Home / Romance / CRAVE (FILIPINO VERSION) / CHAPTER 23 "CONFESSION KISS IN THE RAIN"

Share

CHAPTER 23 "CONFESSION KISS IN THE RAIN"

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2021-04-12 21:57:51

ILANG beses naring nagplano si Jason na tawagan o kahit i-text man lang si Jenny pero sa huli ay nawawalan parin siya ng lakas ng loob ituloy iyon. Alam naman kasi niyang kasalanan niya, aminado siya doon pero hindi niya maiwasan ang hindi mapikon lalo at parang ipinakikita sa kaniya ng dalaga na hindi ito apektado sa galit niya.

Naka-duty siya noon sa baggage counter at sandali nalang ay magsisimula na ang last period nila kasama si Daniel. Kapag ganoong oras ay wala nang masyadong pumapasok sa library. Ang iba kasi sa mga estudyante ay nakauwi na at ang iba naman ay nasa kani-kanilang mga klase.

Noon tumunog ang cellphone niya. Si Cathy iyon, ang babaeng kasalukuyan niyang idine-date. Tinatanong nito kung pwede ba niya itong isabay sa pag-uwi. Noon siya napailing. 

One week pa lang sila ni Cathy pero bakit ganito na ang nararamdaman niya? Parang sawa na siya agad? Dahil ang totoo mas gusto niyang ihatid si Jenny mamaya. Alam naman kasi niya na kapag nagpatuloy ang pagiging malapit nito sa lalaking iyon ay hindi malayong magkagusto si Leo sa dalaga at ang lahat ay tiyak na mauuwi sa ligawan.

"Ikaw talagang babae ka," bulong niyang inis na inis saka nagbuntong hininga. 

"Grabe ang lalim naman nun!"

Dahil nga abala ang isip niya ay hindi napuna ang paglapit ni Daniel.

"Pare naman, bakit ka ba nanggugulat?" aniya.

Tumawa si Daniel. "Alam mo kasi masyado kang problemado eh ang totoo pride mo lang naman ang kalaban mo."

"Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko eh. Hindi ko alam kung natatakot ba ako sa kaniya dahil ngayon lang niya ako natiis ng ganito o baka nga pride lang," aniyang sa tonong naguguluhan.

"Ganito lang naman iyan kasimple, itanong mo nga sa sarili mo, kung sakali ba kaya mo na mapunta siya sa iba? I mean, kaya mo bang ipagkatiwala siya sa ibang lalaki?" simula ni Daniel. "Alam mo pare tama si Ara, maswerte ang Leo na iyon kapag naging sila ni Jenny. Ikaw ba, hahayaan mo ba siyang mawala sa'yo nang tuluyan nang dahil lang sa natatakot ka o kaya eh sa pride mo?"

"Ngayon nga lang pikon na pikon na ako eh," aniya.

"Hindi ka lang pikon na pikon, selos na selos ka rin. Aminin mo na kasi, in love ka sa kanya at iyon ang totoong dahilan kaya ka nagkakaganyan. Huwag mong pilitin na ibaling sa iba ang hindi naman pwede, maging fair ka sa mga babae, kailangan mong mamili, si Jenny ba na mahal mo at kinatatakutan mong mawala sa'yo at nagagawang inisin at ligaligin ang puso mo, o iyong ka-date mo ngayon na pareho nating alam na wala ka naman talagang nararamdaman?" ang mahaba pero mahinahon na kausap sa kaniya ni Daniel.

Agad na nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Jason sa sinabing iyon ng kaibigan niya. Tama naman ito. At ngayon parang gusto na nga niyang maniwala na talagang in love na siya kay Jenny. 

"Sa tingin mo ba in love ako sa kanya?" 

Sa tanong na iyon ay tuluyan nang natawa sa kaniya ang kaibigan niya. Bakit nga ba masyado siyang bulag sa mga bagay na kung tutuusin ay napakaswerte niya? Ngayon tuloy ay parang gusto niyang makaramdam ng guilt dahil sa ginawa niyang pag-iwas kay Daniel at kay Ara, mula nang ipagtapat ng mga ito sa kanila ang tungkol sa estado ng relasyon ng mga ito.

