Home / Romance / CRAVE (FILIPINO VERSION) / CHAPTER 37 "BIRTHDAY CELEBRATION"

Share

CHAPTER 37 "BIRTHDAY CELEBRATION"

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2021-05-12 15:17:33

SUMAPIT ang araw ng kaarawan ng ina ni Jason. At katulad ng naipangako niya ay siya na ang nag-ayos ng lahat ng kailangang ayusin para sa isang espesyal na hapunan na kung tutuusin ay apat lang silang magsasalu-salo.

"Hindi ka ba pumapasok sa trabaho? Bakit parang ilang araw ka nang nandito sa Baguio?" naitanong niya kay Jason. 

Nasa supermarket sila noon para mamili ng mga kakailanganin sa lulutuin niyang mga putahe. Habang si Aling Malou nalang ang inutusan ni Mama Loida na mamalengke para sa mga iba pang mas mainam na bilhin doon.

"Nagsabi naman ako sa kaibigan ko, baka natatandaan mo si Paul?" tanong ni Jason habang itinutulak ang cart.

Sandaling tumahimik si Jenny saka inalala ang sinabing pangalan ni Jason pagkatapos ay tinitigan lang niya ito saka magkakasunod na umiling. "Bukod kay Daniel may iba ka pa bang naging kaibigan?" naitanong niya.

Nakita niyang tila ba nag-alangan si Jason na sagutin ang tanong niyang iyon kaya maagap narin niyang sinundan ang nauna na niyang sinabi.

"It's okay, hindi mo naman kailangang sagutin kung---,"

"No, actually mayroon," ang binatang pinutol ang iba pa niyang gustong sabihin.

"Yeah?" ang hindi makapaniwala niyang tanong.

Tumango si Jason. "Nung maging sila ni Ara naalala mo iniwasan ko silang dalawa? Noon kami naging malapit ni Paul, kaklase rin namin."

Sandaling pinakiramdaman ni Jenny ang sarili niya sa sinabing iyon ni Jason. Nasasaktan ba siya sa inamin nito? Sa huli ay ngumiti siya. Hindi, at wala nang dahilan para makaramdam ng ganoon dahil malinaw na sa kaniya ang lahat at nagkaroon narin sila ng tamang closure.

"Okay, iyon din ba ang dahilan mo noon kaya palaging ako ang kasabay mong mag-lunch?" tanong niya.

"To be honest, yes," sagot muli ng binata. 

Ngumiti si Jenny at nagbuka ng bibig para magsalita pero pinigil iyon sa ikalawang pagkakataon ni Jason. 

"Iyon ang pagkakataon na nagsimula kong marealized kung ano ba talaga ang totoo kong feelings para sa iyo. Natatandaan mo?" 

Napangiti si Jenny sa tanong na iyon ng binata kasabay ng pagbabalik sa alaala niya ng isang eksena sa library kung kaya sa huli ang simple niyang pagngiti ay nauwi sa isang mahina at pigil na hagikhik.

"Hey," ang amuse na reklamo ni Jason sa naging reaksyon niya.

Magkakasunod siyang umiling. "Naalala lang kita doon sa dictionary," aniyang pinasadahan ng basa ang listahan niya saka pagkatapos ay nagpatiuna na sa counter nang matiyak na nabili nang lahat ng nakasulat doon.

*****

"JEN? Jenny, Jennifer Alvarez?" nasa cashier counter na sila nang marinig ni Jenny ang boses na iyon ng isang lalaking nakapila sa katapat niya.

Nilingon niya ang lalaki saka pinakatitigan. Habang ginagawa niya iyon ay nakita niyang ngumiti ito na dahilan kaya naging mas maaliwalas ang gwapo nitong mukha.

Unti-unti ay nagkaroon ng hugis ang itsura nito sa kaniyang alaala hanggang sa lubusan na siyang makatiyak. "Leo, tama ba? Leonardo Vargas?" 

