ganitong oras. I'm not risking a military vehicle just to escort a stubborn visitor back to the city at night," sabi nito. "I'll make an exception just this once. You can stay here until tomorrow morning." Muntikan na siyang mapanganga. Sa loob ng base siya matutulog? Wala sa plano niya iyon. Iniisip niya Kasi na dahil hapon na rin naman ay wala nang duty si Jazz, pwede itong magpaalam na mag-overnight at sa labas na sila maghahanap ng matutulugan. "Dahil walang female quarters dito kaya doon ka muna sa
Last Updated: 2026-10-11
Chapter: Chapter 41
"Pero huwag kayong mag-alala, sir," bawi agad ni Meg at nilingon iyong sundalo na makapal ang kilay na may bitbit sa karton niyang dala. "Hindi ko naman kayo nakalimutan. Para sa inyong lahat talaga 'yang nasa karton. Kaunting pagkain mula sa siyudad para maiba naman." Tila nabuhayan naman ng loob si Rivero at agad na lumawak ang ngiti. "Aba! mukhang may handaan tayo ngayon! Maraming salamat, ma'am! Hulog kayo ng langit." "No worries, sir." Naupo kaagad si Meg sa kawayan na upuan nang makarating sila sa isang maliit na kubo na walang pintuan. Malapit lang iyon sa gate. Inilagay ng lalaking makapal ang kilay ang karton ng pagkain sa tabi niya at nagpasalamat siya rito. Pero hindi pa umiinit ang púwit niya sa upuan ay may nakita siyang papalapit sa kanila. Ang opisyal na kausap niya kanina. Pumasok ito sa kubo. His towering frame instantly filled the small hut and casted a long shadow over her. He looked intimidating even if he was still in his plain green t-shirt, camouflag
Last Updated: 2026-10-10
CONTRACTS AND SECRETS

CONTRACTS AND SECRETS

CONTRACTS AND SECRETS BY JET HERRERA Synopsis: "We keep on searching for a person whom we can spend our lifetime with, not knowing that they're just an inch away." -Captain Gerbacio Escalante Matapos mabigo sa pag-ibig ay gusto na lamang ni Antonia Buenafe na maging successful sa kanyang career. She’s doing fine until one pregnancy test and a double red line changed everything. Ginawa niya ang lahat para hindi malaman ng kanyang ex-boyfriend ang tungkol doon. Captain Gerbacio Escalante needs a bride. Hiniling ng kanyang lola na nasa ospital na mag-asawa na siya at ang gusto nitong pakasalan niya ay si Antonia. Ang problema, hiwalay na silang dalawa. Malapit na ring matapos ang kontrata ng pagtatrabaho nito sa kanyang opisina. Pero dahil ayaw niyang biguin ang kanyang lola, kinausap niya si Antonia at nagkaroon sila ng kasunduan. Kapalit ng malaking halaga ay magiging asawa niya ito sa loob ng isang taon. Naging maayos naman lahat ngunit isang umaga ay bigla na lamang itong hinimatay sa loob ng kanyang opisina.
