Share

Caenaella Solace
Caenaella Solace
Author: MysteryMaskGirl

Prólogo

Jaffen Emmanuel Valiente Jr.

Ang malakas na tunog ng bawat kumpas ng mabilis na takbo ng kabayo ang tanging malinaw na tunog sa aking kapaligiran. Unti unti ay hindi na naging malinaw sa akin ang itsura ng malawak na plantation ng pinya sa magkabilang gilid ko. Isang tipid na ngiti ang unti unting namutawi sa labi ko at mas lalong ginanahan na mas lalong ibilis sa pagtakbo si Bruno.

Mahigpit kong hinawakan ang lubid na halos lumuwa ang mga ugat ko sa magkabilang braso. Paulit-ulit na kinabig ito habang taas-baba ang dibdib sa hingal ko. Isang ngiting tagumpay ang agad na namutawi sa labi ko nang marinig ang naiiritang boses ng kapatid kasama ang ibang pinsan ko kasabay sa maiingay na tinig ng bawat mabilis na kabig ng mga sinasakyan naming kabayo.

"Maganda--" hindi ko na halos marinig ng klaro ang bati ng mga nadaanan naming grupo ng trabahador sa halip ay tumawa ako at kinapay ang kaliwang kamay upang tugon sa kanila.

"Magandang umaga, mga Señorito!" kahit malayo at nagmistulang tinig ng mga batang paslit ay narinig ko pa rin ang isa-isang bati ng mga trabahador sa mga kalaban ko.

Natawa na naman ako sa kakaibang galak na nararamdaman ko.

"Madaya ka, Kuya!" rinig kong sigaw ng kapatid ko na si Josief na nasa malayong baba pa rin kasunod ang tatlong nagtatawanan kong mga pinsan kung saan ang nakahilerang palayan ng pinya nang sa wakas ay mahigpit kong kinabig si Bruno, ang aking kabayo upang matigil ito. Una kong narating ang tuktok ng burol na nasa pinakahuling parte na ng aming hacienda. Hingal na hingal ay tumungo ako upang mahimas ko ang ulo ni Bruno.

" ¡gracias, amigo." ngiting tagumpay na bulong ko sa kaibigan.

Nahagip ng mata ko ang nasa babang parte kung saan ang boundary ng lupain namin at ng kabilang hacienda. May maliit na lupain ng puting rosas ang naroon sa amin. Kunot-noo ko iyong tinignan na nagtataka dahil ngayon ko lang talaga nakitang mamulaklak ang mga tanim doon. Matagal na nang huli akong napunta sa gawi rito dahil mahigpit na pinagbawal nina Abuelita y Abuelito ang mapadpad sa gawing ito. Hindi ko alam kung bakit at anong dahilan pero ang sabi-sabi ng mga tauhan tuwing nasa labas ng Hacienda ay may matagal ng alitan ang aming pamilya at ang sa kabila na hanggang ngayon ay hindi pa rin na reresolba.

Minsan ko nang itinanong iyon kay Abuelita Veronica pero ang paulit-ulit na sagot niya lang ay,

"familia semper est prius, Mijo. Familia super cor."

Hindi ko maintindihan dahil hindi naman yun ang  gusto kong sagot sa tanong ko pero sinusubukan ko nalang intindihan. I know our family's consigna, and I always took it by heart. And I respect that. Besides, I don't really care with whatever feud they have. As long as no one's physically hurting anyone then I'm good.

Kitang kita dito sa pwesto ko ang dulo rin ng taga kabilang Hacienda na puno naglalakihang kahoy ngunit sa kabila roon ay mas isang abandonadong puting Casa ang naroon di kalayuan lang sa mga bobwire na naghahati sa mga lupain ng dalawang pamilya.

Mula sa loob ng abandonadong puting Casa ay bahagya akong nagulat dahil may biglang lumabas na batang babae na naka puting bestidang pantulog pa. Bahagyang umabanti si Bruno kaya pinigilan ko na naman ito nang hindi na nakatingin dahil nakapako na ang mga mata ko sa kakaibang ngiti na meron sa labi ng batang babae na iyon.