"Hey!" ang lalaking nilapitan siya at saka umalis sa pila nito at pagkatapos ay iniabot ang kamay sa kaniya saka siya kinamayan. "Akala ko hindi mo na ako kilala. Kumusta ka na?" tanong nito sa kanya.

Magbubuka pa sana ng bibig niya si Jenny pero napigil iyon nang marinig niya ang pagtikhim ni Jason na nakatayo naman sa kaniyang likuran. Nilingon niya saka tiningala ang binatang seryoso ang mukhang itinuro ng kahera. 

"Ikaw na," anito sa kaniya. 

Noon nakaramdam ng hindi maipaliwanag na amusement si Jenny kaya naman ang sumunod niya ginawa ay aminado siyang sinadya niya. 

"Ikaw na, ikaw naman ang magbabayad di ba?" aniya ritong iniwan ang binata sa pila saka itinuloy ang pakikipagkumustahan kay Leo.

Nang lingunin niya si Jason ay nakita niya ang matinding pagsasalubong ng mga kilay nito habang nagbabayad sa kahera. Saktong patapos na ang binata nang magpaalam siya kay Leo na bumalik naman na sa iniwan nitong pila kanina.

Nandoon raw ito sa Baguio ngayon para sa isang business-related trip. 

"Jenny," ang seryosong boses ni Jason nang nasa loob na sila ng sasakyan ang narinig niya at pumutol sa lahat ng kaniyang iniisip.

"Huh?" tanong niya.

"Sabi ko mag-seatbelt ka," anito habang nagsasalubong ang mga kilay.

Sandaling natigilan si Jenny sa nakita niyang reaksyon ni Jason. Pagkatapos ay ipinagkibit-balikat nalang niya ang kasungitan na nakarehistro sa mukha nito saka sinunod ang ipinagagawa nito. 

Nasa daan na sila pabalik nang marinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone. Mukhang nahuhulaan na niya kung sino iyon at hindi nga siya nangkamali. Si Leo, hiningi kasi nito ang number niya kanina at dahil isa naman itong mabuting kaibigan ay wala siyang makitang dahilan para hindi ibigay ang hinihingi nito.

Jen, paki-save ng number ko. Magkita tayo minsan, marami tayong kailangang pag-usapan.

Anito pa sa ipinadala nitong message.

Sure, walang problema.

Iyon naman ang naging reply niya.

Sa sumunod na pagtunog ng message alert ng cellphone niya ay hindi napigilan ni Jenny ang matawa ng malakas nang padalhan siya ni Leo ng isang nakakatawang sticker. At kasabay ng pagtawa niyang iyon ang bigla namang pag-preno ni Jason na labis niyang ikinagulat kaya siya napatili.

"Jason ano ba!" reklamo niyang nilingon ang lalaking lukot na lukot ang mukha habang nakaupo sa harapan ng manibela.

"May tumawid na pusa, hindi mo ba nakita? Anong gusto mo sagasaan ko?" ang pasuplado nitong sagot sa kaniya.

"Anong tumawid na pusa? Wala naman ah! Nakatingin ako sa daan no!" giit niya dahil iyon naman talaga ang totoo.

"Paano mong makikita eh busy ka diyan sa ka-text mo?" tanong nitong muling pinatakbo ang sasakyan.

Sa sinabing iyon ni Jason ay napaisip si Jenny. Pagkatapos ay minabuti nalang niyang huwag bigyan ng ibang kahulugan ang sinabing iyon ng dati niyang nobyo.

Mahirap umasa, dahil kapag ginawa niya iyon alam niyang malalagay na naman ang puso niya sa alanganin kaya mas safe kung hindi nalang niya bibigyan ng meaning ang lahat ng ginagawa ni Jason.

*****

"SORRY po Mama natagalan kami," iyon ang bungad niyang paumanhin kay Loida nang makabalik na sila ng bahay. "May nakita po kasi akong kaklase ko nung college sa mismong supermarket kung saan kami namili ni Jason kaya medyo nagkakumustahan kami," paliwanag pa niya habang kinukuha sa kamay ng binata ang isang plastic bag ng mga groceries pero hindi iyon ibinigay sa kaniya ng lalaki.

