"NAKU ngayon pa lang sasabihin ko na ang totoo, maswerte ang lalaking mapapangasawa mo dahil napakasarap mong magluto!" si Aling Malou iyon nang magkakaharap na silang kumakain ng hapunan.
Sa sinabing iyon ng ginang ay nagulat na lamang siya nang bigla ay magkakasunod na umubo si Jason. Hindi nagtagal ay inabot nito ang baso ng tubig saka uminom. Bahagya pa siyang nagulat nang biglang mag-angat ng tingin ang binata saka nito sinalubong ang mga titig niya nang may amusement sa mga mata.
"Talagang maswerte," si Mama Loida iyon na sinagot ang sinabi ni Aling Malou.
Nahihiyang ngumiti lang si Jenny at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang tahimik na pagkain.
Kanina sa kusina habang nagluluto siya ay mas pinili niyang huwag nang masyadong kibuin si Jason. Naiinis kasi siya sa inasal nito kanina tungkol sa planong pag-imbita ni Mama Loida kay Leo sa birthday nito.
Dati na kasing naging ganito sa Jason sa kaniya noong nasa kolehiyo pa sila.
Masyado itong controlling na sa huli ay inamin nito sa kaniya na selos pala ang dahilan.
Pero iba na ang sitwasyon nila ngayon at hindi na sila mga bata. Marami nang taon ang lumipas na hindi sila magkasama at katulad ng sinabi niya kanina, kung tutuusin ay estranghero sila sa isa't-isa.
Matapos kumain ay minabuti niyang magpaalam na kay Mama Loida. Si Aling Malou naman kasi ang nagprisinta na magliligpit na ng pinagkainan nila para makapagpahinga narin daw siya.
Totoo naman kasi iyon at marahil nababakas ng dalawang ginang ang pagkahapo sa kaniyang mukha. Nang makabalik siya sa cabin ay agad niyang tinawagan ang nanay niyang si Rowena.
Naka-ilang missed calls narin kasi ito sa kaniya at hindi niya nasagot ang mga iyon dahil sa pagiging busy niya sa pagluluto kanina.
Pagkatapos ng maikling kumustahan nilang mag-ina ay minabuti ni Jenny na maligo na muna bago matulog. Saktong kalalabas lang niya ng banyo at naka-cotton robe pa siya nang marinig ang magkakasunod na katok sa kaniyang pinto.
Mabilis siyang kinabahan dahil mukhang nahuhulaan na niya kung sino iyon.
Nang makalipas ang ilang sandali at manatili siyang hindi kumikilos para buksan ang pinto ay muli niyang narinig ang magkakasunod na katok na sa pakiwari niya ay naging mas pursigido sa pagkakataong ito.
Noon palang siya parang natauhan at nagmamadaling gumalaw saka binuksan ang pinto at hindi nga siya nangkamali. Si Jason iyon, at kahit moreno ito ay halatang nakainom ang binata dahil sa namumula nitong pisngi at namumungay na mga mata.
"M-May kailangan ka?" tanong niyang bahagya pang pinanginigan ng tinig dahil sa paraan ng pagkakatitig sa kaniya ng binata.
Tumango ito saka pumasok. "Kailangan kita," anitong ibinagsak ang sarili sa sofa saka tinapik ang bakanteng bahaging nasa tabi nito.
Napalunok si Jenny sa sinabing iyon sa kaniya ng binata. Pero hindi siya naupo sa tabi nito lalo at ganito ang ayos niya ngayon.
"S-Sandali lang, magbibihis lang ako," aniyang itinulak pasara ang malaking pinto saka umakmang tatalikuran ang binata papasok sa kwarto pero napigil iyon nang mabilis itong tumayo saka siya hinawakan sa kaniyang braso.
"Jenny," anas nitong hinila siya payakap rito.
"P-Please, magbibihis ako, bitiwan mo ako," pakiusap niya sa binata pero iba ang ginawa ni Jason.
Umangat ang sulok ng labi nito dahil sa pagpunit ng isang pilyo at makahulugang ngiti. Pagkatapos ay mabilis na kumilos ang kamay ng binata at tinungo ang leeg niya. Agad na napasinghap si Jenny dahil sa init ng palad ni Jason na dumampi sa balat niya. Hindi rin niya napigilan ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib lalo nang maramdaman niyang inihaplos iyon pababa ng lalaki sa kaniyang kanang balikat kaya tuluyan nitong nagawang ibaba ang bahaging iyon ng kanyang roba.
"Gusto ko lang mag-thank you kasi sobrang pinasaya mo ang nanay ko," anitong kinabig palapit ang baywang niya saka nito inilapat ng husto sa katawan nito mismo.
Muling napasinghap si Jenny sa ginawang iyon ng binata. Gusto sana niyang magprotesta nang simulan siyang nitong igiya papasok ng kwarto pero parang umurong ang dila niya dahil hindi niya nagawa iyon.
"Thank you," ani Jason na nakangiti siyang niyuko saka nito idinikit ng husto ang noo sa kaniya.