Tinagilid ko ang ulo at pinaningkitan siya ng mata dahil para talaga siyang nagliliwanag... o nanabaliw lang talaga ako?

"Hermano" rinig kong tawag na namggaling sa likuran ko na sinundan ng hagalpak na tawa at hingal ng mga pinsan ko.

"Damn! Nakakapagod ah!" hingal na reklamo ni Joshua sabay tawa. I look their way and I suddenly felt relieve that I was able to take my eyes away from that girl.

¡Mierda!

What the hell just happened?

Unti unti ay binalik ko ang tingin sa gawi ng taga kabilang hacienda nang magkwentuhan at nag-asaran na ang mga pinsan ko.

And their I saw that young girl again. Pero nangunot na ang noo ko ng wala na siya sa bulwagan ng Casa kung saan siya nanggaling bagkos ay nasa harap siya ng maliit na ilog na naghihiwalay sa amin lupain na maabot ang lupa ng isa't isa bago ang mga bobwire na naghihiwalay sa ilog at sa taniman ng puting rosas namin. Nandun lang siya at nakangiting nakaharap sa taniman ng aming puting rosas habang sinasayaw ng mabining hangin ang kaniyang puting bestida at ang mahabang itim na buhok.

Napalunok ako at pikit matang napailing habang pilit na nilisan ng tingin ang batang babaeng iyon.

Bata. Sa tingin ko at nasa 12 o 13 taong gulang lang siya na ibig sabihin ay kasing edad lang ng pangalawang kapatid ko.

Naramdaman kong tumabi sa akin ang 13 years old kong kapatid na si Josief na apat na taon lang ang agwat sa edad ko. Nakita ko sa gilid ng mata ang pagbaba niya sa kabayong sinasakyan at pumwesto sa uluhan nito tsaka ito hinimas-himas.

"Anak ng mga Felicidad iyan, Kuya. Yung sa babaeng anak ng pamilyang Illustracion, yang mga taga kabilang Hacienda."

"Kilala ko kung sino sila." may halong inis na wika ko sa kaniya. Buti nalang at mukhang di niya napansin.

"Batchmate ko yan ngayon, home-schooled daw sila ng kambal niya noong mga nagdaang school years, Kuya at ngayong Senior High lang nakalabas sa lungga nila."

"Home-schooled?" mahinang ulit ko sa sinabi niya at kunot-noong binalik ang tingin sa babaeng nakangiti pa ring nakaharap sa ilog habang tinatanaw ang taniman ng puting rosas namin.

"Medyo mailap din sa mga lalaki at mahiyain kaya hindi namin gaanu nakakasalamuha."

"Minsan lang yan sila lumalabas sa Hacienda nila eh kaya wala gaanong kaibigan na taga labas." dugtong siya pa.

"Walang kaibigan?" gulat na napabaling ako sa kapatid. Masyado naman yata kung walang ni isang kaibigan.

"Meron naman. Yan," sabay turo niya sa banda nung batang babae, "...may dalawang kaklase yan na madalas niya kasama. Yung Amia at Farrah yata?" kibit-balikat niya pa. Bahagya kong hinila ang lubid sa kamay upang pigilan ang paglikot ni Bruno nang balingan ko ulit ang direksyon noong batang babae.

Nga naman. Parang imposibleng walang kaibigan ang babaeng ito dahil masyadong inosente at di makabasag pinggan ang mistulang nagliliwanag na mukha.

Purong ngiti ang namutawi sa kaniyang mapupulang manipis na labi habang tinatanaw ang payapang tanawin sa kaniyang harapan at sa nakahilerang puting rosas sa aming lupain. Rinig kong nagpaalam na si Josief at niyaya ang mga pinsan namin sa paunahan na naman na makarating sa aming Mansyon ngunit hindi ko na muna pinansin iyon at nanatili nalang sa burol.

