"TUMAHAN ka na, bahala ka mahahalata ka niyang umiyak kapag nakita niyang namamaga ang mga mata mo mamaya," si Ara iyon habang pandalaas ang hagod sa likuran niya.
Nakabalik na sila sa kanilang classroom, nag-alisan nga lang ang mga kaklase nila dahil hindi sa absent ang teacher nila para sana sa subject nilang iyon.
"Napakasalbahe niya, biruin mo ang saya-saya niyang makipaglandian sa mga babae niya tapos ako iniiwan lang niya ng ganoon nalang? Hayop talaga siya, hindi ko siya papansinin, manigas siyang lintik siya!" si Jenny sa galit nitong tono saka pinilit na kontrolin ang patuloy na pag-agos ng kaniyang mga luha.
"Gusto mo bang kausapin ko na siya? Alam mo kasi ayokong nakikita kang nagkakaganyan, nasasaktan ako."
Naramdaman niya sa tono ng pananalita ni Ara ang sinseridad sa sinabi nito. Dahilan kaya hindi na nga niya napigilan ang sarili niyang tuluyang mapangiti. Pagkatapos noon ay tuluyan na niyang tinuyo ang kaniyang mga luha saka suminghot.
"Di hamak naman na mas maganda ka sa dine-date niya ngayon, hindi ba nga kung pumayag ka lang dapat ikaw ang pambato ng college department natin nung nakaraang Search for Mr. and Miss University?" nasa tono ng pananalita ni Ara ang labis na pagmamalaki para sa kaniya kaya lalong lumakas ang loob niya at sa huli ay naging okay narin ang pakiramdam niya.
"Dahil iyon sa kaniya, hindi niya ako pinayagan," pagtatapat niya kay Ara.
Nanlaki ang magaganda at asul na mata ni Ara sa kaniyang inamin. "Ano? Totoo ba iyang sinasabi mo?" anitong halatang hindi makapaniwala sa kaniyang rebelasyon.
Tumango siya. "Oo, masyado kasing protective si Jason. Sabi ko naman sa'yo hindi ba? Ayaw niyang nakikipag-usap ako kung kani-kanino lalo na kay Leo. Tapos iyon sa pageant naman, pinayagan ako ni Mama doon, excited nga siya eh, kaya lang ang sabi ni Jason baka daw mapaaway lang siya kapag sumali ako doon," pagbibigay alam pa niya sa kaibigan.
"Mapapaaway? Bakit naman siya mapapaaway?" nagsasalubong ang mga kilay na tanong ni Ara sa kaniya.
Nagbuntong hininga muna si Jenny bago ito nagbuka ng bibig para magsalita. "Kasi daw kapag ganoon magsusuot daw ako ng swim suit or two-piece, ayaw daw niyang mabilad ang katawan ko sa harapan ng maraming lalaki, baka daw iyon pa ang maging mitsa para bastusin ako ng iba," salaysay niya.
Parang walang anuman na napalabi si Ara sa narinig. "Talaga? Alam mo nagdududa na talaga ako sa lalaking iyan ah. Feeling ko talaga may something eh, bakit naman pati iyon iniiisip niya? Baka kamo ang sabihin niya, natatakot siya na bigla kang pilahan ng maraming gwapong manliligaw, at lalo siyang mamamatay sa selos," bulong ni Ara saka humagikhik.
Umikot ang mga mata ni Jenny sa narinig. "Bahala siya, basta hindi ko talaga siya kakausapin. Para naman matikman niya kung paano ako magalit. Hindi rin talaga maganda ang sobrang mabait, aabusuhin ka," aniyang mapait na ngumiti pagkatapos.
Noon siya nakakaunawang niyakap ni Ara. "Gusto mo bang sumama sa library? Tutal wala narin naman tayong klase after dito?" tanong sa kaniya ng kaibigan niya.
Magkakasunod siyang umiling. "Magkikita kasi kami ni Leo sa canteen. Nag-promise ako sa kaniya kanina na sabay kaming kakain ng meryenda. At isa pa, masama pa talaga ang loob ko kay Jason, ayoko muna siyang makita sa ngayon," pagtatapat niya sa huling sinabi.