Masarap na kilabot ang naramdaman ni Jenny na tila ba kamandag na kumalat sa kabuuan niya nang bumalandra sa kanya ang amoy alak na hininga ni Jason.
"H-Hindi naman kailangang sa ganitong paraan ka pa mag-thank you," aniyang sinubukang pakawalan ang sarili mula sa pagkakahapit niya sa lalaki.
Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa dibdib nito para sana itulak ito palayo pero iba ang ginawa ni Jason. Niyuko siya nito saka dinampian ng maliliit na halik sa kaniyang leeg pababa sa balikat niyang exposed na rito saka nagsalita.
"Pero gusto ko ng ganito," anitong tinitigan siya sa naglalambing na paraan. "sa ganitong paraan ko gustong mag-thank you," dugtong pa ng binata saka siya maingat na iniupo sa gilid ng kama.
Noon lalong nagtumindi ang pagtahip ng kaniyang dibdib. Hindi iyon dahil sa katotohanan na alam niyang matatalo na naman siya ni Jason at makukuha na naman nito ang gusto nitong mangyari. Iyon ay dahil sa siya mismo nang mga sandaling iyon ay dinadaya ng init na nararamdaman niyang muli at unti-unting binubuhay ng binata sa katawan niya.
"Please, Jason hindi ba sinabi ko na sa iyo kanina na hindi na dapat ang ganito kasi," aniyang ibinitin pa ang iba niyang gustong sabihin saka tinitigan ang maiitim na mata ng binata. "I told you, dahil sa tagal na panahon nating magkahiwalay ay para narin tayong estranghero sa isa't-isa," giit niya.
Pero hindi pinakinggan ni Jason ang sinabi niyang iyon at sa halip ay iba ang nangyari. Siniil siya nito ng halik. Sa paraan na alam nitong magiging mahina na siya ng tuluyan.
"Siguro nga tama ka, kaya isipin mo nalang na ganoon tayo, strangers in the night," anitong muling tinawid ang maliit na espasyo sa pagitan ng mga labi nila dalawa.
Sa pagkakataong iyon ay pinilit parin ni Jenny ang hindi magpatangay ng tuluyan sa maiinit na halik ni Jason. Kahit ang totoo ay gustong-gusto narin niyang bumigay.
Ang paghaplos ng mga labi nito sa kaniya ay para bang binibigyan pa siya ng pagkakataon para maghanda sa kung anumang nakakabaliw na sandaling posible nitong gawin sa katawan niya ngayon. At alam niyang magsisimula iyon oras na simulan niyang tugunin pabalik ang mga halik sa kaniya ng binata.
"I would like to say thank you in the most special and passionate way na alam kong magugustuhan mo," sinabi iyon ni Jason sa pagitan ng paghahabol nito ng paghinga katulad niya nang sandali nitong pinakawalan ang kaniyang mga labi at muli ring inangkin makalipas ang maikling sandali.
Hindi niya alam kung ang ginawang iyon ng binata ang tanging hinihintay niya upang mabuo ang isang pagpapasya sa isip at maging sa puso niya na ibigay ang gusto at isinisigaw ng bawat himaymay ng katawan niya.
Tama. Masyado nang mainit ang pakiramdam niya na pinag-alab ni Jason para magmatigas at hindi ibigay ang alam niyang hindi lang gusto nito kundi pati narin ang kaniya.
Kaya naman sa pagkakataong iyon ay buong puso na niyang tinugon ang mga halik ng binata na tumutupok na sa kaniyang pagkatao. Ipinulupot niya ng husto ang dalawa niyang kamay sa leeg nito saka sa pinakasabik na paraan ay ibinalik kay Jason ang mapusok na pananalasa ng bibig nito sa kaniya.
