Share

CHAPTER 6.1

MAAGANG NAGBIHIS at nag-ayos si Angel sa araw na iyon. Today is her final interview to be Mr. Walton's secretary. Kailangang makuha siya sa trabaho upang matupad ang plano nilang magkakaibigan na sinimulan niya.

She's wearing a simple red dress na pinaresan niya ng puting stilleto. Pinusod niya lang rin ang medyo may kahabaang buhok. She wore a very light makeup with a bright red lipstick.  

Muli niya pinasadahan ang sarili sa salamin ng may ngiti sa labi.

'Ang ganda mo talaga, Angel!'

She giggled at the thought. 

Nauna nang umalis ang kaibigan niyang si Joy upang asikasuhin ang annulment nito sa asawa. Samantalangsi Jasmine naman ay abala sa paga-asikaso sa charity event ng Buencamino Empire. Ito na ang hinayaan niyang tumulong sa event ng kaniyang kompanyang itinayo para sa pamilya.

Nakapokus ang pagtitipon na 'yon para sa iba't ibang charities na tinutulungan ng kaniyang kompanya. She's very devoted in helping those people in need. Naranasan niya kasi ang hirap ng buhay magmula nang bata pa lamang siya. Kaya gano'n na lamang ang kagustuhan niyang tumulong rin sa iba. Bukod rito, hindi niya rin naman madadala sa langit ang lahat ng pera. And she's happy to share her blessings. It's fulfilling.

Karaniwang ang bunsong kapatid niyang si Andrea ang nagaasikaso nito. Ngunit mabuti na rin na katulong nito ang kaibigan niyang si Jasmine ngayong taon.

Nagmamadali siyang tinahak ang elevator habang abala sa pagtipa sa kaniyang telepono. Kaya naman hindi niya na namalayang may lalake palang pasalubong sa kaniya dahilan para mahulog ang mga papeles na hawak.

"I'm sorry," paghingi niya agad ng tawad habang hindi nakatingin rito. Kasalanan niya naman dahil hindi siya tumitingin sa daan. 

Masyado siyang abala sa paga-ayos ng ilan sa mga papeles niyang nahulog sa sahig. Pagkatapos, agad rin siyang tumayo at umalis pagkatapos no'n. Ni hindi niya na nagawang tapunan  ng tingin ang lalakeng nabunggo. Male-late na siya sa kaniyang interview kaya naman kailangan niya nang magmadali. Lagi pa namang traffic sa Pilipinas.

Mabilis niyang pinatakbo ang kotse papunta sa building ng kompanya kung saan siya magtatrabaho. Ngunit nang makapasok siya sa loob ay may humarang sa kaniyang babae na kung titingnan ang itsura ay mukhang hindi nalalayo ang edad sa kaniya.

Ngumiti siya rito. "How may I help you, Miss?" magiliw niyang tanong rito.

"Kayo po ba si Miss Buencamino, Ma'am?" tanong nito na may magiliw na ngiti sa labi.

Naguguluhan man ay nagawa niya pa ring tumango sa dalagang kaharap.

"Ako nga. Bakit?" Inisip niya na lang na baka may kinalaman ito sa kaniyang ina-apply-ang trabaho.

"Your final interview will be in Your Taste Bud's Restaurant, Ma'am. Just ask for Mr. Walton's reservation."

Mabilis na nagunot ang kaniyang noo sa narinig. Kailan pa naging sa restaurant ang interview para sa mga aplikante ng isang kompanya? This is weird.

'Really weird.'

"Ah gano'n ba? Salamat ha." Ngumiti na lang siya rito kahit naguguluhan pa ring lumabas ng gusali.

Pagkapasok sa kaniyang sasakyan ay agad naman siyang nagmaneho papunta sa restaurant na sinabi ng babae. She's still puzzled. Dapat sa HR ang diretso niya kanina, ngunit andito siya ngayon nagmamaneho patungo sa restaurant na sinabi sa kaniya ng babae kanina. At sino palang naga-antay sa kaniya ro'n? Is it the head of HR or Mr. Walton. Nagkibit na lamang siya. She will just ask for Mr. Walton's reservation. Iyon lang din naman ang sinabi sa kaniya ng dalaga.