"Ganoon ba? Naku bakit naman hindi mo inimbitahan dito para naman magkaroon tayo ng iba pang makakasalo sa hapunan mamaya?"

Nagbuka ng bibig niya si Jenny para magsalita pero bigo siya para isatinig ang iba pang gustong sabihin dahil naunahan siya ni Jason. 

"Ma, akala ko ba private? Tama na tayo, okay na. Kung gusto ninyo ng iba pang bisita sana sinabi ninyo para na-invite ko lahat ng empleyado sa opisina," ang masungit na sagot ni Jason kay Loida saka siya pinukulan ng matalas na tingin na kaniyang ikinabigla.

"Aba eh bakit ba ang sungit mo? Para kang babaeng nireregla?" si Loida na sinundan ang anak nitong papasok na noon ng kabahayan.

Naiiling nalang na nagbuntong hininga si Jenny dahil sa nangyari. Pagkatapos noon ay minabuti niyang tumuloy na sa kusina para simulan ang paghahanda ng mga rekado na kailangan sa mga putahe na kailangan niyang lutuin. May palagay siyang galit sa kaniya si Jason dahil sa ginawa niyang pakikipag-usap kay Leo kanina. Pero hindi naman yata tama na katulad noon ay kontrolin nito ang buhay niya. Hindi na siya papayag na maulit ang lahat ng dapat ay hindi nangyari noon sa abot ng kaniyang makakaya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 70 “FRATERNAL TWINS”

    “CONGRATULATIONS, kambal na babae at lalake ang magiging anak ninyo,” ang masaya anunsiyon ng doktor na tumitingin kay Jenny. “Talaga Dok?” ang malakas na sambit ni Jason na halatang napakasaya nang mga sandaling iyon. “Yes, Mr. Espinosa,” anitong malapad ang pagkakangiti sa mga labing pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. “Grabe, hindi ako makapaniwala!” si Jason iyon. Mula kaninang nasa byahe sila galing ng ospital at hanggang ngayon nasa bahay na sila ay iyon parin ang paulit-ulit nitong sinasabi. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay nakangiting nakaupo sa paborito niyang rocking chair. Natatandaan niya, mga college pa lamang sila ni Jason ay gustong-gusto na niya ang tumba-tumba na iyon. Kaya siguro ganoon at ngayon doon na nga siya nakatira sa bahay na iyon na sinasabi ng kanyang asawa na bahay na nilang dalawa noon pa man ay madalas siyang doon nakaupo. “Grabe, daig mo pa ang nagbubuntis kung maka-reac

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 69 "DANCING IN THE RAIN”

    SA opisina ni Jason siya pinayuhan ng binata na maghintay rito. Nagsimula ang meeting matapos siyang pormal na ipakilala ng lalaki kay Paul na nang makaharap niya ay noon pa lamang niya naalala. Nakikita nga niya ito noo sa school pero hindi siya nagkaroon ng chance na makausap ito. Medyo natagalan ang meeting kaysa isang oras na sinabi ni Jason sa kanya. Noon niya naisipan na umidlip muna sa mahaba at magandang leather couch sa loob ng opisina ng lalaki. Sa dami ng nangyari sa nakalipas na mga araw ay masasabi niyang ngayon siya literal na nakaramdam ng pagod kaya naman madali siyang tinangay ng mahimbing na pagtulog. ***** MALAPAD na napangiti si Jason nang mapasukan sa loob ng opisina si Jenny at makitang himbing na himbing ito sa mahabang leather couch. Noon maiingat ang mga hakbang niyang nilapitan ang dalaga saka naupo sa center table na yari sa kahoy. Kung hindi pa niya gagawin ngayon,

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 68 “OBVIOUS CHEMISTRY & JEALOUSY”