Biglang tumalikod ang babae na sinundan ko naman ng tingin. Umakyat siya ulit sa balkonahe ng puting Casa at doon muling pumwesto sa pagtanaw sa kaninang tanawin niya. Tipid na napangiti ako nang mapagtanto na mas klaro ang pagtanaw niya sa mga puting rosas na siyang nagpangiti na naman sa kaniya.

Tutok na tutok ang mga mata ko sa batang babae na hindi pa rin tapos sa pagpapasada sa magandang tanawin na kanina niya pa tinatanaw. Sa layo namin ay nakita ko pa rin ang kaniyang pagbuntong hininga bago pikit-matang humilig sa  pundasyon ng kanilang puting Casa na may ngiti sa labi.

Siguro iyon yun. Ang kaniyang ngiti, inosenteng mata at di makabasag pingan na itsura ang nag uudyok sa akin lage na bumisita sa parteng iyon ng aming hacienda, upang masilayan siya at ang kaniyang ngiting mistulang nagpapaliwanag lalo sa harden ng puting rosas.

Sa mag-iisang buwan kong bakasyon sa aming hacienda ay walang araw akong minimintis upang pumunta roon tuwing umaga.

Ngunit gaya ng lahat ng bagay ay nagtatapos fin ang isang buwan kong bakasyon sa Hacienda.

Huling umaga ko doon bago ang pag alis ko ay bumalik ulit ako sa burol, umaasang makita ang ngiti niya. Ang inosenteng mukha na may purong ngiti sa labi na lagi akong dinadalaw kahit nakapikit ang mga mata.

At hindi nga ako nabigo. Napangiti ako ng makita naman siyang bumababa galing doon sa balkonahe ng puting Casa.

I wondered if she's living there.

Ayun na naman at nakaharap na naman siya sa ilog na naghihiwalay sa aming taniman ng puting rosas upang maabot niya. Bahagya muma niyang pinasadahan ng tingin ang mapayapang ilog sa harap bago tumingin sa magkabilang gilid niya na parang sinisigurado na walang nakakakita sa kaniya, at tsaka tumingkayad para masilayang ang mga puting rosas. Napangiti ako ng agad siyang napasimangot nang tumigil siya sa pagtingkayad.

Ang pag-nguso ng kaniyang labi habang parang may hinahanap sa paligid ay nagbigay na naman sa akin ng kakaibang pakiramdam. Nang bigla siyang tumalikod at tumakbo papasok sa loob ng Casa nila. Nanlumo aki dahil inagahan ko ang pagpunta rito sa burol dahil umaasang mapatatagal ang pagsilay ko sa kaniya ngunit siya naman ang agad na umalis.

I was about to turn around and go back to the mansion with an unexplainable heavy heart when I saw her came out of the house with a wooden chair on her hands. Nangunot ang noo ko ang napabaling sa gilid ang noo dahil sa pagtataka sa ngiti-ngiting mukha niya habang hirap na dinadala pababa sa labas ng Casa ang malaking wooden chair na iyon na mukhang galing pa sa Dining area nila.

Napailing ako at bahagyang natawa ng ipuwesto niya iyon sa lugar kung saan siya madalas na nakatayo sa tapat ng ilog. Ngiti-ngiting pumalakpak siya nang makontento sa pag-aayos sa bangko niyon.

Bigla ay parang gusto kong lumapit upang alalayan siya nang makitang muntik na siyang mahulog sa unang pagsubok niya sa pag-akyat sa bangko. Kumapit siya sa gilid ng bangko tsaka tumingin muli sa paligid niya. Nang masigurong walang tao na abot sa kaniyang tingin ay tuluyan na siyang umakyat sa bangko.

Isang matamis na ngiting tagumpay ang namutawi sa kaniyang labi ng mas klaro na niyang nakikita ang nasa bakod namin, ang paborito niyang mga puting rosas.

Ilang minuto ko siyang pinagmamasdan habang tinatanaw niya at pinapasadahan niya ng tingin ang kaniyang harapan na may ngiti sa labi. Nahahawa naman ako sa ngiti niyang iyon nang hindi ko namamalayan.