Dahil doon ay naging malapit siya kay Paul, ang isa pa niyang kaklase na kung tutuusin katulad ni Daniel ay may kaya rin sa buhay.

Pero aminin man niya o hindi alam niya sa sarili niyang wala paring katulad si Daniel. 

Ito parin ang best friend niya at alam niyang hindi ito makakayang palitan o pantayan ng kahit na sino.

"Prangkahan na ito ah, hindi ka lang in love pre, patay na patay ka sa kanya. Iyan ang totoo," anitong tinapik pa siya sa balikat pagkatapos. 

Nang manatili siyang tahimik ay noon muling nagsalita si Daniel.

"Kumilos ka na, dahil kapag si Jenny ang nawala sa iyo, maniwala ka sa akin pare, iyan ang babaeng talagang panghihinayangan mo habang buhay," anito bago siya tuluyang iniwan.

*****

GABI nang bumuhos ang malakas na ulan. Habang nakatanaw sa labas ng bintana si Jenny ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pag-aalala para kay Jason na alam niyang pauwi pa lang nang mga sandaling iyon.

Sa pagkakaisip sa binata ay agad na nakaramdam ang dalaga ng masidhing pagguhit ng kirot sa kaniyang dibdib. Pagkatapos noon ay kumilos na siya para matulog nang marinig niya ang magkakasunod na katok sa kanilang gate. 

Agad na nagsalubong ang magagandang kilay ng dalaga kasabay ang magkahalong kaba at pananabik na kaniyang naramdaman nang mga sandaling iyon. Nagmamadali niyang tinungo ang pinto, may palagay siyang alam na niya kung sino ang kumakatok at hindi nga siya nagkamali. 

Nang buksan niya ang ilaw sa terrace ng bahay nila ay nakita niya si Jason na nakatayo roon at basang-basa ng tubig ulan.

Nagmamadali siyang kumilos para kumuha ng payong. Pagkatapos ay lumabas siya para patuluyin ito. 

"Bakit ka ba nagpabasa ng ulan? Baka magka---,"

Hindi na niya natapos ang iba pa niyang gustong sabihin sa binata nang bigla nitong hinawakan ng mahigpit ang batok niya saka siya kinabig at mariin na siniil ng halik sa kaniyang mga labi.

Nagulat, nawala sa sarili o parang natuka ng ahas?

Hindi alam ni Jenny kung alin ang mas tamang salita na pwedeng gamitin upang maipaliwanag niya kung ano ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Dahil ang totoo sa pagkabigla ay bigla nalang nanghina ang kamay niya kaya sa huli ay nabitiwan narin niya ang hawak niyang payong.

"I love you, Jen at gusto ko lang sabihin sa'yo nagseselos ako kaya hindi ko gustong nilalapitan ka ng kahit na sinong lalaki. Kasi gusto ko akin ka lang, iyon ang totoo, sabihin mo sa akin, mahal mo rin ba ako, ha?" nang pakawalan nito ang kaniyang mga labi ay nanatiling tulala parin ang dalaga habang nakatingala siyang pinanonood si Jason habang nagsasalita.

"A-Anong sinabi mo?" nang makabawi sa pagkabigla iyon ang nauutal niyang tanong.

Noon ngumiti si Jason saka siya muling niyuko at saka hinalikan sa kaniyang mga labi sa ikalawang pagkakataon. 

"Mahal mo rin ako, hindi ba?" sa tono ng pananalita ni Jason ay mukhang hindi na ito makapaghintay na marinig ang sagot niya sa tanong nito.

Pero nanatiling parang wala sa sarili niya si Jenny. Hindi niya alam kung dahil iyon sa masarap na halik ni Jason na hindi niya inasahan, o dahil sa napaka-romantic na paraan na ginawa nitong pag-amin sa kaniya? O dahil sa nangyari ang first kiss niya nang nauna pa sa confession at sa ilalim pa ng bumubuhos na ulan?

Sa tingin niya all of the above ang sagot!

"Sinabi sa'yo ni Ara iyan ano?" ang sa halip ay nasambit niya.

