Lahat ng Kabanata ng CRAVE (FILIPINO VERSION): Kabanata 1 - Kabanata 10
70 Kabanata
CHAPTER 1 “MISTRESS”
“SIGURADO ka na ba sa desisyon mo?” bakas sa tono ng pananalita ng ina ni Jenny na si Weng ang pag-aalala habang inaabala ng dalaga ang sarili sa pag-e-empake ng ilang personal na gamit na dadalhin niya. Tumango si Jenny saka tinitigan sandali ang kaniyang ina bago ipinagpatuloy an ginagawa. “Sandali lang ho ako doon, mga dalawang linggo, magpapalipas lang ng sama ng loob,” aniyang mapait pang ngumiti pagkatapos. Noon ginagap ng nanay niya ang kaniyang kamay saka iyon marahan na pinisil. “Wala kang kasalanan, biktima ka rin,” ang makahulugan nitong winika habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Sa ginawing iyon ng kaniyang ina ay mabilis na nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata hanggang sa tuluyan na nga siyang napaiyak. Mabilis naman siya niyakap ng nanay niya saka pagkatapos ay naramdaman na niya ang marahang paghaplos nito sa kaniyang likuran. “Magiging maayos rin ang l
Magbasa pa
CHAPTER 2 “CITY OF PINES”
AFTER lunch nang marating ni Jenny ang Baguio City.  Isang magandang cabin ang nirentahan niya para sa plano niyang dalawang linggo na pananatili roon. Pero katulad narin ng sinabi ng nanay niyang si Rowena, walang problema kung gusto niyang I-extend iyon. Doon ay simpleng ngiti ang pumunit sa mga labi ni Jenny. “Salamat po,” ang dalaga sa may edad ng babae na nag-abot sa kaniya ng susi ng cabin. “Kung may kailangan ka puntahan mo lang ako doon sa bahay ko,” anito sabay itinuro ang isang bahay na hindi malayo sa kinaroroonan ng cabin na nirentahan niya.  Tumango ang ginang habang mataman na nakatitig sa kaniyang mukha kaya lalong lumuwang ang pagkakangiti ni Jenny. “Sige po,” iyon ang muli ay tipid niyang sagot. “Pasensya ka na anak, napakaganda mo kasi kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan ka. Pero alam mo, parang pamilyar ang mukha mo, hi
Magbasa pa
CHAPTER 3 "PICTURE INSIDE HIS WALLET"
MASARAP ang Beef with Brocolli na free meal para sa kanya. Ayon kay Aling Malou ay si Mama Loida raw ang personal na nagluto ng hapunan para sa gabing iyon. Darating raw kasi ang anak nitong lalaki kaya ganoon.  Katulad kanina ay nanatiling tipid ang mga sagot ni Jenny kay Aling Malou. Although mabait naman ito talaga, ganoon lang talaga siya, may pagkamahiyain at tahimik. Naalala nga niya, noon college siya madalas siyang tuksuhin ng nag-iisang kaklase at naging kaibigan niya sa private university kung saan siya nag-aral ng unang taon sa kolehiyo. Si Ara.  Sa pagkakaisip rito ay agad na nakaramdam ng matinding pangungulila sa kaniyang dibdib si Jenny.   First year lang silang naging magkaklase ni Ara kasi nagtransfer na siya sa isang state university sa ikalawang taon niya. Hindi na kasi kinaya ng budget nila na tustusan ang pag-aaral niya para sa unibersidad na iyon dahil nawala ang scholarship niya, dahil sa isang malak
Magbasa pa
CHAPTER 4 “MORNING WALK”
NANG gabing iyon ay hindi naging madali para kay Jason ang matulog. Hindi parin kasi mawala sa isipan niya ang sinabi kanina sa kaniya ng nanay niya. Na si Jenny na dati niyang nobya noong nasa kolehiyo pa siya ang babaeng sinasabi nitong mabait at magandang guest na gustong-gusto nito.  Mula sa pagkakahiga sa kaniyang kama ay bumangon si Jason. Pagkatapos ay binuksan ang bintana ng kaniyang kwarto at nilanghap ang sariwang simoy ng hangin.  Sa maraming pagkakataon mula nang maging in-demand ang social media ay sinubukan naman talaga niyang hanapin si Jenny. Hindi niya maunawaan kung bakit niya ginagawa iyon noong umpisa, pero katulad nang sinabi niya nang dalawin niya si Ara sa puntod nito kamakailan lang, pakiramdam niya ay kailangan siya ni Jenny.   At ngayon na mukhang ibinigay na nga ng langit ang hinihingi niya, ano ang gagawin niya?  Sa tanong ng iyon ay walang ibang nagawa si Jason kundi ang magpakawal
Magbasa pa
CHAPTER 5 “BREAKFAST INVITE”
SA matalinong paraan ay pinili ni Jenny na pakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakayakap sa kaniya ni Jason. At hindi naman siya nahirapan na gawin iyon dahil nang maramdaman marahil ni Daniel ang pagtatangka niya ay kusa namang lumuwag ang pagkakayapos nito sa kaniya.  “Kumusta ka na?” ang agad na itinanong sa kaniya ni Jason nang magtagpo ang paningin nilang dalawa. Hinawakan nito ang kamay niya sa paraan na tila ba ayaw pa nitong bitiwan iyon.  Nahihiya ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Jenny. Pero sa kabila ng nararamdaman niyang iyon ay ang kakatwang kaba na unti-unting binubuhay ng binata sa kaniya simula pa kanina.  “I’m good,” ang tipid niyang sagot saka binawi ang kamay niyang nanatiling hawak parin nito.  Nangingislap ang mga mata ni Jason sa labis na kasiyahan.   Sa ibang pagkakataon, marahil kung walang nangyaring hindi maganda sa kaniya at kung wala ring nangyaring hindi mag