Nakakaunawa namang tumango muna si Ara bago nagbuka ng bibig para magsalita. "Ganoon ba? O di halika na?" yakag nito sa kaniya saka tumayo.
Tumayo narin siya pagkatapos. Pababa na sila ng hagdan nang makasalubong niya si Leo na agad silang binati ni Ara.
"Oh, susunduin sana kita sa classroom eh," anito sa kanya saka nginitian si Ara.
"Wala nang tao doon eh, kaya naisip kong i-meet ka nalang sa canteen," sagot niya.
Noon nagkamot ng ulo nito si Leo. "Wala kasi akong cellphone number mo, ibigay mo sakin para mas madali ang communication nating dalawa. Okay lang ba? Hindi ba magagalit iyong kuya, I mean, kaibigan mo?" pagtutuwid pa nito sa huling sinabi.
Noong magkapanabay na natawa sina Jenny at Ara. Pagkatapos ay nagtatanong ang mga mata niyang nilingon si Ara na tinanguan lang siya.
"Ibigay mo na," anitong kumindat sa kaniya. "Mauuna na ako, sumunod nalang kayo doon kung gusto ninyo," pahabol pa nitong bilin.
*****
"TALAGANG nanadya ang babaeng ito eh," inis na bulong ni Jason habang tinatanaw ang bulto ni Jenny na naglalakad sa quadrangle patungo sa canteen kasama si Leo.
Noon niya narinig ang isang mabining tawa mula sa kaniyang likuran. "Guess what?" si Ara iyon na naglalambing pang yumakap kay Daniel na hinalikan naman ang dalaga sa noo.
Nagtataka siya sa sarili niya kung papaanong nangyaring bigla nalang naglaho na parang bula ang noon ay nararamdaman niyang panibugho na lihim niyang kinimkim sa dibdib niya dahil naging mas close si Ara kay Daniel.
Totoo iyon, talaga naman in love siya noon kay Ara. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Jenny. Parang nahati ang nararamdaman niya.
Hanggang ngayon naman ay may feelings parin siya para kay Ara pero hindi na iyon katulad ng dati. At kahit hindi tama, hindi rin niya maiwasan ang magkumpara, dahil ang totoo walang sinabi ang selos na naramdaman niya noon dahil sa pagiging malapit ni Ara kay Daniel, kumpara sa nangyayari ngayon sa kaniya kay Jenny.
Siguro ganoon talaga kapag tanggap mo na ang lahat. Tinanggap na kasi niya na si Ara ay para kay Daniel at wala siyang plano ipaglaban ang nararamdaman niya para rito. Iyon ay kung may feelings pa nga siya para rito.
Iniisip kasi niya na baka ang love niya ngayon para kay Ara ay bilang kaibigan nalang? At baka tama si Daniel, baka nga nagseselos siya kaya kailangan na niyang kumilos. Baka mahal na niya si Jenny kaya nagkakaganito siya.
"Ano ba iyon?" tanong niya sa matalik na kaibigan.
"Hiningi ni Leo kanina ang cellphone number ni Jenny, tinanong pa nga ako ni Jenny kung ibibigay niya eh," pagkukwento ni Ara saka tinanaw narin ang tanawin ng dalawang taong naglalakad na kanina pa niya sinusundan ng tingin hanggang makapasok ang mga ito sa loob ng canteen at tuluyang naglaho.
"Anong sinabi mo?" hindi niya mapigilan ang hindi makaramdam ng kakatwang emosyon na hindi niya maipaliwanag habang hinihintay niya ang sagot mula kay Ara.
"Ang sabi ko ibigay na niya, tutal friends narin naman sila. At saka ano nga pala iyong nabanggit niya sa akin na ikaw ang pumigil sa kaniyang sumili sa Mr. and Miss University?" sa pagkakataong iyon ay biglang nagbago ang tono ng pananalita ni Ara.
