Share

CHAPTER 6.2

Angel stepped back, and was about to walk away, when she felt a warm hand grab her arm. Tila napaso siya sa pagdampi ng balat nito kaya mabilis niyang binawi ang sarili rito.

"I-I uhm... think we have a mistake here, Sir. I-I'm sorry." D*mn! She's even stuttering now because of the tingling sensation she felt when their skin touched! 

Hindi niya na ngawa pang antayin ang sagot nito at nagsimulang humakbang palayo nang hapitin siya nito sa kaniyang bewang. 

Napatalon siya sa gulat. Halos mapugto ang hininga niya sa paraan ng pagkakahawak nito sa kaniya. Ilang pulgada na lamang ang layo ng kanilang mga mukha sa isa't isa. His warm and fresh breath was fanning her face making her gulp. This is getting bad for her. 

Wala sa loob siyang napahawak sa kaniyang dibdib dahil sa malakas na pagtibok ng kaniyang puso.

"Where do you think you're going, woman?" Mataman itong nakatingin sa kaniyang mukha pababa sa nakaawang niyang labi. 

Her throat went dry when he rolled his tongue over his lips. She unconsciously glanced at his luscious lips. Napalunok siya nang mapagmasdan ang pula nitong nga labi.

After a moment of being hypnotized, Angel forcibly dragged herself to senses. Ilang beses niya ring kinastigo ang sarili.

Nakaramdam ng hiya ang dalaga nang naising sana ay halikan siya ng binata, kaya mabilis niyang tinanggal ang pagkakahawak nito na halos nakayapos na rin pala sa kaniyang katawan. She stepped backwards to give themselves a distance from each other. Ramdam niya kasi ang init ng katawan nito na tila yumayakap sa kaniya. 

'Focus, Angel. For goodness's sake leash your hormones!' 

Oh, God! How the hell will she do that?

Angel straightened her back. "I don't think I should stay here, Sir. I'm actually here for my job interview, but it seems like Mr. Walton can't make it." Good. She still managed to talk straight. Hindi siya pwedeng magmukhang kabado sa harap nito.

"Interview with Mr Walton? Why do I have this feeling that you don't want me here, instead?" Matalim itong tumingin sa kaniya. 

She obviously doesn't want him to be here! Hindi pwedeng magkrus pa ang landas nila ng binata!

"It's not like that, Mr. Duncan—"

He cut her words, "So you know me?" Lucious smirked.

"Yes— I-I mean, No!" She bit her lip, not knowing what to say. Hindi naman niya pwedeng sabihing, 'Oo', dahil ito ang lalakeng umangkin sa kaniya.

Nakahalukipkip itong tinitigan siyang tila binabasa ang kaniyang emosyon.

Angel huffed and continued, "I-I know you, Sir. You're a famous businessman in the country, after all." Right. Tama ang naging sagot niya, ngunit may isang bagay na gumugulo sa kaniyang isip.

Luscious eyes squinted. Ilang segundo siya nitong tinitigan bago magsalita. "Can you sit down, woman? It makes me tired looking at you, standing like that. You do realize that your dress was too short. You're exposing your legs too much." He hissed. Pinasadahan nito ang kaniyang kabuuan na nagpahina sa kaniyang mga tuhod.

Naguguluhan naman siyang sinipat ang damit. Hindi naman ito maikli. It was just above her knees. 

"And you shouldn't wear that shade of lipstick." He seemed irritated, and she doesn't even know why? Kahit ang lipstick niya ay pinakekealaman nito.

"Sit."

Napalunok siya at parang nagkaro'n ng sariling isip ang kaniyang mga paa nang kusa itong maglakad pabalik sa isa pang silya.

"I already ordered us food, but you can add whatever you want." Angel heard him say. 

She's really feeling so uncomfortable with his presence, but there's something pulling her to stay for a bit. She has to confirm something.

"So..." he drawls, "you will be my secretary starting tomorrow." 

Angel's body became rigid. Her eyes narrowed at the man in front.

"S-Sir, I applied as Mr. Wal—"

"Kaj Walton is a friend of mine. The hiring posted in his company's website was actually for me." His eyes dilated, and became blank. His voice sent shivers down her spine.

Angel's forehead wrinkled wilder with what he just said. Hindi siya pwedeng magkamali. It can't be. Malinaw na malinaw na mayroong hiring sa kompanya ni Mr. Walton kaya niya rin na-isip-an ang planong pag-a-apply dito bilang sekretarya.

She rolled her tongue over her lips. "I'm sorry, Sir. I-I guess we just had a misunderstanding here. Kung gano'n p-po pala ay aalis na lang po ako. I applied as Mr. Walton's secretary. 'Yon po ang alam ko kaya pasensya na po kung nasayang ko ang oras ninyo."

Hindi nakalagpas sa mata niya ang pagtatagis ng bagang nito. He looked pissed.