Noong maluwang ang pagkakangiting mabilis pa sa alas kuwatrong niyakap siya ng mahigpit ni Jason. Pagkatapos noon ay pinakawalan siya at saka ikinulong ng dalawang kamay nito ang kaniyang mukha.

"I love you, Jen. Sobrang mahal na mahal kita. O baka mas tama iyong sinasabi ni Daniel na patay na patay ako sa'yo?" anitong idinikit ang sarili nitong noo sa kaniya.

Parang noon lang biglang nag-sink in kay Jenny ang lahat. Kaya mabilis na mabilis na nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata at sa huli ay tuluyan na nga siyang napaiyak. 

"M-Mahal mo din ako? Ang akala ko may girlfriend ka?" aniya sa pagitan ng pag-iyak.

Umiling si Jason. 

"Meron nga, ikaw, ikaw ang girlfriend ko," anito.

"Wala na iyong---?"

Umiling si Jason. "Wala nang iba, kasi ngayon malinaw na sa akin ang lahat, mahal kita kaya dapat ikaw ang nasa tabi ko, at ako rin ang dapat na nasa tabi mo kasi nagmamahalan tayo."

Muling nagbuka ng kaniyang bibig si Jenny para magsalita. Pero nagpigil ang lahat ng iba pa niyang gustong sabihin nang sa ikatlong pagkakataon ay muling inangkin ni Jason ang kaniyang mga labi. Pero sa pagkakataong ito ay mas maalab, mas malalim, dahilan kaya parang hindi narin niya naramdaman ang lamig ng tubig ulan na ibinubuhos sa kanila ng kalangitan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 70 “FRATERNAL TWINS”

    “CONGRATULATIONS, kambal na babae at lalake ang magiging anak ninyo,” ang masaya anunsiyon ng doktor na tumitingin kay Jenny. “Talaga Dok?” ang malakas na sambit ni Jason na halatang napakasaya nang mga sandaling iyon. “Yes, Mr. Espinosa,” anitong malapad ang pagkakangiti sa mga labing pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. “Grabe, hindi ako makapaniwala!” si Jason iyon. Mula kaninang nasa byahe sila galing ng ospital at hanggang ngayon nasa bahay na sila ay iyon parin ang paulit-ulit nitong sinasabi. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay nakangiting nakaupo sa paborito niyang rocking chair. Natatandaan niya, mga college pa lamang sila ni Jason ay gustong-gusto na niya ang tumba-tumba na iyon. Kaya siguro ganoon at ngayon doon na nga siya nakatira sa bahay na iyon na sinasabi ng kanyang asawa na bahay na nilang dalawa noon pa man ay madalas siyang doon nakaupo. “Grabe, daig mo pa ang nagbubuntis kung maka-reac

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 69 "DANCING IN THE RAIN”

    SA opisina ni Jason siya pinayuhan ng binata na maghintay rito. Nagsimula ang meeting matapos siyang pormal na ipakilala ng lalaki kay Paul na nang makaharap niya ay noon pa lamang niya naalala. Nakikita nga niya ito noo sa school pero hindi siya nagkaroon ng chance na makausap ito. Medyo natagalan ang meeting kaysa isang oras na sinabi ni Jason sa kanya. Noon niya naisipan na umidlip muna sa mahaba at magandang leather couch sa loob ng opisina ng lalaki. Sa dami ng nangyari sa nakalipas na mga araw ay masasabi niyang ngayon siya literal na nakaramdam ng pagod kaya naman madali siyang tinangay ng mahimbing na pagtulog. ***** MALAPAD na napangiti si Jason nang mapasukan sa loob ng opisina si Jenny at makitang himbing na himbing ito sa mahabang leather couch. Noon maiingat ang mga hakbang niyang nilapitan ang dalaga saka naupo sa center table na yari sa kahoy. Kung hindi pa niya gagawin ngayon,

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 68 “OBVIOUS CHEMISTRY & JEALOUSY”