Read
Chapter: CHAPTER XLV (Nakakasilaw)
“BABALIKAN na lang nila mamaya ang ibang mga gamit,” sabi ni GB at binuksan ang pintuan ng sasakyan na pina-book niya. Iyong sasakyan niya kasi ang nilagyan ng mga gamit ni Toni para ilipat sa bahay nito. Pina-drive niya lang iyon sa driver ng kanyang ina. Wala na silang mapuwestuhan sa loob kaya nagpa-book na lang siya ng masasakyan para pumunta sa bahay ni Toni para tulungan itong ayusin ang mga gamit nito doon.“Hey… are you okay?” tanong niya kay Toni nang hindi ito kaagad pumasok sa sasakyan. Lumingon ito sa apartment. Ngumiti si Toni nang matipid. “Medyo nalulungkot lang ako kasi aalis na ako sa lugar na to.”“Babalik ka pa rin naman mamaya.”Napabuntong-hininga si Toni saka pumasok na sa sasakyan. Pumasok na rin si GB at isinara na iyon. Alas diyes na ng umaga. Natagalan kasi sila kanina sa pag-aayos ng mga gamit sa kanyang sasakyan. Inayos nila iyon para mabilis lang idiskarga mamaya. Kahit araw ng Sabado ay medyo ma-traffic pa rin.Kaagad itong naghalungkat ng libro sa ba
Last Updated: 2025-10-27
Chapter: CHAPTER XLIV (Let's be friends)
“WHAT’S THIS?” tanong ni Toni nang tanggapin niya ang iniabot sa kanya ni GB. Parihaba iyon na regalo na nakabalot sa kulay asul na wrapper at may hinala siyang libro ang laman niyon pero gusto niya pa ring makasigurado. “Open it.” Naupo siya nang maayos sa kama at binuksan iyon. Libro nga. Tungkol sa mga bampira. Pero bagong edition iyon na noong isang linggo lang inilabas ng publisher. Pigil na pigil niya ang sarili na mapalundag sa excitement. Inamoy niya iyon. Muntikan na niyang mahalikan. It was a fore edge painted book na kapag ginalaw mo ang dulo ng pages ng libro ay may makikita na image ng character na lalaki. Kapag binaliktad mo from back to front ay iyong babaeng character naman ang lilitaw.“This is so pretty. Sana mo to nakuha? Nag-pre order ka ba nito? Bakit ang bilis mong nakakuha ng libro na to?” sunod-sunod niyang tanong.Nagkibit-balikat si GB. “Ang mahal nito, ah.” Tiningnan niya ang mga pahina niyon. May mga illustration sa loob. “Kasama sa kontrata natin na
Last Updated: 2025-10-27
Chapter: CHAPTER XLIII (Status)
“That’s violence disguised as a command. Dapat mag-sorry ka sa asawa mo.” “Hindi na kailangan yun,” tugon ni GB sa sinabi ni Case. Alas otso na ng gabi at naroon sila sa loob ng kampo, sa may kubo malayo sa ibang quarters at nag-iinuman. Kasama niya sina Case at Jazz. Tinawagan niya kasi si Case kanina dahil alam niyang may kilala itong puwedeng gumawa ng logo sa bookstore niya. Ang isinama nito ay isang ex-marine na dating tagagawa ng mga T-shirt and jersey design, mugs logo at mga plaque nila sa PMC—si Jazz.Tapos na silang mag-usap ni Jazz tungkol sa trabaho kaya nauwi na sa kung ano-anong bagay ang topic nila. Hanggang sa naikwento na niya ang nangyari kanina.“Alam kong hindi big deal kay Toni ang nangyari kasi hindi naman siya nagdrama katulad ng ibang babae,” sabi niya. Akala niya kasi ay aawayin siya nito, pero nagbigay pa ito ng payo sa kanya. Ang totoo ay hindi naman niya ito gustong itago noon. Hindi lang kasi talaga magandang tingnan iyong nasa opisina niya nagtatraba
Last Updated: 2025-10-18
Chapter: CHAPTER XLII (Lectures)
