Share

CHAPTER 7.1

NAABUTAN ni Angel na maagang nagluluto ang kaibigang si Joy.

Mukhang maaga rin itong nagising kagaya niya.

"Ang aga ha." Joy beamed at her.

"Yeah, first day," she replied with a shrug.

"Oh, as Ms. Secretary." JOY chuckled. "Malapit na 'tong maluto saglit lang." Muli nitong hinarap ang pini-pritong bacon. 

Hindi niya naramdamang naka-uwi ito kagabi dahil maaga rin siyang nakatulog. Her thoughts was occupied for the whole night. Kailangan niyang umisip ng paraan para hindi masira ang kaniyang na-unang plano nang dahil lang sa susunod na gagawin niya.

Hindi pa nasasabi ng dalaga sa mga kaibigan ang nangyare sa kaniya kahapon. Siguro ay sa ibang araw na lang rin. May kaniya-kaniya silang problemang ina-ayos, kaya ayaw niya nang dumagdag pa sa mga iniisip nito. Joy was busy with her annulment, while Jasmine was working with her relationship with Kaj. And there's she, complicating her life, just because of what happened yesterday. She's so affected, at alam niyang hindi siya matatahimik hangga't walang ginagawa. 

Angel sighed audibly. Her shoulders slumped.

She skipped dinner last night, and now she's starving to death.

Ilang minuto pa ang nakalipas nang maghain na ng pagkain si Joy. Inayos niya na kanina ang hapag habang inaantay itong matapos magluto. Mabilis siyang nagsandok para sa sarili at inumpisahan nang kumain. Umiiling namang nakatingin sa kaniya ang kaibigang tahimik ring kumakain sa harap niya.

"Kamusta ang lakad mo kahapon?" kapagkuwan ay tanong niya kay Joy.

"I went to his office to make him sign the papers, and he didn't." Halata ang iritasyon sa mukha nito bago uminom ng sariling kape. "Alam mo bang pinunit niya pa sa harap ko 'yong annulment papers namin, bwisit! Leche talaga ang hinayupak na lalakeng 'yon! Why can't he just let me go? Magkaniya-kaniya na lang kami nang magawa niya na ang gusto niya sa buhay!" asik nito na halos mapalundag siya sa gulat nang pabagsak nitong inilapag ang baso.

Napangiwi siya habang pinagmamasdan itong pinagpipira-piraso ang bacon sa plato. Pati walang kamalay-malay na pagkain ay nadadamay sa init ng ulo ng kaniyang kaibigan.

Angel puffed a loud breath. "Anong sabi mo sa kaniya?"

Uminom muna ito ng tubig at pabagsak na inilapag muli ang baso na ikinagiwi niya.

"Of course I told him that I'll do every f*cking thing to get my marriage nullified, with him!" Joy roared as if her husband can hear her. Her lips we're even trembling in anger.

"Kumalma ka, Joy. Ipapaalala ko lang hindi ako ang asawa mo." She rolled her eyeballs heavenwards.

"Eh kasi naman nakaka-stress!" Halos mapasabunot sa ulo nitong sagot sa gigil.

'Pinakasalan mo eh. Edi magtiis ka.'

Gusto niyang sabihin sa kaibigan, ngunit pinili na lang manahimik.

"Saan nga pala si Jas? 'Di ko pa nakikita 'yon ha? Wala rin sa kwarto." nakakunot na tanong nito kapagkuwan. Mas kalmado na ito kumpara kanina.

"Malay ko. Baka kasama ni Kaj. Alam mo namang marupok 'yon pagdating sa lalakeng 'yon," walang kabuhay-buhay niyang wika rito. "Malaki na siya. Alam niya na ang tama sa mali," dagdag niya pa sabay buntong-hininga.

"Sa tingin mo anong ginagawa nila?" Joy narrowed her eyes while wiggling her eyebrows. Tuluyan na itong huminto sa pagkain habang matamang nakatingin sa kaniya.

She laughed softly. "Hmm, I don't know. Maybe doing the nasty?" natatawa niyang biro rito.

"Oh my God! We should tell Jas to use protection!" 

Tuluyan na siyang malakas na natawa sa itsura nito. Joy looked so worried, yet funny. She's even biting her fingernails.

Tumayo siya at naghugas ng kamay para makapasok na sa opisina. May oras pa naman dahil maaga pa, ngunit napagdesisyunan niya nang pumasok na lang. Angel wanted to impress Luscious at the back of her mind. And she doesn't even know why? Maybe because she wanted him to see that she's a professional. 