Ngunit sa isang beses niyang pagpasada hindi lang sa taniman ng puting rosas ay nagtagpo ang aming mga mata. Ang ngiting parehong nasa aming mga labi ay unti-unting nauupos kasabay ng nalakas na pagkalabog sa gulat at di ko maintindihan na kaba sa loob ng dibdib ko.

Nagtatalo ang isip at kaluluwa ko kung ipapatakbo ko na ba pabalik sa mansyon si Bruno o manatili na muna, sabagay ay ito na ang huling araw ko sa bakasyon ngayong taon at di ako sigurado kung nagkikita pa ba kami o kung ilang taon pa ang lilipas.

Napalunok ako ng hindi niya iniwas ang tingin sa akin kahit na lumipas na ang ilang minutong nagkatitigan kami at seryoso na ang kaniyang ekspresyon, wala na ang kaninang puro at matamis na ngiti sa kaniyang labi.

Naalala ko bigla na may matagal ng alitan ang aming pamilya sa isa't isa at baka namana niya ang galit niyon sa kaniyang nga Abuelo. Ngunit hindi rin naman matalim ang kaniyang mga mata o kahit kunot-noo o di kaya ay nakataas ang kilay para magtaray bagkos ay... nakatingin lang talaga.

Walang ekspresyon. Walang ngiti. Walang kahit na ano kahit sa mata niya.

Ayun lang siya at nakatayo sa bangko habang sinasayaw ng mabining hangin ang off-shoulder niyang puting bestida kasabay ng pag-alon ng kaniyang mahabang itim na itim na buhok at nakapaa lang. Bahagyang nagtaasan ang aking balahibo at namumungay ang matang nag-iwas ng tingin ng hindi ako halos makahinga sa intensidad ng tingin niyang iyon.

Para siyang nakalutaw na anghel na walang pakpak sa taniman ng puting mga rosas na nakatanaw sa malayo habang napapalibutan ng naglalakihang kahoy at isang malaking medieval-style na puting Casa sa kaniyang likurang gilid at ang harap ay ilog.

She was just... too much.

I tried to look her way again, hoping she was no longer looking back. But then, I was wrong.

Nakatingin pa rin siya tulad kanina ngunit may tilid ng ngiti sa labi. Agad na kumalabog ang dibdib ko at talagang nalaglag ang panga sa ginawa niya.

I was too amazed and mezmerize when suddenly I heared my phone ranging. I look at it and it was fron my brother.

And there I knew my time has ended, I look back again at the young girl only to see her back.

Patungo na siya sa daan sa mga naglalakihang puno. Siguro ay pabalik na siya sa sentro ng kanilang hacienda. Isang matamis na ngiti ang hindi mawala sa labi ko habang tinatanaw ang kaniyang pigura na unti unting naglaho sa mga naglalakihang puno.

Hanggang sa tuluyan ng nawala ang bakas ng puting bestida niya sa tahimik na lugar na iyon.

Kinabig ko paliko sa daan pabalik sa mansyon si Bruno at buong lakas na pinatakbo siya na may kakaibang ginhawa at tuwa sa loob-loob ko. At habang sinasalubong ang mabining hangin sa aking mukha ay bumaha ng mga baka sakali ang akin isip.

Paano kung sa mga nagdaang araw ay nagkaroon ako ng lakas na loob na lumapit sa kaniya? Paano kung nakipag-kaibigan ako? Taon ang magdadaan panigurado bago kami ulit magkikita at hindi ko alam kung anong mangyayare sa mga taon na iyon. Maaring maimpluwensiyahan siya sa galit ng pamilya niya sa aming pamilya.

At maaring sa pagbalik ko ay hindi na siya dadalaw sa abandonadong Casa nila na iyon. Maaring hindi na siya maaliw sa hardin ng aming puting rosas. Maaring hindi na mamulaklak ang nga puting rosas na iyon. At maaring sa pagbalik ko ay marami ng pagbabago.

Paano kung... paano kung... wala na ang matamis at purong ngiti na iyon?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status