Nakatanaw lang si Toni sa papalayong pigura ni GB. Ang totoo ay nasaktan siya sa nakita niya kanina pero wala naman siyang karapatan na mag-emote kaya sinarili na lamang niya ang lahat ng sakit na nararamdaman. Wala rin namang kwenta kahit na maglupasay siya at mag-iiyak. Mabagal siyang naglakad, pakiramdam niya ay mabigat ang kanyang mga paa. Pumasok siya sa comfort room dahil naramdaman niyang naiihi siya. Pagkatapos ay bumalik sa opisina para ipagpatuloy ang kanyang trabaho.Nang nag-usisa ang ilan niyang kasamahan ay sinabi na niya ang totoo na nakatulog siya sa bench. “Magpapa-late na lang ako ng out mamaya,” sabi niya kay Ellen.Iyon kasi ang unang beses na nagkaroon siya ng problema sa trabaho. Hindi niya alam kung paano iyon i-handle.“Ikaw ang bahala. Ano ba ang sabi ni Sir Escalante?” tanong nito. “Pinagalitan niya lang ako nang kaunti.”“Maswerte ka dahil hindi siya masyadong istrikto ngayon. In love kasi sa doktora. Alam mo ba kanina na nakita namin siyang dinala niya
Last Updated: 2025-10-18
Chapter: CHAPTER XLI (Rehearsed)
NANLAKI ang mga mata ni GB nang may nakita siyang tao na natutulog sa bench. He looked closer. Si Toni iyon! Nagmamadali siyang naglakad para lapitan ito. Nakita niya ang libro nito na nakataob sa lupa. Pinulot niya iyon saka pinagpag para matanggal ang dumi. Isa iyon sa sa negative trait nito. Hindi ito marunong mag-alaga sa mga libro nito. Kung saan-saan iyon nakalagay, minsan face down pa iyong nakalatag sa kama.“Toni…” Niyugyog niya nang marahan ang balikat nito para magising ito.Kaya pala wala ito sa cubicle nito dahil natutulog pala ito sa oras ng trabaho!Unti-unti itong gumalaw at dahan-dahang idinilat ang mga mata. Tila hindi rin ito nagulat nang makita siya. “Bakit dito ka natutulog?” tanong niya rito.“Anong oras na ba? Ala-una na ba?” tanong din nito sa kanya.“Malapit nang mag-alas tres. Magmimiryenda na ang mga kasama mo sa trabaho.”Noon ito nag-panic. Ibinaba nito ang paa sa lupa saka hinanap ang pares ng sandals nito. Napansin niyang tila mabagal ito kung kumilo
Last Updated: 2025-10-17
Chapter: CHAPTER XL (Half day?)
Nakahinga nang maluwag si GB nang magpaalam na ang kanyang ina na aalis na ito. Maliban sa balita tungkol sa kanyang lola ay may mga dala pa itong pagkain para kay Toni. Iniwan niya iyon sa loob ng kanyang opisina at mabilis niyang binalikan si Shaira sa kanyang quarter.Nag-usisa pa ito kung ano ang nangyari pero nag-alibi na lamang siya na family matters ang naging usapan nila ng kanyang ina. But the truth is his mother wanted to visit the house ha purchased for Toni. Ang problema ay may kasunduan sila ni Toni na hindi puwedeng bumisita sa bahay nito ang kanyang pamilya. “Ihinain ko na ang lunch natin. Halika na,” yaya sa kanya ni Shaira. Hindi maintindihan ni GB ang kanyang sarili dahil wala siyang ganang kumain kahit na hindi pa siya nakakain ng tanghalian. It felt like he was puzzled by his own feelings. He knew he loved Shaira, but the lack of appetite for spending time with her left him confused. He couldn't pinpoint why he was not feeling that spark, that love, that attr
Last Updated: 2025-10-16
RAW AND OLDER

RAW AND OLDER

Synopsis: “You don’t have to change yourself in order to be my ideal woman. `Coz you are that woman.” -Captain Lark Adriel Calumpang Kahit na duda kung totoong siya ang ama ng ipinagbubuntis ay napilitan si Captain Lark Adriel Calumpang na pakasalan si Maricel Paligumba dahil namimilegro ang kanyang military career. Sa kanyang edad ay wala pang balak na mag-asawa si Maricel Paligumba. Lalo na sa isang sundalo na thirty five years old na! Pero dahil buntis siya, pinilit niya itong panagutan siya. Pumayag naman ang sundalo pero nagpapirma ito ng kasunduan sa kanya at iniwan siya nitong mag-isa sa honeymoon nila. Walang manners na matanda! Sa galit ay walang salita niya itong nilayasan. For sure hindi siya nito hahanapin dahil naniniwala ito na hindi ito ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.