"I don't care, woman. You will be my secretary starting tomorrow." Mabilis itong tumayo at tinalikuran siyang nakakuyom ang kamao.

Naguguluhang sinundan niya ito ng tingin na tila hindi makapaniwala. Wala sa loob siyang napatayo.

"Sir, I can't—"

Humarap ito sa kaniyang naka-kunot ang noo. "Why do I feel like you're avoiding me?"

'It's because I'm really avoiding you!!

"Do you have a dept to pay me?" Luscious scorned. The corner of his lips tugged up.

Gulong-gulo naman siyang halos mapatanga rito. Ano ba ang ibig sabihin ng lalakeng 'to? Halata naman sigurong gusto niya itong iwasan dahil sa nangyare sa kanila! But why was he acting like he doesn't know her? And that thought de her heart flinched a little.

Hindi niya nagawang makapagsalita hanggang sa magsalita ang binata na tila bombang pinasabog sa kaniyang harapan.

"It's nice to meet you. I'll be expecting you in my office tomorrow." Luscious walked with long strides after that, leaving her with complicated feelings.

'It's nice meeting me?'

Does that mean, he can't remember what happened between them? He can't remember her?

Angel bit her lip, and laughed sarcastically.

He can't remember her. 

She was a virgin when Luscious took her. He's been gentle with her, kahit pa sinabi nitong hindi ito naging gano'n kailanman sa pakikipagtalik. Angel felt special that time. He was looking at her when they made love!

'No. It's just sex! Just plain sex!'

Napasabunot siya sa sariling buhok. Sabi na nga ba at tama ang hinala niya. It's obviously nothing to him. It's obviously just sex for him! Sa dinami-rami ng nai-kama nito ay ano ba ang pinagkaiba niya sa mga iyon? She's just one of those who willingly parted their legs for that brute.

But why the h*ll it pained her heart? Why the hell her heart ached with the thought of Luscious, not remembering her.

Angel shook her head with complex emotions. Maybe it's just her ego. Yes! It must be just her ego.

Mabilis siyang bumalik sa sariling sasakyan habang humihinga ng malalim. Nagpupuyos siya sa galit at hindi niya rin malaman kung bakit.

Muli siyang natawa nang may pangu-uyam para sa sarili.

Sino ba ang niloko niya? Malamang ay sarili niya lang rin.

Who would've thought that the high and mighty Angel Buencamino would be slapped that hard? Parang sinampal sa kaniya ang katotohanang wala lang ang buong pagkatao niya. 

She worked hard to gain respect, and be successful in the industry. Hinahangaan siya ng maraming tao dahil kahit babae siya ay napakarami niyang nagawa. And h*ll! She was the queen at the top of Buencamino Empire! She was able to make a name in the industry of business. She was successful, smart, gorgeous, and all. Napakaraming lalake ang ginustong makuha siya. But Luscious just stomped on her pride like it's nothing. 

She would be a laughing stock to people once  they found out what happened to her. 

'G*go!'

Bakit sa dinamirami ng lalake sa mundo ay ito pa ang inalayan niya ng sarili? Dito niya ibinigay ang pagka-birhen na iningatan buong buhay niya!

Magulong-magulo ang isip niyang umuwi sa penthouse nila ng mga kaibigan. Hindi siya pwedeng makita ng mga ito sa ganitong estado kaya naman pinanatili niya ang pekeng ngiti sa mukha. 

Ilang beses muna siyang huminga para kalmahin ang sarili bago pumasok. Ngunit nang mapagtanto niyang hindi pa rin nakakauwi ang mga ito ay mabilis siyang nagtungo sa sariling kuwarto. 

She wanted to let out her frustrations so bad! Angel planned to take a cold shower and calm herself. Mabigat pa rin ang loob niya sa mga nangyare kanina. 

Angel shouldn't be affected right? Dapat wala sa kaniya kung hindi man siya nito maalala. It's actually better that way, yeah? Dapat nga ay masaya siya ngayon. Kung magka-anak man siya, hinding-hindi ito maghahabol and the only reason why she had s*x with him is because Angel wanted a baby. 'Yon lang!

Hinayaan niyang tumama sa kaniyang mukha ang malamig na tubig na nagmumula sa shower. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, ngunit mukha ni Luscious ang pumapasok sa kaniyang isipan.

Ganito ba siya ka-apektado dahil hindi siya nito maalala? He made her feel like she was nothing. Like she's not the Angel Buencamino who used to be admired. 

She fisted her knuckles, while leaning on the cold wall inside the shower. Namamalisbis ang malamig na tubig sa kaniyang katawan.

Now she's thinking of making him realize who she really is. And that she is not like those girls he just bed for a night. She's more than that! D*mmit!

Angel was already expecting it to be messy, but she doesn't care! Luscious messed with her pride and dignity. And she will never let him get a way with that!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status