    “I’M so sorry, Miriam,” simula ni Jenny nang magkaharap na sila ng legal na asawa ni Ryan. “Wala kang kasalanan. Kahit ayokong aminin sa sarili ko, alam ko sa lahat ng nangyari si Ryan ang responsible. Pero hindi ko pwedeng isisi sa kanya ang lahat, siguro may pagkukulang din ako,” iyon ang isinagot nito sa kanya habang pareho nilang inaabot ng tanaw ang walang malay na si Ryan mula sa salamin glasswall ng ICU. Nagbuntong hininga doon si Jenny saka muling nagbuka ng bibig para magsalita. “Pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Alam ko kahit hindi ko ginusto kasama ako sa mga naging dahilan kung bakit nasira ng tuluyan ang pamilya ninyo,” sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Jenny ang mapaiyak. “H-Hindi ko sinasadya, I’m so sorry,” aniyang tuluyan na ngang napahikbi. Nang mga sandaling iyon ay nasa hindi kalayuan si Jason. Sa lobby rin na iyon at nakaupo. Hindi alam ni Jenny kung nakikita siya ng binata pero sana ay hindi.

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 67 “MORNING DEW 6”

    “ARE you okay?” tanong ni Jason sa kanya nang manatili siyang nakaupo lang sa ibabaw nito. Sa puntong iyon ay nahati si Jenny sa kagustuhan niyang sagutin ang tanong na iyon ni Jason o mas bigyan ng pansin ang masarap na pakiramdam na inihahatid sa kanya ng posisyon niya ngayon. Pero may palagay siya na nahuhulaan ng binata kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. At iyon rin ang nakikita niyang dahilan ng paggalaw nito. “Oh!” ang nasambit niya na sinundan ng isang nasasarapang singhap. “Huwag kang magulo Jason!” aniya saka pinigil ang muling mapa-ungol pero nabigo siya. Malapad ang ngiting nakita niyang pumunit sa mga labi ng binata. “Hindi naman ako magulo ah, ang tagal mo kasi. Nabibitin ako,” sa huli nitong sinabi ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga. Napalunok ng magkakasunod si Jenny pagkatapos niyon. “A-Ang haba kasi ng ano mo, hindi ko alam kung paano ako mag-

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 66 “SUSPICIONS”

    “TAMANG-TAMA ang dating ninyo, ready na ang pananghalian,” si Rowena nang araw ring iyon bago magpananghali at maihatid siya ni Jason sa kanila.Mabilis na binalot ng pagtataka ang isipan ng dalaga nang makita niyang matamis pang nginitian ng nanay niya si Jason at ganoon rin ang binata rito.“Tulungan na kita, Tita Weng,” prisinta pa ni Jason.“Sige anak, halika na sa kusina,” ang nanay niya kay Jason. “At ikaw naman Jenny, magbihis ka na,” anito pa sa kanya.Tumango lang si Jenny sa sinabing iyon ng nanay niya saka na siya nagtuloy sa kanyang kwarto para mabihis.*****“MAHAL na mahal ko po si Jenny, Tita Weng. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya para sa akin,” si Jason na nagpakawala pa ng isang mabigat na buntong hininga matapos sabihin kay Rowena ang totoo.Kahapon, katulad

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 65 “MORNING DEW 5”

    “OH! Jason!” iyon ang unang nasambit ni Jenny nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya habang patuloy ito sa ginagawa nitong pananalasa sa pagkababae niya. “Oh sweetheart, hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing napapasigaw kita,” anitong tinitigan siya ng tuwid sa kanyang mga mata. Napangiti si Jenny sa sinabing iyon ni Jason. Alam naman niya iyon. At alam rin niya na gusto ni Jason ang nag-iingay siya kasi ganoon rin naman ang nararamdaman niya kapag ganoon ang nagiging reaksyon nito sa mga pagsisikap niyang mapaligaya rin ito. Nakangiti rin siyang muling niyuko ng binata saka hinalikan. Habang siya naman ay ikinawit ang isang kamay sa leeg nito saka sinubukang salubungin ang bawat pananalasa nito sa kanya sa sariling paraan na alam niya. “Oh, Jenny, matalino ka talaga,” ang compliment sa kanya ni Jason nang maramdaman nito ang ginawa niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status