Read
Chapter: Chapter 19 (Gentleman)
“MAY TRIP ang daddy mo sa Korea sa susunod na araw. On leave ka naman, `di ba? Sumama ka sa amin para ma-relax ka naman,” sabi ng mommy ni LA habang kumakain sila ng hapunan. Kompleto sila sa dinner na iyon. Kararating lang ng Kuya Jargon niya at naka-corporate attire pa ito. Naroon din ang asawa nito at ang dalawa niyang pamangkin. “Hindi ako puwedeng lumabas ng bansa, Mi. Isa pa, may aasikasuhin akong importante,” sabi ni LA. “Akala ko ba naka-leave ka? Bakit may aasikasuhin ka pa?” usisa ng mommy niya. “Ah, eh…” Hindi malaman ni LA kung ano ang sasabihin. “Maikli lang po ang leave ko. At saka alam n’yo naman ang rules sa trabaho ko. Hindi na kayo nasanay kay Daddy dati. Baka ipatawag ako bigla, mahirap naman na nandoon ako sa ibang bansa,” rason niya. “Kalokohan! Ka-close ng daddy mo ang batcom ninyo. Siguradong papayagan ka no’n na umalis ng bansa.” “Mommy naman, eh.” “Hindi naman kasamaan ang makiusap sa superior mo,” pag-insist ng mommy niya. “Hindi nga ho
Last Updated: 2026-09-05
Chapter: Chapter 17 (Quarrel)
Tumawa si Lark. “Ano, ayos ka lang?” tanong nito sa kanya. Tumango siya at bahagyang lumayo sa lalaki. “It’s been quite warm today,” komento nito. “I didn’t go outside that much,” tugon niya rito. “Tapos may nagpakita pang ahas.” Mace stiffened. Lumapit siya sa lalaki at napakapit sa braso nito. Pakiramdam niya ay naubos na ang lakas niya. She’s starting to like this soldier less and less. Tatanungin siya nito kung okay lang siya tapos ay tatakutin siya ulit. “Excuse me!” Biglang may dumaan na isang babae sa gilid nila. May hila-hila itong lumang shopping cart na puno ng maruruming damit. Punit-punit ang suot na damit ng babae, magulo ang dry na buhok nito at magkaiba ang pares ng suot nitong tsinelas. Awtomatikong binigyan ito ni Mace ng space para maka-deretso na ito. Pero tumigil sa paghila sa cart nito ang babae. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Oh, bumili ka ng pagkain mo.” May inabot si Lark na pera sa babae. Buong isang daan. “Nice shoes,” s
Last Updated: 2026-09-05
Chapter: Chapter 16 (Snake)
Nalukot ang noo ni Mace habang nakatingin kay Lark. “Bigla mo na lang akong iniwan doon. Ganyan ka ba talaga?” tanong nito. “Sinabi ko na kanina na uuwi ako,” may diin na sabi ni Mace. “Hindi por que hindi ako nag-bye ay hindi ko gagawin.” “Pero nakikipag-usap ka pa rin sa akin ngayon. Ibig sabihin, ayaw mo pang umuwi.” “Excuse me! Ikaw `tong sumunod dito at nakipag-usap sa akin!” she bit out. Nasis-stress na siya sa lalaki. Kinuha niya ang kanyang cell phone sa bag. Mag-Grab na lang siya. Then she heard Lark’s gasp.Tiningnan niya ito. “If you followed me just to mock and make fun of me, stop it right now.” “May sasabihin lang ako sa `yo,” sabi ni Lark. “I’m not interested,” aniya na sa cell phone na ulit ang tingin. “Ayaw kong may makausap na kahit sino sa oras na `to.” “You should listen to me.” Clenching her hands, she forced herself to look at Lark’s dark gaze. “Ano na naman ang sasabihin mo?” “Alam kong ayaw mong may makausap na iba ngayon, but we
Last Updated: 2026-09-05
Chapter: Chapter 18 (The cat's out the bag)