    “I’M so sorry, Miriam,” simula ni Jenny nang magkaharap na sila ng legal na asawa ni Ryan. “Wala kang kasalanan. Kahit ayokong aminin sa sarili ko, alam ko sa lahat ng nangyari si Ryan ang responsible. Pero hindi ko pwedeng isisi sa kanya ang lahat, siguro may pagkukulang din ako,” iyon ang isinagot nito sa kanya habang pareho nilang inaabot ng tanaw ang walang malay na si Ryan mula sa salamin glasswall ng ICU. Nagbuntong hininga doon si Jenny saka muling nagbuka ng bibig para magsalita. “Pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Alam ko kahit hindi ko ginusto kasama ako sa mga naging dahilan kung bakit nasira ng tuluyan ang pamilya ninyo,” sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Jenny ang mapaiyak. “H-Hindi ko sinasadya, I’m so sorry,” aniyang tuluyan na ngang napahikbi. Nang mga sandaling iyon ay nasa hindi kalayuan si Jason. Sa lobby rin na iyon at nakaupo. Hindi alam ni Jenny kung nakikita siya ng binata pero sana ay hindi.

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 67 “MORNING DEW 6”

    “ARE you okay?” tanong ni Jason sa kanya nang manatili siyang nakaupo lang sa ibabaw nito. Sa puntong iyon ay nahati si Jenny sa kagustuhan niyang sagutin ang tanong na iyon ni Jason o mas bigyan ng pansin ang masarap na pakiramdam na inihahatid sa kanya ng posisyon niya ngayon. Pero may palagay siya na nahuhulaan ng binata kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. At iyon rin ang nakikita niyang dahilan ng paggalaw nito. “Oh!” ang nasambit niya na sinundan ng isang nasasarapang singhap. “Huwag kang magulo Jason!” aniya saka pinigil ang muling mapa-ungol pero nabigo siya. Malapad ang ngiting nakita niyang pumunit sa mga labi ng binata. “Hindi naman ako magulo ah, ang tagal mo kasi. Nabibitin ako,” sa huli nitong sinabi ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga. Napalunok ng magkakasunod si Jenny pagkatapos niyon. “A-Ang haba kasi ng ano mo, hindi ko alam kung paano ako mag-

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 66 “SUSPICIONS”

    “TAMANG-TAMA ang dating ninyo, ready na ang pananghalian,” si Rowena nang araw ring iyon bago magpananghali at maihatid siya ni Jason sa kanila.Mabilis na binalot ng pagtataka ang isipan ng dalaga nang makita niyang matamis pang nginitian ng nanay niya si Jason at ganoon rin ang binata rito.“Tulungan na kita, Tita Weng,” prisinta pa ni Jason.“Sige anak, halika na sa kusina,” ang nanay niya kay Jason. “At ikaw naman Jenny, magbihis ka na,” anito pa sa kanya.Tumango lang si Jenny sa sinabing iyon ng nanay niya saka na siya nagtuloy sa kanyang kwarto para mabihis.*****“MAHAL na mahal ko po si Jenny, Tita Weng. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya para sa akin,” si Jason na nagpakawala pa ng isang mabigat na buntong hininga matapos sabihin kay Rowena ang totoo.Kahapon, katulad

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 65 “MORNING DEW 5”

    “OH! Jason!” iyon ang unang nasambit ni Jenny nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya habang patuloy ito sa ginagawa nitong pananalasa sa pagkababae niya. “Oh sweetheart, hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing napapasigaw kita,” anitong tinitigan siya ng tuwid sa kanyang mga mata. Napangiti si Jenny sa sinabing iyon ni Jason. Alam naman niya iyon. At alam rin niya na gusto ni Jason ang nag-iingay siya kasi ganoon rin naman ang nararamdaman niya kapag ganoon ang nagiging reaksyon nito sa mga pagsisikap niyang mapaligaya rin ito. Nakangiti rin siyang muling niyuko ng binata saka hinalikan. Habang siya naman ay ikinawit ang isang kamay sa leeg nito saka sinubukang salubungin ang bawat pananalasa nito sa kanya sa sariling paraan na alam niya. “Oh, Jenny, matalino ka talaga,” ang compliment sa kanya ni Jason nang maramdaman nito ang ginawa niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status