Angel was stuck in the traffic for twenty minutes, and she felt so irritated. Nakahinga lang siya ng maluwag nang umusad na ang trapiko.

Ilang minuto lang at nakarating na siya agad sa Your Taste Bud's Restaurant na ipinagpapasalamat niya.

Agad siyang binati ng maitre de pagkapasok. Sinagot naman niya ito ng matamis na ngiti.

"Do you have a reservation, Ma'am?" tanong nito sa kaniya.

"Mr. Walton's reservation." 

"This way, Ma'am." Ikinumpas nito ang kamay.

Iginiya siya nito sa pinakadulong parte ng restaurant na may pandalawahang upuan. There was a man sitting on that table. At hindi niya malaman kung bakit bigla na lang siyang kinabahan habang papalapit rito. She felt like her breath was robbed from her lungs. Her heart was also beating wildly, like it was about to pop out from her ribcage. Nanuyo ang lalamunan niya habang pinagmamasdan ang matipunong likod ng lalake. 

 

Angel gulped to dismiss her negative thoughts. It can't be, right? Maybe her eyes are only playing tricks on her. Ilang araw niya na ring iniisip ang binatang matagal na rin nang huli niyang makita kaya maaring ito ang tila nakikita niya sa mga oras na iyon.

She unconsciously bit her lower lip. Parang tinakasan ng lakas ang kaniyang mga tuhod. Nahihirapan man ay nagawa niyang ihakbang ang mga paa. Ngunit nang makarating siya sa harap nito ay gano'n na lamang ang panlalaki ng mata niya nang mapagsino ang kaharap.

'No way.'

She was literally nailed in place. Angel gasped, and was stupefied to see the man who had been troubling her thoughts for the past days.

"Luscious," she whispered. Kahit ata ipis ay hindi siya maririnig sa hina ng kaniyang pagsambit sa pangalan nito.

It's definitely him!How can she ever forget this man? Never. Hinding-hindi niya makakalimutan ang kakisigang taglay nito kahit nakatalikod pa. Kahit ang ayos ng buhok nito ay tandang-tanda niya. 

Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya nang mga oras na iyon. She blinked enumerable, and gasped heavily. Her lips literally parted in shock. 

There must be a mistake here. 

'Yeah, that's right!'

"Miss, I don't think this is the table for Mr. Walton." She tried to compose herself not to stutter in front of the gorgeous man who made her a woman.

She was silently praying that it's just a mistake.

'Please, Lord. Let it be a mistake.'

Pansin niya ang matiim na pagkakatitig nito sa kaniya na lalong ikinalalamig ng pasmado mga kamay. 

"There's no mistake, Ma'am—"

"You can leave now." Luscious said in a very cold and authoritative manner. 

Para siyang nabato nang marinig ang baritong boses nito. Mabilis namang tumalima ang babaeng tila naguguluhan rin sa sitwasyon. Napa-atras siya nang kusa nang mapansin ang intensidad sa mga titig nito.

Nang silang dalawa na lang ay lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso, marahil dahil sa labis na kaba. She doesn't know where to look or stand. Nakatatak na sa isip niya na dapat hindi na sila magkita pa ng binata, pagkatapos ng gabing mainit nilang pinagsaluhan. 

Angel bit her lower lip when Luscious stared at her. Pakiramdam niya ay tagos sa buto ang pagkakatitig nito sa kaniya. 

He looked so cold and distant— intimidating and rude, which very far from the man who pleasured her in his bed.

Kailangan niya na bang tumakbo para takasan ito? Yes! That's right! That's what she has to do! Kung hindi siya tatakbo ngayon palayo rito ay makakandaleche-leche ang plano niya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status