“BAKIT AKO, SIR?” “Bakit hindi? Atat na atat kang makapag-asawa na ako. `Ayan, ikaw ang mag-background check para sa akin,” sabi ni LA kay Leon nang tawagan niya ito. RNR ni Leon kaya libre ito. Wala si Thirdy dahil nag-passes ito. Nasa Tagaytay daw ito at ang pamilya nito. Si Tikboy naman ay abala sa ginagawa nito sa loob ng kampo. Si Leon lang ang libre kaya nag-take advantage na siya. Inutusan niya ito na i-background check si Maricel. Mag-alas singko y media na ng hapon at naroon siya sa bahay nila dahil ayaw naman magpahatid ni Maricel sa bahay ng mga ito. Binibiro lang niya naman ito sakaling mabawasan ang pagkamaldita nito. Women love his antics. Pero hindi yata babae si Maricel. Mas lalo lang kasi itong na-high blood sa kanya. “Baka may lahi siyang rebelde, gusto mo bang mahaluan tayo ng gano’n?” dagdag niya. “Siyempre ayaw ko, sir,” tugon nito. “Good. Get involved with her,” aniya. Dati namang nasa intelligence si Leon kaya alam niyang sisiw lang dito ang ipinapakiusap
Last Updated: 2026-09-05
Chapter: Chapter 15 (Goodbye)
SA EDAD na twenty seven ay hindi pa pumasok sa isip ni Mace ang mag-asawa. Mas excited pa siyang magsulat kaysa magkaroon ng karelasyon. Ang sabi ni Poppey at Kensi sa kanya, “Your novels can’t love you back.”. Pero sa isip ni Mace, iyon ang uri ng one-sided love na hindi siya masasaktan. Wala ring obligasyon sa pamilya o priority si Mace. May savings din naman siya at kung gugustuhin niyang magtrabaho ay puwede siyang maging cashier sa store nila. Hindi siya namomroblema financially. Wala rin naman siyang bad experiences sa pag-ibig. Pero siguro nga ay hindi pera at experience ang problema niya. Baka siya mismo. Ang mata niya. Ang puso niya. Pero kailan nga ba naging problema ang walang karelasyon? Masaya naman siya kahit wala siyang boyfriend. Wala siyang nakikitang guwapo na lalaki na nakakuha ng atensiyon niya. Ang guwapo lang para sa kanya ay ang mga hero na bida sa mga sinusulat niya. Kaya nga naghiwalay sila ng ex-boyfriend niyang si Trevor dahil sobrang lamig daw ng
Last Updated: 2025-12-12
Chapter: Chapter 14 (Getting to know each other)
Natawa si Iza. “Grabe ka naman maka-barangay. Pero since siya naman ang ama ng anak mo, hayaan mo na siyang panagutan ka niya. Pero siyempre kapag kasal na kayo, `wag kang papaapi.” Sumimangot si Mace. “`Wag na nga lang nating pag-usapan. Brainstorming ang meeting nating ito. Bakit naging marites-ing na `to?” sabi niya. Hinarap ni Iza ang laptop nito. “Ang sarap kasing pag-usapan ang love life ng iba.” “Life lang, walang love.” Umingos si Mace. Life din siguro na makasalanan. Isang malaking pagkakamali ang nangyari. Sinuway niya ang bilin ng mommy niya na huwag ibigay ang sarili sa isang lalaki unless kinasal na siya. Sinuway niya rin ang Ten Commandments. Bawal magnasa sa hindi mo asawa. At hindi sila mag-asawa ng ibon na iyon! Hindi niya rin alam bakit sa dinami-dami ng pangalan sa mundo, isinunod pa ng parents nito sa isang ibon ang pangalan ng lalaki. --- “MARICEL talaga ang pangalan mo at hindi Matilda?” tanong ni LA kay Maricel nang makipagkita siya rito. Na
Last Updated: 2025-12-12
You May Also Like
The Evenfall
The Evenfall
Romance · QueenVie
33.8K views
Ms. Angas at Mr. Arogante
Ms. Angas at Mr. Arogante
Romance · MysterRyght
33.7K views
The Billionaires Son
The Billionaires Son
Romance · Roxxy Nakpil
33.6K views
Hot Night With CEO
Hot Night With CEO
Romance · Huan_Li18
33.6K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status