“CONGRATULATIONS, kambal na babae at lalake ang magiging anak ninyo,” ang masaya anunsiyon ng doktor na tumitingin kay Jenny. “Talaga Dok?” ang malakas na sambit ni Jason na halatang napakasaya nang mga sandaling iyon. “Yes, Mr. Espinosa,” anitong malapad ang pagkakangiti sa mga labing pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. “Grabe, hindi ako makapaniwala!” si Jason iyon. Mula kaninang nasa byahe sila galing ng ospital at hanggang ngayon nasa bahay na sila ay iyon parin ang paulit-ulit nitong sinasabi. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay nakangiting nakaupo sa paborito niyang rocking chair. Natatandaan niya, mga college pa lamang sila ni Jason ay gustong-gusto na niya ang tumba-tumba na iyon. Kaya siguro ganoon at ngayon doon na nga siya nakatira sa bahay na iyon na sinasabi ng kanyang asawa na bahay na nilang dalawa noon pa man ay madalas siyang doon nakaupo. “Grabe, daig mo pa ang nagbubuntis kung maka-reac
SA opisina ni Jason siya pinayuhan ng binata na maghintay rito. Nagsimula ang meeting matapos siyang pormal na ipakilala ng lalaki kay Paul na nang makaharap niya ay noon pa lamang niya naalala. Nakikita nga niya ito noo sa school pero hindi siya nagkaroon ng chance na makausap ito. Medyo natagalan ang meeting kaysa isang oras na sinabi ni Jason sa kanya. Noon niya naisipan na umidlip muna sa mahaba at magandang leather couch sa loob ng opisina ng lalaki. Sa dami ng nangyari sa nakalipas na mga araw ay masasabi niyang ngayon siya literal na nakaramdam ng pagod kaya naman madali siyang tinangay ng mahimbing na pagtulog. ***** MALAPAD na napangiti si Jason nang mapasukan sa loob ng opisina si Jenny at makitang himbing na himbing ito sa mahabang leather couch. Noon maiingat ang mga hakbang niyang nilapitan ang dalaga saka naupo sa center table na yari sa kahoy. Kung hindi pa niya gagawin ngayon,
“I’M so sorry, Miriam,” simula ni Jenny nang magkaharap na sila ng legal na asawa ni Ryan. “Wala kang kasalanan. Kahit ayokong aminin sa sarili ko, alam ko sa lahat ng nangyari si Ryan ang responsible. Pero hindi ko pwedeng isisi sa kanya ang lahat, siguro may pagkukulang din ako,” iyon ang isinagot nito sa kanya habang pareho nilang inaabot ng tanaw ang walang malay na si Ryan mula sa salamin glasswall ng ICU. Nagbuntong hininga doon si Jenny saka muling nagbuka ng bibig para magsalita. “Pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Alam ko kahit hindi ko ginusto kasama ako sa mga naging dahilan kung bakit nasira ng tuluyan ang pamilya ninyo,” sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Jenny ang mapaiyak. “H-Hindi ko sinasadya, I’m so sorry,” aniyang tuluyan na ngang napahikbi. Nang mga sandaling iyon ay nasa hindi kalayuan si Jason. Sa lobby rin na iyon at nakaupo. Hindi alam ni Jenny kung nakikita siya ng binata pero sana ay hindi.
“ARE you okay?” tanong ni Jason sa kanya nang manatili siyang nakaupo lang sa ibabaw nito. Sa puntong iyon ay nahati si Jenny sa kagustuhan niyang sagutin ang tanong na iyon ni Jason o mas bigyan ng pansin ang masarap na pakiramdam na inihahatid sa kanya ng posisyon niya ngayon. Pero may palagay siya na nahuhulaan ng binata kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. At iyon rin ang nakikita niyang dahilan ng paggalaw nito. “Oh!” ang nasambit niya na sinundan ng isang nasasarapang singhap. “Huwag kang magulo Jason!” aniya saka pinigil ang muling mapa-ungol pero nabigo siya. Malapad ang ngiting nakita niyang pumunit sa mga labi ng binata. “Hindi naman ako magulo ah, ang tagal mo kasi. Nabibitin ako,” sa huli nitong sinabi ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga. Napalunok ng magkakasunod si Jenny pagkatapos niyon. “A-Ang haba kasi ng ano mo, hindi ko alam kung paano ako mag-
“TAMANG-TAMA ang dating ninyo, ready na ang pananghalian,” si Rowena nang araw ring iyon bago magpananghali at maihatid siya ni Jason sa kanila.Mabilis na binalot ng pagtataka ang isipan ng dalaga nang makita niyang matamis pang nginitian ng nanay niya si Jason at ganoon rin ang binata rito.“Tulungan na kita, Tita Weng,” prisinta pa ni Jason.“Sige anak, halika na sa kusina,” ang nanay niya kay Jason. “At ikaw naman Jenny, magbihis ka na,” anito pa sa kanya.Tumango lang si Jenny sa sinabing iyon ng nanay niya saka na siya nagtuloy sa kanyang kwarto para mabihis.*****“MAHAL na mahal ko po si Jenny, Tita Weng. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya para sa akin,” si Jason na nagpakawala pa ng isang mabigat na buntong hininga matapos sabihin kay Rowena ang totoo.Kahapon, katulad
“OH! Jason!” iyon ang unang nasambit ni Jenny nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya habang patuloy ito sa ginagawa nitong pananalasa sa pagkababae niya. “Oh sweetheart, hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing napapasigaw kita,” anitong tinitigan siya ng tuwid sa kanyang mga mata. Napangiti si Jenny sa sinabing iyon ni Jason. Alam naman niya iyon. At alam rin niya na gusto ni Jason ang nag-iingay siya kasi ganoon rin naman ang nararamdaman niya kapag ganoon ang nagiging reaksyon nito sa mga pagsisikap niyang mapaligaya rin ito. Nakangiti rin siyang muling niyuko ng binata saka hinalikan. Habang siya naman ay ikinawit ang isang kamay sa leeg nito saka sinubukang salubungin ang bawat pananalasa nito sa kanya sa sariling paraan na alam niya. “Oh, Jenny, matalino ka talaga,” ang compliment sa kanya ni Jason nang maramdaman nito ang ginawa niya.