Bumalik siya sa kusina para maghanap ng pwede niyang baunin sa trabaho. Hindi kasi siya sanay na lumalabas pa para kumain tuwing breaktime. She's too lazy for that. Hindi rin niya ugaling tumayo habang hindi pa natatapos ang mga dapat niyang gawin. 

She looked for snacks inside the refrigerator, but there's none. Napasimangot na lang siyang bumaling sa cupboard. Agad naman siyang napangiti nang makitang may wheat bread doon.

'Pwede na 'to.'

She will just buy ice cream later for this.

Naguumpisa nang magligpit ng pinagkanan si Joy nang mahagip niya ito ng mata. Magtanim siyang tulungan ang kaibigan, ngunit ito na ang tumanggi.

"Lumayas ka na, gaga. Baka madumihan ka pa. Ako na ang bahala manermon kay Jasmine paguwi no'n." Joy smiled warmly and nodded.

"Yes boss! You're welcome!" Angel grinned.

"Oo na... lumayas ka na nga! Madapa ka sana!" sigaw nito sa kaniya habang pa-akyat siya ng sariling kwarto.

Napa-iling na lamang siya rito.

Inayos niya muna ulit ang sarili at nagsipilyo. Mabilis niyang kinuha ang bag kasama ang cellphone at susi ng kotse bago bumaba. Naabutan niya pa ang kaibigang nanonood sa sala habang tila malalim rin ang iniisip. It must be her husband. Angel sighed and shrugged before waving goodbye to Joy.

MABILIS SIYANG nakarating sa building ng kompanya kung saan siya magtatrabaho. Napakataas no'n at mababali ata ang leeg niya kung titingalain. Wala masyadong traffic dahil maaga siya kaya naman sandali lang ang kaniyang naging biyahe. Bukod rito, malapit lang ang penthouse nila rito. 

Angel gracefully walked towards the elevator, and pressed the highest floor. Doon ang opisina ng kaniyang magiging boss. Huminga muna siya ng malalim at simpleng ngumiti. Pagtigil ng elevator ay agad siyang lumabas. Pansin niya ang tingin ng ibang mga empleyado ng kompaniya, ngunit nagkibit-balikat na lamang siya. Bagong mukha ang dalaga rito at walang ni isang kilala, kaya hindi na nakapagtatakang mapansin siya ng iba. 

Simple lang niyang nginingitian ang mga nakakasalubong habang naglalakad. Angel noticed how men looked at her, while their eyes are glimmering. 

She's a beauty, that's why she already became used to this kind of attention. Hindi niya rin naman alam kung namumukaan siya ng mga ito. She's a very famous engineer, that's why her face has been all over in business magazines. Ilang beses na rin siyang na-feature sa Power Women's Magazine. And this particular magazine features young and successful ladies like her. 

Nang makarating siya sa harap ng pinto ng opisina ni Luscious ay napansin niya agad ang magiging desk sa gilid nito. It looked simple yet classy. May pinto sa gilid nito na malamang ay restroom.

Her eyebrows knotted when a handsome man came out from 'the door'. He's wearing a simple white shirt tucked in his black fitted jeans. Nakasuot ito ng leader jacket, ngunit halata pa rin niya ang matipunong braso at balikat nito. The man was gym buffed. 

Ngunit ang ipinagtataka niya ay nang maupo ito sa upuan na dapat ay para sa secretary ni Luscious, at siya 'yon. Napailing na lamang siya bago maglakad palapit rito.

Angel deliberately cleared her throat audibly to get the man's attention. Agad naman itong bumaling sa kaniya na bahagyang naka-awang ang mga labi. She saw his eyes glistened in admiration staring at her. This handsome guy found her beautiful. Angel smiled at the thought. Maganda naman talaga siya.

Tipid siyang ngumiti rito."Good morning. Can I ask a question?" 

The man blinked twice, and shook his head. "Good day, beautiful! You're already asking a question, but sure you can again, for as long as you want."

She wanted to roll her eyes, and make face because of what the man said, but opt not to. Ayaw niya namang may umayaw sa kaniya agad na kapwa empleyado sa unang araw niya. She's a girl with a very feisty attitude towards other people, but she'll try to be nicer. 

"I am—"

"Of course I know you, Ms. Secretary!" pagputol nito sa kaniyang sasabihin. "Ikaw ang papalit sa akin. I'm still wounded as to why Luscious suddenly called me saying he doesn't need me anymore." He huffed a loud breath. "That friend of mine is just so unbelievable. He dumped me like I was someone he just bed!" The man sighed melodramatically.

Napangiwi siya sa huli nitong sinabi.

'Someone he just bed? Dumped?'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status