Magbasa pa
CHAPTER 6 “CATCH UP”
AGAD na natigilan si Jenny sa narinig na sinabing iyon sa kaniya ni Jason.  “Really?” hindi niya pinilit ang sarkasmo na humalo sa tono niya. Malungkot ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Jason sa pagkakataong iyon. “Galit ka parin ba sa akin?” tanong nito. “Ano sa tingin mo?” she asked back saka humigop ng kape sa hawak niyang mug. Kibit ng balikat lang ang isinagot ni Jason sa tanong niyang iyon. “So chef kana pala? Masaya ako para sa’yo,” naramdaman niya sa tono ng pananalita ng binata ang sinabi nitong iyon. Pero hindi niya alam kung bakit parang bitterness ang gusto niyang maramdaman. “Alam mo wala ako sa mood para makipaglokohan at makipagbolahan. May pinagdaraanan ako kaya naisipan kong magbakasyon,” iyon ang iritable na niyang sagot. “What? Hindi kita binobola,” ang maagap na pagtutuwid ni Jason sa m
Magbasa pa
CHAPTER 7 “YOU TWO ARE THE SAME”
“BAKIT ganyan ang reaksyon mo? Hindi mo ba mapaniwalaan ang sinasabi ko?” ang natatawa niyang tanong saka ibinalik ang paningin sa mga puno ng pino na kanina pa niya pinagmamasdan. Matagal bago nagawang sagutin ni Jason ang sinabi niyang iyon. But eventually, sumagot parin ang binata. “Saan mo ba nakilala ang lalaking iyon at bakit nagawa niya sa’yo ang ganoon?” nasa tono nito ang galit. Kung sa ibang pagkakataon ay baka matuwa si Jenny sa narinig na sinabi ni Jason. Pati narin ang nakikita niyang simpatya sa mga mata nito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit iba ang sa halip ay nanulas sa mga labi niya. “Look who’s talking? He did make me a mistress without my knowledge, yes, and you? Well, ginamit mo lang naman ako para takpan ang nararamdaman mo para sa best friend ko. Ngayon tatanungin kita, anong pinagkaiba ninyong dalawa? Wala naman hindi ba? Kasi pareho lang kayong user, pare
Magbasa pa
CHAPTER 8 “HE REMEMBERS”
“BILISAN mo nasa ibaba na sila at hinihintay tayo,” si Ara na tapos na sa pagliligpit ng mga gamit. “Bakit ang bilis naman nila?” hindi man niya aminin pero nagsisimula nang kumabog ang dibdib niya sa abnormal na paraan pero pinipilit niyang ignorahin. “Hindi na importante iyon, gutom na gutom na ako,” ang sa halip ay winika ni Ara. Tumawa lang ng mahina si Jenny sa narinig niyang iyon saka na tumayo. Habang tinatahak nila ang hagdan pababa ng gusali ay pilit niyang kinakalma ang kaniyang sarili. Pilit niyang ginagawang normal ang mga kilos niya ang kahit papaano naman ay nagawa niya iyon. Kung mayroon man siyang hindi nagawang kontrolin, iyon ay ang malakas na kabog ng dibdib niya.At lalong nagtumindi iyon nang matanawan ng tuluyan ang isang lalaking para sa kaniya ay ang pinaka-gwapo sa lahat ng nakita niya. “Hello, sorry kung pinag
Magbasa pa
CHAPTER 9 “NO ONE CAN HAVE HER”
PRESENT DAY... “ANG lakas rin naman ng loob mo para magpakita pa sa akin. Pagkatapos ng ginawa mong panloloko sa anak ko?” ang galit na galit na winika ni Rowena kay Ryan. “Please naman po makinig kayo sa akin, mahal na mahal ko ang anak ninyo,” ang tanging nasabi niya. Alam naman niyang mali ang ginawa niya. Matagal na siyang kasal sa asawa niya pero hindi pa niya naramdaman ang klase ng kaligayahan na naramdaman niya sa piling ni Jenny. Iyon ay sa kabila ng katotohanan na walang nangyayari sa kanila maliban sa simpleng paghahalikan. Pero kailangan parin niyang aminin sa sarili niya na matagal na niyang pinagnanasaan si Jenny. Napakaganda nito. Napakakinis ng kutis at napakabango. Iyon ang dahilan kaya palagi ay mabilis na nagigising ang libido niya sa mga pagkakataon na maghahalikan silang dalawa. “Wala na akong kailangan pang marinig na kah
Magbasa pa
CHAPTER 10 “FIRST AFTER TEN YEARS”
MARAHAS na napasinghap si Jenny dahil doon. Napakasarap ng daloy ng kuryente na kumalat sa kabuuan niya dahil sa kung tutuusin ay simpleng halik lang na iyon ng binata sa kaniya. Nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya ay ramdam parin niya ang matinding pag-iinit ng buo niyang mukha. Alam niyang namumula iyon nang mga sandaling iyon at hindi siya nangkamali dahil pinatunayan iyon sa kaniya ng sinabi ni Jason. “Parang ganiyan din ang kaparehong reaksyon mo nung unang beses kitang nahalikan ten years ago,” anas nito saka siya muling niyuko at siniil ng halik sa kaniyang mga labi sa ikawalang pagkakataon. Katulad kanina ay mabilis lang ang halik na iyon. Pero tama si Jason, at katulad narin ng sinabi nito kanina, same reaction kahit kung tutuusin ay sampung taon na ang nakalilipas.  Noon nakaramdam ng matinding pagkapahiya si Jenny, hindi lang kay Jason kundi mas higit sa kaniyang saril
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status