"Ah, so nag-usap kayo? Talaga palang gusto niyang sumali doon? Gusto niyang pagpiyestahan siya nang maraming mata habang naka-two-piece siya? Tapos ngayon sumama na naman siya sa Leo na iyon. Matigas talaga ang ulo niyang best friend mo, nakakapikon na siya."
Talagang pikon na pikon siya. At naiinis rin siya na parang hindi ito apektado kahit nagalit na siya dito kanina.
Sukat sa sinabi niyang iyon ay makapanabay na natawa sina Daniel at Ara.
"Grabe ka Jason, ramdam namin ang selos mo!" buska sa kaniya ni Ara.
"Ligawan mo na kasi," susog naman ni Daniel.
"Ligawan eh may girlfriend nga ako," sagot niya.
"Sus, di hamak naman na mas maganda si Jenny doon sa babaeng iyon. Kung hindi mo lang pinigilan ang best friend ko, panigurado sa amin ang korona. Aba napakaganda ni Jenny, sexy at talaga namang matalino. Biruin mo full-scholar? Saan ka pa makakakita ng ganiyan? Kapag nagkataon at naunahan ka ni Leo, maswerte siya sa best friend ko, di ba, Love,?"
"Oo naman, mabait si Jenny at bagay kayo. Sana lang gumawa ka ng paraan hindi puro selos ang pinapairal mo," ani Daniel.
Hindi kumibo si Jason hindi dahil wala siyang masabi kundi dahil alam niyang totoo ang sinasabi ng dalawa. At kung hindi siya kikilos tiyak na mauunahan siya. Pero paano? Ano ang gagawin niya gayong alam niyang galit sa kaniya si Jenny?
Paano niya nasabing galit ito?
Hindi gagawa si Jenny ng isang bagay na ikagagalit niya o labag sa mga sinasabi at advice niya rito kung hindi masama ang loob nito sa kaniya.
“CONGRATULATIONS, kambal na babae at lalake ang magiging anak ninyo,” ang masaya anunsiyon ng doktor na tumitingin kay Jenny. “Talaga Dok?” ang malakas na sambit ni Jason na halatang napakasaya nang mga sandaling iyon. “Yes, Mr. Espinosa,” anitong malapad ang pagkakangiti sa mga labing pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. “Grabe, hindi ako makapaniwala!” si Jason iyon. Mula kaninang nasa byahe sila galing ng ospital at hanggang ngayon nasa bahay na sila ay iyon parin ang paulit-ulit nitong sinasabi. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay nakangiting nakaupo sa paborito niyang rocking chair. Natatandaan niya, mga college pa lamang sila ni Jason ay gustong-gusto na niya ang tumba-tumba na iyon. Kaya siguro ganoon at ngayon doon na nga siya nakatira sa bahay na iyon na sinasabi ng kanyang asawa na bahay na nilang dalawa noon pa man ay madalas siyang doon nakaupo. “Grabe, daig mo pa ang nagbubuntis kung maka-reac
SA opisina ni Jason siya pinayuhan ng binata na maghintay rito. Nagsimula ang meeting matapos siyang pormal na ipakilala ng lalaki kay Paul na nang makaharap niya ay noon pa lamang niya naalala. Nakikita nga niya ito noo sa school pero hindi siya nagkaroon ng chance na makausap ito. Medyo natagalan ang meeting kaysa isang oras na sinabi ni Jason sa kanya. Noon niya naisipan na umidlip muna sa mahaba at magandang leather couch sa loob ng opisina ng lalaki. Sa dami ng nangyari sa nakalipas na mga araw ay masasabi niyang ngayon siya literal na nakaramdam ng pagod kaya naman madali siyang tinangay ng mahimbing na pagtulog. ***** MALAPAD na napangiti si Jason nang mapasukan sa loob ng opisina si Jenny at makitang himbing na himbing ito sa mahabang leather couch. Noon maiingat ang mga hakbang niyang nilapitan ang dalaga saka naupo sa center table na yari sa kahoy. Kung hindi pa niya gagawin ngayon,
“I’M so sorry, Miriam,” simula ni Jenny nang magkaharap na sila ng legal na asawa ni Ryan. “Wala kang kasalanan. Kahit ayokong aminin sa sarili ko, alam ko sa lahat ng nangyari si Ryan ang responsible. Pero hindi ko pwedeng isisi sa kanya ang lahat, siguro may pagkukulang din ako,” iyon ang isinagot nito sa kanya habang pareho nilang inaabot ng tanaw ang walang malay na si Ryan mula sa salamin glasswall ng ICU. Nagbuntong hininga doon si Jenny saka muling nagbuka ng bibig para magsalita. “Pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Alam ko kahit hindi ko ginusto kasama ako sa mga naging dahilan kung bakit nasira ng tuluyan ang pamilya ninyo,” sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Jenny ang mapaiyak. “H-Hindi ko sinasadya, I’m so sorry,” aniyang tuluyan na ngang napahikbi. Nang mga sandaling iyon ay nasa hindi kalayuan si Jason. Sa lobby rin na iyon at nakaupo. Hindi alam ni Jenny kung nakikita siya ng binata pero sana ay hindi.
“ARE you okay?” tanong ni Jason sa kanya nang manatili siyang nakaupo lang sa ibabaw nito. Sa puntong iyon ay nahati si Jenny sa kagustuhan niyang sagutin ang tanong na iyon ni Jason o mas bigyan ng pansin ang masarap na pakiramdam na inihahatid sa kanya ng posisyon niya ngayon. Pero may palagay siya na nahuhulaan ng binata kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. At iyon rin ang nakikita niyang dahilan ng paggalaw nito. “Oh!” ang nasambit niya na sinundan ng isang nasasarapang singhap. “Huwag kang magulo Jason!” aniya saka pinigil ang muling mapa-ungol pero nabigo siya. Malapad ang ngiting nakita niyang pumunit sa mga labi ng binata. “Hindi naman ako magulo ah, ang tagal mo kasi. Nabibitin ako,” sa huli nitong sinabi ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga. Napalunok ng magkakasunod si Jenny pagkatapos niyon. “A-Ang haba kasi ng ano mo, hindi ko alam kung paano ako mag-
“TAMANG-TAMA ang dating ninyo, ready na ang pananghalian,” si Rowena nang araw ring iyon bago magpananghali at maihatid siya ni Jason sa kanila.Mabilis na binalot ng pagtataka ang isipan ng dalaga nang makita niyang matamis pang nginitian ng nanay niya si Jason at ganoon rin ang binata rito.“Tulungan na kita, Tita Weng,” prisinta pa ni Jason.“Sige anak, halika na sa kusina,” ang nanay niya kay Jason. “At ikaw naman Jenny, magbihis ka na,” anito pa sa kanya.Tumango lang si Jenny sa sinabing iyon ng nanay niya saka na siya nagtuloy sa kanyang kwarto para mabihis.*****“MAHAL na mahal ko po si Jenny, Tita Weng. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya para sa akin,” si Jason na nagpakawala pa ng isang mabigat na buntong hininga matapos sabihin kay Rowena ang totoo.Kahapon, katulad
“OH! Jason!” iyon ang unang nasambit ni Jenny nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya habang patuloy ito sa ginagawa nitong pananalasa sa pagkababae niya. “Oh sweetheart, hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing napapasigaw kita,” anitong tinitigan siya ng tuwid sa kanyang mga mata. Napangiti si Jenny sa sinabing iyon ni Jason. Alam naman niya iyon. At alam rin niya na gusto ni Jason ang nag-iingay siya kasi ganoon rin naman ang nararamdaman niya kapag ganoon ang nagiging reaksyon nito sa mga pagsisikap niyang mapaligaya rin ito. Nakangiti rin siyang muling niyuko ng binata saka hinalikan. Habang siya naman ay ikinawit ang isang kamay sa leeg nito saka sinubukang salubungin ang bawat pananalasa nito sa kanya sa sariling paraan na alam niya. “Oh, Jenny, matalino ka talaga,” ang compliment sa kanya ni Jason nang maramdaman nito ang ginawa niya.